Marso 2011
Ang ultraviolet
radiation ay may
kin a la man sa
pagkakabuo ng
kaugnay-ng-edad
na paghina ng mata
at kanser sa balat.
Makakagawa tayo
ng mga pag-ingat
upang maiwasan ang
labis na pagkahantad
sa sinag ng araw at
pangalagaan and
ating mga mata at
balat.
Pangangalaga ng Ating Mga Mata at
Balat sa Labis na Pagkahantad sa Araw
Mga Epekto sa Kalusugan
ng Ultraviolet Radiation
Impormasyon para sa Mga May Edad at
sa Kanilang Mga Tagapag-alaga
UAng Untraviolet
Radiation (UV) ay
pinakakawalan ng araw
o ng mga artipisyal na
pinagmumulan nito gaya ng
kamang pangkulay sa balat o
mga ilaw na ginagaya ang araw.
Itong papel ng dapat malaman
ay nagbibigay ng pangkalahatang
paningin sa mga pangunahing
suliranin ukol sa kalusugan
na may kaugnayan sa labis na
pagkahantad sa UV radiation.
Dahil hindi maaring ihiwalay
ang mga benepisyo ng araw
sa pinsalang magagawa nito,
mahalagang maintindihan ang mga
panganib ng labis na pagkahantad,
at makuha ang mga simpleng pag-
iingat upang pangalagaan ang sarili.
Ang UV rays ay hindi nakikita o
nararamdaman pero nakakapinsala
ito sa balat at sa mga mata anuman
ang kapanahunan ng taonkahit sa
mga araw na malamig o kulimlim.
Mga Nakakapinsalang
Epekto ng UV Radiation
sa Mga Mata
Ang pagkahantad sa UV rays ay
maaaring magdulot ng matinding
pagkasira sa ating mga mata. Ang
mga sumusunod ay mga halimbawa
ng mga karamdamang dulot ng labis
na pagkahantad sa UV rays:
Mga Katarata
Ang pagkahantad sa UV rays ay
nagdadagdag ng panganib na
magkaroon ng mga katarata, isang
karamdaman na ang lente ng mga
mata ay nawawalan ng kinang
na nagreresulta sa pagkasira ng
paningin. Ang palatandaan ng mga
katarata ay:
Malabo o kulimlim na paningin;
Mga kulay na mukhang
kumupas;
Ang ilaw ay masyadong matindi
ang liwanag;
Sinag sa paligid ng mga ilaw;
Nabawasang paningin sa
gabi, at
Dobleng paningin1.
Ang pagkahantad sa mabababang
antas ng UV radiation ay naglalagay
sa mga nakatatanda sa mas
matinding panganib na magkaroon
ng mga katarata, isang malaking
sanhi ng pagkabulag. Ang sapat
na proteksyon ng mata laban sa
pagkahantad sa araw ay isang
mahalagang paraan upang babaan
ang panganib na magkaroon ng
mga katarata.
-------
Kanser sa Balat sa Paligid ng Mga
Talukap ng Mata
Ang basal cell carcinoma ay ang pinaka-
pangkaraniwang uri ng kanser sa balat na may epekto
sa mga talukap ng mata. Sa karamihan ng mga
kaso, ang pagsusugat ay nangyayari sa ilalim na mga
talukap ng mata, subali't maaari ding mangyari kahit
saan sa mga talukap ng mata, sa mga kanto ng mata,
ilalim ng kilay, at sa mga katabing lugar ng mukha.
Kaugnay-ng-Edad na Paghina
ng Mata (Age-Related Macular
Degeneratio, AMD)
Ang AMD ay isang sakit na nakakaapekto sa macula,
ang bahagi ng mata na hinahayaan kayong makita
ang mga detalye. Kasama sa mga palatandaan ng
macular degeneration ang malabong sentral na
paningin, problema sa pagkilala sa mga mukha, at
ang pangangailangan ng karagdagang ilaw kapag
nagbabasa2. Ang radiation ng araw ay may kinalaman
sa pagkabuo ng AMD3.
Ang AMD-na nagaganap sa dalawang anyo-basa
at tuyoay pinakamadalas na natatagpuan sa mga
taong may edad na higit sa 55. Karamihan sa mga
kaso sa U.S. ay ang tuyong uri, na nabubuo unti-unti
at nagreresulta sa malabong sentral na paningin.
Ang basang AMD ay mabilis mabuo at nagreresulta
sa mas malaking pagkawala ng paningin. Hindi
nagagamot ang macular degeneration. Gayunman,
kung maaga itong matuklasan at malapatan ng lunas
maiiwasan ang mas matinding pinsala, kaya ito ang
dahilan kung bakit dapat mas regular ang pagdalaw
sa inyong espesyalista sa mata.
Ang Pagkabulag Mula sa Niyebe
(Photokeratitis)
Itong pansamantala at mas mababang uri ng
karamdaman ay mula sa sobrang pagkahantad sa
UV rays habang nasa dalampasigan o sa niyebe.
Kasama sa mga sintomas and pagluluha, masakit,
namamagang mga talukap ng mata, at ang
pakiramdam na waring may buhangin sa mga mata,
maulap o nabawasang paningin. Likas na gumagaling
ito,, karaniwan ay pagkaraan ng ilang araw.
Protektahan ang Inyong Mga Mata
Ang pinsala sa mga mata na may kaugnayan sa UV
ay maaaring pigilan. Upang protektahan ang inyong
mga mata, gumamit ng salamin na humaharang sa
90-100% ng UV rays. Ang nakabalot na salaming
pang-araw ang pinakamabisa dahil hinaharangan
nito ang araw na nagmumula sa tagiliran. Dagdag
pa, ang isang sumbrerong malapad ang takip ay
makakapagdulot din ng proteksyon sa mata, at
hinahadlangan ang pagpasok ng UV rays mula sa
tagiliran o itaas ng salaming pang-araw.
Mga Nakakapinsalang Epekto ng UV
Radiation sa Balat
Ang kanser sa balat ang pinakakaraniwang uri ng
kanser sa U.S4. Mas maraming tao ang natuklasang
may kanser sa balat noong 2008 kaysa sa sama-
samang kanser sa suso, prostate, baga o kolon. Isa
sa limang Amerikano ang magkakaroon ng kanser sa
balat sa kabuuan ng kanilang buhay.
Ang pangkaraniwang mga kanser5 sa balat ay
madaling malunasan. Melanoma, isang uri ng kanser
sa balat, ay mas mapanganib at mahirap malunasan.
Subali't maaari itong gamutin kung matutuklasan ito
nang maaga at bago ito kumalat sa iba't ibang bahagi
ng katawan5. Ang maagang pagkatuklas sa melanoma
ay maaaring makasagip sa inyong buhay.
Ang UV radiation ay tumutulong sa katawan na
gumawa ng bitamina D, na mahalaga sa paggamit
ng kalsyum na siyang nangangalaga sa buto. Habang
tayo'y tumatanda, ang ating balat ay nababawasan
ang kakayahan na isama ang bitamina D at ang ating
mga bato ay nababawasan ang kakayahan na gawing
aktibong hormone and bitamina D.
-------
Maagang Pagtanda
Sa paglipas ng panahon, ang pagkahantad sa sinag ng
araw ay nagiging dahilan upang kumapal, mangulubot
ang balat, bumubuo ng madidilim na mantsa at
nagiging mala-kuwero. Ang wastong proteksyon sa
araw ay nagpapaliit ng mga epekto nito. Hanggang
90% ng nakikitang pagbabago sa balat na karaniwang
inaakalang dala ng pagtanda ay dahil sa pagkahantad
sa araw.
Mga Palatandaan ng Kanser sa Balat
Siyasatin ang buong katawan (mula sa tuktok ng
inyong ulo at anit hanggang sa talampakan ng inyong
mga paa) minsan sa isang buwan gamit ang malaki
o pangkamay na salamin. Alamin kung ano ang
normal sa inyong katawan upang mapupuna agad
kung mayroong pagbabago. Ang American Academy
of Dermatology ay mayroong mapa ng mga nunal
sa katawan na ginagawang madali para sa inyo na
matuklasan at mapansin ang mga pagbabago sa mga
nunal na maaaring mahalaga.
Hanapin ang mga pangunahing palatandaan ng
melanoma sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
nunal sa nyong katawan. Tawagan ang inyong
manggagamot kung inyong makakita kayo ng mga
nunal na nagtataglay ng alinman sa mga sumusunod
na katangian. 0 kung ang isang nunal ay nagbabago,
nangangati, dumudugo, o kung anyong naiiba ito sa
ibang mga nunal.
Hindi timbang - ang kalahati ng nunal ay hindi
kaparis ng kalahating bahagi.
Gilid - ang gilid ay hindi pantay, baku-bako o hindi
gaanong nakalinya.
Kulay - ang kulay ng nunal ay paiba-iba.
Diyametro - ang nunal ay mas malaki kaysa
pambura ng lapis.
Nagbabago - isang nunal o sugat sa balat na
anyong naiiba o nagbabago ng laki, hugis o kulay.
Sino ang Nanganganib?
Ang mga sumusunod ay ilang mga kadahilanan na
nagbibigay ng panganib na mapinsala ang mga mata
o balat na dulot ng pagkahantad sa UV radiation.
Lahat, kahit ano pa ang kulay, ay nanganganib na
mapinsala ang mga mata dahil sa UV radiation.
Mga taong mapuputi na namumula o madaling
kapitan ng pekas, may asul o berdeng mga mata
at blond o pula ang buhok ay may mas malaking
panganib na magkaroon ng kanser sa balat. Sa
mga tao na natural na itim ang balat, kung kapitan
sila ng mga melanoma karaniwan ay nasa mga
palad, talampakan ng paa o sa ilalim ng mga
kuko7.
Ang mga taong may kasaysayan sa pamilya
ng kanser sa balat o nakaranas ng matinding
pagkasunog sa ilalim ng araw at ang mga taong
maraming nunal (higit sa 50) ay mas malamang
na magkaroon ng kanser sa balat.
Ang ilang mga gamot gaya ng mga partikular na
antibiotics, antihistamines at mga gamot galing sa
mga pananim ay nagdaragdag ng pagkasensitbo
ng balat at ng mga mata sa UV radiation. Tanungin
ang inyong manggagamot kung ang inyong mga
gamot ay nagdadagdag ng pagkasensitibo sa
liwanag ng araw.
Pagpigil
Huwag magpakasunog - ang labis na pagkahantad
sa araw ang unang-unang napipigilang dahilan ng
kanser sa balat
Pumailalim sa lilim at huwag patagalin ang
pagpapaaraw lalo na mula 10:00 ng umaga
hanggang 4:00 ng hapon kung kailan ang UV
radiation ay pinakamatindi.
I
I
I
I
I
:
i
i
Saan Ako Makakapunta
Upang Madagdagan ang
Aking Kaalaman?
Ang Mga Matatanda at Mga Isyung
Pangkalusugan sa Kapaligiran
Ang Inisyatibo ng EPA Para sa Nakatatanda
ay may layuning protektahan ang mga
matatanda laban sa mga panganib
ng kapaligiran sa pamamagitan ng
pamamahala ng panganib at mga
istratehiya sa pagpigil, edukasyon, at
pananaliksik. Para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa Inisyatibo ng
EPA Para sa Nakatatanda, bisitahin ang
www.epa.gov/aging
Ang mga nakalimbag na kopya nitong
papel ng dapat malaman ay maaaring
hilingin sa: http://www.epa.gov/aging/
resources/factsheets/order.htm
I
I
I
I
I
I
I
I
I
-------
Takpan ang mas maraming balat na maaaring
takpan sa paggamit ng malawak ang panakip na
sombrero at masikip ang pagkagawa na damit.
Gumamit ng panakip sa balat na kremang may
SPF na hindi bababa sa 15 na humaharang ng init
ng araw sa lahat ng nakalabas na balat.
Tingnan ang UV Index, ang pang araw-araw na
kaalaman kung gaano karami ang UV radiation na
umaabot sa ibabaw ng Lupa.
Iwasan ang mga pagkukulay ng balat at ang mga
ilaw na ginagaya ang araw.
Mga Karagdagang Tagatulong
U.S. Environmental Protection Agency
Community-Based UV Risk Education: The
SunWise Program Handbook
www.epa.gov/nrmrl/pubs/625r02008/625r02008.
htm
www.epa.gov/sunwise
Centers for Disease Control
and Prevention
Protect Yourself from the Sun
www.cdc.gov/cancer/skin/basic info/howto.htm
National Institutes of Health
The National Cancer Institute
What You Need to Know about Skin Cancer
www.cancer.gov/cancertopics/wyntk/skin
The National Eye Institute
Cataract
www.nei.nih.gov/health/cataract/cataract facts.
asp
Macular Degeneration
www.nei.nih.gov/health/maculardegen/armd
facts.asp
American Academy of Dermatology
Body Mole Map
www.melanomamonday.org/
documents/08 96%20Melanoma%20Monday%20
Mole%20Map.pdf
American Cancer Society
wwwxa ncer.org
or 1-800-ACS-2345 (1-800-227-2345)
Test your Sun Safety IQ
www.cancer.org/docroot/PED/content/PED_7_lx_
Take the Sun Safety Quiz.asp?sitearea=&level
American Optometric Association
Sunglasses shopping guide:
www.aoa.org/documents/
SunglassShoppingGuide0805.pdf
Mga Talang Pangkatapusan
1 National Institutes of Health, National Eye Institute.
Cataract: www.nei.nih.gov/health/cataract/
cataract facts.asp
2 U. S. Environmental Protection Agency. Community-
Based UV Risk Education: The Sunwise Program
Handbook, pp. 36, 37
3 American Optometric Association. Statement on
Ocular Ultraviolet Radiation Hazards in Sunlight.
www.aoa.org/Documents/OcularUltraviolet.pdf
4 Centers for Disease Control and Prevention. Skin
Cancer.
www.cdc.gov/cancer/skin/basic info
5 Ibid.
6 American Cancer Society. Skin Cancer Facts, www.
cancer.org/docroot/PED/content/ped_7_l_
What_You_Need_To_Know_About_Skin_Cancer.
asp?sitea rea=&leve I
7 National Institutes of Health, National Cancer
Institute, "What You Need to Know About
Melanoma: Melanoma: Who's at Risk
www.cancer.gov/cancertopics/wyntk/melanoma/
page?
Publication Number EPA 100-F-l 1-011
------- |