Hunyo 2009
Sinuman ay
maaring malason
ng carbon
monoxide. Ang
mga may edad at
mayroong mga
karamdaman gaya
ng sakit sa puso,
anemya, o suliranin
sa paghinga, ay
mas nanganganib
sa epekto nitong
walang-amoy at
walang-kulay na
gas.
Pagiwas sa Pagkajason
sa Carbon Monoxide
Impormasyon para sa Mga May Edad
at sa Kanilang Mga Tagapag-alaga
A lam ba ninyo na ang
carbon monoxide
(CO) ang pinaka-
pangkaraniwang
sanhi ng kamatayang dulot ng
pagkalason sa Estados Unidos? Ang
hindi sinasadyang pagkalason sa
CO ang dahilan ng 500 kamatayan
at 15,000 pagbisita sa emergency
room bawa't taon. Ang mga
may higit 65 ang edad ay mas
nanganganib sa hindi sinasadyang
pagkalason sa CO dahil sa
kanilang maselang kalagayang
pangkalusugan.1 Bagama't ang
mga alarmang pang CO ay maaring
makasagip ng buhay, kulang-kulang
na ikatlong bahagi lamang ng mga
tahanan sa Amerika ay mayroong
nakakabit nito.2
Ano ang Carbon
Monoxide (CO)?
Ang CO ay isang gas na walang-
amoy at walang kulay at maaaring
maging dahilan ng karamdaman
at pagkasawi. Produkto ito ng
pagsunog ng anumang panggatong
gaya ng natural na gas, propane,
gasolina, langis, kerosin, kahoy
o uling. Kasama na sa mga
kagamitang nagdudulot ng CO
ang mga kotse, bangka, makinang
de gasolina, kalan, at mga
sistemang pangpapainit. Ang CO na
nanggagaling sa mga nabanggit ay
maaaring maipon sa mga sarado
o mga bahagyang-saradong lugar.
Kapag nalanghap ang CO, ang
masamang gas ay pumapasok sa
daluyan ng dugo at makakaharang
sa pagpasok ng oxygen sa katawan,
na maaring makapinsala sa mga
kalamnan o maging sanhi ng
pagkamatay.3
Ano Ang Mga Sintomas
Ng Pangkalason sa CO?
Sa karamihan, ang unang hudyat
ng pagkahantad sa mababang
konsentrasyon ng CO ay ang
bahagyang sakit ng ulo at
kahirapan sa paghinga kung
bahagyang nagehersisyo. Ang
patuloy na pagkahantad ay maaring
maging sanhing mga sintomas na
parang trangkaso kasama na ang
matinding sakit ng ulo, pagkahilo,
pagkapagod, pagduduwal,
pagkalito, pagiging magalitin, at
di-tamang pagiisip, pag-alala, at
pagkilos.4 Ang CO ay tinatawag na
"tahimik na pumapatay" dahil kung
di papansinin ang maagang mga
senyales, ang isang tao ay maaaring
mawalan ng malay at tuluyan nang
hindi makaligtas sa panganib.
Maaaring Walang
Sintomas Pero
Nakahantad Pa Rin sa
Di-ligtas na Antas ng CO
Ang paglanghap ng mababang
konsentrasyon ng CO ay maaring
hindi magdulot ng mga hantad
na sintomas ng pagkalason sa
CO, subali't maaari itong maging
-------
sanhi ng pangmatagalang pinsala sa kalusugan, kahit
mawala na ang pinanggalingan ng CO. Kasama sa
mga epekto nito sa kalusugan ang pangmatagalang
pinsala sa utak gaya ng kahirapan sa pag-aaral at
pag-aalala, epektong emosyonal at pangpersonalidad,
at pinsala sa pakiramdam at sa pagkilos.5
Sino Ang Nanganganib sa Pagkalason
Mula sa CO?
Lahat ng tao anumang gulang ay nanganganib sa
pagkalason sa CO. Mga taong may karamdaman
sa puso, kakulangan sa dugo, o may mga suliranin
sa paghinga ay mas madaling mapinsala.5 Ang mga
matatanda ay kadalasang mayroong mga kondisyones
na ganito, na siyang nagpapababa ng kanilang
panlaban at nagpapataas ng panganib sa pagkasawi
dala ng pagkababad.7 Ang pagkalason sa CO ay
lubos na mapanganib din sa mga sanggol na hindi
pa ipinanganganak, at nagdadagdag sa panganib
ng kamatayan sa loob ng tiyan at hindi maayos na
paglaki.8'9
Pangkaraniwan sa Mga Menoredad
Isang pag-aaral na ginawa sa Estado ng Washington
ukol sa mga menoredad na populasyon ay
nagpahiwatig na ang populasyong Hispaniko ay apat
na beses na mas nanganganib samantalang ang mga
itim ay may tatlong beses na mas nanganganib kung
ihahambing sa mga put! pagdating sa paglason ng
CO. Karagdagan pa, 67% ng mga Hispaniko at 40%
ng mga itim ay nalason mula sa pagsusunog ng mga
piraso ng uling sa loob ng tahanan.10
Pulang
Selula ng
Dugo
Carbon
Monoxude
Oxygen
(kailangan
upang
mabuhay)
(nakakamatay
Kung Nakakaranas ng ang Mga
Sintomas
Na Inaakala Ninyong Mula sa Pagkalason sa CO:
• Agad lumanghap ng sariwang hangin. Buksan
ang mga pinto at bintana at isara ang mga kalan,
lutuan, pampainit, at iba pang mga katulad na
gamit at lumabas ng bahay.
• Tumawag agad sa sentro ng lason sa 1-800-
222-1222. Sasabihan kayo ng mga dalubhasa
doon kung kakailanganin ninyo ng karagdagang
atensiyong pang-mediko.
Upang Maiwasan ang Pagkalason sa
CO, Tandaan:
• Magpakabit ng alarmang pang-CO malapit sa mga
pook-tulugan.
• Siyasatin ang sistemang pang-init at mga gamit na
pangsunog taon-taon.
• Iwasan ang paggamit ng mga appliances na
walang lagusan ng hangin.
• Huwag magsusunog ng gatong sa loob ng
tahanan maliban sa mga ligtas na kalan o pugon.
• Maging matalas sa mga posibleng sintomas ng
pagkalason sa CO.
Iba Pang Kaalaman sa Pag-iwas sa
Pagkalason sa CO:
• Isaayos ang hulma sa mga gamit na gaas.
• Pagaralang bumili ng pangpainit sa lugar na may
lusutan ng hangin kung papalitan yung pangpainit
na walang lusutan ng hangin.
• Gumamit ng tamang panunog sa pangpainit ng
lugar na gumagamit ng kerosin.
• Magpakabit ng bentilador na may lusutan ng
hangin sa ibabaw ng mga kalan ng gaas.
I Buksan ang mga labasan ng usok kung gagamit
ng pausukan.
I Piliin ang wastong sukat ng kahoy sa paggamit
ng kalan na sertipikado sa pagsunod sa mga
pamantayang pagpapausok ng EPA.
I Tiyakin na ang pinto ng kalang nagsusunog ng
kahoy ay mahigpit ang sarahan.
I Ipainspeksiyon at ipalinis ang inyong sistemang
pangpainit at tsiminea sa kwalipikadong tekniko
taon-taon.
-------
Siguraduhing lahat ng mga gamit na panunog
panloob ay nasa maiging kondisyon at may
wastong bentilasyon.
Huwag magpapaandar ng makina ng kotse sa
loob ng garahe, kahit nakabukas pa ang pinto sa
labasan.
Gamitin ang portable generator sa labas at
malayo sa mga gusali. Huwag gagamit ng
portable generators sa balkonahe o tabi ng mga
pinto, bentilasyones o mga bintana. Huwag
gumamit ng portable generator malapit sa inyong
tulugan o kung saan natutulog ang inyong mag-
anak.
Huwag gagamit ng uling pangtosta o pangluto sa
loob ng tahanan, kahit sa fireplace.
Ang pangpainit na propane o iba pang
pangpainit na may sinusunog na pinupuesto sa
loob ng saradong kubo ng hunting o pangingisda
ay dapat ihinga sa panglabas.
Huwag painitin ang loob ng inyong tahanan sa
pamamagitan ng oven na gaas.
Alarmang pang Carbon Monoxide
De Bateryang yunit
sa pader o kisame
Saksakan ng
Koryente
Mga Alarmang Pang CO
Kalahati ng mga di-sinasadyang pagkamatay
sanhi ng pagkalason sa CO ay maaring iwasan sa
paggamit ng alarmang pang CO. Ang mga alarma
ay kinakailangang aprubado ng Underwriters
Laboratories (UL) at nabibili ang mga ito sa mga
local na tindahang hardware." Ang halaga nito ay
mababa at dahil ito ay makakasagip sa buhay ninyo
at ng inyong mag-anak ito ay isang bargain.
Magpakabit ng alarmang pang CO sa bawa't
palapag ng inyong tahanan at kung saan maririnig
ito mula sa pook tulugan. Sundang maigi ang
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
Papaano Malalaman ang
Pagkakaiba ng Pagkalason sa
CO at ng Trangkaso
Dahil marami sa sintomas ng pagkalason
sa CO ang pareho ng trangkaso, maaring
hindi maisip na pagkalason sa CO and
dahilan. Ang mga sintomas ay maaring
dahil sa pagkalason sa CO kung:
• Mas maigi ang pakiramdam kung
nasa labas ng bahay.
• Dalawa p marami pang tao
sa tahanan ang sabay na may
karamdaman (kadalasan ay ilang
araw ang lumilipas bago lilipat ang
trankaso sa bawa't tao).
• Mga miembro ng pamilya na
pinakaapektado ayyung mga mas
nananatili sa loob ng tahanan.
• Ang mga sintomas ay umiiral o
nagiging grabe pagkatapos buksan
ang gamit na pangsunog o ang
pagandar ng sasakyan sa katabing
garahe.
• Ang mga alagang hayop sa loob
ng tahanan ay mukhang may
karamdaman din, at napapamalas ng
mga sintomas gaya ng pagka-antok
o pagka-tamad (ang mikrobyio ng
trankaso ay hindi lumilipat sa alagang
hayop).
• Kabuuang pananakit, mababang
lagnat, o kulani (ito ay pangkaraniwan
sa sipon o trangkaso).12
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
I
instruksiyon ng gumawa ukol sa pagpapakabit, gamit,
at pangangalaga. Di gaya ng alarmang pang usok,
ang alarmang pang CO ay maaring mawalan ng bisa
matapos ang ilang taon.
Huwag magkumpiyansa dahil lang na nakabili na
kayo ng alarmang pang CO. Ituring ang alarmang
pang CO na katulong lamang sa wastong paggamit at
pangangalaga ng inyong mga gamit na nagsusunog
ng gatong. Di matutunton ng mga alarmang pang CO
-------
ang mababang antas ng CO. May mga katanungan
rin kung sapat na nakakapangalaga ang mga
alarmang pang CO, lalo na sa mga senitibong grupo
gaya ng mga matatanda.13
Ang Mga Matatanda at Mga Isyung
Pangkalusugan sa Kapaligiran
Ang Inisyatiba ng EPA Para sa Nakatatanda ay may
layuning protektahan ang mga matatanda laban sa
mga panganib ng kapaligiran sa pamamagitan ng
pananaliksik, stratehika ng pag-iiwas at edukasyong
pampubliko. Para sa karagdagang impormasyon,
dalawin ang www.epa.gov/aging. Maaring humingi
ng kopya ng dokumentong ito sa: http://www.epa.
gov/aging/resources/factsheets/order.htm
Mga Karagdagang Tangkilik
Your Local Poison Center
• 1-800-222-1222
• Internet: www.aapcc.org
U.S. Environmental Protection Agency
Carbon Monoxide
http://www.epa.gov/iaq/co.html
CDC
Carbon Monoxide
http://www.cdc.gov/co/
Consumer Product Safety Commission
Home Heating Equipment Safety
www.cpsc.gov/cpscpub/pubs/heatpubs.html
Carbon Monoxide Alarms
www.cpsc.gov/cpscpub/prerel/prhtml01/ 01069.
html
Portable Generators
www.cpsc.gov/cpscpub/pubs/portgen.html
Endnotes
1 Centers for Disease Control and Policy. Carbon
Monoxide-Related Deaths - United States, 1999-2004.
Morbidity and Mortality Weekly Report. December 21, 2007;
56(50):! 309-12.
2 Home Safety Council. Unintentional Home Injury in the
United States. State of Home Safety: 2004 Edition, http://
www.homesafetycouncil.org./state_of_home_safety/
sohs_2004_p017.pdf.
3 (CDC), National Center for Environmental Health,
"Carbon Monoxide Poisoning: Questions and Answers," July
2006. http://www.cdc.gov/co/faqs.htm
4 The U.S. Environmental Protection Agency (EPA), Indoor
Environments Division (6607J) Office of Air and Radiation,
"Protect Your Family and Yourself from Carbon Monoxide
Poisoning," October 1996. http://www.epa.gov/iaq/pubs/
coftshthtml
5 Delayed Neuropathology after Carbon Monoxide
Poisoning Is Immune-Mediated, Stephen R. Thorn, Veena
M. Bhopale, Donald Fisher, Jie Zhang, Phyllis Gimotty and
Robert E. Forster, Proceedings of the National Academy of
Sciences of the United States of America, Vol. 101, No. 37
(Sep. 14, 2004), pp. 13660-13665.
EPA. 2000. Air Quality Criteria for Carbon Monoxide.
U.S.EPA National Center for Environmental Assessment.
June, 2000. EPA 600/P-99/001 F.
6 Centers for Disease Control and Prevention (CDC),
National Center for Environmental Health, "Carbon
Monoxide Poisoning: Questions and Answers," July 2006.
http://www.cdc.gov/co/faqs.htm
7 CPSC. 2004. Non-Fire Carbon Monoxide Deaths
Associated with the Use of Consumer Products: 2001
Annual Estimates. U.S. Consumer Product Safety
Commission, Division of Hazard Analysis, May 13, 2004.
8 Raub, J. A., M. MathieuNolf, N. B. Hampson, and S.
R. Thorn. Carbon Monoxide Poisoning - a Public Health
Perspective. TOXICOLOGY (145):1-14, (2000).)
9 Liu, S. Krewski, D., Shi, Y, Chen, Y, and R.T. Burnett.
2003. Association between gaseous ambient air pollutants
and adverse pregnancy outcomes in Vancouver, Canada.
Environmental Health Perspectives. 111:1773-1778.
10 Ralston, J.D. and N.B. Hampson. 2000. Incidence of
severe unintentional carbon monoxide poisoning differs
across racial/ethnic categories. Public Health Reports.
115:46-51. U.S. Department of Health and Human Services.
11 Yoon, S., Macdonald, S., Parrish, G. 1998. Deaths from
unintentional carbon monoxide poisoning and potential for
prevention with carbon monoxide detectors. JAMA. 279(9):
685-687
12 U.S. Department of Housing and Urban Development.
Healthy Homes Issues: Carbon Monoxide, Healthy homes
Initiative Background Information, December 2005. http://
www.healthyhomestraining.org/Documents/HUD/HUD_CO_
Brief.pdf.
13 The Minnesota Department of Health, Environmental
Health Services Division, "Carbon Monoxide (CO) Poisoning
In Your Home," April 2007. http://www.health.state.mn.us/
divs/eh/indoorair/co/index.html
Tagalog translation of: Preventing Carbon
Monoxide Poisoning
Publication Number: EPA 100-F-09-034
------- |