Hunyo 2008
Ang mga panganib
sa kapaligiran ay
makapagdudulot
ng sakit sa puso
at "stroke."
Kailangang
bawasan ng mga
matatanda ang
pagkabilad sa
mga panganib sa
kapaligiran tulad
ng masamang
hangin, "arsenik",
tingga at
matinding init
Ang mga Panganib sa Kapaligiran
ay Nakapagdudulot ng Matinding
Panganib sa Puso
Impormasyon para sa mga May Edad at sa
mga Tagapag-alaga nila
lam ba ninyo na ang mga panganib
sa kapaligiran ay makapagdudulot
ng sakit sa puso at "stroke"? Ang
mpormasyong ito ay nagbubuod
kung papaano maaapektuhan ang kalusugan
ng mga matatanda ng mga sanhing pang-
kapaligiran. Nagmumungkahi rin ito ng mga
paraan kung paano mabawasan ng mga
matatanda ang kanilang pagkabilad sa masa-
mang hangin at maruming tubig na maaaring
makapagdulot ng sakit sa puso at "stroke" o
makapagpalala ng mga sintomas nito. Ang
sakit sa puso na siyang pangunahing sanhi ng
kamatayan sa Estados Unidos, at ang "stroke",
na pangatlong pinaka-mapanganib na sanhi ng
kamatayan, ang sanhi ng bilyun- bilyong gastos
sa bansa bawat tabn. Ayon sa CDC, noong
2001, 700,000 katao ang namatay sa sakit sa
puso at ito ay 29% ng lahat ng kamatayan sa
Estados Unidos.
Mga kalagayan sa kapaligiran na
nakapagdudulot ng sakit sa puso
at "stroke"
Maruming Hanging sa Loob ng
Bahay
Ang mga taong namamalagi ng matagal sa
loob ng bahay ay siyang madaling talaban
ng mga epekto ng polusyon. Iminumungkahi
ng mga pagsusuri na ang mga matatanda
ay dapat lamang manatili ng 90% sa loob
ng bahay. Ang hangin sa loob ng bahay ay
magkahalong maruruming bagay galing sa
labas at mga bagay na nagmumula sa loob
ng bahay. Ang hangin sa loob ng bahay ay
maaaring naglalaman ng segunda manong
usok ng sigarilyo, mga singaw na galing sa
mga produktong panlinis ng bahay, at carbon
monoxide. Ang mga maruruming bagay na ito
sa loob ng bahay ay maaaring mapanganib,
lalo na sa taong maaaring magkaroon ng
"stroke" o sakit sa puso.
Usok ng Sigarilyo: Ang segunda-manong
usok ng sigarilyo ay isa sa pinakamasamang
hangin sa bob ng bahay. Ang paninigarilyo ay
kilalang sanhi ng sakit sa puso at "stroke". Ang
paglanghap ng parehong dosis ng segunda-
manong usok ng sigarilyo at ang epekto nito
sa taong naninigarilyo ay parehong mapinsala.
Ang kalan na ginagatungan ng kahoy at ang"
fireplace" ay maaaring makapagdulot ng usok
na naglalaman ng pinung-pinong butil ng
karbon.Ang maliliit na butil na ito ay maaaring
makapagdulot ng pananakit ng dibdib
at mabilis na pagtibok ng puso, hirap na
paghinga at pananamlay, lalong-lalo na sa mga
matatanda na mayroong sakit sa puso.1
Mga Produktong Pambahay: Kung hindi
tama ang paggamit, may mga panlinis ng
bahay na delikado sa taong may problema
sa puso. Ang singaw na galing sa mga
produktong panlinispintura, at mga pamatay-
insekto ay kinakailangan may wastong labasan.
Kailangan ding bawasan ang pagkalantad sa
mga produkting ito upang mabawasan ang
mapanganib nitong ibubunga.
Ang mga singaw na galing sa pintura, tulad
ng mga mineral, agwaras, metanol, at xylene
ay nakakaapekto sa baga at puso. Ito ay
nagdudulot ng palyadong tibok ng puso.
Bagama't ipinagbabawal na ito sa ngayon,
maraming tahanang ginawa bago 1978
ang gumamit ng pinturang may kahalong
tingga. Kailangang ng wastong pag-iingat sa
pagkukumpuni ng bahay na may pinturang
may kahalong tingga para mabawasan ang
mga piraso ng pintura o alikabok na maaaring
makapinsala sa kalusugan, katulad ng pagtaas
ng presyon ng dugo.
Madalas makalason ang pagkakabilad sa mga
nakakalason na usok o mga pamatay-insekto.
Kasama sa mga sintomas ng ganitong uri ng
pagkalason ang arrhythmia o ang paghina
ng pulso.2 Sa mga malubhang kaso, ang
-------
pagkakabilad ay maaring magdulot ng sakit sa puso o
kamatayan.
Carbon Monoxide: And carbon monoxide (CO), isang
gas na di nakikita at walang amoy, ay mapanganib na
sanhi ng polusyon dahil ito ay mahirap mapansin. Lalo
itong mapanganib sa mga taong may sakit sa puso, may
baradong mga ugat, o may pumapalyang tibok ng puso
dahil ito ay nagdudulot ng malaking hadlang sa kakayahan
ng dugong magdala ng "oxygen". Para sa taong may sakit
sa puso, ang pagkalantad sa kahit na mababang antas ng
carbon monoxide ay maaaring magdulot ng paninikip ng
dibdib, labis na pagpalya ng tibok ng puso at kahirapang
mag-ehersisyo.3 Ang mga pinagmumulan ng CO (carbon
monoxide) ay mga usok na galing sa mga pugon, mga
"heater" ng tubig na gumagamit ng gas, mga kalan, mga
"dryers", mga "space heaters", mga "fireplaces", mga kalan
na ginagatungan ng kahoy, at usok ng mga umaandar na
sasakyan na nasa bob ng garahe.
Panlabas na Polusyon sa Hangin
Makabubuti sa mga matatandang may panganib na
magkasakit sa puso at magka-stroke ang umiwas sa
pagkakalantad sa maruming hanging galing sa usok ng
mga sasakyan.
Polusyon sa Butil: Ang maliliit na butil na matatagpuan
sa hangin sa labas ay maaaring mapanganib at lalong
peligrososa mga taong may sakit sa puso, sakit sa baga at
hika. Ang mga butil na ito ay nanggagaling sa ibat-ibang
bagay katulad ng mga sasakyan, plantang pang-enerhiya,
mga usok galing sa pabrika, at mga sunog. May mga piraso
din na ibinubuga ng direkta sa hangin, at meron ding
nabubuo resulta ng kumplikadong mga reaksyong kemikal
sa papawirin. Ang mga pirasong ito ay nakapaglalakbay
ng libu-libong milya sa pamamagitan ng hangin, at
makapinsala sa mga taong nasa malayong lugar.
Trapiko: Ang oras na ginugugol sa gitna ng trapiko ay
maaari ring sanhi ng ng sakit sa puso.4 Hindi pa malinaw
kung ito ay sanhi ng polusyon (tulad ng particle pollution,
CO (carbon monoxide), ang "stress" ng trapiko, o iba pang
mga pinagmumulan ng panganib.
Mga Gas na Sanhi ng Polusyon: Ang "ozone", "sulfur
dioxide" at "nitrogen dioxide" ay mga pangunahin ding
sangkap ng polusyon sa hangin at nai-uugnay sa mga
masasamang epekto sa kalusugan. Ang "ozone" ay dahilan
ng matinding iritasyon sa baga at sa paghinga. Ito ay
maari ding magdulot ng pananakit ng dibdib na maaaring
mapagkamalang atake sa puso.
Ang Inuming Tubig
May katibayan na ang mga metal na matatagpuan sa
iniinom na tubig ay maaaring magdulot ng sakit sa puso o
nagpapalala ng mga sintomas nito.
Tingga: Ang pagkakalantad sa tingga ay maaaring
makadagdag ng pagtaas ng presyon. Kadalasan tayong
nalalantad sa tingga sa pamamagitan ng alikabok galing sa
pintura, subalit maari ding itong manggaling sa iniinom na
tubig. Bagamat ang pampublikong pinagkukunan ng tubig
ay susumunod sa mga pamantayan ng EPA para sa tingga,
ang tubig na mula sa gripo ay maaaring naglalaman ng
tingga na lampas sa antas ng EPA dahil sa pagkakaroon ng
tingga sa mga lumang tubo ng tubig.
Arsenik: Ang matagal na pagkakalantad sa mataas na
antas ng arsenic, isang likas na sangkap na natatagpuan
sa tubig na iniinom sa mga ilang na lugar sa bansa, ay
maaaring makasama sa puso. Ang EPA ay mayroong
pamantayan sa inuming tubig galing sa sistemang
pampubliko upang masiguro na ang mga tao ay hindi
malantad sa mataas na antas ng tingga Kung ang inyong
tubig na iniinom ay galing sa pribadong poso o maliit na
sistemang pangtubig, tingnan ang "Mga Hakbang na Dapat
Sundin" para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pag-iwas
sa pagkalantad sa tingga.
Kung Matindi Ang Init
Ang matinding init ay masasabing pangmatagalan kung ang
temperatura sa papawirin ay mas mataas nglOT (5.5°)
kaysa sa pangkaraniwang temperatura ng isang rehiyon.
Ang "stroke"na mula sa init ay ang pinakamalubha sa
mga epekto sa kalusugan dulot ng matinding pagkalantad
sa init. Ito ay nangyayari kapag pumalya ang sistema ng
katawan sa pagkontrol ng temperatura at nagdudulot ng
mabilis na pagtaas ng temperatura sa bob ng katawan.
Ang palatandaan ng "heat stroke" ay ang ma init; tuyot at
namumulang balat at kawalan ng pawis. Ang iba pang
palatandaan ay ang pagkalito at halusinasyon. Ang "heat
stroke" ay isang malubhang kondisyon na nangangailagan
ng mabilisang atensiyong medikal (tumawag sa 911 o
dalhin ang tao sa "Emergency Room"). Kung pababayaan
at hindi magamot, ang"heat stroke" ay maaaring magdulot
ng malubha at permanenteng pinsala sa mahahalagang
bahagi ng katawan, permanenteng kapansanan o
kamatayan.
Ang mga taong may sakit sa puso at "stroke" ay may
mahinang mekanismo na nagpapalamig ng katawan at
madaling ma-aapektuhan ng init sa panahon ng tag-init.
May mga gamot na maaaring makapagpalala dito, tulad
ng gamot kontra=depresyon at iba pang mga "circulatory
medications".
Kung mainit ang panahon, ang "air-conditioning" ay siyang
pinakamabisang proteksyon sa mga sakit o kamatayan
na dulot ng init. Ang ilang oras lamang na pamamalagi
sa bob ng isang malamig na kuwarto ay nakakabawas
ng malaki sa matinding epekto ng init. Pinatunayan ng
ilang pagsasaliksik na ang bentilador ay mabisa lamang
na gamitin kung ang temperatura sa kapaligiran ay mas
mababa sa temperatura ng katawan ng tao. Ang mga
bentilador ay maaaring magbigay ng ginhawa, ngunit kung
ang temperatura sa kapaligiran ay nasa 90°, ito ay hindi
makakapigil sa sakit na dulot ng init at kung minsan ay
maaaring makasama pa ito.
-------
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
Mga Hakbang Para Maiwasan ang
Pagkaroon ng Sakit sa Puso at "Stroke"
Ang malusog na pamumuhay ay ang pinakamabisang paraan
sa pag-iwas sa sakit sa puso at "stroke". Dapat na limitahan
ng mga matatanda ang pagkakalantad sa mga kapahamakan
sa kapaligiran at himukin ang mga pamahalaang iokal
na gumawa ng mga hakbang para mabawasan ang mga
kapahamakan sa kapaligiran.
Bawasan ang Pagkalantad sa mga Sanhi ng
Kapahamakan sa Kapaligiran
• Huwag pabayaang makapasok ang usok ng sigarilyo
sa kulob na lugar: Iwasan ang paninigarilyo ngtabako.
Himukin ang mga naninigarilyo na sa labas na lamang
sila manigarilyo. Iwasan ang mga restoran, mga bars,
at iba pang mga lugar kung saan mayroong mga taong
naninigarilyo. Huwag gumamit o limitahan ang paggamit
ng kalan na ginagatungan ng kahoy at ang fireplaces.
• Mag-ingat sa pagtatarabaho sa loob ng bahay:
Ayusin ang labasan ng hangin kung nagpipintura sa
pamamagitan ng pagtakda ng oras kung kailan maaaring
buksan ang mga bintana at gumamit ng bentilador.
Kailangang lumanghap ng sariwang hangin sa labas kung
nagpipintura; iwasan ang mamalagi sa mga kuwartong
bagong pintura ng mga ilang araw.
Bago kumpunihin ang mga bahay na gawa bago 1978,
ingatan na huwag malantad sa pintura na may tingga.
Huwag gumamit ng "belt sander", "propane torch", "heat
gun", "dry scraper" o liha para tanggalin ang pintura na
may kahalong tingga dahil maglilikha ito ng maraming
nakakapinsalang alikabok at usok na naglalaman ng tingga.
Kung gagamit ng pamatay-insekto, laging basahin muna
ang mga marka at sundin ang lahat nga mga babala at
mga pagbabawal. Kung hahawak ng pamatay-insekto,
gumamit ng pananggalang, sundin and mga tuntunin at
gumamit ng guwantes na hindi napapasukan ng ikido,
mahabang pantalon, at kamisedentrong mahaba ang
manggas. Palitan kaagad ang damit at hugasan ang mga
kamay pagkatapos gumamit ng pamatay-insekto. Ibukod
at labhan kaagad ang mga damit na nalantad sa pamatay-
insekto.
• Iwasan and pagkalason sa carbon monoxide:
Huwag pabayaang umaandar ang sasakyan sa loob
ng garahe, kahit na nakabukas ang pinto ng garahe.
Panatilihing maayos ang mga kagamitang de gas. Magkabit
at gumamit ng "exhaust fan". Kinakailangang kumuha ng
isang bihasang manggagawa upang inspeksyunin, linisin,
at pa-andarin ng maigi ang "central heating system"
(mga pugon, mga labasan ng usok, at mga pausukan)
tuwing dadating and tag-ulan. Magpakabit ng aparato na
nakakadetekto ng carbon monoxide sa lahat ng panig ng
inyong bahay.
• Bawasan ang pagkalantad sa trapiko at sa
maruming hanging sa labas: Subaybayang maigi ang
Air Quality Index (AQI). Dito malalaman kung ang hangin
ay di maganda sa mga sensitibong grupo. Makipag-alam
sa inyong manggagamottungkol sa pagbabawas ng mga
aktibidad kung and AQI ay mataas. Maglagay ng aparato
na pampalamig ng hangin sa loob ng silid at ilagay sa
antas na lumilibot. Laging isara ang mga bintana kung
may sunog sa mga malapit na gusali o sa mga kagubatan.
Bawasan ang inyong oras sa gitna ng trapiko. Iwasan and
pisikal na gawain at limitahan ang pag-eehersisyo sa lugar
na malapit sa maabalang kalsada.
Iwasan ang sakit na sanhi sa init: Gamitin ang inyong
"air conditioner" o pumunta sa mga gusaling may "air
conditioner" sa inyong komunidad. Maligo o magbabad sa
malamig na tubig. Magsuot ng manipis, banayad ang kulay
at maluwag na damit. Tanungin ang inyong maggagamot
kung ang inyong mga gamot ay nagpapalubha ng mga
sakit na nagmumula sa init.
Uminom ng maraming likido, ngunit iwasan ang mga
inuming naglalaman ng kape, alcohol or maraming
sangkap na asukal. And mga inuming ito ay nagdudulot
ng pagka-uhaw. Kung ilimitahan ng inyong manggagamot
ang inyong pag-inom ng likido, siguraduhing itanong kung
gaano karami ang puwedeng inumin kungtag-init.
Uminom ng malinis na tubig: Para malimitahan ang
inyong pagkalantad sa tingga na galing sa tubig, paagusin
ang tubig ng 30 segundo, 2 hanggang 3 minuto bago
inumin. Ang pagtuklas kung may tingga ay nakabubuti
para sa mga taong pampublikong tubig ang pinagkukunan
at nakatira sa mga lumang bahay na may tingga ang
mga linya ng tubig. Kung ang inyong tubig ay galing sa
pampublikong pinagkukunan,nararapat munang humingi
ng impormasyon sa inyong sistemang munisipal ng mga
resulta ng pagsisiyasat ng pamahalaang pederal kung
naglalaman ito ng tingga o tanso, lalong lalo na kung ang
inyong bahay ay nasa lugar na sinusuri.
Ang alituntunin ng EPA tungkol sa arsenic ay nagsasabing
di saklaw nito and mga maliliit na sistemang pantubig na
siyang nagbibigay ng tubig sa kaunting bilang na 15 na
nakikikabit or mahigit sa 25 na katao lamang. Kung ang
iyong tubig ay nagmumula sa pribadong poso o sa isang
maliit na sistemang pinagmumulan ng tubig na hindi
saklaw sa pagsusuri at kayo ay nakatira sa isang lugar na
mayroong ulat tungkol sa mataas na antas ng arsenic sa
ilalim ng lupa, nararapat lamang na suriin ang inyong tubig
kung mayroon itong arsenic.
Ang pinaka-maiging pagmumulan ngtiyak na
impormasyong tungkol sa inyong iniinom na tubig ay
ang inyong pinagkukunan ng iniinom na tubig. Ang mga
pinagkukunan ng tubig na iniinom na naglilingkod sa
parehong mga tao taun-taon ay kinakailangang pagpadala
sa kanilang parokyano ng ulat tungkol sa taunang
qualidad ng tubig na kanilang iniinom (kung minsan, ito
ay tinatawag na ulat ng pagtitiwala). Tawagan ang inyong
pinagkukunan ng tubig para mabigyan ng kopya.
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
-------
Himukin ang Inyong Pamahalaang Lokal
Para Gumawa ng Nararapat na Aksiyon.
Ang mga pamahalaang local ay nararapat na isagawa ang mga
simpleng hakbang na ito para mabawasan ang mga panganib at
ipaalam sa publiko ang mga babalang ito para sundin ng mga
matatanda.
• Itaguyod ang mga patakaran na nagbabawal ng
paninigarilyo sa mga pampublikong lugar: Sa
pamamagitan ng pagpapanatili na bawal manigarilyo sa mga
pampublikong lugar (mga restawran, mga bars, at mga parke),
mababawasan ang pagkabilad ng mga komunidad na ito sa
segunda manong usok ng sigarilyo.
• Itaguyod ang masigasig na Pagbabantay sa Heat
Health Watch Warning and Response Systems: Ang mga
systemang ito ay nakakatulong sa pag-abang kung mayroong
banta ng sakit sa init, nagbibigay babala sa mga residente, at
nagbibigay ng tulong sa mga indibiduwal na nasa panganib.
• Siguruhin na ang mga babala na gating sa Air Quality
Index ay maisa-publiko at masunod: Ang Air Quality Index
ng EPA ay isang alituntunin para sa pag-uulat sa kalidad ng
hangin araw-araw. Tingnan angvwwv.airnow.gov
• Itaguyod ang mga mapagpipilian sa pampublikong
transportasyon upang mabawasan and trapiko at
maruming hangin: Ang pampublikong transportasyon ang
pinaka maiging paraan para maibsan and pagsisikip ng mga
kalsada, maruming hangin at "stress".
• Hanapin ang mga parke, daanan ng mga bisikleta, mga
daanang malayo sa mga pangunahing kalsada: And
pisikal na aktibidad ay isa sa pinaka maiging pamamaraan ng
pagpapababa ng pagkakaroon ng sakit sa puso at "stroke". Mag-
ehersisyo ng malayo sa mga kalsada, trapiko at polusyon.
Kontrolin and lyong Pangunahing Sanhi ng
Sakit sa Puso at "Stroke"
Ang kapaligiran ay isa lamang sa mga sanhi na umiimpluwensyia
sa tao para magkaroon ng sakit sa puso at "stroke." Ang
pinakamahalagang mga hakbang na dapat ninyong susundin
upang mabawasan ang mga sanhi ng sakit sa puso at "stroke" ay
ang mga sumusunod:
• Umiwas sa usok na gating sa panninigarilyo ng tabako.
• Magtakda ng regular na oras para sa aktibidad na
pisikal, 30 minutos bawat araw, ng 5 araw sa loob ng
isang linggo.
• Sundin ang mga Patnubay sa Pagdidiyeta ng taong 2005
para sa mga Americano
• Magpatingin sa iyong tagapag-alaga ng kalusugan ng
madalas para malunasan at masubaybayan ang pagtaas
ng presyong ng dugo, diyabetes, at pagtaaas ng taba
(pagtaas ng antas ng taba sa dugo).
Karagdagang Mapagkukunan
Environmental Protection Agency
Air Quality Index: www.airnow.gov
Arsenik: www.epa.gov/safewater/arsenic.html
Kalidad ng Hanging Panloob: www.epa.gov/iaq/
Tingga: www.epa.gov/lead
Pintura: www.epa.gov/iaq/homes/hip-painting.html
Mga Pamatay Insekto: www.epa.gov/pesticides/
Mga tahanang walang manghihitit ng sigarilyo:
www.epa.gov/smokefree/
Centers for Disease Control and Prevention
Cardiovascular health: www.cdc.gov/cvh/
Mga Patnubay sa Pisikal na Kalakasan:
http://www.cdc.gov/nccdphp/dnpa/physical/
recommendations/older adults.htm
Mga Patnubay sa Pagdiyeta para sa mga Amerikano
www.health.gov/dietaryguidelines/
Federal Emergency Management Administration
www.fema.gov/hazards/extremeheat/heat.shtm
National Weather Service
http://www.nws.noaa.gov/om/brochures/heat_wave.shtml
American Heart Association
www.americanheart.org/
Health Effects Institute
www.healtheffects.org/about.htm
Karagdagang Kaalaman
Ang Inisyatibo sa Pagtanda ng EPA ay nagsusumikap
para pangalagaan ang kalusugan ng mga matatanda
sa pamamagitan ng koordinasyon sa pagsisiyasat, mga
paraan sa pag-iwas at pampublikong edukasyon sa mga
sanhi ng kapaligiran. Para sa karagdagang impormasyon, o
kung gusto mong sumali sa "EPA Aging Initiative listserve"
bisitahin and www.epa.gov/aging. Maaring pagbutihin
ng mga matatanda and kanilang kalusugan at kasiglahan
sa buhay kung sila ay may nalalaman tungkol sa mga
kapaligirang sanhi ng sakit sa puso at "stroke" at ang mga
paraan ng pag-kontrol sa mga pangunahing sanhi ng sakit
maliban sa kapaligiran.
Mga Hulingtala
1 U.S. Environmental Protection Agency. Air Quality Guide for Particle
Pollution. http://www.epa.gOV/airnow//aqLcl.pdf
2 U.S. Environmental Protection Agency. Regulation and Management
of Pesticide Poisonings. 1999. http://www.epa.gov/pestiddes/safety/
healthcare/handbook/lndexl .pdf
3 U.S. Environmental Protection Agency. A/'r Quality Criteria for Carbon
Monoxide, EPA 600-P-99-001F. Research Triangle Park, NC: U.S.
Environmental Protection Agency, Office Research and Development,
National Center for Environmental Assessment. June 2000.
4 Peters, A., S. von Klot, M. Heier, I. Trentinaglia, H. Ines, A. Hermann,
H.E. Erich, H. Lowel. "Exposure to Traffic and the Onset of Myocardial
Infarction." The New England Journal of Medicine. Oct 21, 2004. 351
(17): 1721-30.
Tagalog translation of: Environmental Hazards Weigh Heavy on the Heart
Publication Number EPA 100-F-08-045
------- |