Pebrero 2009
Kung kayo ay
natuklasang
may diabetis o
sakit metaboliko,
karaniwang
karamdaman
tungo sa
diabetis at sakit
kardyobaskular,
maaari kayong
mas nanganganib
sa kapaligiran,
gaya ng
maruming hangin
at matinding init.
Diabetis at Ang Mga
Panganib sa Kapaligiran
Impormasyon para sa Mga May Edad
at sa Kanilang Mga Tagapag-alaga
Sa mga taong edad 65
at higit pa, 20% ng
kalalakihan sa Estados
Unidos (E.U.) at 15%
sa kababaihan ang naguulat
na mayroon silang diabetis.
Higit sa 60 milyong katao sa
E.U. ay may diabetis o sakit
metaboliko12, karaniwang kara-
mdaman tungo sa diabetis at
sakit kardyobaskular (sakit sa
puso at stroke).
Ang diabetis ay kabilang sa
sampung pangunahing sanhi
ng pagkamatay sa E.U. sa mga
lalaki at babae na lagpas 65
ang edad3 at ginagastusan ng
bansa ng higit $132 bilyon
bawa't taon1.
Ano ang Diabetis?
Ang diabetis ay dulot ng di
paglikha ng insulin sa katawan.
Ang insulin ay isang ormona na
galing sa lapay. Maari ding mag-
karoon ng diabetis kung ang
katawan ay hindi tumutugon ng
maigi sa insulin. Di pa alam ang
tiyak na sanhi ng karamdaman,
bagama't mga bagay na nama-
mana at pamumuhay, gaya ng
lubhang pagtaba at kakulangan
ng ehersisyo, ang malamang na
sanhi.
May ilang tipo ng diabetis, pero
pangkaraniwan ang Tipo 1 at
Tipo 2. Ang Tipo 2, na siyang
nakakaapekto sa higit na 90%
sa may diabetis, ay karaniwan
sa mga may edad. Ang mga
taong labis ang timbang at
hindi aktibo ay kadalasang nag-
kakaroon ng Tipo 2 na diabetis.
Dala ng diabetis ang karagda-
gang panganib ng atake sa
puso, stroke, sakit sa bato, at
kumplikasyon sanhi ng mahi-
nang daloy ng dugo.
Ang pagkahantad sa mga pan-
ganib ng kapaligiran, gaya ng
maruming hangin at matinding
init ay maaring makasama sa
kalusugan ng mga taong may
diabetis.
Nilalagom ng polyetong ito kung papaano naaapektuhan
ng kapaligiran ang kalusugan ng mga may edad na
may diabetis. May mga mignkahi rin dito kung papaano
mababawasan ang pagkahantad sa maruming hangin at
matinding init.
-------
Ang Diabetis ay Lalong
Pangkaraniwan sa Mga Menorya
Noong 2001, ang diabetis ang panlimang pan-
gunahing sanhi ng pagkamatay sa kababaihang
Katutubong Amerikano at Latino, at pang-anim
sa kalalakihang Katutubong Amerikano at Latino.
Mas malimit ang diabetis sa mga Aprikanong
Amerikano; Katutubong Amerikano; ilang mga
Asyano Amerikano, Katutubong Hawayano at
iba pang mga taga Isla Pasipikang Amerikano; at
Latino. Mas mataas ang bilang ng may diabetis
sa mga di Latinong Itim, kung ihahambing sa
mga di Latinong put! (23% kahambing ng 14%).
Mas mataas naman ang bilang ng may diabetis
sa mga Latino kung ihahambing sa di Latinong
put! (24% kahambing ng 14%)4.
Porsyento ng Populasyon ng May Edad
65 at Higit Pa na May Diabetis
(Batay sa Lahi)5
25%
20%
15%
10%
5%
0%
14%
23%
24%
Mga Di Mga Di Mga Latino
Latinong Puti Latinong Itim
Ang Mga Ugnayang
Pangkapaligiran Ay Nakakaapekto
sa Kalusugan ng Mga Taong May
Diabetis
Kalidad ng Hangin
Ang mga taong nabubuhay na may diabetis ay
itinuturing na mas nanganganib sa mga pin-
sala sa kalusugan dulot ng pagkababad sa mga
nakakapinsalang dumi sa hangin, sa labas o
loob ng bahay. Ang paglanghap ng mga dumi
sa hangin (gaya ng usok, buga ng sasakyan,
kalat mula sa industriya at usok mula sa mga
sinusunog na panggatong) ay makakadagdag sa
panganib ng atake sa puso o stroke.
Ayon sa isang pananaliksik kailan lang na sa mga
may edad na may diabetis, ang daloy ng dugo
sa kanilang mga ugat ay humihina sa mga araw
na mataas ang antas ng mga partikulo mula sa
trapiko at pagsusunog ng uling sa mga planta.
Ang pagbawas sa daloy ng dugo ay nauug-
nay sa panganib ng atake sa puso, stroke
at iba pang mga suliranin sa puso. Pinakita
din ng iba pang mga pananaliksik na kung
ang antas ng polusyon ay mataas,
ang mga taong may diabetis ay mas madalas
maospital at tumataas din ang bilng ng mga
pagkamatay kaugnay ng mga suliraning pang
kardyobaskular56.
Motinding Init
Ang pagkababad sa temperaturang 90 degrees
Fahrenheit ay lubhang mapanganib, lalo na
kung ang humidity ay mataas din. Ang pagka-
karoon ng diabetis ay lalong magpapahirap sa
inyong katawan na isaayos ang temperatura7
nito sa panahon ng matinding init. Kung ikaw ay
may diabetis, kailangang mag-iingat ka sa mga
panahong may matinding init. Ang pag-iwas
sa matitinding temperatura ang pinakamabut-
ing depensa. Ang air-conditioning ay isa sa mga
pinakamabuting proteksyon laban sa karamda-
man at pagkamatay na kaugnay sa init8.
-------
Ano Ang lyong Magagawa Upang Mabawasan
| Ang Pagkahantad sa Panganib ng Kapaligiran? |
- ILIMITA ANC KONTAK SA UCNAYANC KAPALIGIRAN .
• Iwasan ang pagkahantad sa polusyon dulot ng trapiko at
hangin
IBigyan ng pansin ang mga pagpapahatid ng Air Quality Index (AQI) upang mal- .
aman kung kailan nakakapinsala ang hangin sa mga grupong sensitibo. Usisain
sa inyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa pagbabawas ng inyong
mga aktibidades sa pananhong mataas ang AQI. Kung may usok sa labas ng
- inyong tahanan mula sa sunog sa gubat o iba pang tipo ng sunog, o kung kayo .
ay naninirahan sa isang maramihang- pangpamilyang gusali, ilagay ang inyong
air conditioning sa re-circulate mode at isara ang mga bintana hanggang mawa-
la ang usok. Bawasan ang inyong panahon sa trapiko. Iwasan ang aktibidad na
_ pangkatawan. Ilimita ang pagehersisyo malapit sa mga abalang daan. _
• Huwag papapasukin ang usok sa loob ng bahay
Umiwas sa usok ng tabako. Kung maaari, pakiusapan ang mga naninigarilyo
_ na manigarilyo sila sa labas. Piliin ang mga restoran, mga bar at iba pang pook _
pampubliko na walang naninigarilyo. Bigyan ng wastong pagsingaw ang mga
kalan at tsimenea.
• Mag-iingat kung gumagawa sa paligid ng bahay
I Kung nagbabalak na magpintura sa loob ng bahay, gawin ito sa panahong
maaring iwanang bukas ang mga bintana at mga pinto at maaring gamitin ang
bentilador upang mahanginan ang pook. Dalasan ang paglanghap ng sariwang
hangin; iwasan ng ilang araw ang mga silid na napinturahan na.
Bago kumpunihin ang isang bahay na ginawa bago 1978, umiwas sa pagkah-
antad sa pinturang may tingga. Huwag gagamit ng belt-sander, sulong propane,
baril panginit, tuyong pangkuskos o tuyong papel de liha sa pagaalis ng pintura
Ina may baseng tingga. Ang mga ito ay nagbubuga ng mapanganib na alikabok .
at usok galing sa tingga.
• Pangalagaan ang inyong sarili sa panahon ng matinding init
I
I
Gamitin ang inyong air-conditioner o kaya'y magpunta sa mga gusling may air-
conditioner sa inyong komunidad. Maligo ng malamig na tubig. Magsuot ng
magaan, mapusyaw at maluwang na damit. Tanungin ang inyong doktor kung
ang inyong medikasyon ay nakakadagdag sa inyong maaring pagkakaroon ng
karamdamang dala ng init.
Uminom ng maraming likido, pero iwasan ang mga inuming may caffeine o
alkohol. Ang mga ito ay maaring maging sanhi ng panunuyo at makakadagdag
sa karbohaydreyt sa katawan.
-------
Ang Inisyatiba ng EPA Para sa Nakatatanda, na naglalayong proteksyunan ang mga
matatanda laban sa mga panganib ng kapaligiran sa pamamagitan ng pananaliksik,
estratehika ng pag-iwas at edukasyong pampubliko. Bisitahin ang www.epa.gov/aging.
Karagdagang Mapagkukunan ng
Kaalaman:
• U.S. EPA
Indoor Air Quality: www.epa.gov/iaq/
Air Quality Index: www.epa.gov/airnow
• Centers for Disease Control and Prevention
http://www.cdc.gov/diabetes/
• National Institute of Diabetes and Digestive
and Kidney Diseases:
http://diabetes.niddk.nih.gov/
• American Diabetes Association
www.diabetes.org
Mga Notang Pangkatapusan
1 National Institute of Diabetes and Digestive
and Kidney Diseases. National Diabetes Statistics
fact sheet: general information and national esti-
mates on diabetes in the United States, 2005.
Bethesda, MD: U.S. Department of Health and
Human Services, National Institutes of Health,
2005.
2 Ford ES, Giles WH, Dietz WH. Prevalence of
the metabolic syndrome among US adults: find-
ings from the Third National Health and Nutrition
Examination Survey. JAMA 2002; 287(3): 356-9.
3 Federal Interagency Forum on Aging-Related
Statistics. Older Americans Update 2006: Key
Indicators of Weil-Being. Washington, DC. U.S.
Governmental Printing Office. May 2006.
4 Federal Interagency Forum on Aging-
Related Statistics. Older Americans 2004: Key
Indicators of Weil-Being. Washington, DC. U.S.
Governmental Printing Office. November 2004.
5 Goldberg MS, Burnett RT, Bailar JC 3rd, Brook
J, Bonvalot Y, Tamblyn R, Singh R, Valois MF,
Vincent R. The association between daily mortal-
ity and ambient air particle pollution in Montreal,
Quebec, 2: cause-specific mortality. Environ Res.
2001; 86(1): 26-36.
6 Zanobetti A, Schwartz J. Cardiovascular dam-
age by airborne particles: are diabetics more sus-
ceptible? Epidemiology 2002; 13(5): 588-92.
7 USEPA. Excessive Heat Events Guidebook.
Office of Atmospheric Programs (6207J).
Washington, DC. EPA 430-B-06-006. June 2006.
8 Naughton MP, Henderson A, Mirabelli MC,
Kaiser R, Wilhelm JL, Kieszak SM, Rubin CH,
McGeehin MA. Heat-related mortality during
a 1999 heat wave in Chicago. Am J Prev Med.
2002; 22(4): 328-9.
Protecting the Health
of Older Americans
Tagalog translation of: Diabetes and
Environmental Hazards
Publication Number: EPA 100-F-08-068
------- |