Disyembre 2008
Ang sakit
sa puso ang
numero unong
pumapaslang
sa mga
kababaihang
may edad
lagpas 65'.
Ang Kababaihan at ang
Kalusugang Pangkapaligiran
Impormasyon Para sa Mga May Edad
at sa Mga Tagapag-alaga Nila
Ang kapaligiran ay
nakaka-apekto sa
kalusugan ng tao sa
maraming paraan. Ang
malusog na kapaligiran ay may
positibong epekto; ang salaulang
kapaligiran ay nakakapinsala
sa kalusugan. Man sa mga
negatibong epekto ay may
natatanging tama sa kalusugan ng
kababaihan, lalo na sa mga may
edad lagpas 50.
Ang mga pamparumi ay
sangkap pangkalusugan sa mga
karaniwang karamdaman gaya
ng sakit sa baga, at sa mga
karamdamang walang lunas. Ang
talamak na mga kondisyones
gaya ng alta presyon sa dugo,
talamak na sakit sa pagbara ng
pulmon, at asma ay karaniwang
kumakapit sa kababaihang lagpas
50 ang edad kahambing ng mga
kalalakihang nasa parehong
grupo ng edad.2
Ang dokumentong pang-
katotohanan na ito ay nag-aalay
ng impormasyon kasama ang
mga hakbang na maari ninyong
sundin upang mabawasan
ang pagkababad sa mga
pamparumi ng kapaligiran at mga
kondisyones na dapat malaman
habang ikaw ay nagkaka-edad,
lalo na:
Mga pamparumi sa
himpapapawid na inyong
nahihinga,
Mga panglinis at pangpeste na
inyong ginagamit sa paligid ng
tahanan, at
Pagbabad ng mga kabataan
sa bakal at ang pagbunga ng
mga suliranin matapos ng
pagregla.3
Pagparumi sa Hangin
Ang pagparumi sa hangin ay ang
pag-kontamina ng himpapawid
sa pamamagitan ng mga
nakakapinsalang elemento.
Halimbawa ng mga pamparumi
sa hangin ay kasama na at hindi
natangi sa:
Mga pinong at maliliit na
bahagi, gaya ng buga mula sa
sasakyan at ang libag nito;
Mga gaas, kasama na ang
ozone at carbon monoxide;
Usok galing sa nasusunog
na karbon, langis, o petroleo
at mula sa mga produktong
panglinis at mga pintura; at
Usok mula sa tabako, bukas
na kalan na nagsusunog ng
kahoy.
Tawagan ang Pambansang Sentro sa Pagpipigil ng Lason
kung ikaw o sinoman ay nagpapakita ng sintomas ng
pagkalason (1-800-222-1222).
-------
Mga pinong bahagi at ozone ang kinikilalang mga
pangunahing nakakapinsala sa pagparumi ng
himpapawid.
Ang pananatili sa looban ay Hindi nagbibigay ng
proteksyon laban sa pagparumi ng hangin. Mga
pinong bahagi ay pumapasok sa inyong tahanan
o lugar ng trabaho sa pamamagitan ng mga
bukas na bintana, pinto, o mga air conditioner.
Kung walang sapat na papasukan ng sariwang
hangin, ang usok ng tabako o usok mula sa mga
produktong panglinis ay maaring maging ganap
ang bisa sa looban at mabilis na bababa ang
kalidad ng hangin.
Mga Epekto ng Maruming Hangin sa
Kalusugan
Kung ikaw ay may karamdaman sa puso, ang
pagparumi ng hangin ay maaring maging sanhi
ng biglaang pagpapalit-palit o pagdagdag
sa bilis ng tibok ng inyong puso.4 Ang
pagparumi ng hangin ay maaring magpalubha
ng pagbabara sa mga ugat ng puso o yung
matagal nang may kondisyon sa puso na
maaring magdulot ng atake56 at pagkamatay,
lalo na sa mga kababaihang dina nagreregla.7
Kung ikaw ay may karamdaman sa baga, ang
pagparumi ng hangin ay maaring pumasok sa
tubo ng inyong hingahan at maging sanhi ng
problema kasama na ang pagpantal ng mga
baga, kahirapang huminga, at pagpalala ng hika
at COPD.
Kung ikaw ay may dayabetes, ang pagbabad sa
pagparumi ng hangin ay maaring makadagdag
sa panganib ng atake sa puso, alta presyon, at
iba pang problema sa puso.8
Papaano Maiiwasan o Mababawasan
ang Pagbabad sa Pagparumi ng
Hangin
Siyasatin ang Numerong Kalidad ng Hangin (AQI)
sa bawa't araw. Ang AQI ay naguulat kung gaano
kalinis ang hangin at kung ito ay makakaapekto
sa inyong kalusugan. Bawasan ang inyong mga
gawaing panglabas hangga't maaari sa mga araw
na mababa ang kalidad ng hangin. Maari ninyong
alamin ang marami pa tungkol sa AQI sa pagdalaw
sa www.epa.gov/airnow. Maaari din ninyong
dagdagan ang kaalaman ukol sa pang araw-araw
na kalidad ng hangin mula sa ulat tungkol sa
panahon sa pahayagan, telebisyon, at radyo.
Ang Mga Panglaban sa Peste at Mga
Panglinis
Ang mga panglaban sa peste at mga panglinis,
sa porma ng mga pulbo, gels, mga likido, o mga
pangwisik, ay mga makapangyarihang kemiko na
ginagamit sa mga tahanan at hardin upang linisin
ang mga pangibabaw at patayin ang mga peste.
Ang sobrang pagbabad sa mga nakakasakit na
kemiko sa panglaban sa peste at mga panglinis at
maaring humantong sa:
Sakit ng Ulo
Pagkhilo
Kilig ng kalamnan
Pagduduwal at
Panghihina
Kung ikaw, o ang miyembro ng mag-anak, o
kaibigan ay makakaranas ng alin man sa mga
sintomas na ito, tawagan ang inyong local na
sentro sa pagpigil ng lason.
Ang mga pagsisiyasat sa silid-kagipitan ay
nagmumungkahi na ang kabataan na kulang
sa seis anyos ay kadalasang nalalason habang
dumadalaw sa mga ninunokung saan ang mga
lason ay naabot at walang mga sarahang pambata-
-kaysa sa kanilang sariling tahanan.
Samantalang
ang nakatatanda
ay nabibilang
na mababa
sa tatlong
porsiyento ang
naiuulat na mga
insidenteng
pagkalason,
may dalawang
beses silang
mas maaring
malason kaysa
sa mga bata at
kabataan at 10
beses na mas
lalong maaring mamatay dahil sa pagkababad
sa mga kemikong ito.11 Karagdagan pa, ang
pangmatagalang pagkababad sa panglaban sa
peste ay natuklasang nauugnay sa mga suliraning
pangkalusugan gaya ng kanser at mga suliraning
pang-utak gaya ng pagkahibang.1213
-------
Papaano Maiwasan o Mabawasan
ang Pagkababad sa Mga Laban sa
Peste o Mga Panglinis
Itago ang mga produkto sa lalagyan kung saan
ito dumating.Basahing mabuti ang etiketa at
sundin ang niririkomendang pag-iingat.
Itapon ang mga panglaban sa peste at mga
panglinis batay sa inilalahad ng etiketa.
Kung gagamit ng mga produkto sa loob ng
tahanan, iwanang bukas ang mga pinto at mga
bintana at paandarin ang bentilador upang
pumasok ang sariwang hangin.
Gamitin lamang ang produkto sa bahaging
may problema. Kontrolin ang paggamit sa
kabuuan ng tagubiling nasa etiketa.
Huwag na huwag gagamitin ang produktong
panglabas sa loob. Siguraduhing isara ang
mga pinto at bintana ng inyong tahanan bago
gumamit ng mga produkto sa labas.
Pagkatpos gamitin ang mga produktong
ito, laging maghugas ng mga kamay at iba
pang bahagi ng katawan o damit na maaring
nababad sa mga ito.
Lead
Alam ba ninyo na ang lead na nakababad sa
inyo noong maaga pa sa inyong buhay ay nasa
katawan pa rin ninyo? Ang lead ay naipon sa
inyong mga buto kung saan ay wala namang
negatibong epekto sa kalusugan hanggang sa
huling bahagi ng buhay. Habang natatapos ang
pagreregla, ang mga nakaipong lead sa buto ay
napapakawalan sa pagdaloy ng dugo. Sa mas
matatandang mga babae, ang patagin ng lead sa
dugo ay maaring umabot sa taas na 25 hanggang
30 porsiyento kaysa sa noong hindi pa natatapos
ang pagregla.14
I
I
I
I
I
I
I
Alam mo ba?
Ang paggamit ng hormone therapy
sa pagtatapos ng pagregla ay
maaring makadagdag sa panganib
ng paglaganap ng hika.9
Noong 2003, higit sa 63,000
kababaihan ang nasawi dahil
sa COPD, kahambing sa 59,000
kalalakihan.2
Ang dayabetes ay isang malaking
suliranin sa kalusugan ng
kababaihan, katangitangi na sa
mga Aprikanong Amerikano at
sa mga Amerikanong Indian/
Katutubong Alaska.10
I
I
I
I
I
I
I
Itong mga pagdagdag, na pinagsama sa kapaligirang
pagbabad sa bakal sa tubig o sa tahanan, ay may
negatibong epekto sa kalusugan. Ang mataas
na patag ng bakal sa dugo ay nakakadagdag ng
pagkanerbiyos, pagkabara ng ugat, at nababawasang
bisa ng bato.14 Karagdagan pa, ang pagkalason ay
maaring magdulot ng bawas sa pangingilala na may
mga sintomas na parang pagkahibang.15
Ano Ang Magagawa Mo?
Sumangguni sa manggagamot agad kung ikaw
ay nakakaramdam ng sintomas gaya ng sakit ng
ulo, pagkahilo, kilig ng kalamnan, pagduduwal, o
panghihina.
Tawagan ang inyong lokal na pampublikong
tagapangasiwa ng tubigan para sa taunang
ulat sa kalidad ng tubig. Ipasuri taon-taon ang
mga pribadong balon ng tubig sa sertipikadong
laboratoryo. Para sa karagdagang impormasyon
tawagan ang EPA Ligtas na Inuming Tubig Hotline
(1-800-426-4791 o www.epa.gov/safewaer).
Iwanan ang pinturang may halong bakal at
huwag gagalawin kung nasa mabuting kondisyon;
huwag kikiskisin o sunugin ang pintura na may
halong bakal.
Huwag tatanggalin ang pinturang may bakal
na nag-iisa ka. Sa pagtanggal ng may panganib
na mga bakal, umarkila ng sertipikadong
tagapaglisan na propesyonal.
-------
Saan Ako Tutungo Upang Alamin ang
Iba Pa?
Ang Inisyatiba ng EPA Para sa Nakatatanda, na
naglalayong proteksyunan ang mga matatanda
laban sa mga panganib ng kapaligiran sa
pamamagitan ng pananaliksik, estratehika ng
pag-iwas at edukasyong pampubliko. Bisitahin ang
www.epa.gov/aging.
Older Adults and Air Quality
http://aimow.gov/index.cfm?action=static.
olderadults
Air Quality
Environmental Protection Agency
Air Quality Index
www.a i mow.gov
Indoor Air Quality
www.epa.gov/iaq/
Smoke Free Homes
www.epa.gov/smokefree/
Environmental Health
MedlinePlus
www.nlm.nih.gov/medlineplus/airpollution.
html
Heart Disease and Stroke
American Heart Association
http://www.ameHcanheart.org/presenter.
jhtml?identifier=4786
Lung Diseases
National Heart Lung and Blood Institute
http://www.nhlbi.nih.gov/health/public/lung/
index.htm
American Lung Association
http://www.lungusa.org
Women's Health Issues
National Research Center for Women and
Families
http://www.center4research.org/
U.S. Department of Health and Human Services
http://www.4women.gov/
2 American Lung Association, http://www.lungusa.
http://www.lungusa.org/site/apps/s/content.asp?c=dvLUK9
OOE&b=34706&ct=3052283
3 Muldon, S.B.; Cauley, J.A.; Kuller, L.H.; Morrow, L;
Needleman, H.L; Scott, J.; Hooper, F.J.; Effects of blood
levels on cognitive function of older women.
4 American Heart Association, http://www.americanheart.
org/presenter/jhtml?identifier=4419
5 Brook, R.D.; Franklin B.; Cascio W.; Hong, Y.; Howard G.;
Lipsett, M.; Luepker, R.; Mittleman, M.; Samet, J.; Smith Jr,
S.C.; and Tager, I., 2004. Air pollution and cardiovascular
disease. Circulation 109:2655-2671. http://circ.ahajournals.
org/cgi/content/full/109/21/2655
6 Zanobetti, A.; and Schwartz, J., 2007. Particulate air
pollution, progression, and survival after myocardial
infarction. Environmental Health Perspectives 115(5):
769-774.
7 Miller, K.A.; Siscovick, D.S.; Sheppard, L; Shepherd,
K.; Sullivan, J.H.; Anderson, G.L; and Kaufman, J.D.,
2007. Long-term exposure to air pollution and incidence
of cardiovascular events in women. N Engl J of Med.
365(5):447-458.
8 Zanobetti, A. and Schwartz, J., 2002. Cardiovascular
damage by airborne particles: are diabetics are more
susceptible? Epidemiology 13(5): 588-592.
9 Barr, R.G.; Wentowski, C.C.; Grodstein, F.; Somers, S.C.;
Stampfer, M.J.; Schwartz, J.; Speizer, F.E.; and Camargo,
C.A. 2004. Perspective study of postmenopausal hormone
use and newly diagnosed asthma and chronic obstructive
pulmonary disease. Arch Intern Med. 164: 379-386.
10 U.S. Department of Health and Human Services, http://
www.4woman.gov/minority/americanindian/diabetes.cfm.
11 National Poison Control Center Data, 1993-1998.
12 Dich, J.; Zahm, S.H.; Hanberg, A.; and Adami, H., 2004.
Pesticides and cancer. Cancer Causes & Control,8(3),
420-443.
13 Kamel, F. and Hoppin, J.A., 2004. Association of
pesticide exposure with neurologic dysfunction and disease.
Environmental Health Perspective, 112(9),950-958.
14 Nash, D.; Magder, L.S.; Sherwin, R.; Rubin, R.J.; and
Silbergeld, E.K., 2004. Bone density-related predictors of
blood lead level among pre- and postmenopausal women
in the United States. American Journal of Epidemiology,
160,901-911.
15 Carpenter, D.O., 2001. Effects of metals on the nervous
system of humans and animals. International Journal of
Occupational Medicine and Environmental Health, 14(3),
209-218.
Mga Katapusang Nota
1 Centers for Disease Control and Prevention, http://www.
cdc.gov/DHDSP/announcements/american_heart_
month.htm
Tagalog translation of:
Women and Environmental Health
Publication Number EPA 100-F-08-066
------- |