Basahin Muna ang  Etiketa!
   Ang mga hayop na kabahagi na ng ating mga buhay at tahanan ay umaasa sa atin upang protektahan sila. Ang karamihan sa mga produktong ginagamit sa
   bahay tulad ng mga panlinis at pesticide ay maaaring makasakit sa alagang hayop kung Hindi ginagamit at itinatabi nang wasto. Itago nang Hindi maaabot
   ang lahat ng mga produkto ng mga alagang hayop. Hinihikayat ng EPA ang mga mamimili na ikonsidera ang paggamit ng mga nakarehistro sa EPA na mga
          biopesticide at mga produktosa Safer Choice Label (Etiketa ng Mas Ligtas naMapipili)ngEFA,na karaniwang Hindi masyado nakakapinsala.
   Mapapanatiling Ligtas ang mga Alagang Hayop sa pamamagitan ng mga Tip na ito
• Basahin Muna ang Etiketa
Sinasabi sa inyo ng etiketa:
  • Kung paano gamitin nang ligtas at mabisang paraan ang produkto.
  • Paano maitatago nang ligtas ang produkto.
  • Mga tagubilin para sa first aid.
  • Ang mga numero ng telepono na dapat tawagan para makakuha ng
   tulong o karagdagang impormasyon.
   Sundan ang mga Babala sa Etiketa
  • Ang mga babala at tagubilin ay nagsasabi sa inyo kung paano gamitin
   nang ligtas at wasto ang mga produkto. Ito ay nakakatulong sa inyo at
   sa inyong mga alagang hayop na manatiling ligtas.
  • Sundan ang mga babala na buksan ang mga bintana, magsuot ng
   mga guwantes, at hindi langhapin ang mga alikabok na mula sa
   produkto.
  • llayo ang mga alagang hayop mula sa lahat ng mga ginamot na lugar
   tulad nang nakasulat sa etiketa.
 Itabi ang Mga Produkto sa Mga Orihinal na
 Lalagyan nito
• Lubos na mapanganib na ilagay ang mga produkto sa mga lalagyan
 ng pagkainatinumin.
• Ang mga lalagyan na walang mahihigpit na takip ay madaling
 tumapon, na mahahayaan makuha ng inyong alagang hayop ang
 produkto.
• Kung naitapon ninyo ang orihinal na lalagyan, itinapon ninyo ang
 mahalagang impormasyon na kinakailangan sa pangyayari ng isang
 emergency.
• Kung nakasaad sa etiketa na ihalo ang produkto sa iba pang lalagyan,
 gamitin ang lahat ng mixture. Kung hindi ninyo magagamit ang lahat
 ng mixture, lagyan ng etiketa ang bagong lalagyan para magamit sa
 susunod.
 llayo ang Mga Produkto mula sa
 Mga Alagang Hayop
 Huwag i-spray o itabi ang mga panlinis o pesticide na produkto nang
 malapit sa mga pagkain ng alagang hayop o lalagyan ng tubig ng
 alaga.
 Tiyakin na hindi maaabot ng mga alagang hayop ang mga produkto
 kapag ginagamit ang mga ito.
 Sa kaganapan na may tumapon, tiyakin na ilayo ang mga hayop mula
 sa natapunang lugar hangga't nalinis na ito.
 Huwag kalimutan ang mga hayop ng gubat o ligaw na hayop. Ang
 pag-spray ng mga produkto kapag mahangin ay maaaring madala
 ang produkto sa supply ng tubig ng mga ligaw na hayop.
 Tiyakin na ang lahat ng mga produktong panlinis ng bahay at mga
 pesticide ay natatabi nang malayo mula sa mga alagang hayop.

-------