Basahin Muna ang Etiketa!
PROTEKTAHAN ANG
INYONGTAHANAN
w^
Ang karamihan sa mga produktong ginagamit sa bahay tulad ng mga panlinis at pesticide ay maaaring makasakit mga bata, mga alagang hayop, o sa kapaligiran kung Hindi
nagagamit at natatabi nang wasto. Pumili ng produkto na may etiketa ayon sa inyong particular na nais alisin na peste. Hinihikayat ng EPA ang mga mamimili na ikonsidera
ang paggamit ng mga nakarehistro sa EPA na mga biopesticide at mga produkto sa Safer Choice Label (Etiketa ng Mas Ligtas na Mapipili) ng EFA, na karaniwang Hindi masyado
nakakapinsala. Basta't basahin ang etiketa ng produkto at makakatulong itong mapanatiling ligtas ang inyong pamilya, inyong mga alagang hayop at inyong komunidad.
Panatilihing Ligtas ang Inyong Pamilya at Komunidad sa Pamamagitan ng mga Tip na ito
• Basahin Muna ang Etiketa
Sinasabi sa inyo ng etiketa:
• Kung paano gamitin nang ligtas at mabisang paraan ang produkto.
• Paano maitatago nang ligtas ang produkto.
• Mga tagubilin para sa first aid.
• Ang mga numero ng telepono na dapat tawagan para makakuha ng
tulong o karagdagang impormasyon.
• Sundan ang Lahat ng mga Babala sa Etiketa
• Ang mga babala at tagubilin ay nagsasabi sa inyo kung paano gamitin
nang ligtas at wasto ang mga produkto.
• Sundan ang mga babala na buksan ang mga bintana, magsuot ng mga
guwantes, at hindi langhapin ang mga alikabok na mula sa produkto.
• llayo ang mga alagang hayop at mga bata mula sa lahat ng mga ginamot
na lugartulad nang nakasulat sa etiketa.
• Itabi ang Mga Produkto sa Mga Orihinal na Lalagyan nito
• Lubos na mapanganib na ilagay ang mga produkto sa mga lalagyan ng
pagkain at inumin. lisipin ng mga bata na may isang bagay na nakalagay
sa isang kilalang bote ay ligtas na inumin o paglaruan.
• Ang mga lalagyan na walang masikip na takip ay madaling tumapon.
Alamin kung SaanTatawag upang
Makakuha ng Tulong
I Ang maraming mga etiketa ay may nakasulat na numero ng
telepono na matatawagan kung may emergency.
Ilagay sa numero ng lokal na poison control center at
beterinaryo o lokal na ospital para sa mga hayop sa isang
lugar na madaling makuha o makita.
lhanda ang etiketa ng produkto kapag tumawag kayo.
Ang etiketa ay nakakapagkaloob ng mga importanteng
impormasyon na makakatulong sa inyo tungkol sa produkto.
• Kung naitapon ninyo ang orihinal na lalagyan, itinapon ninyo ang
mahalagang impormasyon na kinakailangan sa pangyayari ng isang
emergency.
• Kung nakasaad sa etiketa na ihalo ang produkto sa iba pang lalagyan,
gamitin ang lahat ng mixture. Kung hindi ninyo magagamit ang lahat ng
mixture, lagyan ng etiketa ang bagong lalagyan para magamit sa susunod.
• Iwasan na Mapinsala ang Kapaligiran
• Gamitin ang produkto ayon sa mga tagubilin sa etiketa para maiwasan
ang pinsalasa kapaligiran.
• Huwag gamitin ang produkto kung saan maaaring dumaloy ito sa mga
lawa, mga creek, o iba pang mga pinagkukunan ng tubig at makontamina
ang iniimon na tubig at mapatay ang mga ligaw na hayop.
• Ang pag-spray ng mga produkto kapag mahangin ay maaaring madala
ang produkto sa mga kalapit na tubigan.
• Huwag kailanman itapon ang mga pesticide o iba pang mga produkto ng
hardinsa patuluanng tubig.
• Bumili ng Tamang Produkto para sa Inyong Mga
Pangangailangan
• Basahin ang etiketa para matiyak na nabibili ninyo ang wastong produkto
para sa gagawin. Makakatipid kayo sa oras dito, pera, at unsyami.
• Bilhin lang ang kakailanganin ninyo. Kung masyado kayong maraming
bilhin, ipasa ang produkto sa ibang tao magagamit ito, kasama ng mga
tagubilin sa etiketa. Ang ilang mga produkto ay maaaring hindi kasing
bisa kung natabi nang matagal. Ang mas malaking laki ay hindi sulit kung
hindi naman ninyo magagamit ito.
• Gumamit lang ng wastong dami. Ipinapahiwatig sa mga etiketa ang
wastong dami na dapat gamitin. Ang paggamit ng mas maraming ay
maaaring mag-aksaya sa produkto, sa inyong pera at maaaring magdulot
ng pinsala sa ibang mga tao, mga alagang hayop at kapaligiran.
www.epa.gov/safepestcontrol
740 F 15 006
------- |