Basahin Muna ang Etiketa!
PROTEKTAHAN ANG
INYONGMGAANAK
• I II II II
Ang karamihan sa mga regular na ginagamit na produktong ginagamit sa bahay tulad ng mga panlinis at pesticide ay maaaring makasakit sa bata kung Hindi nagamit at
natabi nang wasto. Ang mga adulto ay may mahalagang responsibilidad na maiwasan na malantad ang mga bata sa mga posibleng nakakapinsalang mga produktong ito.
Hinihikayat ng EPA ang mga mamimili na ikonsidera ang paggamit ng mga nakarehistro sa EPA na mga biopesticide at produkto na may Safer Choice Label (Etiketa sa Mas
LigtasnaMapipili)ngEPA, na karaniwang Hindi masyado nakakapinsala.
Mapapanatiling Ligtas ang mga Bata sa pamamagitan ng mga Tip na ito
• Basahin Muna ang Etiketa
Sinasabi sa inyo ng etiketa:
• Kung paano gamitin nang ligtas at mabisang paraan ang produkto.
• Paano maitatago nang ligtas ang produkto.
• Mga tagubilin para sa first aid.
• Ang mga numero ng telepono na dapat tawagan para makakuha ng
tulong o karagdagang impormasyon.
• Sundan ang mga Babala sa Etiketa
• Ang mga babala at tagubilin ay nagsasabi sa inyo kung paano gamitin
nang ligtas at wasto ang mga produkto. Ito ay nakakatulong sa inyo at
sa inyong mga bata na manatiling ligtas.
• Sundan ang mga babala na buksan ang mga bintana, magsuot ng
mga guwantes, at hindi langhapin ang mga alikabok na mula sa
produkto.
• llayo ang mga bata mula sa mga natapon at ginamot na lugar tulad
nang nasa tagubilin.
Alamin kung SaanTatawag upang
Makakuha ng Tulong
• Ang maraming mga etiketa ay may nakasulat na numero ng
telepono na matatawagan kung may emergency.
• Itabi sa telepono ang numero ng telepono ng inyong doktor o
lokal na poison control center.
• lhanda ang produkto kapag tumawag kayo. Ang etiketa ay
naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
produkto.
Itabi ang Mga Produkto sa Mga Orihinal
na Lalagyan nito
• Lubos na mapanganib na ilagay ang mga produkto sa mga lalagyan
ng pagkain at inumin. Iniisip ng mga bata na ang isang bagay na
nakita nang bote ng juice o soda ay mabuting inumin.
• Kung naitapon ninyo ang orihinal na lalagyan, itinapon ninyo ang
mahalagang impormasyon na kinakailangan sa pangyayari ng isang
emergency.
• Kung nakasaad sa etiketa na ihalo ang produkto sa iba pang lalagyan,
gamitin ang lahat ng mixture.
• Kung hindi ninyo magagamit ang lahat ng mixture sa isang lagayan,
lagyan ng etiketa ang bagong lalagyan para magamit sa susunod at
tandaan ang impormasyon na may kinalaman sa kaligtasan.
Itabi ang Mga Produkto sa Lugar
ng Mga Bata
na Di Maaabot
• Tiyakin na ang lahat ng inyong mga produktong panlinis sa bahay at
pesticide ay nakatabi sa lugar na hindi ito maaabot.
• Gumamit ng mga kandado na childproof para sa mga mabababang
kabinet.
• Tiyakin na ang mga takip ay hindi mabubuksan ng mga bata at
nakasarado nang mainam.
• Ituro sa inyong mga anak na ang mga produktong pambahay ay hindi
mga laruan.
1
I
www.epa.gov/safepestcontrol
I
------- |