Disyembre 2007
Ang Patuloy na
Sakit sa Baga
(Chronic Obstructive
Pulmonary Disease
[COPD]) ay
ang ikaapat na
pangunahing sanhi ng
kamatayan sa Estados
Unidos.
Higit sa dalawang
milyong Amerikanong
may edad na 65
pataas ang may
hika, at noong 2004
mahigit sa isang
milyong may edad
ang nakaranas ng
atake ng hika.5
Mas Malusog na
Pagtanda
Mas Maayos na
Paghinga
Impormasyon para sa mga May Edad at sa mga
Tagapag-alaga nila
A lam ninyo ba na ang
COPD ang ika-apat na
pangunahing sanhi ng
pagkamatay sa Estados
Unidos, na kumitil sa mahigit na
120,000 buhay noong 2003?1
Noong 2000, COPD ang sanhi ng
726,000 pagkaka-ospital at 1.5
milyong pagbisita sa emergency
room.2 COPD rin ang patuloy
na pagkakasakit ng brongkitis
at emphysema - mga sakit sa
baga na madalas na magkasabay.
Humahadlang ang mga sakit na
ito sa daloy ng hangin, sanhi ng
hirap na paghinga. Partikular na
nanganganib sa COPD ang mga
taong naninigarilyo. Iniuugnay rin
ito sa pagkahantad sa alikabok at
usok sa lugar ng trabaho. Kabilang
sa mga sintomas ang patuloy na
ubo, malalang pag-uuhog, paninikip
ng dibdib, pangangapos ng hininga
at hirap na paghinga.
Epektong Pangkabuhayan
ng COPD at Hika
Noong 2004, ang pangkalahatang
taunang gastos sa COPD ay humigit
kumulang sa $37 bilyon.3 Ang
gastos sa hika noong 2000 ay
humigit kumulang na $18 bilyon.4
Pangkaraniwan ang COPD sa mga
may edad at dahil dito matinding
bumababa ang kalidad ng kanilang
buhay. Habang tumatanda ang mga
baby boomers, ang bilang ng mga
matatandang maaapektuhan ng
COPD at hika ay inaasahang higit na
madaragdagan.
Mga Peligrong
Pangkapaligiran, at mga
Sanhi ng COPD at Hika
Hangin sa Labas ng Bahay
Ang pagkahantad sa polusyon
sa hangin ay maaaring maghatid
ng masidhing panganib sa mga
matatanda, lalo na sa mga may
sakit sa baga. Maaaring magpalubha
nito ang mga sakit sa baga kabilang
ang COPD at hika at maaaring
maging sanhi ng mga seryosong
epekto sa kalusugan, kabilang
ang pagpapaospital o maagang
pagkamatay. Ang ozone ay maaari
ring magpalubha sa mga sakit sa
baga at maaaring magresulta sa
pagbisita sa emergency room at
ospital.
Hangin sa Loob ng Bahay
Ang mga pollutant sa loob ng bahay
at gusali ay maaaring makapagpalala
ng COPD o hika. Marami sa mga
matatanda ang nananatili sa loob
ng gusali, madalas ay sa bahay,
halos 90 porsiyento ng kanilang
oras. Kabilang ang usok ng tabako
(direkta at segunda-manong usok),
animal dander, dust mites at mga
ipis, amag, alikabok at pollen, sa
mga pangkaraniwang peligrong
pangkapaligiran na karaniwang
sanhi ng atake ng COPD at hika.
-------
Ang mgo pollutant no noso hob ng bohoy at gusoli oy
moooring mokosomo so mgo toong may COPD o hiko.
Ang magagawa ninyo
I upang kontrolin at I
bawasan ang pagkahantad
Isa mga peligrong i
pangkapaligiran '
I
I
I
I
I
I
I
I
Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay
nakakaramdam ng mga sintomas ng COPD o hika,
kumonsulta sa doktor at sundin ang naaayong planong
medikal. Susi sa pagkontrol sa mga sakit na ito ang
pag-iwas at pagbawas sa pagkahantad sa mga peligrong
pangkapaligiran. Sundin ang mga hakbang sa pagpigil,
pagkontrol at pagbawas sa dalas ng mga sintomas tungo
sa mas maayos na paghinga.
• Iwasan ang usok galing sa tabako
• Iwasan ang usok mula sa mga kalang
gumagamit ng kahoy
• Sugpuin ang a mag, dust mites at mga ipis sa
bahay
• Huwag itabi sapagtulog ang mga alagang
hayop
• Suriin ang furnace at mga sistema sa
heating taun-taon
• Agarang pagkumpuni ng mga tulo ng tubig
• Alamin ang Tasa ng Kalidad ng Hangin (Air
Quality Index [AQI])
Bawasan ang mga panlabas na gawain hangga't maaari
sa mga araw na masama ang kalidad ng hangin. Iniuulat
ng AQI kung gaano kalinis ang hangin at kung ito ay
makakaapekto sa inyong kalusugan. Kung nakakagamit
ng Internet, makakakuha kayo ng karagdagang kaalaman
tungkol galing sa www.epa.gov/airnow. Kung wala
kayong computer o internet, makakakuha kayo ng
karagdagang kaalaman tungkol sa AQI sa pamamagitan
ng mga ulat ng klima sa pahayagan, telebisyon at radyo.
I
Maari ring maging sanhi ng atake ang mga
produkto ng apoy galing sa langis, gas,
kerosena, at karbon at mga materyal sa
konstruksyon at mga bagay na gawa ng
mga siniksik na produktong kahoy. Ang mga
pestisidyo, mga produktong panlinis, at mga
bagay na may matapang na amoy ay maaari
ring magpalubha sa mga sakit na ito.
Kumuha ng karagdagang
kaalaman tungkol sa Inisyatiba
sa Pagtanda ng EPA
Hangarin ng Inisyatiba sa Pagtanda na
pangalagaan ang kalusugang pangkapaligiran
ng may edad sa pamamagitan ng ugnayan
ng pananaliksik, mga istratehiya sa pag-
iwas at pangkalahatang edukasyon. Para sa
karagdagang kaalaman tungkol sa Inisyatiba sa
Pagtanda, bisitahin angwww.epa.gov/aging
Maaari ring i-download mula sa website ang
poster na pinamagatang "Mas Malusog na
Pagtanda, Mas Maayos na Paghinga" tungkol
sa COPD, hika at mga may edad.
Mga tala
1 Pambansang Ulat ukol sa Estadistikang
Pangkalusugan, Vol. 55, Bilang 10, Marso 15,
2007
2 Mga Sentro sa Pagsugpo at Pag-iwas sa
Sakit, U.S. DHHS (2002) Lagom ng
Pag-iimbestiga sa COPD, Estados Unidos,
1971-2000
3 Pambansang Surian sa Puso, Baga, at Dugo,
Tsart sa Mortalidad at Kamatayan, 2004
4 Pundasyon sa Hika at Allergy sa Amerika.
Gastos sa Hika sa Amerika. http://www.aafa.
org/display.cfm?id=6&sub=63&cont=252
Initiative
Tagalog translation of: Age Healthier Breathe Easier
Publication Number EPA 100-F-07-049
------- |