Agosto 2008
Ang responsableng
paggamit ng pestisidyo
ay isang mahalagang
usapin sa anumang
panahon.
Maaaring mas mas
madaling mapinsala
ang mga may edad sa
pagkahantad sa mga
pestisidyo sanhi ng mga
pagbabago sa kanilang
katawan dala ng edad.
Ang isang maayos
na sistema sa
pagkontrol ng peste ay
makakatulong sa pag-
iwas sa di kailangang
paggamit ng pestisidyo.
Epektibong Pagpigil sa
Pangtahanang Peste
Impormasyon para sa Mga May Edad at sa mga
Tagapag-alaga nila
A lam ba ninyo na walo
sa sampling tahanan sa
Estados Unidos ang
gumagamit ng mga
pestisidyo sa loob at labas ng
kanilang bahay?1 Halimbawa ng
mga karaniwang ginagamit ay
pambomba at pain sa ipis, mga
produktong pag-kontrol sa anay,
lason sa daga, pambomba at
pulbos laban sa pulgas at kuto,
pampatay ng damo, pambomba
sa gamugamo, at mga pang-
disinpekto ng kusina at banyo.
Mga Panganib sa Kapaligiran
Dulot ng Mga Pestisidyo
Ang lubhang pagkabilad sa pes-
tisidyo, karaniwa'y dahil sa maling
paggamit ng produkto, ay maaar-
ing magdulot ng matinding epekto
gaya ng sakit ng ulo, pagkahilo,
pagkiwang ng kalamnan, panghi-
hina, at pagkalilo. Ang pangmata-
galan at/o dili kaya'y lubhang
pagkabilad sa ilang pestisidyo ay
napatunayang may kaugnay sa
kanser, epekto sa panganganak,
at epekto sa sistemang sentido
sentral.
Pag-iwas sa Pagkabilad
May mahalagang bahagi ang mga
lolo at lola upang panatilihing
ligtas ang mga kabataan sa
panganib ng mga pestisidyo sa
pamamagitan ng paglayo ng mga
ito sa pag-abot ng mga bata.
Ayon sa mga pag-aaral sa mga
emergency room, ang mga
kabataang mababa sa anim na
taong gulang ay kadalasang nala-
lason habang dinadalaw and mga
bahay ng mga ninuno kung saan
ay naaabot nila ang mga lason at
kung saan ay walang mga sara-
hang nangangalaga sa kabataan
gaya ng nasa sarili nilang tahanan.
Dagdag pa, samantalang ang
nakatatanda ay may bilang lamang
ng 2.8% ng mga insidenteng
pagkalason, ang mga kabataan ay
bumibilang ng 5.9% ng lahat ng
mga kaso ng mula sa katamtaman
hanggang sa malubhang mga kaso
at 28% ng mga nasawi.
Kung ikaw o sino mang miembro ng iyong pamilya ay
magpapakita ng sintomas ng pagkalason, tawagan ang National
Poison Control Center sa 1-800-222-1222
Footnotes:
1 U.S. EPA, National Household Pesticide Usage Study, 1992,
Office of Pesticide Programs
2 National Poison Control Center Data, 1993-1998
-------
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
Ang Inyong Magagawa
Upang Pigilin at Bawasan
ang Pagkabilad sa Panganib
ng Mga Pestisidyo
Mga tip sa paggamit ng pestisidyo
sa tahanan:
• Basahin ang etiketa. Ang etiketa ang
pinakamagaling na giya sa ligtas at
mabisang paggamit ng pestisidyo.
Kung may problema sa inyong
paningin, huwag maatubiling humingi
ng tulong.
• Itago ang mga pestisidyo sa orihinal
na lalagyan. Huwag gamitin sa ibang
bagay ang mga lalagyang wala ng
laman.
• Gamitin ang programang pangko-
munidad sa pagtatapon ng basura
sa inyong kapaligiran. Sumangguni
sa inyong lokal na tagapamahala
ng basura, ahensiyang namahala sa
kapaligiran, o ang departamento ng
kalusugan upang alamin kung ang
inyong komunidad ay may programa
ukol sa pagtatapon ng mga mapan-
ganib na basura. Kung wala, sundin
ang pagtatapon na nakalahad sa
etiketa.
• Huwag gamitin ang panlabas na
pestisidyo sa loob ng gusali.
• llayo ang mga tao o alagang hayop sa
lugar kung saan nagbobomba o
naglalagay ng pestisidyo. Basahin ang
etiketa upang malaman kung
kailan ligtas sa tao o alagang hayop na
pumasok muli sa lugar.
• Huwag magbomba sa lugar na pinag-
lulutuan o pinagtataguan ng pagkain,
at huwag lapatan ang kabuuan ng
sahig, mga dingding at bubungan.
• Gamitin lamang ang pestisidyo sa mga
apektadong lugar at gumamit lamang
ng sapat ayon sa etiketa ng produkto.
• Huwag gumamit ng pestisidyo sa
labas kung mahangin ang panahon.
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
Gamitin lamang ang pestisidyo sa mga
apektadong lugar at gumamit lamang ng
sapat ayon sa etiketa ng produkto.
Huwag gumamit ng pestisidyo sa labas kung
mahangin ang panahon. Bago magbomba isara
ang mga pinto at mga bintana ng inyong tahanan.
Hugasan ang anumang bahagi ng inyong katawan
o damit na maaring kinapitan ng kemikal, matapos
gamitin ang pestisidyo.
Gamitin ang Integrated Pest Management
(IPM) -Iwasan ang Di Kailangang Paggamit ng
Pestisidyo
Intinatagubilin ng US EPA ang paggamit ng isang
mabisang sistema sa pangangasiwa sa peste,
karaniwa'y tinatawag na "integrated pest manage-
ment (IPM)" para sa pagpigil ng peste sa mga
tahanan o mga gusaling residensyal. Ang IPM ay
isang sistema sa pangangasiwa ng peste na
kombinasyon ng pamamaraan sa pagkontrol na di
gumagamit ng kemikal at paggamit ng di gaanong
matapang na pestisidyo upang mabawahan ang
panganib sa kalusugan ng tao at ng kapaligiran.
Halimbawa, maaaring gumamit ng patibong, pain at
padulas imbes na pambomba sa pagpigil ng peste.
Binabawasan ng IPM ang panganib sa kalusugan
ng mga populasyong mahihina gaya ng mga
nakatatanda.
Dagdagan ang Kaalaman Ukol sa Inisyatiba ng
EPA Para sa Nakatatanda
Ang Inisyatiba ng EPA Para sa Nakatatanda, na
naglalayong proteksyunan ang mga matatanda laban
sa mga panganib ng kapaligiran sa pamamagitan ng
pananaliksik, estratehika ng pag-iwas at edukasyong
pampubliko. Bisitahin ang www.epa.gov/aging.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pestisi-
dyo, tumawag sa 703-305-5017 o bisitahin
angaming web site sa www.epa.gov/pesticides
AGING
f
Ir
nitiative
Tagalog translation of: Effective
Control of Household Pests
Publication Number: EPA 100-F-08-057
------- |