MAGSUNOGH NG TAMA Programa ng EPA ng Estados Unidos WASTONG MAGSUNOG NG KAHOY, SA TAMANG PARAAN, NANG MAY TAMANG KAGAMITAN PARA SA PANGSUNOG SA KAHOY A . lam ba ninyo na sa pagbabago kung paano kayo magsunog ng kahoy ay makakatipid kayo ng pera, mababawasan ang polusyon sa hangin at mapoprotektahan ang inyong kalusugan? Heto ang ilang mga simpleng tip kung paano mapapainit nang husto ang isang apoy, dagdag na makatipid at mapanatiling malinis at mainam sa kalusugan ang inyong lokal na hangin. ' Itabi para sa tamang panahon ang lahat ng mga kahoy to na panggatong. Ang lahat ng kahoy na panggatong ay dapat na biyakin sa gitna, maayos na takpan at itabi, at hayaang tumagal sa pag-iimbak ng kahit man lang anim na buwan. Ang mga naayos at natabing mga kahoy ay mas mainit kapag sinunog, binabawasan ang paggamit ng pandingas at binabawasan ang dami ng usok na malilikha ng inyong kagamitan. ' Pumili ng tamang kahoy na panggatong. Ang mga to hardwood o punong kahoy ang pinakamainam. Huwag kailanman sunugin ang basura o ginamot na kahoy dahil maaari itong magpasingaw ng nakakapinsalang pollutant sa hangin. ' Magsimula nang tama. Gumamit lang ng malinis na to dyaryo o tuyong pamparikit ng apoy para makapagsimula ang dingas. Huwag kailanman gumamit ng gasolina, pangdingas ng uling, o propane torch. ' Huwag hayaan na masunog o uminit sa baga ang apoy. to Maraming may palagay na kailangan nilang hayaang magdamag na uminit sa baga nang walang apoy at kakaunti ang usok. Ngunit ang pagbabawas ng pinagmumulan ng hangin ay kaunti lang ang nagagawa sa pagpapainit at nagpapadagdag sa polusyon sa hangin. ' Paglilinis ng mga abo mula sa inyong kagamitan na to nagsusunog ng kahoy. Ang mga labis na abo ay maaaring makabara sa pagpasok ng hangin mula sa mga bent na nagpapabawas sa pagiging epektibo nito. Tiyakin na itapon ang mga ubo sa isang metal na lalagyan na malayo sa tahanan o anumang madaling magdingas na materyales para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng sunog. ' Panatiliing malinis ang inyong chimney. Ang isang malinis to na chimney ay nagbibigay ng mabuting pagkokontrol ng ihip ng hangin para sa inyong kagamitan na nagsusunog na kahoy at binabawasan ang panganib ng sunog sa chimney. Pa-inspeksyunan mula sa isang may sertipikasyon na propesyonal ang inyong chimney isang beses sa isang taon. ' Maging isang mabuting kapit-bahay. Sundin ang to pinakamabuting mga pamamalakad sa pagsusunog ng kahoy. Parating tandaan na sumunod sa mga alituntunin ng estado at panlokal at tingnan ang inaasahang lokal na kalidad ng hangin. ' Sundin ang mga tagubilin. Paganahin ang inyong to kagamitan para sa pagsunog ng kahoy ayon sa mga tagubilin ng manufacturer at sundan ang lahat ng mga pamamaraan para sa pag-aalaga o paglilinis nito. ' Mag-upgrade ng mas malinis na kagamitan. Ang mga to may sertipiko ng EPA na wood stove o mga naipapasok na fireplace ay mas malinis ang pagsusunog ng kahoy at mas mabisang nagsusunog ng kahoy na mas kaunti ang inilalabas na polusyon kaysa sa ibang mga modelo. ' Mahalaga ang laki. Piliin ang may wastong laki na to kagamitan para sa inyong mga pangangailangan. Kung ang inyong kagamitan para sa pagsusunog ng kahoy ay masyado malaki para sa inyong kuwarto o bahay, ang fuel ay magsusunog o magpapainit sa baga at lilikha ng mas maraming polusyon sa hangin. v>EPA Para sa karagdagang impormasyon sa pagsusunog ng kahoy ng tama, magpunta sa www.epa.gov/burnwise EPA-456/F-09-004 ------- |