Pebrero 2009
Mga Tubigan
Impormasyon Para sa Mga May Edad
at sa mga Tagapang-alaga Nila
Itinuturing ang
mga may edad
na mas madaling
makontamina ng
mga duming dala
ng tubig. Nasa
mas malaking
panganib din
ang mga taong
may HIV at
yung may mga
nakompromisong
imunisasyon.
ng tubig ay mahalaga sa ating
buhay. Ginagamit natin itong inu-
min, sa pagluluto, sa paliligo, sa
aglilinis, at sa pagtatanim. Dahil
mahalaga ang tubig sa pangaraw-araw nat-
ing gawain, mahalagang malaman kung
kailan ito ligtas.
Ang tubig, kapag kontaminado, ay maar-
ing makapinsala sa ating kalusugan lalo na
sa mga taong may edad at sa mga may
kondisyong hindi gumagaling. Nasa mas
malaking panganib din ang mga taong may
HIV at yung may mga nakompromisong
imunisasyon.
Ang mga pangkontamina sa kapaligiran ay
maaring matagpuan sa inuming tubig at sa
gawaing pag-aaliw gaya ng paglangoy.
Maari ring makontamina ng maruming tubig
kung umapaw ang sewer. Mapoprotektahan
ang kalusugan kung aalamin natin kung
papaano mababawasan o mawawala ng
tuluyan ang pagkahantad sa mga dumi sa
tubig.
Tubig Mula sa Gripo sa Loob ng
Bahay:
Bagama't karamihan ng inuming tubig ay
ligtas, ang kontaminasyon ay maari pa ring
maganap. Ang mga dumi na nasa tubig
ay maaring mga kemiko gaya ng radon, at
tingga, bakterya at mga virus, llalarawan dito
ang ilang mga posibleng problema sa tubig
mula sa gripo ng inyong tahanan.
Mga Mikrobyo:
Ang mga bacteria at virus ay mga mikrobyo.
Nasa inuming tubig ang mga ito bagama't
hindi ito laging nakakapinsala. Maaring
magkaroon ang inuming tubig ng mga
mikrobyong nagdadala ng sakit tulad ng
mga mikrobyo na sanhi ng karamdamang
gastro-intestinal. Kadalasan ang sistema sa
ating katawan na nagtatanggol sa atin laban
sa sakit ang siyang mabisang lumalaban sa
mga ito. Gayunman, dahil sa paghina ng
sistemang panligtas sa katawan dala ng pag-
tanda at mga pagbabago sa sistema sa loob
ng ating tiyan, mas nanganganib ang mga
may edad sa mga karamdamang dulot ng
mikrobyo. Ang gastrointestinal (Gl) patho-
gens na matatagpuan sa inuming tubig ay
mga parasites, gaya ng Cryptosporidium at
Giardia, bacteria gaya ng E.coli, Salmonella at
Shigella, at mga virus gaya ng Norwalk. May
211 milyones na nagaganap na karamda-
mang Gl bawa't taon sa US1.
Tingga:
Ang pangmatagalang pagkahantad sa tingga
ay maaring maging sanhi ng mga sulira-
nin sa sistemang nerbiyos. Ang tingga ay
nagdudulot ng alta presyon, sakit sa nerbi-
yos, suliranin ukol sa pag-aalala at pag-iisip,
at pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan.
Ang tingga ay naiipon at nananatili sa ating
mga buto.
Sa panahon ng pangungupas ng regla,
habang ang buto ay humihina, maaring
magmula sa buto ang tingga na maka-
pagdudulot ng pagtaas ng antas ng tingga
sa dugo. Kahit na galing sa pampublikong
gamit ang inyong tubig sa tahanan, maaring
pa ring may halong tingga ito dahil sa mga
sirang tubong pangtubig o ang pagkakaroon
ng tingga sa mga linya ng serbisyo.
Arseniko:
May ebidensiya na ang matagalang pagka-
hantad sa matataas na antas ng arseniko ay
maaring maging sanhi ng kanser, pagdagdag
sa mga problema sa puso at pagtaas ng
bilang ng may diyabetis. Ang kontaminasyon
ng arseniko ay maaring natural na nangya-
yari (bahagi ng lokal na lupain) o kaya ay
resulta ng mga gawing industriyal or agri-
kultural na kaugnay sa pagggamit ng mga
kemikal na may arseniko. Ang EPA ay may
pamantayan para sa mga pampublikong
sistema ng tubigan upang tiyakin na ang
mga mamamayan ay hindi mababad sa
1 Mead PS, Slutsker L, Dietz V, McCaig LF, Bresee JS, Shapiro C, Griffin PM, Tauxe RV.
Food-Related Illness and Death in the United States. Emerging Infectious Diseases, 1999; 5(5):607-625
EPA Hotline Para sa Inuming Tubig (800) 426-4791
-------
Panunuyo
Ang may edad ay nan-
ganganib na manuyo
dahil habang ang tao ay
tumatanda, nababawasan ang
pakiramdam ng pagkauhaw
at maaring hindi maramda-
man ang pangangailangang
uminom. Maari ding may
mga iniinom na gamot na
nagkadagdag sa panganib ng
panunuyo o mga kondisyon
sa katawan na nagpapahirap
sa kanilang pag-inom. Ang
pagkahantad sa mikrobiyong
nasa tubig ay makakapagdu-
lot ng sakit, at maaari ding
maging sanhi ng pagtatae na
nakadadagdag sa panganib
ng panunuyo.
Kasama sa nga palatandaan
ng panunuyo ang:
Tuyo o malagkit na sen-
sasyon sa bibig
Wala o kakaunti ang
iniihi; ang ihing naipon ay
kulay dilaw na matingkad
Hindi maluha
Lubog na mga mata
Lubhang kulang sa
sigla or pagka-komatos
(kasama ng lubhang
panunuyo)
Dahil ang panunuyo ay maar-
ing makamatay, uminom ng
maraming tubig bawa't araw.
Kung inyong binawasan ang
pag-inom ng tubig mula sa
gripo dahil hindi ninyo gusto
ang lasa o kayo ay nan-
gangamba dahil sa kalidad
nito, kailangan aygamutin ito
o maghanap ng ibang pagku-
kunan ng tubig hanggang ang
suliranin ay mapagpasiyahan.
mataas na antas ng arseniko. Gayunman,
hindi sakop ng pamantayan ang mga
pribadong balon, mga sistemang mababa
sa 15 "hook ups" o sumeserbisyo sa 25
katao. Kung ang inyong inuming tubig
ay nanggagaling sa balon o sa maliit na
sistema, dapat ninyong siyasatin ito kung
may arseniko.
Radon:
Ang radon gas ang pumapangalawa sa
mga pangunahing sanhi ng kanser sa baga
sa Estados Unidos. Halos 1 sa loob ng
15 tahanan ay ineestimang may mataas
na antas ng radon. Ang radon ay lalong
mapanganib dahil ito ay walang amoy
at di nakikita. Ang radon ay likas na nasa
bato, lupa at tubig. Kung ang tubig sa
inyong tahanan ay nagmumula sa balon,
maaaring nakakawala sa hangin ang
radon habang kayo ay naliligo. Kung ang
inyong tahanan ay may mataas na antas
ng radon, tubig-balon ang maaring pinang-
gagalingan nito.
Papaano ko Maiiwasan ang
Mga Panganib na Dala ng
Tubig?
Ang pinakamahalagang hakbang ay ala-
min ang mga patalastas na nilalathala
ng inyong lokal na departamento ng
kalusugan o departamento ng kapaligiran
at sundin ang kanilang payo. Alamin ang
tungkol sa inyong tubig at kung kinakailan-
gan ninyong suriin sa tiyak na pagkakon-
tamina.
• Alamin ang Tungkol sa Inyong Tubig
Inumin: Kung ang tubig ninyo ay nang-
gagaling sa pampublikong sistemang
tubigan, kinakailangan ay tumutunton
ito sa pamantayan ng EPA. Ipinaguutos
sa mga county na ibigay sa mga gum-
agamit ang mga talain ng pagsusuri.
Siyasatin ang taunang paglalahad sa
kalidad ng tubig mula sa inyong taga-
pagbigay, na tinatawag ding paglalahad
sa pagtitiwala ng tagapagkonsumo o
tawagan ang inyong tagapagbigay ng
tubig upang malaman kung dapat kay-
ong mabahala tungkol sa tiyak na mga
uri ng pangparumi. Kung nakatira kayo
sa isang gusaling apartment, hingin sa
tagapangasiwa na ikabit ang paglalahad
sa pagtitiwala ng tagapagkonsumo sa
isang lokasyong pampubliko. Kung ang
inyong tubig ang nagmumula sa balon,
hindi ito kailangang sumunod sa mga
pamantayan ng EPA. Ang inyong pama-
mahay ay dapat gumawa ng espesyal
na pangangalaga, gaya ng taunang pag-
susuri, upang matiyak na ligtas ang inyong
tubig.
• Sundin ang Pampublikong Kaalaman Ukol
sa Tubig Inumin: Ang kompanya ng tubig
ay inatasang maglahad ng kaalaman sa
pamamagitan ng diyario, radio, TV, buson o
kamayang-pagpapahatid kung may kagipi-
tang dala ng sakit mula sa tubig. Ang kaala-
man ay magsasalaysay ng anumang pan-
gangalaga na dapat ninyong isagawa, gaya
ng pagpakulo ng inyong tubig o paggamit
ng nakabotelyang tubig. Sunding ang payo
ng inyong tagapagbigay ng tubig. Ang pag-
papakulo ng tubig sa loob ng isang minuto
ay karaniwang papatay sa mga mikrobyo
subali't hindi ito makakatulong sa kontami-
nasyon na dala ng kemikal.
• Makipagalam sa Kompanya ng Tubig
Upang Alamin Kung Kinakailangan ng
Pagsusuri Para sa Tingga: Hindi ninyo
makikita, maaamoy, o malalasahan ang
tingga. Tawagan ang inyong lokal na depar-
tamento ng kalusugan o tagapagbigay ng
tubig at alamin kung kailangan ninyong
suriin ang tubig para sa tingga. Huwag paku-
kuluan ang inyong tubig. Ang pagpapakulo
ng tubig ay hindi makakatanggal ng tingga
mula sa tubig at lalo lamang magpapasama
sa suliranin dahil ang pagbubuo ng tingga ay
madadagdagan habang ang tubig ay sum-
isingaw. Kung sa isip ninyo ay may tingga
ang inyong mga tubong tubigan, gumamit
lamang ng malamig na tubig na panginom
at sa pagluluto. Patakbuhin ang tubig hang-
gang ito ay lubusang malamig, lalo na kung
hindi ninyo ito nagagamit ng ilang oras.
Upang matuklasan pa ang iba, tumawag sa
Sentro ng Pambansang Imporamasyon Ukol
sa Tingga sa (800) 424-TINGGA.
• Suriin ang Hangin sa Inyong Tahanan Para
sa Radon: Maraming uri ng mababang-
halaga, "gawaing-pangsarili" na pagsusuring
radon kit na mabibili mula sa buson o sa
mga tindahang hardware. Maari din kayong
magpasuri sa isang kwalipikadong prope-
syonal. Kung mataas ang patag ng radon
sa inyong tahanan, maari itong pumapasok
mula sa tubig o sa lupa. Kung ang inyong
tubig ay mula sa pampublikong tagapag-
bigay ng tubig, makipagalam sa kanila. Kung
may radon sa inyong tubig mula sa priba-
dong balon, tawagan ang Inuming Tubig
Hotline ng EPA sa (800) 426-4791.
Mga Panganib-Tubig sa
Paglangoy
Hinihikayat ang mga may edad na maging
aktibo sa pangangatawan. Karamihan ng mga
dalampasigan ay ligtas sa paglangoy; gayun-
man, ang tubig dalampasigan ay maaring may
-------
di nakikitang mga mikrobyong nagdadala ng karam-
daman. Ang paglalangoy sa naparuming tubigan ay
maaring magdala ng di grabeng karamdaman, gaya ng
mahapding lalamunan o diarrhea. Ang mga may edad
na mahina na ang sistemang pangligtas ay may mas-
malaking pagkakataon na makapitan ng karamdaman
mula sa naparuming tubig.
• Pagsasara ng Mga Dalampasigan: Ang mga
estado, tribo, o lokal na ahensya ng pamahalaan sa
kalusugan at kapaligiran ay sinusukat at kinikilala
ang mga patag ng mikrobyo sa mga dalampasigan
upang makita kung ang tubig ay sumusunod sa
pamantayan ng kalusugan ng EPA. Kung ang mga
pantayan ng mikrobyo ay hindi ligtas, nagbibigay
ng babala ang mga ahensya o sinasara ang dalam-
pasigan. Kadalasan ay tumataas ang mga pantayan
pagkatapos ng mga bagyo. Mahalaga para sa mga
may edad na may mga kondisyong pangkalusugan
ang magsiyasat at sundin ang mga pasya sa dalam-
pasigan, sa kadahilanang mas madali silang kapitan
ng mikrobyo kaysa sa mga malulusog na may sapat
na gulang.
Mga Panganib sa Pagpasok ng Tubig sa
Tahanan, Lalo na Pagkatapos ng Baha
Ang kulang na pangangalaga sa tahanan ang maaring
pagmulan ng pagkababad sa kontamnasyon para sa
mga may edad. Kung ang kailangang pagpapagawa sa
mga sira ng tahanan ay hindi natutupad, ang labis na
pagkabasa o tubig ay maaring maipon sa loob. Ito ay
magdadala ng paglaganap ng amag, lalo na kung ang
pagkabasa ay hindi natutuklasan. Ang amag ay sanhi
ng reaksyong pang-allergy sa mga taong sensitibo,
gaya ng pagbahin, tulo sa ilong, namumulang mga
mata, at pantal sa balat (dermatitis) at, sa mga malub-
hang kaso, problema sa paghinga. Ang pagkontak
sa nagpaparumi ng tubig ay maaring mangyari kung
ang daloy ng imburnal ay bumalik sa inyong tahanan.
Ang pagkontak ay maaring mangyari kung ang inyong
tubong pang-imburnal ay nabara at nakonekta ka sa
pampublikong sistema ng imburnal o isang sistemang
septiko dahil sa pagsasala mula sa ugat ng mga
punong kahoy. Ang pabalik na pagdaloy ng imburnal
ay karaniwang nagaganap matapos ang matinding
pag-ulan na magdadala ng pagbabaha.
• Inspeksyunin Ang Inyong Tahanan Kung May
Tulo: Magsagawa ng regular na programa upang
inspeksyunin ang inyong tahanan para sa mga tulo
ng tubig sa mga banyo, sa labahan at sa paligid ng
mga bintana at mga pintuan. Huwag kalimutan ang
mga gilid ng bubong at atip. Humanap ng pinang-
gagalingan ng tulo.
• Alisin Ang Tubig Upang Maalis Ang Amag:
Kailangan ng amag ang tubig upang tumubo ito.
Upang maiwasan ang amag, ayusin ang mga tulo sa
mga tubo at iba pang mga suliranin ukol sa tubig sa
lalong madaling panahon. Kuskusin ang amag mula
sa matitigas na ibabaw sa pamamagitan ng pag-
gamit ng sabon at tubig at patuyuin ito ng lubusan.
Upang maalis ang amag sa inyong tahanan, linisin
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
Ano Ang Dapat Kong Gawin
KungHindi Ko Mainom ang Tubig?
Sa panahon na may mga pagligwak o pangsa-
mantalang problema sa gamot sa tubig, maaring
hindi ninyo mainom ang inyong tubig sa maikling
panahon. Ang mga taong may maseselang pan-
gangailangan sa kalusugan o mga taong naninira-
han sa mga pook na kontaminado ang tubig ay
maaring humanap ng ibang panggagalingan ng
tubig na pangmatagalan.
• Sundin ang Mga Pampublikong Babala Ukol
sa Inuming Tubig: Ang inyong tagapagbigay
ng tubig ay inatasang magbigay ng babala sa
pamamagitan ng diyario, radyo, TV, buson o
kamayang-pagpapahatid kung may kagipitang
dala ng sakit mula sa tubigan. Ang babala ay
maglalahad ng anumang pangangalaga na
inyong kakailanganin, gaya ng pagpapakulo ng
inyong tubig o ang paggamit ng de-botelyang
tubig. Sundin ang payo ng inyong tagapagbigay
ng tubig. Ang pagpapakulo ng inyong tubig sa
loob ng isang minuto ay karaniwang papatay
ng mikrobyo subali't hindi makakatulong ito sa
kontaminasyong kemikal.
• Uminom ng De-Botelyang Tubig: Hang mga
kumpanya ang nagpapa-arkila o nagtitinda ng
mga pangdaloy ng tubig o lagayan at regular na
naghahatid ng malalaking botelya ng tubig sa
mga tahanan at mga pook ng mga negosyante.
Ang de-botelyang tubig ay mas mahal kaysa
tubig mula sa pampublikong sistemang tubigan.
Ang kalidad ng de-botelyang tubig ay paiba-iba
depende sa tatak, sa kadahilanang iba't iba ang
pianggagalingan, ang presyo, at gawain ng mga
kumpanya. Ang mga taong may nakokompro-
misong immune system ay kailangang basahin
ang etiketa ng mga de-botelyang tubig upang
matiyak na mahigpitang panggagamot ay ini-
lapat, gaya ng reverse osmosis, distilasyon,
UV radiation, o pagsala sa pamamagitan ng
lubusang 1 micron filter. Para sa karagdagang
impormasyon kung ang inyong de-botelyang
tubig ay sumusunod sa pamantayan ng FDA,
siyasatin sa NSF International (http://www.nsf.
org/consumer/bottled_water/ o tawagan sa
877-8-NSF-HELP).
• Magpakabit ng Sistemang Panggamot sa
Tubig sa inyong Bahay: Kung kayo ay may
pangmatagalang problema ukol sa tubig, ang
pangtahanang panggamot ay maaring kailan-
ganin. Kasama sa pangtahanang panggamot
ang mga pangsala na nakakabit sa gripo o sa
koneksyon mula sa malaking tubo hanggang
sa koneksyon sa bahay. Kung ang problema
ay radon, ang pangtahanang panggamot ang
solusyon.
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
-------
ang amaga at alisin ang pinagmumulan ng tubig. Ang
ilang mga produktong panglinis ay sadyang gawa upang
gamutin ang paglaganap ng amag.
• Pagkatapos ng Baha, Linisin Ang Napinsalang Bahagi:
Ang baha ay gumagawa ng panganib sa kalusugan. Ang
tubig imburnal at iba pang materyales ay pumapasok sa
inyong tahanan sa pamamagitan ng tubig baha. Kahit
malinis ang tubig baha, ang tubig na hindi umaagos at
mga basang materyales ay lugar kung saan lumalaganap
ang munting mga organismo. Alisin ang di umaagos na
tubig, patuyuin ang inyong tahanan, at alisin ang mga
nabasang materyales. Linisin at disimpektahin ang mga
napinsalang bahagi upang mabawasan ang inyong pan-
ganib sa sakit. Ang mga alpombra, kurtina, at mga upuan
ay kinakailangang palitan kung ang tubig imburnal ay
pumasok sa inyong tahanan.
• Pagkatapos ng Baha, Siyasatin Ang Inyong Balon: Kung
kayo ay may pribadong balon, huwag paaandarin ang
pump o gamitin ang tubig mula sa balon na inumin o
panghugas. Kausapin ang inyong estado o lokal na depar-
tamento ng kalusugan upang malaman kung anong mga
pag-iingat ang dapat gawin.
Papaano Ko Pangangalagaan Ang Tubig
Mula sa Aking Pribadong Balon?
Ang inuming tubig mula sa mga pribadong pinanggagal-
ingan ay hindi sakop ng mga pamantayan ng EPA. Kung
ang inyong tubig ay nanggagaling sa isang balon, hindi ito
kusang sinusuri ng mga dalubhasa upang kilalanin ang
problema. Kainakailangang magsagawa kayo ng espesyal
na pagiingat upang matiyak ang pangangalaga at paninindi-
gan ng inyong inuming tubig:
Kilalanin ang Maaring Maging Problema
Ang pagkilala ng maaring maging problema ang unang
hakbang tungo sa pangangalaga sa inyong tubig inumin.
Umpisahan sa pagkonsulta sa lokal na dalubhasa sa inyong
lokal na departamento ng kalusugan, ahente ng pagsa-
sakang palugit, ang kalapit na pampublikong sistema ng
tubigan, o isang heologohista sa lokal na unibersidad.
Tanungin sila ukol sa maaring maging problema na kaugnay
sa kalidad ng tubig sa inyong balon.
Suriin Ang Inyong Balon Bawa't Taon
Suriin ang inyong tubig balon bawa't taon para sa bakterya,
nitrates, ang kabuuan ng natunaw na solids, at ang grado
ng pH. Kung naghihinala kayo na may ibang kontaminante,
suriin din ito. Maraming kontaminante ang walang kulay at
walang amoy, kaya hindi ninyo malalaman kung kayo ay
may problema kung hindi kayo magsusuri.
Kailangan ng mas madalas na pagsusuri sa tubig kung:
• may mga hindi maipaliwanag na karamdaman sa pamilya
• ang inyong mga kapitbahay ay may natuklasang mapan-
ganib na kontaminante sa tubig
• may napansin kayong kaiba sa lasa, amoy, kulay at linaw
ng tubig
• may nabuhos na kemiko o panggatong sa inyong balon o
malapit dito
• may pinalitan o kinumpuni sa anumang bahagi sa
sistema ng inyong balon
Iwasan ang Mga Problema
llayo ang mga pataba, pestisidyo, herbisidyo, panggatong, o
iba pang dumi sa inyong balon. Mag-ingat kung gumagawa
o nagpuputol ng damo malapit sa inyong balon. Kontakin
ang inyong lokal na departamento ng kalusugan upang
alamin kung gaano kadalas dapat bombahin o inpeksyunin
ang inyong sistemang septiko. Huwag magtapon ng mga
ipinagbabawal na materyales sa inyong poso negra.
Papaano Ko Madadagdagan Ang Aking
Kaalaman?
Hangarin ng Inisyatiba sa Pagtanda na pangalagaan
ang kalusugang pangkapaligiran ng mga may edad sa
pamamagitan ng ugnayan ng pananaliksik, mga istratehiya
sa pag-iwas at pangkalahatang edukasyon. Para sa karagda-
gang kaalaman tungkol sa Inisyatiba sa Pagtanda, bisitahin
ang www.epa.gov/aging
Karagdagang Mapagkukunan ng
Kaalaman:
Water on Tap: What You Need to Know
www.epa.gov/safewater/wot/index.html
Arsenic in Drinking Water
www.epa.gov/safewater/arsenic.html
Beaches
www.epa.gov/beaches/
Consumer's Guide to Radon Protection
www.epa.gov/radon/pubs/consguid.html#howenters
Emergency Disinfection of Drinking Water
www.epa.gov/safewater/faq/em erg.htm I
Floods
www.epa.gov/iaq/pubs/flood.html
Guidance for people with Severely Weakened Immune
Systemswww.epa.gov/safewater/crypto.html
Information for Private Well Owners
www.epa.gov/safewater/privatewells/whatdo.html
Mold Resources
www.epa.gov/mold/moldresources.html
Safe Drinking Water
www.epa.gov/safewater/dwinfo/index.html
Tagalog translation of: Water Works
Publication Number: EPA 100-F-09-002
------- |