Basahin Muna ang Etiketa! Ang mga hayop na kabahagi na ng ating mga buhay at tahanan ay umaasa sa atin upang protektahan sila. Ang karamihan sa mga produktong ginagamit sa bahay tulad ng mga panlinis at pesticide ay maaaring makasakit sa alagang hayop kung Hindi ginagamit at itinatabi nang wasto. Itago nang Hindi maaabot ang lahat ng mga produkto ng mga alagang hayop. Hinihikayat ng EPA ang mga mamimili na ikonsidera ang paggamit ng mga nakarehistro sa EPA na mga biopesticide at mga produktosa Safer Choice Label (Etiketa ng Mas Ligtas naMapipili)ngEFA,na karaniwang Hindi masyado nakakapinsala. Mapapanatiling Ligtas ang mga Alagang Hayop sa pamamagitan ng mga Tip na ito • Basahin Muna ang Etiketa Sinasabi sa inyo ng etiketa: • Kung paano gamitin nang ligtas at mabisang paraan ang produkto. • Paano maitatago nang ligtas ang produkto. • Mga tagubilin para sa first aid. • Ang mga numero ng telepono na dapat tawagan para makakuha ng tulong o karagdagang impormasyon. Sundan ang mga Babala sa Etiketa • Ang mga babala at tagubilin ay nagsasabi sa inyo kung paano gamitin nang ligtas at wasto ang mga produkto. Ito ay nakakatulong sa inyo at sa inyong mga alagang hayop na manatiling ligtas. • Sundan ang mga babala na buksan ang mga bintana, magsuot ng mga guwantes, at hindi langhapin ang mga alikabok na mula sa produkto. • llayo ang mga alagang hayop mula sa lahat ng mga ginamot na lugar tulad nang nakasulat sa etiketa. Itabi ang Mga Produkto sa Mga Orihinal na Lalagyan nito • Lubos na mapanganib na ilagay ang mga produkto sa mga lalagyan ng pagkainatinumin. • Ang mga lalagyan na walang mahihigpit na takip ay madaling tumapon, na mahahayaan makuha ng inyong alagang hayop ang produkto. • Kung naitapon ninyo ang orihinal na lalagyan, itinapon ninyo ang mahalagang impormasyon na kinakailangan sa pangyayari ng isang emergency. • Kung nakasaad sa etiketa na ihalo ang produkto sa iba pang lalagyan, gamitin ang lahat ng mixture. Kung hindi ninyo magagamit ang lahat ng mixture, lagyan ng etiketa ang bagong lalagyan para magamit sa susunod. llayo ang Mga Produkto mula sa Mga Alagang Hayop Huwag i-spray o itabi ang mga panlinis o pesticide na produkto nang malapit sa mga pagkain ng alagang hayop o lalagyan ng tubig ng alaga. Tiyakin na hindi maaabot ng mga alagang hayop ang mga produkto kapag ginagamit ang mga ito. Sa kaganapan na may tumapon, tiyakin na ilayo ang mga hayop mula sa natapunang lugar hangga't nalinis na ito. Huwag kalimutan ang mga hayop ng gubat o ligaw na hayop. Ang pag-spray ng mga produkto kapag mahangin ay maaaring madala ang produkto sa supply ng tubig ng mga ligaw na hayop. Tiyakin na ang lahat ng mga produktong panlinis ng bahay at mga pesticide ay natatabi nang malayo mula sa mga alagang hayop. ------- |