MAGSUNOGH NG TAMA
Programa ng EPA ng Estados Unidos
WASTONG MAGSUNOG NG KAHOY, SA TAMANG PARAAN, NANG MAY TAMANG KAGAMITAN PARA SA PANGSUNOG SA KAHOY
A
. lam ba ninyo na sa pagbabago kung paano
kayo magsunog ng kahoy ay makakatipid kayo
ng pera, mababawasan ang polusyon sa hangin
at mapoprotektahan ang inyong kalusugan?
Heto ang ilang mga simpleng tip kung paano
mapapainit nang husto ang isang apoy, dagdag
na makatipid at mapanatiling malinis at mainam
sa kalusugan ang inyong lokal na hangin.
' Itabi para sa tamang panahon ang lahat ng mga kahoy
to na panggatong. Ang lahat ng kahoy na panggatong ay
dapat na biyakin sa gitna, maayos na takpan at itabi, at
hayaang tumagal sa pag-iimbak ng kahit man lang anim na
buwan. Ang mga naayos at natabing mga kahoy ay mas
mainit kapag sinunog, binabawasan ang paggamit ng
pandingas at binabawasan ang dami ng usok na malilikha ng
inyong kagamitan.
' Pumili ng tamang kahoy na panggatong. Ang mga
to hardwood o punong kahoy ang pinakamainam. Huwag
kailanman sunugin ang basura o ginamot na kahoy dahil
maaari itong magpasingaw ng nakakapinsalang pollutant sa
hangin.
' Magsimula nang tama. Gumamit lang ng malinis na
to dyaryo o tuyong pamparikit ng apoy para makapagsimula
ang dingas. Huwag kailanman gumamit ng gasolina,
pangdingas ng uling, o propane torch.
' Huwag hayaan na masunog o uminit sa baga ang apoy.
to Maraming may palagay na kailangan nilang hayaang
magdamag na uminit sa baga nang walang apoy at kakaunti
ang usok. Ngunit ang pagbabawas ng pinagmumulan ng
hangin ay kaunti lang ang nagagawa sa pagpapainit at
nagpapadagdag sa polusyon sa hangin.
' Paglilinis ng mga abo mula sa inyong kagamitan na
to nagsusunog ng kahoy. Ang mga labis na abo ay maaaring
makabara sa pagpasok ng hangin mula sa mga bent na
nagpapabawas sa pagiging epektibo nito. Tiyakin na itapon
ang mga ubo sa isang metal na lalagyan na malayo sa
tahanan o anumang madaling magdingas na materyales
para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng sunog.
' Panatiliing malinis ang inyong chimney. Ang isang malinis
to na chimney ay nagbibigay ng mabuting pagkokontrol ng
ihip ng hangin para sa inyong kagamitan na nagsusunog na
kahoy at binabawasan ang panganib ng sunog sa chimney.
Pa-inspeksyunan mula sa isang may sertipikasyon na
propesyonal ang inyong chimney isang beses sa isang taon.
' Maging isang mabuting kapit-bahay. Sundin ang
to pinakamabuting mga pamamalakad sa pagsusunog ng
kahoy. Parating tandaan na sumunod sa mga alituntunin ng
estado at panlokal at tingnan ang inaasahang lokal na
kalidad ng hangin.
' Sundin ang mga tagubilin. Paganahin ang inyong
to kagamitan para sa pagsunog ng kahoy ayon sa mga
tagubilin ng manufacturer at sundan ang lahat ng mga
pamamaraan para sa pag-aalaga o paglilinis nito.
' Mag-upgrade ng mas malinis na kagamitan. Ang mga
to may sertipiko ng EPA na wood stove o mga naipapasok na
fireplace ay mas malinis ang pagsusunog ng kahoy at mas
mabisang nagsusunog ng kahoy na mas kaunti ang inilalabas
na polusyon kaysa sa ibang mga modelo.
' Mahalaga ang laki. Piliin ang may wastong laki na
to kagamitan para sa inyong mga pangangailangan. Kung
ang inyong kagamitan para sa pagsusunog ng kahoy ay
masyado malaki para sa inyong kuwarto o bahay, ang fuel ay
magsusunog o magpapainit sa baga at lilikha ng mas
maraming polusyon sa hangin.
v>EPA Para sa karagdagang impormasyon sa pagsusunog ng kahoy ng tama, magpunta sa www.epa.gov/burnwise
EPA-456/F-09-004

-------