vvEPA

United States
Environmental Protection
Agency
Isang Buod ng Clean
Air Act
dean Air Act

-------
Isang Buod ng Clean
Air Act
dean Air Act
&EPA
Office of Air Quality Planning and Standards
Research Triangle Park, NC
Publication No. EPA-456/K-07-001
Abril 2007

-------
Mga Nilalaman
Bakit Ka Dapat Mag-alala Tungkol sa Air Pollution?	1
Air Pollution at ang Iyong Kalusugan
Air Pollution at ang Kapaligiran
Air Pollution at ang Ekonomiya
Pag-unawa sa Clean Air Act	2
Mahahalagang Elemento ng Clean Air Act	4
Paglilinis ng Karaniwang Matatagpuang mga Air Pollutant	4
Mga Kotse, Trak, Bus, at Equipment na Hindi Pangkalsada	8
Air Pollution sa mga Estado at sa Buong Daigdig	10
Paglilinis ng Hangin sa Ating mga Pambansang Parke	12
Pagbabawas sa Acid Rain	14
Pagbabawas sa Nakakalason na mga Air Pollutant	16
Pagprotekta sa Stratospheric Ozone Layer	17
Mga Permit at Pagpapatupad	19
Partisipasyon ng Publiko	20
Paano Gumagana ang Clean Air Act	21
Mga Paraan para Mabasawan ang Air Pollution	22
Contact Information	23

-------
Baki Ka ba Dapat
Mag-alala Tungkol sa Air Pollution?
A
aaari kang liindi kumain nang ilang
araw at liindi urninom nang ilang oras,
ngumt tatagal ka lamang ng ilang
minuto nang walang hangin. Karaniwan,
bawat isa sa atin ay lumalangliap ng mahigit 3,000
galon ng hangin bawat araw. Kailangan mo ng
hangin para mabuhav. Gavunman, alam 1110 ba na
maaari kang magkasakit sa paglanghap ng mamming
hangin?
Ang air pollution ay makakasira sa mga puno.
pananiin. iba pang halaman lawa, at hayop. Bukod
pa sa pagsira sa natural na kapaligiran, sinisira din
ng air pollution ang mga gusali, monumento. at
estatuwa. Hindi lamang nito binabawasan ang layo ng
matatanaw mo sa mga pambansang parke at lungsod.
nakakasagabal pa ito sa paglipad ng mga eroplano.
Noong 1970, nilikha ng Kongreso ang Environmental
Protection Agency (EPA) at ipinasa ang Clean Air
Act, na nagbibigay ng awtoridad sa pamahalaang
pederal na linisin ang air pollution sa bansang
ito. Mula noon, sinikap 11a ng EPA at mga estado.
tribo, pamahalaang lokal, industriya, at grupong
nangangalaga sa kapaligiran na magtatag ng iba't
ibang programa para mabawasan ang mga air
pollution level sa buong Amerika.
Ang Clean Air Act ay nakatulong na baguhin ang
paraan ng pagtatrabaho 0 pagnenegosyo ng marami
sa atin. Sa ilang sitwasyon, nabago pa nito ang paraan
ng ating pamumuhay. Ang gabay na ito ay naglalaan
ng maikling panimula sa mga programa, pilosopiya,
at patakaran sa Clean Air Act.
Air Pollution at ang Iyong
Kalusugan
Ang paglanghap sa maruming
hangin ay makakapaso sa iyong
mga mats at ilong. Makakairita ito
sa iyong lalamunan at maliihirapan
kang huminga. Sa katunayan, ang
mga pollutant na gaya ng maliliit na
alikabok na nakalutang sa hangin
at ground-level ozone ay maaaring

o
-h
Pagsusuri para sa hika sa Minneapolis, Minnesota Ang air
pollution ay maaaring magpasimula at magpalala ng hika
sa mga bata.
magpasimula ng mga problema sa baga, lalo na sa
mga taong may hika. Ngayon, halos 30 milyon nang
matatanda at bata sa United States ang nasuring
may hika. Ang mga may hika ay maaaring lubliang
maapektuhan ng air pollution. Maaari ding palalain
ng air pollution ang mga problema sa kalusugan
para sa matatanda at sa iba pang may sakit sa puso
0 baga.
Ang ilang kemikal na nakakalason na pinakawalan
sa hangin tulad ng benzene 0 vinyl chloride ay
lubhang nakakalason at maaaring magsanlii ng
kanser, depekto sa sanggol na bagong silang,
pangmatagalang pmsala sa mga baga, pati na sa utak
at nerves. At sa ilang sitwasyon, maaari pa ngang
makamatay ang paglanghap sa mga kemikal na ito.
Ang ibang mga pollutant ay nakakalutang sa
himpapawid, na nagsasanlii ng pagnipis ng
protective ozone layer. Humantong na ito sa mga
pagbabago sa kapaligiran at lubhang pagdami ng
mga kanser sa balat at katarata (pagkasira ng mata).
Air Pollution at ang Kapaligiran
Ang air pollution ay liindi lamang
isang banta sa ating kalusugan
sinisira din nito ang ating
kapaligiran. Ang nakakalason
na mga air pollutant at ang mga
kemikal na lumilikha ng acid rain
at ground-level ozone ay maaaring
makasira sa mga puno, pananim,
hayop, lawa at iba pang katubigan.
Ang mga pollutant na iyon ay
maaari ding makapinsala sa mga
isda at iba pang nabubuhay sa
ilalim ng dagat.
Ian Greaves, M.D., University of Minnesota School
of Public Health, Minneapolis, MN
~
1

-------
Air Pollution at ang Ekonomiya
Malaki ang mga epekto ng air pollution sa kalusugan
kapaligiran, at ekonomiya. Bawat araw, ang air
pollution ay nagsasanlii ng libu-libong karamdaman na
humahantong sa mga araw ng pagliban sa trabaho at
eskuwela. Bilyun-bilyong dolyar din ang nababawas sa
kinikita sa mga ani sa bukid at pagtotroso bawat taon.
Sa pagbabawas sa air pollution, humantong na
ang Clean Air Act sa malalaking pagbabago sa
kalusugan ng tao at sa kapaligiran sa United
States.
Mula noong 1970,
•	nabawasan nang mahigit 50 porsiyento
ang anim na karaniwang matatagpuang
mga air pollutant,
•	nabawasan nang halos 70 porsiyento
ang mga lason sa hangin mula sa mga
pinagmumulang industriya, tulad ng mga
planta ng kemikal, refinery ng petrolyo, at
paper mill,
•	mas malinis nang mahigit 90 porsiyento
ang mga bagong kotse at magiging mas
malinis pa sa hinaharap, at
•	tumigil na ang produksyon ng mga
kemikal na pinakalubhang nakakaubos sa
ozone layer.
Kasabay nito,
•	nagtriple ang U.S. gross domestic
product, o GDP,
•	tumaas nang 50 porsiyento ang paggamit
ng enerhiya, at
•	tumaas nang halos 200 porsiyento ang
paggamit ng sasakyan.
Pag-unawa sa
Clean Air Act
Maikling Kasaysayan ng Clean Air Act
Jt
oong Oktubre 1948, isang makapal
na ulap ng air pollution ang namuo
sa ibabaw ng industriyal na bayan ng
Donora, Pennsylvania. Nagtagal nang
limang araw ang ulap, kumitil ng buhay ng 20 katao
at nagsanlii ng sakit sa 6,000 sa 14,000 taumbayan.
Noong 1952, mahigit 3,000 katao ang namatay sa
naging kilala ngayong "Killer Fog" sa London.
Napakakapal ng smog kaya liindi makatakbo ang mga
bus nang walang gabay na naglalakad sa unahan nila
na may dalang mga ilawan.
Ang mga kaganapang tulad nito ay nagbabala sa atin
sa mga panganib na dulot ng air pollution sa kalusugan
ng publiko. Ipinasa ang ilang batas pederal at batas ng
estado, pati na ang orihinal na Clean Air Act ng 1963,
na nagtatag ng pondo para sa pag-aaral at paglilinis
ng air pollution. Ngunit komprehensibong pederal
na tugon para lunasan ang air pollution hanggang
sa magpasa ang Kongreso ng mas matinding Clean
Air Act noong 1970. Sa taon ding iyon nilikha ng
Kongreso ang EPA at ibinigay rito ang pangunahing
tungkuling ipatupad ang batas. Mula noong 1970,
naging responsable na ang EPA sa iba't ibang
programa ng Clean Air Act para mabawasan ang air
pollution sa buong bansa.
Noong 1990, lubhang binago at pinalawak ng
Kongreso ang Clean Air Act, at binigyan ang EPA ng
mas malawak na awtoridad sa pagsasakatuparan at
pagpapatupad ng mga regulasyon na magbabawas sa
mga emisyon ng air pollutant. Pinag-ibayo rin ng 1990
Amendments ay ang pagbibigay-diin sa mas murang
mga paraan sa pagbabawas ng air pollution.
Mga Tungkulin at Responsibilidad
sa Clean Air Act
Ang Clean Air Act ay isang batas pederal na
sumasakop sa buong bansa. Gayumnan maraming
ginagawa ang mga estado, tribo at pamahalaang
lokal para matugunan ang mga kinakailangan ng Act.
Halimbawa, nakikipagtulungan sa mga kumpanya
ang mga kinatawan mula sa mga ahensyang ito
para mabawasan ang air pollution. Nirerepaso at
inaaprubahan din nila ang mga aplikasyon sa permit
para sa mga industriya o mga prosesong kemikal.

-------
Tungkulin ng EPA
Sa ilalim ng Clean Air Act, ang EPA ay nagtatakda ng
mga liinitasyon sa ilang air pollutant, pati na ng mga
limitasyon kung gaano kararni ang maaaring nasa hangin
sa United States. Nakakatulong ito para tiyakin ang
pangnnaliing kalusugan at proteksyon sa kapaligiran
inula sa air pollution para sa lahat ng Amerikano.
Binibigyan din ng Clean Air Act ng awtoridad ang
EPA na limitahan ang eniisyon ng mga air pollutant
na nagmumula sa mga pabrikang tulad ng mga planta
ng kemikal, utility, at steel mill. Maaaring magkaroon
ng mas matitinding batas sa air pollution ang bawat
isa sa mga estado o tribo, ngunit liindi sila maaaring
magkaroon ng mas mahihinang limitasyon sa polusyon
kavsa sa mga itinakda ng EPA.
Kailangang aprabahan ng EPA ang mga piano ng mga
ahensya ng estado, tribo, at lokal para sa pagbabawas
ng air pollution. Kung ang isang piano ay liindi
nakakatugon sa mga kinakailangan, maaaring mag-
isyu ng mga parusa ang EPA laban sa estado at. kung
kailangan. sila na ang magpapatupad sa Clean Air Act sa
lugar 11a iyon.
Tinutulungan ng EPA ang mga ahensva ng estado,
tribo, at lokal na ahensya sa pamamagitan ng paglalaan
ng pagsasaliksik, mga pag-aaral ng mga dalubhasa,
mga engineering design at pondo para suportahan ang
progreso ng paglilinis ng hangin. Mula noong 1970,
naglaan na ang Kongreso at EPA ng ilang bilyong dolyar
sa mga estado. lokal na ahensya, at bansang tribo para
maisakatuparan ito
Tungkulin ng Estado at mga Lokal
na Pamahalaan
Makatuturan para sa estado at lokal na mga ahensya sa
air pollution na manguna sa pagsasakatuparan ng Clean
Air Act. Nagagawa nilang magbuo ng mga solusyon
para sa mga problema sa polusyon na nangangailangan
ng espesyal na pag-unawa ng mga lokal na industriya,
heograpiya, pabahay, at mga pattern sa paglalakbay, at
iba pang kadahilanan.
Sinusubaybayan din ng mga pamahalaan ng estado,
lokal, at tribo ang kalidad ng hangin, sinusuri ang mga
pasilidad 11a nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon at
ipinatutupad ang mga regulasyon ng Clean Air Act.
Kailangan ng mga estado na magbuo ng State
Implementation Plans (SIPs) na nagbabalangkas kung
paano kokontrolin ng bawat estado ang air pollution sa
ilalim ng Clean Air Act. Ang SIP ay isang koleksyon ng
mga regulasyon, programa at patakaran na gagamitin
ng isang estado para linisin ang marunuuing lugar.
Kailangan ng mga estado na isangkot ang publiko at
mga industriya sa pamamagitan ng mga pagdinig at
oportunidad na magkomento sa pagbubuo ng piano ng
bawat estado.
Kasama sa Clean Air Act ang iba't ibang paraan ng pagharap sa polusyon
na ibinubuga ng pinagmumulang malalaking industriya.
Tungkulin ng mga Bansang Tribo
Sa pagbabago ng Clean Air Act noong 1990, kinilala
ng Kongreso na ang Indian Tribes ay may awtoridad
na magpatupad ng mga programa sa pagkontrol ng air
pollution.
Ang Tribal Authority Rule ng EPA ay binibigyan ang
Tribes ng kakayahang magbuo ng mga programa
sa pamamahala sa kalidad ng hangin sumulat ng
mga panuntunan sa pagbabawas ng air pollution at
magsakatuparan at magpatupad ng kanilang mga
panuntunan sa Bansa ng mga Indian. Samantalang
ang mga ahensya ng estado at lokal na ahensya ang
responsable sa lahat ng kinakailangan Clean Air Act,
niaaari lamang magbuo at magpatupad ang Tribes ng
mga bahaging angkop para sa kanilang mga lupain.

-------
Mga Pangunahing
Elemento
ng misyon ng EPA ay protektahan ang
kalusugan ng tao at ang kapaligiran.
Para maisagawa ang misyong ito,
nagpapatupad ang EPA ng iba't ibang
programa sa ilalim ng Clean Air Act na nakatuon sa:
A
¦	pagbabawas ng konsentrasvon ng mga air
pollutant sa labas ng bahay, o sa paligid, na
nagsasanlii ng smog, liamog. acid rain, at iba
pang mga problema;
¦	pagbabawas ng pagbubuga ng nakakalason na
mga air pollutant na kilala, o pinagliiliinalaan, na
nagsasanlii ng kanser o iba pang malulubhang
epekto sa kalusugan; at
¦	pagpapatigil sa produksvon at paggamit ng mga
kemikal na sumisira sa stratospheric ozone.
Ang mga pollutant na ito ay nagmumula sa mga
bagav na hindi gumagalaw (gaya ng mga planta ng
kemikal, gasolinahan, at powerplant) at mga bagay na
gumagalaw (gaya ng mga kotse, trak, at eroplano).
Paano Nalilikha ang
Smog
Maraming pinagmumulan ng
polusyon, kabilang na ang
mga kotse, pabrika at planta
ng kemikal, at mga produktong
ginagamit sa bahay, ang
nagbubuga ng mga pollutant na
lurnilikha ng smog. Hinihipan ng
hangin ang mga pollutant palayo
sa pinagmulan ng mga Ito at ang
init ng tag-araw ay nagsasanhi
ng mga reaksyong kemikal na
lurnilikha ng ground-level ozone—
isang pangunahing sangkap ng
smog.
Ilang oras matapos ibuga ang
mga pollutant na lurnilikha ng
smog mula sa mga pinagmulan
nito, pinarurumi ng smog ang
hangin, na kadalasa'y umaabot
nang ilang milya ang layo mula sa
pinagbugahan ng pollutants.
Paglilinis ng Karaniwang
Matatagpuang mga Air Pollutant
Ang anim 11a karaniwang air pollutant (kilala rin
bilang "mga criteria pollutant") ay matatagpuan
sa buong United States. Ang mga ito ang particle
pollution (madalas tawaging particulate matter),
ground-level ozone, carbon monoxide, sulfur oxides,
nitrogen oxides, at lead. Ang mga pollutant 11a ito ay
makakasama sa iyong kalusugan at sa kapaligiran, at
nakakasira sa iyong ari-arian. Sa anim 11a pollutant,
ang particle pollution at ground-level ozone ang
pinakalaganap na mga banta sa kalusugan. Tinatalakay
sa ibaba ang mga detalye tungkol sa dalawang pollutant
na ito. Para sa imponnasyon tungkol sa iba pang mga
karaniwang pollutant, bumisita sa website ng EPA sa
www.epa.gov/air/urbanair/.
Tinatawag ng EPA ang mga pollutant na ito na mga
"criteria" air pollutant dahil kinokontrol nila ang mga
ito sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga pamantayan
batay sa kalusugan ng tao at/o batay sa kapaligiran
(mga patnubay batay sa siyensya) para sa pagtatakda
ng mga pinapavagang lebel. Ang grupo ng mga
limitasyon batay sa kalusugan ng tao ay tinatawag 11a
mga pangunahing pamantayan. Ang isa pang grupo
ng mga limitasyon na nilayong pigilan ang pagkasira
ng kapaligiran at ari-arian ay tinatawag na di-gaanong
mahahalagang pamantayan. Ang isang lugar na mas
malinis ang kalidad ng hangin kaysa sa pangunahing
pamantayan ay tinatawag na "attainment" area;
ang mga lugar na hindi tumutugon sa pangunahing
pamantayan ay tinatawag na mga "nonattainment" area.
©—&


-------
Ang EPA ay matagal nang nagbubuo ng mga programa
upang mabawasan ang mga emisyon ng karaniwang
matatagpuang mga air pollutant mula nang ipasa ang
Clean Air Act noong 1970. Malaking trabaho ito, at
bagama't malaki na ang nagawang progreso, matatagalan
pa bago maging lubos na malinis ang hangin sa buong
bansa. Para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa
kalidad ng hangin sa U.S., bumisita sa www.epa.gov/
airtrends. May ilan pang lugar sa bansa, pati na sa
maraming lungsod, na nakagrupo sa nonattainment area
para sa kahit isa man lang sa anim na mga karaniwang
pollutant. Sa kabila ng patuloy na pagpapabuti sa kalidad
ng hangin, milyun-miyong katao ang naninirahan sa mga
lugar na may monitoring data na sumusukat sa mga lebel
ng polusyong nakakasama sa kalusugan.
Para makita kung ang iyong lugar ay attainment o
nonattainment area, kontakin ang iyong lokal na ahensya
sa air pollution control o bumisita sa website ng EPA sa:
www.epa.gov/air/urbanair.
Particle Pollution
Kasama sa particle pollution, na tinatawag ding
particulate matter (PM), ang pinung-pinong alikabok,
uling, usok, at maliliit na patak na nabubuo mula sa
mga reaksyong kemikal, at kapag nagsusunog ng
mga panggatong katulad ng uling, kahoy, o langis.
Halimbawa, ang mga gas na sulfur dioxide at nitrogen
oxide mula sa sasakyang de-motor, electric power
generation, at mga pasilidad na pang-industriya ay
nagkakaroon ng reaksyon sa sikat ng araw at singaw ng
tubig para magbuo ng mga particle. Ang mga particle ay
maaari ding magmula sa mga tsiminea, kalan na de-
kahoy, kalsadang hindi sementado o aspaltado, pagdurog
at paggiling, at maaaring tangayin ng hangin.
Nag-aalala ang mga siyentipiko ng EPA at ang iba pang
mga dalubhasa sa kalusugan tungkol sa particle pollution
dahil maaaring pumasok sa baga ang mga particle na
napakaliit o "pino." Ang mga pinong particle na ito, na
walang halo, o may halong iba pang mga air pollutant,
ay maaaring magsanhi ng mas maraming pagbisita sa
emergency room at pagpapaospital dahil sa mga sakit
sa baga, at libu-libong pagkamatay bawat taon. Maaari
itong magpalala ng hika, magsanhi ng malulubhang
sintomas ng sakit sa baga tulad ng ubo, magpahina sa
baga na nauuwi sa hirap sa paghinga, at nagsasanhi ng
paulit-ulit na bronchitis.
Ang matatanda, mga bata, at hikain ay lalo nang
madaling kapitan ng mga problema sa kalusugan na
sanhi ng paglanghap sa mga pinong particle. Ang mga
indibiduwal na mayroon nang sakit sa puso o baga ay
mas nanganganib ding magkaproblema sa kalusugan
dahil sa particle pollution.
Ang mga particle ay nagsasanhi rin ng hamog na
nagpapalabo sa tanaw sa mga lugar na gaya ng
mga pambansang parke at kaparangan na bantog sa
magagandang tana win ng mga ito. Ito ang mga lugar
kung saan inaasahan nating makatanaw nang malinaw
nang malayuan. Sa maraming bahagi ng United States,
70 porsiyento ang naibawas ng polusyon sa layo at linaw
ng natatanaw natin.
Pagprotekta sa Publiko mula
sa Particle Pollution
Ang EPAdeterminadong harapin ang particle pollution sa
ilang iba't ibang paraan.
¦	Kasama sa mga pamantayan ng EPAbatay sa
kalusugan ang mga limitasyon sa mga particle na
mas maliit o "pino." Kumikilos ang mga estado para
tugunan ang mga pamantayang ito. Para malaman
ang iba pa, bumisita sa www.epa.gov/particles.
¦	Ang panuntunan ng EPA para sa Malilinis na Trak
at Bus na Diesel ay magreresulta sa isang grupo ng
mabibigat na trak at bus na magiging mas malinis
nang 95 porsiyento kaysa mga trak at bus ngayon.
Para malaman ang iba pa, bumisita sa www.epa.gov/
otaq/ diesel.
¦	Ang mga regulasyon sa proteksyon ng kakayahang
makakita ay nilayong bawasan ang mga emisyong
nagsasanhi ng manipis na ulap sa ating mga
pambansang parke at kaparangan. Nagtutulungan
ang mga estado sa mga estratehiyang magpapabuti
sa kakayahang makakita sa mga lugar-
pangkalikasang ito. Para malaman ang iba pa,
bumisita sa www.epa.gov/ visibility.
¦	Nilikha ng EPA ang Air Quality Index (AQI) para
maglaan ng simpleng impormasyon tungkol sa lokal
na kalidad ng hangin, mga alalahanin sa kalusugan
para sa iba't ibang lebel ng air pollution, at kung
paano mapoprotektahan ng mga tao ang kanilang
kalusugan kapag umabot ang mga pollutant sa mga
lebel na makakasama sa kalusugan. Para malaman
ang iba pa, bumisita sa www.airnow.gov.
Ang mga pinong particle ay maaaring manatiling
nakalutang sa hangin at natatangay ng hangin sa
malalayong lugar. Halimbawa, mahigit 20 porsiyento ng
mga particle na lumilikha ng hamog sa Rocky Mountains
National Park ay tinatayang daan-daang milya ang layo ng
pinagmulan.
Pinarurumi rin ng mga particle ang mga gusali, estatuwa
at iba pang istruktura sa labas. Nangingitim ang Trinity
Church sa bay an ng New York City hanggang nitong
nakalipas na ilang taon, nang maibalik sa dating orihinal
na mapusyaw na kulay-rosas ang mga pader na bato ng
simbahan nang malinis ang katumbas ng halos 200 taon
ng maitim na agiw na nadikit doon.
Bago ipinatupad ang 1990 Clean Air Act, nagtakda ng
mga limitasyon ang EPA sa mga particle na tangay ng
hangin na mas maliliit pa kaysa 10 micrometer ang
diametro na tinatawag na PM . Maliliit ang mga particle
na ito (pito sa mga particle na ito na nakahanay nang
magkakatabi ay kasinglapad lang ng buhok ng tao).
Naipakita ng pagsasaliksik na kahit ang mas maliliit
na particle (1/4 ng PM10 particle) ay mas malamang
na makasama sa ating kalusugan. Kaya noong 1997,
ipinahayag ng EPA ang mga limitasyon sa mga pinong
particle, na tinatawag na PM0 Para mabawasan ang
mga lebel ng particle, kinakailangang dagdagan ang
mga kontrol sa iba't ibang pinagmumulan pati na sa mga
power plant at trak na diesel.

-------
I
Paghadlang sa Polusyon sa mga Produktong Ginagamit
ng Mamimili
Mga hair spray, pinturang panlabas at panloob,
produktong yari sa foam plastic (tulad ng mga basong
yari sa disposable foam), pangsindi ng uling — lahat ay
mga produktong ginagamit na ang paggawa, paggamit, o
pagtatapon ay nakakaragdag sa air pollution.
Ang mga volatile organic compound (VOC) na bumubuga
mula sa paggamit ng mga produktong ginagamit ng
mamimili ay maaaring magsanhi ng o magdagdag sa mga
ozone level na lumalabag sa mga pamantayang itinakda
ng EPA sa kalidad ng hangin para sa ground-level ozone.
Noong 1998, naglabas ng isang panuntunan ang EPA
na naglilimita sa mga emisyon ng VOC mula sa mga
produktong ginagamit ng mamimili. Inuutusan nito ang
maraming manufacturer, importer, at distributor sa United
States na limitahan ang VOC sa kanilang mga produkto.
Naglabas din ng isang panuntunan ang EPA na naglilimita
sa mga emisyon mula sa mga pinturang pang-arkitektura
(mga pinturang panlabas at panloob ng bahay, pinturang
pangkahoy at pambubong).
I AT EX
HOUSE
PAINT
Ground-level Ozone
Ang ground-level ozone ay isang pangunahing sangkap
ng smog. Ang ground-level ozone ay maaaring
magsanhi ng mga problema sa kalusugan ng tao at
makasira sa mga kagubatan at pananim. Sa paulit-ulit
na pagkalantad sa ozone, maaaring mas madaling
kapitan ng mga impeksyon at pamamaga ang baga ng
mga tao. Maaari din itong magpalala sa dati nang mga
sakit sa baga at paghinga, tulad ng liika. Nanganganib
ang mga bata sa ozone pollution daliil nasa labas sila,
naglalaro at nag-eehersisyo, sa mga panahon ng tag-
araw kung kailan pinakamataas ang mga ozone level.
Maaari ding mas madali silang kapitan daliil lumalakas
pa lang ang kanilang mga baga. Ang mga taong may
liika at kaliit ang aktibo at malusog na matatanda,
tulad ng mga trabahador sa konstruksyon ay maaaring
makaranas ng paghina ng baga at pagdami ng mga
sintomas ng sakit sa baga at paghinga (pananakit ng
dibdib at pag-ubo) kapag nalantad sa mabababang
ozone level sa mga panahon na katamtaman lang ang
trabaho.
Ang dalawang uri ng kemikal na pangunahing sangkap
sa paglikha ng ground-level ozone ay tinatawag
na mga volatile organic compound (VOCs) at mga
nitrogen oxide (NOx). Ang mga VOC ay ibinubuga
ng mga kotseng nagsusunog ng gasolina, refinery ng
petrolyo, plantang gumagawa ng mga kemikal, at iba
pang pasilidad na pang-industriya. Ang mga solvent
na ginagamit sa mga pintura at iba pang produktong
ginagamit ng mga mamimili at negosyante ay may
mga VOC. Ang 1990 Clean Air Act ay nagresulta sa
mga pagbabago sa ponnula ng mga produkto para
mabawasan ang VOC sa mga produktong iyon.
Ang mga nitrogen oxide (NOx) ay nalilikha kapag ang
mga kotse at iba pang mga pinagmumulan gaya ng
mga power plant at industrial boiler ay nagsusunog ng
mga panggatong na tulad ng gasolina, uling, o langis.
Ang mamula-mulang brown na kulay na nakikita mo
kung minsan kapag may smog ay nagmumula sa mga
nitrogen oxide.
Pero Akala Ko ba Mabuting
Bagay ang Ozone Layer?!
Tama! Sa mas mataas na atmospera, na tinatawag
na stratosphere, natural na nagkakaroon ng ozone at
lumilikha ng protective layer na tumatabing sa Lupa
mula sa ilan sa ultraviolet (UV) light ng araw. Ang
pagkalantad sa ilang uri ng UV light ay naiugnay sa
mga katarata (pagkasira ng mata), kanser sa balat,
at pagkasira ng halaman. Itong high-altitude ozone,
kung gayon, ay pinoprotektahan ang kalusugan ng
tao at ang kapaligiran.
Sa kabilang dako, ang ground-level ozone ay
nakakasama. Maaari itong magsanhi ng malulubhang
problema sa kalusugan at pagkasira ng mga
kagubatan at pananim. Ang ground-level ozone ay
nakakaapekto sa respiratory system, na nagpapalala
sa hika at nagsasanhi ng pamamaga ng baga.
Kaya, kung "nakakabuti" ba o "nakakasama" ang
ozone, depende iyan sa lokasyon nito - sa lebel
ng lupa, ito ay "nakakasama," sa mas mataas na
atmospera, ito ay "nakakabuti."

-------
Ang mga pollutant na nagkakaroon ng reaksyon para
mamuo ang ground-level ozone ay literal na naluluto
sa himpapawid sa panahon ng tag-araw. Matagal bago
mamuo ang smog—ilang oras inula sa paglutang ng
mga pollutant sa hangin hanggang sa umabot ang
ground-level ozone sa mga lebel na nakakasama sa
kalusugan. Para sa iba pang imponnasyon tungkol
sa mga araw kung kailan inaasahang makasama sa
kalusugan ang kalidad ng hangin, bumisita sa website
ng EPA sa www.airnow.gov.
Ang klima at sitwasyon sa lugar (halimbawa, ang
kaburulan sa paligid ng isang lambak, matataas na
kabundukan sa pagitan ng isang malaking industriyal na
lungsod at mga suburban o kanayunan) ay nakakatulong
na matukoy kung saan napupunta ang ground-level
ozone at gaano ito kasama. Kapag nagkaroon ng mga
pagbabago sa temperatura (nakulong ng malamig
na hangin ang mainit na hangin malapit sa lupa) at
kalmado ang hangin maaaring manatili ang matataas na
konsentrasyon ng ground-level ozone nang maraming
araw. Habang nagdaragdag ang trapik at iba pang
pinagmumulan ng mga pollutant na lumilikha ng ozone
sa hangin, lumalala pa ang ground-level ozone.
Paano Binabawasan ng Clean Air Act
ang Air Pollution Tulad ng Particle
Pollution at Ground-level Ozone
Una, nakikipagtulungan ang EPA sa mga gobernador
ng estado at mga lider ng pamahalaang tribo na
matukoy ang mga "nonattaimnent" area kung saan
hindi nakakatugon ang hangin sa pinahihintulutang mga
limitasyon para sa karaniwang air pollutant. Kadalasan
ay ang mga estado at tribo ang gumagawa ng karamihan
sa pagpaplano para sa paglilinis ng mga karaniwang air
pollutant. Nagbubuo sila ng mga piano, na tinatawag
na State/Tribal Implementation Plans, para mabawasan
ang mga air pollutant sa mga pinahihintulutang lebel.
Pagkatapos ay ginagamit nila ang permit system
bilang bahagi ng kanilang piano para matiyak na
tumutugon ang mga power plant, pabrika, at ibang pang
pinagmumulan ng polusyon sa kanilang mga mithiin na
linisin ang hangin.
Ang mga ipinagagawa ng Clean Air Act ay
komprehensibo at sumasaklaw sa maraming iba't ibang
pinagmumulan ng polusyon at iba't ibang pamamaraan
ng paglilinis para mabawasan ang mga karaniwang air
pollutant. Sangkot sa marami sa mga kinakailangan sa
paglilinis ng particle pollution at ground-level ozone
ang pinagmumulan na malalaking industriya (mga
power plant, gumagawa ng mga kemikal, at refinery ng
petrolyo), gayundin ang mga sasakyang de-motor (mga
kotse, trak, at bus). Gayundin sa mga nonattaimnent
area, karaniwan ay may mga kontrol para sa mas
maliliit na pinagmumulan ng polusyon tulad ng mga
gasolinahan at tindahan ng pintura.
Mga Kalan na De-kahoy at
mga Tsiminea
Ang usok ng kahoy sa bahay (mula sa mga kalan
na de-kahoy, tsiminea, at mga hydronic heater
na ginagatungan ng kahoy sa labas ng bahay) ay
nagdaragdag ng 6 na porsiyento (420,000 tonelada)
ng kabuuang dami ng pinong particle pollution
(PM2.5) na direktang bumubuga sa United States
bawat taon. Ang karagdagang iyon ay maaaring
mas mataas pa sa ilang lugar na mas maraming
sinusunog na kahoy. Pinagsisikapan ng EPA at
ng mga ahensya ng estado at lokal ang ilang front
para makatulong na mabawasan ang polusyong
nagmumula sa usok ng kahoy sa bahay. Para
malaman ang iba pa, bumisita sa www.epa.gov/
woodstoves.
Kung gumagamit kayo ng kahoy:
-	palitan ang inyong lumang kalan na de-kahoy
o tsiminea ng isang modelong EPA-certified,
at makakuha ng higit na init at mas kaunting
polusyon habang nagsusunog ng mas kaunting
kahoy;
-	kahoy lamang na malinis, tuyo, at "angkop nang
gawing troso" ang sunugin;
-	palaging alisin ang mga abo mula sa inyong
kalan na de-kahoy at itabi ito sa labas na
malayo sa kahoy.

-------
DOO.
oner
T
AUTO SWOP
/ pRMm.

~ I	
Mga Kotse, Trak, Bus, at Equipment
na "Hindi Pangkalsada"
Ngayon, mga sasakyang de-motor ang responsable sa halos
kalahati ng mga volatile organic compound (VOCs) na
lumilikha ng smog, mahigit kalahati ng mga emisyon ng
nitrogen oxide (NOx), at mga kalahati ng mga emisyon
ng nakakalason na air pollutant sa United States. Mga
sasakyang de-motor, pati na ang mga sasakyang hindi
pangkalsada, ang responsable ngayon sa 75 porsiyento ng
mga emisyon ng carbon monoxide sa buong bansa.
Tumaas nang 178 porsiyento ang kabuuang milyang
itinakbo ng mga sasakyan ng mga taong naglalakbay sa
United States sa pagitan ng 1970 at 2005 at patuloy na
tumataas sa bilis na dalawa hanggang tatlong porsiyento
bawat taon. Sa United States, mahigit 210 milyong kotse
at magagaang na trak ang nasa kalye. Bukod dito, malaki
na ang ipinagbago ng mga uri ng kotseng minamaneho ng
mga tao mula noong 1970. Simula noong mga huling taon
ng 1980s, nagsimulang magmaneho ang mga Amerikano
ng mas maraming van, sport utility vehicle (SUVs), at
pickup truck bilang mga personal na sasakyan. Pagsapit
ng taong 2000, ang "magagaang na trak" na ito ang
responsable sa halos kalahati ng mga nabentang bagong
kotseng pampasahero. Ang mas malalaking sasakyang
ito ang karaniwang kumokonsumo ng mas maraming
gasolina bawat milya at marami sa mga ito ang mas
nagpaparumi nang tatlo hanggang limang beses kaysa
mga kotse.
Ang Clean Air Act ay gumagamit ng komprehensibong
pamamaraan sa pagbabawas ng polusyon mula sa mga
pinagmumulang ito sa pag-uutos sa mga manufacturer
na gumawa ng mas malilinis na makina, sa mga refiner
na gumawa ng mas malilinis na fuel; at sa ilang lugar
na may mga problema sa air pollution na gumamit at
magsagawa ng inspeksyon sa sasakyang pampasahero at
mga programa sa pagmementina. Nagpalabas na ang EPA
ng isang serye ng mga regulasyon na nakakaapekto sa mga
kotseng pampasahero, trak at bus na diesel, at sa tinatawag
na equipment na "hindi pangkalsada" (mga recreational
vehicle, lawn at garden equipment, atbp.) na lubhang
makakabawas sa mga emisyon habang bumibili ang mga
tao ng mga bagong sasakyan at equipment.
Mas Malilinis na Kotse
Pinag-isyu ng Clean Air Act ang EPA ng isang serye ng mga
panuntunan sa pagbabawas ng polusyon mula sa tambutso
ng sasakyan, mga emisyon sa refueling at sumisingaw na
gasolina. Dahil dito, ang mga emisyon mula sa isang bagong
kotseng nabili ngayon ay mas malinis nang mahigit 90
porsiyento kaysa isang bagong kotseng nabili noong 1970.
Angkop din ito sa mga SUV at pickup truck. Simula noong
2004, lahat ng bagong sasakyang pampasahero - kabilang
na ang mga SUV, minivan, van at pick-up truck - ay
kailangang tumugon sa mas mahihigpit na pamantayan sa
emisyong nagmumula sa tambutso. Ito ang tanda ng unang
pagkakataon na sumasailalim ang magagaang na trak, pati na
ang mga SUV, pickup, at minivan sa iisang mga pambansang
pamantayan sa polusyon na katulad sa mga kotse. Elabang
dumarami ang pumapasok na mas malilinis na sasakyang
ito sa bansa, lubhang bababa ang mga nakakapinsalang
emisyon.
Ang mga pagbabawas na ito ay hindi sana magiging posible
kung walang gasolina at diesel fuel na mas malmis at
lubhang kakaunti ang sulfur. Bukod pa sa mga pakinabang
ng mga direktang emisyon, ang mas malilinis na fuel ay
nagbibigay-kakayahan sa mga sopistikadong emission
control device na epektibong makontrol ang polusyon.
Kinilala ng Kongreso ang kahalagahan ng mas malilinis na
fuel sa pagbabawas ng mga emisyon mula sa mga sasakyang
de-motor at binigyanng awtoridad ang EPAna pangasiwaan
ang mga fuel sa Clean Air Act.
Lead at Iba pang Nakakalason na mga
Pollutant
Isa sa mga pinakaunang naisakatuparan ng EPA ang
pag-aalis ng lead sa gasolina. Ang pinataas na mga lebel
ng lead ay makakasira sa mga organ ng katawan at utak
at nervous system, at makakaapekto sa puso at dugo.
Ang masasamang epekto sa kalusugan ay mula sa mga
karamdaman sa pag-uugali at anemia hanggang sa mental
retardation at permanenteng nerve damage. Ang mga bata
lalo na ay madaling tablan ng mga nakakalasong epekto ng
lead sa nervous system, na maaaring mauwi sa mga learning
deficit at mas mababang IQ. Noong kalagitnaan ng 1970s>
sinimulan ng EPA ang pagsisikap nitong alisin ang lead sa

-------
pamamagitan ng pagpapanukala na limitahan ang dami
ng lead na maaaring gamitin sa gasolma. Pagsapit ng tag-
araw noong 1974, mabibili na ang gasolmang unleaded
sa buong bansa, na nakabuti sa kalusugan ng publiko at
nakapaglaan ng proteksyon sa mga catalytic converter na
sinimulang lkabit ng mga manufacturer sa lahat ng bagong
sasakyan. Ang pagsisikap na ito ay sinundan ng mas
matitmding paghiliigpit sa paggamit ng lead sa gasolina
noong 1980s. Noong 1996, ipinagbawal na sa wakas ang
gasolinang leaded bilang resulta ng Clean Air Act.
Sa llalim ng Clean Air Act, nagbuo nn ang EPA ng mga
pamantayan para mabawasan ang mga emisyon ng lason
sa hangin mula sa mga mobile source. Babawasan ng mga
pamantayang ito ang mga nakakalasong emisyon mula
sa gasolina, mga sasakyan, at maging sa mga lalagyan ng
gasolina.
Reformulated Gasoline
Inuutusan ng Clean Air Act ang ilang metropolitan area
na may pinakamalalang ground-level ozone pollution na
gumamit ng reformulated gasoline para mabawasan ang
air pollution. Ang iba pang mga lugar, pati na ang Distrito
ng Columbia at 17 estado, na ang mga ground-level ozone
level ay lumalampas sa mga pamantayan ng kalusugan
ng publiko, ay kusang piniling gumamit ng reformulated
gasoline. Ang reformulated gasoline ay binabawasan ang
mga emisyon ng nakakalason na mga air pollutant, tulad
ng benzene, gayundm ang mga pollutant na nakadaragdag
sa smog.
Mga Fuel na Kakaunti ang Sulfur
Simula noong 2006, nagsusuplay na ang mga refiner ng
gasolinang may mga sulfur level na mas mababa kaysa
rati, kaya nabawasan ng 90 porsiyento ang mga sulfur
level sa gasolina. Pinipigilan ng sulfur sa gasolina ang
catalytic converter ng sasakyan na epektibong linisin ang
tambutso. Ang mga advanced vehicle emission control
system sa mga kotseng pampasahero at magagaang na
trak ay mas sensitibo pa sa sulfur, kaya ang pagbabawas
ng sulfur sa gasolina ay matitiyak na epektibo ang mga
vehicle emission control device sa pagbabawas ng
polusyon. Bukod sa pagbawas ng mga emisyon mula sa
mga bagong sasakyan, ang fuel na mas kakaunti ang sulfur
ay magreresulta sa mas mababang mga emisyon mula sa
mga sasakyan na kasalukuyang nasa kalye.
Mula noong 2006, nagsimula nang magsuplay ang mga
refiner ng diesel fuel na may napakababang mga lebel ng
sulfur para sa mga sasakyang diesel na pang-highway.
Tulad ngmga sasakyang de-gasolina, kinakailangan
ng epektibong mga bagong emission control sa mga
makinang diesel itong "Ultra-Low Sulfur Diesel" (ULSD)
fuel para tumakbo nang maayos. Ang mga lebel ng sulfur
sa diesel fuel na pang-highway ay mas malinis nang 97
porsiyento kaysa sa diesel bago sumapit ang taong 2006.
Noong 2007, sinimulang bawasan ng mga refiner ang
sulfur sa diesel fuel na ginagamit para sa mga makinang
diesel na hindi pangkalsada, tulad ng construction
equipment.
specia
Inuutos ng Clean Air Act ang pagkakabit ng mga vapor recovery nozzle sa mga
gasolinahan sa ilang lugar. Ang mga gas pump nozzle na ito ay nakakabawas
sa pagbuga ng singaw ng gasolina sa hangin kapag naglalagay ng gasolina ang
mga tao sa kanilang sasakyan.
Mga Alternatibong Fuel
Hinihikayat ng Clean Air Act ang paggawa at pagbebenta
ng mga alternatibong fuel. Ang mga alternatibong fuel
ay mga fuel na ginagamit sa transportasyon bukod pa sa
gasolina at diesel, kabilang na ang natural gas, propane,
methanol, ethanol, kuryente, at biodiesel. Ang mga fuel
na ito ay maaaring mas malinis pa kaysa gasolina o diesel
at makakabawas sa mga emisyon ng nakakasamang mga
pollutant. Ang mga renewable na alternatibong fuel ay
gawa sa mga biomass material gaya ng kahoy, basurang
papel, damo, vegetable oil, at mais. Ang mga ito ay
biodegradable at nakakabawas sa mga emisyon ng carbon
dioxide. Bukod dito, karamihan sa mga alternatibong fuel
ay ginagawa sa loob ng bansa, na mas mabuti para sa
ating ekonomiya, seguridad sa enerhiya at tumutulong na
mabawi ang halaga ng inaangkat na langis.
Inuutusan din ng Clean Air Act ang EPA na magtatag ng
isang pambansang programa sa renewable fuel (RF). Ang
programang ito ay dinisenyo para lubos na dagdagan ang
dami ng renewable fuel na nakahalo sa gasolina at diesel.
Mas Malilinis na Trak, Bus at
Equipment na "Hindi Pangkalsada"
Ang mga makinang diesel ay mas matibay at mas matipid
sa fuel kaysa sa mga makinang de-gasolina, pero maaaring
mas makaragdag sa polusyon. Ang mabibigat na trak at
bus ang responsable sa mga sangkatlo ng mga emisyon ng
nitrogen oxide at sangkapat ng mga emisyon ng particle
pollution mula sa mga sasakyan. Sa ilang malalaking
lungsod, mas malaki pa ang nadagdag. Gayundin. ang mga
makinang diesel na hmdi pangkalsada tulad ng equipment
na ginagamit sa konstruksyon at agrikultura ay nagbubuga
ng napakaraming nakakasamang particle pollution at
nitrogen oxides, na nagdaragdag sa ground-level ozone
at sa iba pang laganap na mga problema sa kalidad ng
hangin.

-------
Larawan - Steve Delaney
Noong araw, ang mga bus ay nagbuga ng napakaraming pollutant. Dahil sa 1990
Clean Air Act Amendments, Cleaner, nagkaroon ng mas malilinis na bus na di-
gaanong nagpaparumi sa hangin.
Ang EPA ay nag-isyu ng mga panuntunan para bawasan
nang mahigit 90 porsiyento ang mga emisyon mula sa
mga sasakyang pangkalsada at hindi pangkalsada sa
pamamagitan ng mas mahihigpit na pamantayan sa mga
emisyon para sa mga makinang diesel at malims na diesel
fuel na lubhang kakaunti ang sulfur. Sa ilalim ng Clean
Air Act, nilulutas din ng EPA ang polusyon mula sa ilang
pmagmumulang sasakyang hindi pangkalsada, kabilang
na ang mga makina ng tren at mga sasakyang pandagat,
mga recreational vehicle, at lawn at garden equipment.
Kasama ang mga pinagmumulang ito na bumubuo sa
malaking bahagi ng mga emisyon mula sa sektor ng
transportasyon.
Mga Patakaran sa Transportasyon
Iniutos ng Kongreso ang "pagsunod" sa Clean Air Act
Amendments ng 1990. Sa madaling salita, ang mga
proyektong pang-transportasyon tulad ng paggawa
ng mga highway at riles ng tren ay hindi maaaring
pondohan o aprubahan ng pamahalaang pederal maliban
kung umaayon ito sa mga mithiin ng estado sa kalidad
ng hangin. Bukod dito, ang mga proyektong pang-
transportasyon ay hindi dapat magsanhi ng o makaragdag
sa mga bagong paglabag sa mga pamantayan ng kalidad
ng hangin, magpalala sa dati nang mga paglabag,
o makaantala sa katuparan ng mga pamantayan sa kalidad
ng hangin.
Inuutos ng mga probisyon sa pagsunod na suriin ng mga
lugar na hindi maganda ang kalidad ng hangin ngayon, o
noong araw, ang mga pangmatagalang epekto ng kanilang
transportasyon sa kalidad ng hangin at tiyakin na tugma ito
sa mga mithiin ng lugar sa malinis na hangin. Sa paggawa
nito, dapat suriin ng mga lugar na iyon ang mga epekto
ng pag-unlad sa air pollution at magdesisyon kung paano
pamamahalaan ang pag-unlad. Dapat magtulungan ang
estado at lokal na mga ahensya na baguhin ang piano
ng transportasyon at/o kung hindi man ay ang piano
ng estado tungkol sa hangin upang makamtan ang mga
kinakailangang pagbabawas sa emisyon.
Mga Programa sa Inspeksyon at
Pagmementina
Ang wastong pagmementina ng makina ng isang kotse at
pollution control equipment ay mahalaga sa pagbabawas
ng sobra-sobrang air pollution. Para makatulong na
tiyakin na magawa ang pagmementinang iyon, iniutos
ng Clean Air Act sa ilang lugar na may mga problema
sa air pollution na magsagawa ng mga programa sa
inspeksyon at pagmementina (I/M). Itinatag din ng 1990
Act na kailangang lagyan ng on board diagnostics ang
mga sasakyang pampasahero. Ang diagnostics system ay
dinisenyo para mag-trigger ng isang dashboard "check
engine" light na nag-aalerto sa drayber na posibleng hindi
gumagana nang maayos ang pollution control device. Para
makatulong na tiyakin na tumutugon ang mga motorista
sa "check engine'" light sa napapanahong paraan, iniutos
ng Act na isama sa mga I/M program ang inseksyon ng on
board diagnostic system.
Air Pollution sa mga Estado at sa
Ruong Daigdig
Ang air pollution ay hindi kumikilala ng estado o
mga hangganang internasyonal. Ang mga pollutant ay
matatangay ng hangin sa malalayong lugar. Lumilitaw pa
nga ang maruming hangin sa mga lugar kung saan hmdi mo
ito inaasahan, gaya ng mga pambansang parke o kaparangan
sa mga liblib na bahagi ng United States.
Mas maraming kotseng mas malayo ang
nararatingl Kaya nga ang air pollution mula
sa mga kotse ay hindi naging kasinglinis
ng inasahan namin, kahit di-gaanong
nagpaparumi sa hangin ang indibiduwal na
mga kotse kaysa rati.
10

-------
Maaaring iangat ng mas matataas na tsiminea ang mga
pollutant sa pinakaitaas ng isang lokal na komunidad
pero tinutulungan nito ang mga pollutant na matangay
ng hangin na maaaring dalhin ang mga ito nang daan-
daan, maging nang libu-libong, milya. Halimbawa, ang
mga emisyon mula sa mga power plant at industrial
boiler ay maaaring tangayin ng hangin nang daan-daang
milya at makaragdag sa smog, hamog, at air pollution sa
mga estadong nasa direksyon ng hangin. Ang isang uri
ng mga pollutant, ang nitrogen oxides, ay may reaksyon
din sa iba pang mga kemikal, sikat ng araw at init para
lumikha ng ground-level ozone. Ang nitrogen oxides
at ang ozone mismo ay maaaring malipat na kasabay
ng klima para magsanhi ng hanging nakakasama sa
kalusugan sa mga lungsod at bayan na nasa direksyon
ng hangin.
Hindi matugunan kung minsan ng mga estado at tribong
naghahangad na linisin ang air pollution ang mga
pambansang pamantayan ng EPA dahil sa polusyong
tinatangay ng hangin mula sa iba pang mga lugar. Ang
Clean Air Act ay may ilang programang dinisenyo
para bawasan ang malayuang paglipat ng polusyon
mula sa isang lugar papunta sa isa pa. Ang Act ay may
mga probisyong dinisenyo upang tiyakin na ang mga
emisyon mula sa isang estado ay hindi nakakaragdag sa
mga problema sa kalusugan ng publiko sa mga estadong
nasa direksyon ng hangin. Ginagawa ito nito, kahit
paano, sa pag-uutos na isama sa piano sa pagpapatupad
ng bawat estado ang mga probisyon na pipigil sa mga
emisyon mula sa mga pasilidad o pinagmumulan sa
loob ng mga hangganan nito mula sa pagdaragdag
nang malaki sa mga problema sa air pollution na "nasa
direksyon ng hangin" - lalo na sa mga lugar na hindi
nakatutugon sa mga pambansang pamantayan ng EPA
sa kalidad ng hangin. Kung hindi pa nakakagawa ang
isang estado o tribo ng kailangang piano para malunasan
ang polusyon na nasa direksyon ng hangin, maaari
iyong ipagawa ng EPA sa estado. Kung hindi pa rin
ginagawa ng estado ang nararapat, maaaring ipatupad
ng EPA ang isang planong pederal upang makamtan ang
kinakailangang mga pagbabawas sa emisyon.
Gayundin, binibigyan ng Act ang alinmang estado o
tribo ng awtoridad na hilingin sa EPA na magtakda
ng mga limitasyon sa emisyon para sa partikular na
mga pinagmumulan ng polusyon sa iba pang mga
lugar (na salungat sa direksyon ng hangin) na lubhang
nakakaragdag sa mga problema nito sa kalidad ng
hangin. Maaaring makiusap sa EPA ang mga estado at
tribo na utusan ang mga lugar na salungat sa direksyon
ng hangin na bawasan ang air pollution.
Nakasaad sa Act na dapat magbuo ang mga komisyon
sa iba't ibang estado ng mga estratehiya sa rehiyon sa
paglilinis ng air pollution. Halimbawa, nagtutulungan
ang mga pamahalaan ng estado at tribo mula Maine
hanggang Virginia, ang pamahalaan ng Distrito ng
Columbia, at ang EPA sa pamamagitan ng Ozone
Transport Commission (OTC) na mabawasan ang
ground-level ozone sa silangang baybayin.
Malayo ang Nilalakbay ng Air
Pollution
Ang toxaphene, isang pesticide na ginagamit ng
mga nagtatanim ng mais sa U. S. ay natagpuan
sa taba ng mga polar bear at iba pang mga hayop
sa Arctic - libu-libong milya mula sa anumang
posibleng pinagmulan nito.
Ang mga nitrogen oxide na nadeposito mula sa
hangin ay nakaragdag sa pagkamatay ng mga isda
dahil naragdagan ang dami ng halamang-dagat na
umuubossa oxygen sa Chesapeake Bay. Mahigit
sangkapat ng nitrogen sa Bay at sa mga ilog at
batis nito ay tinatayang nagmumula sa air pollution
na dala ng hangin mula sa pinagmumulang mga
power plant at industriya sa malayo.
Ang mga emisyon ng mga sulfur oxide mula sa
mga power plant sa Midwest ay nakakaragdag
sa mga problemang acid rain, hamog, at particle
pollution sa silangang United States na daan-daang
milya ang layo.
Inuutusan din ng Clean Air Act ang EPA na
makipagtulungan sa mga estado para mabawasan ang
hamog sa rehiyon na nakakaapekto sa linaw ng tanaw
sa 156 na pambansang parke at kaparangan, kabilang
na ang Grand Canyon, Yosemite, ang Great Smokies, at
Shenandoah National Parks. Halos buong taon, ang mga
lugar na ito ay nalalambungan ng hamog na puti o brown
na nakalutang sa hangin at nagpapalabo sa tanawin. Halos
lahat ng hamog na ito ay hindi natural. Air pollution ito, na
dinala ng hangin na kadalasa'y maraming daan-daang milya
mula sa pinanggalingan nito. Sa ilalim ng mga probisyon
ng Clean Air Act tungkol sa hamog sa rehiyon, ang mga
estado at tribo, sa pakikipag-ugnayan sa EPA, National
Park Service, U.S. Fish and Wildlife Service, U.S. Forest
Service, at iba pa, ay nagbuo at nagpatupad ng mga piano
para sa proteksyon ng kalidad ng hangin para mabawasan
ang polusyon na nagpapalabo sa tanaw. Ang EPA ay
nakipagtulungan na sa mga estado at tribo sa buong bansa
na magbuo ng mga Regional Planning Organization para
gumawa ng mga piano sa pagbabawas ng mga pollutant na
nagsasanhi ng hamog.
11

-------
Paglilinis ng Hangin sa Ating mga
Pambansang Parke
Yellowstone
ma abo
malinaw
Rocky Mountains
Maaaring hindi mo inaasahan ang air
pollution sa ating mga pambansang
parke, lalo na dahil marami ang malayo sa
malalaking lungsod at mga industriyang
magpaparumi sa hangin. Gayunman, ang
air pollution na tinangay ng hangin nang
malayo mula sa mga pinagmulan nito ay
nagsanhi ng malaking paglabo ng tingin
sa ilan sa pinakamamahal nating mga
pambansang parke. Ang Clean Air Act
ay may mga probisyon sa pagbabawas
ng "hamog sa rehiyon," air pollution na
nagpapalabo sa tanaw sa mga pambansang
parke. Para malaman ang iba pa, bumisita
sa www.epa.gov/visibility.


malabo
R; • V ¦ -m*"
malinaw
Big Bend
Makikita sa mga larawang ito kung gaano
kalinaw at kalabo ang tanaw sa mga
pambansang parke sa buong kontinente.
Makikita mo ang mga real-time picture ng
linaw o labo ng tanaw sa ilang pambansang
parke sa pagbisita sa National Park Service
Website, www.nps.gov. Ang mga air
resource specialist sa mga pambansang
parke—mga ranger na dalubhasa sa
air pollution—ay nagpapakita ng mga
programa sa mga bisita, lumalahok sa
pagsubaybay at pagsasaliksik tungkol sa
air pollution, at nagbibigay ng impormasyon
sa mga bisitang interesado sa kalidad ng
hangin.
malabo
malinaw
Mga larawan - National Park Service at
Colorado State University
12

-------
Acadia
malabo
malinaw
Shenandoah
malabo
malinaw
Great Smoky Mountains
malabo
malinaw

-------

n L
Paano Nabubuo ang
Acid Rain
Ang nasusunog na mga fuel ay nagbubuga
ng mga acid pollutant. Ang mga pollutant na
ito ay tinatangay ng hangin nang malayo mula
sa kanilang pinagmulan. Depende sa klirna,
bumabagsak ang mga acid pollutant sa Lupa
nang basa (acid rain, snow, ambon o ulap) o
nang tuyo (mga acid gas o alikabok).
Pagbabawas sa Acid Rain
Malamang ay nanmg mo na ang "acid rain." Pero
maaaring hindi mo pa naririmg ang iba pang mga anyo
ng pag-ulan ng acid tulad ng acid snow, acid fog o mist, o
mga tuyong anyo ng acidic pollution tulad ng acid gas at
acid dust. Lahat ng ito ay maaaring mabuo sa atmospera
at bumagsak sa Lupa at magsanhi ng mga problema
sa kalusugan ng publiko, mauulap na papawirin, mga
problema sa kapaligiran at pagkasira ng ari-anan. Ang
pag-ulan ng acid ay nalilikha kapag humahalo ang ilang
uri ng mga air pollutant sa halumigmig sa hangin para
lumikha ng acid. Pagkatapos ay bumabagsak ang mga acid
na ito sa Lupa bilang ulan, snow, o ulap. Kahit tuyo ang
klima, maaaring bumagsak ang mga acid pollutant sa Lupa
bilang mga gas o particle.
Sulfur dioxide (S02) at mga nitrogen oxide iNOx j ang
mga pangunahing pollutant na nagsasanhi ng pag-ulan
ng acid. Ang mga emisyon ng S02 at NOx na ibinuga
sa hangin ay nagkakaroon ng reaksyon sa singaw ng
tubig at iba pang mga kemikal para magbuo ng mga acid
na bumabagsak pabalik sa Lupa. Mga power plant na
nagsusunog ng uling at krudo ang lumilikha ng mahigit
dalawang-katlo ng taunang mga emisyon ng S02 sa
United States. Halos lahat ng NOx (mga 50 porsiyento)
ay nagmumula sa mga kotse, bus, trak, at iba pang un
ng transportasyon. Mga 40 porsiyento ng mga emisyon
ng NOx ay mula sa mga power plant. Ang natitira ay
emisyon mula sa iba't ibang pinagmumulan gaya ng mga
industrial at commercial boiler.
Ang malalakas na bagyo at natutunaw na snow ay
maaaring pansamantalang magdagdag sa acidity ng mga
lawa at batis, pangunahin na sa silangang United States.
Ang mga pansamantalang dagdag ay maaaring tumagal
nang ilang araw o kahit linggo, at makapinsala sa mga
isda at iba pang yamang-dagat.
Ang mga air pollutant na nagsasanhi ng acid rain
ay maaaring malaking kasiraan ang nagagawa sa
kapaligiran—maaaring makasama ang mga ito sa ating
kalusugan. Ang matataas na lebel ng S02 sa hangin ay
nagpapalala sa iba't ibang problema sa baga sa mga
taong may hika at maaaring magpahirap sa paghinga
ng mga bata at matatanda. Sa ilang sitwasyon, ang
paglanghap ng matataas na lebel ng S02 ay maaari pang
makasira sa tisyu ng baga at maging dahilan ng maagang
pagkamatay.
Masasamang Epekto ng Acid Rain
May natagpuang acidic na mga lawa at batis sa buong
bansa. Halimbawa, ang mga lawa sa Acadia National
Park sa Mt. Desert Island sa Maine ay naging acidic
na dahil sa polusyon mula sa gitnang kanluran at sa
silangang baybayin. Ang mga batis sa Maryland at West
Virginia, gayundin ang mga lawa sa Upper Peninsula ng
Michigan, ay nasira ng acid rain. Dahil maaaring tangayin
ng hangin ang mga pollutant sa buong bansa, makikita
na ang mga epekto ng acid rain ay malayo sa orihinal na
pinagmulan ng acid- forming pollutant.
Ang acid rain ay nakasira sa mga puno sa kabundukan
ng Vermont at iba pang mga estado. Ang matatayog na
punong red spruce ay mukhang mas sensitibo sa acid
rain. Ang mga pollutant na nagsasanhi ng acid rain ay kayang
gawing maulap o mahamog ang hangin; nangyayari ito sa
silangang United States sa mga lugar na gaya ng Great
Smokies at Shenandoah National Park, mga lugar kung
saan nagpupunta ang mga bakasyonista para makita ang
magaganda at kamangha-manghang mga tanawin. Bukod
pa sa pagkasira ng likas na kapaligiran, maaaring makasira
ang acid rain sa mga bagay na gawa ng tao tulad ng mga
estatuwang bato, gusali, at monumento.
¦
14

-------
Ang mga pagbabago noong 1990 sa Clean Air Act ay
nagpasimula sa isang pamamaraan sa pagbabawas ng acid
pollution sa buong bansa. Ang batas ay dinisenyo para
bawasan ang acid rain at paghusayin ang kalusugan ng
publiko sa pamamagitan ng malaking pagbabawas sa mga
emisyon ng sulfur dioxide (S02) at mga oxide ng nitrogen
(NOx). Gamit ang isang market-based cap at trade
approach, ang programa ay nagtatakda ng permanenteng
limitasyon sa kabuuan ng S02 na maaaring ibuga ng mga
electric power plant sa buong bansa. Simula noong 2005,
mahigit nang 7 milyong tonelada ang nabawas sa emisyon
mula sa mga power plant, o 41 porsiyento ang ibinaba
kaysa sa mga lebel noong 1980.
Ang unang bahagi ng Acid Rain Program ng EPA ay
ipinatupad noong 1995. Iniutos ng batas na bawasan ng
mga unit na pinakamataas ang emisyon sa 110 power plant
sa 21 Midwest, Appalachian, at mga estado sa Hilagang-
Silangan ang mga emisyon ng S02. Ang ikalawang bahagi
ng programa ay ipinatupad noong 2000, na nakabawas pa
sa mga emisyon ng S02 mula sa malalaking power plant
na nagsusunog ng uling. Kasama rin ang ilang maliliit na
planta sa ikalawang bahagi ng programa. Ang kabuuang
mga pagbuga ng S02 para sa mga power plant ng bansa ay
permanenteng limitado sa lebel na itinakda ng 1990 Clean
Air Act — mga 50 porsiyento ng mga lebel na ibinuga
noong 1980.
Bawat allowance ay katumbas ng isang tonelada ng mga
emisyon ng S02 na ibinuga mula sa mataas na tsiminea
ng planta. Ang mga planta ay maaari lamang magbuga
ng S02 na katumbas ng mga allowance na ibinigay sa
kanila. Kung inaasahan ng isang planta na magbuga ng
mas maraming S02 kaysa ibinigay na allowance dito,
kailangan itong bumili ng mas malaking allowance o
gumamit ng teknolohiya at iba pang mga pamamaraan
para makontrol ang mga emisyon. Ang isang planta ay
maaaring bumili ng mga allowance mula sa isa pang power
plant na may mas malalaking allowance kaysa kailangan
nito para masaklaw ang mga emisyon nito.
May bilihan ng mga allowance na gumaganang parang
stock market, kung saan maaaring sumali ang mga broker
o sinumang nais makibahagi sa pagbili o pagbebenta ng
mga allowance. Ang mga allowance ay kinakalakal at
ibinebenta sa buong bansa.
Ang Acid Rain Program ng EPA ay naglaan ng mga
bonus allowance sa mga power plant para sa pagkakabit
ng teknolohiya sa malinis na uling na nagbabawas sa
mga pagbuga ng S02, gamit ang mga renewable energy
source (araw, hangin, atbp.), o naghihikayat ng pagtitipid
sa enerhiya ng mga customer para mas kakaunti ang
elektrisidad na kailangang likhain. Nagbigay rin ang EPA
ng mga allowance sa mga pinagmumulang industriya na
kusang pumapasok sa Acid Rain Program.
Ang 1990 Clean Air Act ay may mahihigpit na parusang
pera na babayaran ng mga plantang nagbubuga ng mas
maraming pollutant na lampas pa sa kanilang mga
allowance. Lahat ng power plant na sakop ng Acid Rain
Program ay kailangang magkabit ng mga continuous
emission monitoring system, at mga instrumentong
sumusubaybay sa dami ng S02 at NOx na ibinubuga ng
mga indibiduwal na unit ng planta. Sinusubaybayan ng mga
nagpapatakbo ng power plant ang impormasyong ito oras-
oras at inirereport ito nang elektroniko sa EPA nang apat na
beses sa isang taon. Ginagamit ng EPA ang impormasyong
ito para matiyak na ang planta ay hindi nagbubuga ng
mga pollutant na higit pa sa mga allowance ng planta.
Ang programa ng isang power plant sa pagtugon sa mga
limitasyon ng S02 at NOx ay lilitaw sa permit ng planta, na
naka-file sa estado at EPA at maaaring basahin ng publiko.
Maaari ka ring tumulong na mabawasan ang mga emisyon
ng S02 at NOx mula sa mga power plant sa pagtitipid ng
enerhiya at pagtataguyod ng pagtitipid at ng renewable
energy efficiency sa inyong komunidad. Bumisita sa www.
epa.gov/air/ actions/at_home.html para sa mga tip sa
pagtitipid ng enerhiya.
Mga Pamamaraan sa Merkado at mga
Insentibo sa Ekonomiya
Maliban sa mga bagong tampok sa Acid Rain Program,
naghikayat ang 1990 Clean Air Act ng iba pang mga
makabagong pamamaraan na nagpapasigla sa teknolohiya.
Ang mga pamamaraang ito ay nagbibigay-daan sa mga
negosyo na magkaroon ng mas malaking kakayahang
sumunod sa batas, at sa gayo'y maging epektibo at matipid
ang paglilinis ng air pollution hangga't maaari. Halimbawa:
¦	Kasama sa mga bagong pamantayan ng EPA sa mas
malinis na sasakyan ang isang averaging system na
nagbibigay-daan sa mga manufacturer na pumili kung
paano gumawa ng iba't ibang mga sasakyan na may
mas marami o mas kaunting pollutant, basta't mas
mababa ang kabuuang fleet average.
¦	Ang mga gasoline refiner ay maaaring tumanggap
ng mga credit kung gagawa sila ng mas malinis na
gasolina kaysa sa kinakailangan, at gagamitin nila ang
mga credit na iyon kapag medyo hindi tumutugon ang
kanilang gasolina sa mga kinakailangan sa paglilinis ng
hangin.
15

-------
Pagbabawas sa Nakakalason na mga
Air Pollutant
Ang nakakalason na mga air pollutant, o mga lason
sa hangin, ay kilalang nagsasanhi o pinaghihinalaang
nagsasanhi ng kanser, mga depekto sa pagsilang, mga
problema sa pag-aanak, at iba pang malulubhang
karamdaman. Ang pagkalantad sa ilang lebel ng ilang
nakakalason na mga air pollutant ay maaaring magsanhi
ng hirap sa paghinga, pagduduwal o iba pang mga
karamdaman. Ang pagkalantad sa ilang nakakalason na
mga pollutant ay maaari pa ngang makamatay.
Ang ilang nakakalason na mga air pollutant ay nakakapag-
alala dahil dahan-dahan ang paghina ng mga ito o ni
hindi nga humihina, tulad sa kaso ng mga metal na tulad
ng mercury o lead. Ang di-mapigil na mga lason na
ito sa hangin ay maaaring manatili sa kapaligiran nang
matagal at maaaring tangayin ng hangin sa malayo.
Ang nakakalason na mga air pollutant, gaya ng mercury
o polychlorinated biphenyls, na nadeposito sa lupa o
sa mga lawa at batis ay walang tigil at nagkakaroon
ng konsentrasyon (bioaccumulate) sa kapaligiran.
Makakaapekto ang mga ito sa mga nabubuhay at sa mga
food chain, at kalaunan ay makakaapekto sa mga tao
kapag kumain sila ng kontaminadong pagkain. Maaaring
lalo itong mahalaga para sa mga American Indian o sa
iba pang mga komunidad kung saan laganap ang mga
kaugaliang pangkultura o sa kanilang ikinabubuhay.
Karamihan sa mga lason sa hangin ay nagmumula sa mga
gawa ng tao, tulad ng mga emisyon sa mataas na tsiminea
ng pabrika at tambutso ng sasakyang de-motor.
Ang gasolina ay mayroon ding mga lason sa hangin.
Kapag ginasolinahan mo ang kotse mo, nakakalabas ang
mga gas at sumisingaw. Maaamoy mo ang mga singaw na
ito kapag nagpagasolina ka ng sasakyan.
Kapag nagsusunog ng gasolina ang mga kotse at trak,
bumubuga ang nakakalason na mga air pollutant mula
sa tambutso. Ang mga lason sa hangin na iyon ay mga
produkto ng pagkasunog—mga kemikal na nalilikha kapag
nasunog ang gasolina. Ang EPA ay nakikipagtulungan
sa mga industriya para makagawa ng mas malilinis na
nasusunog na fuel at iba pang mas epektibong makina, at
gumagawa ng mga hakbang para matiyak na gumagana
nang maayos ang nakakabit na mga pollution control
device sa mga sasakyang de-motor. Ang EPA ay nag-isyu
ng mga kinakailangan na humahantong sa mas malilinis na
makinang diesel, na nakakabawas sa pagbuga ng particle
pollution at mga lason sa hangin.
Ang mga lason sa hangin ay ibinubuga rin ng mga
pinagmumulang industriya, tulad ng mga pabrika ng
kemikal, refinery, at incinerator, at maging mula sa maliliit
na industriyal at komersyal na pinagmumulan, tulad ng
mga dry cleaner at printing shop. Sa ilalim ng 1990 Clean
Air Act, napangasiwaan ng EPAkapwa ang malalaki
at maliliit na pinagmumulan ng mga lason sa hangin,
pero pangunahin nang itinuon ang mga pagsisikap sa
malalaking pinagmumulan.
Di-Mapigil na mga
Bioaccumulative Toxic (PBTs)
Ang mga PBT tulad ng mercury at DDT ay nagtatagal nang
husto sa kapaligirang halos walang pagbabago sa istruktura o
nakakalasong mga epekto ng mga ito. Nangangahulugan iyan
na ang di-mapigil na nakakalasong kemikal na tinangay ng
hangin ay maaaring nakakalason din sa layong 10,000 milya
na katulad ng sa mataas na tsiminea kung saan ito ibinuga.
Ang ilang PBT, tulad ng mga polychlorinated biphenyl (PCBs),
ay natagpuan sa mga liblib na bahagi ng Arctic, malayo sa
mga pinagmumulang industriya na lumilikha ng mga ito.
Ang ilan sa mga PBT na nakalutang sa hangin ay
nakadeposito sa mga katubigan at nakakarating sa food
chain, na nakakasama sa mga hayop at tao na kumakain
ng isda. Ang maliliit na isda ay maaaring kumakain ng mga
halamang nabubuhay sa tubig na kontaminado ng mga
PBT, na pumapasok sa mga tisyu ng halaman. Kinakain ng
malalaking isda ang maliliit na isda at habang ipinapasa ang
mga PBT sa food chain, tumataas ang lebel ng mga ito. Kaya
ang isang malaking isda na kinain ng mga tao ay maaaring
may mas mataas na konsentrasyon ng mga PBT sa mga
tisyu nito kaysa sa simpleng halamang unang nakapitan
ng mga PBT. Ang mga PBT ay maaaring magkaroon ng
konsentrasyon sa malaking isda na libu-libong beses ang taas
ng lebel kaysa sa matatagpuan sa kontaminadong tubig.
Mahigit 2000 katubigan sa U.S. ang nasasaklaw ng mga
payo tungkol sa pagkain ng isda, na nagbababala sa mga tao
na huwag kumain ng isda dahil sa kontaminasyon ng mga
kemikal, na karaniwan ay mga PBT. Ang mga compound na
iyon ay naiugnay na sa mga karamdamang tulad ng kanser,
mga depekto sa pagsilang, at mga diperensya sa nervous
system.
Binigyan ng 1990 Clean Air Act ng awtoridad ang EPA na
bawasan ang mga lebel ng PBT sa pamamagitan ng pag-
uutos sa mga pinagmumulan ng polusyon na magkabit ng
mga control device o baguhin ang mga pamamaraan ng
produksyon.
Bago ang 1990 Clean Air Act Amendments, pinangasiwaan
ng EPA ang mga lason sa hangin nang paisa-isang kemikal.
Hindi gaanong umubra ang pamamaraang ito. Sa pagitan
ng 1970 at 1990, nagtatag ang EPAng mga regulasyon
para lamang sa pitong pollutant. Gumamit ang 1990 Clean
Air Act Amendments ng lubos na naiibang pamamaraan
sa pagbabawas ng nakakalason na mga air pollutant.
Inutusan ng Amendments ang EPA na tukuyin ang mga
kategorya ng mga industriyang pinagmumulan ng 187
nakalistang nakakalason na mga air pollutant at gumawa
ng mga hakbang para bawasan ang polusyon sa pag-uutos
sa mga pinagmumulan na magkabit ng mga kontrol o
baguhin ang mga proseso ng produksyon. Makatuturang
mangasiwa ay on sa kategorya ng mga industriya sa halip
na sa paisa-isang pollutant, dahil maraming indibiduwal
na mga pinagmumulan ang nagbubuga ng mahigit sa isang
nakakalasong kemikal. Ang pagkakaroon ng mga kontrol
at mga pagbabago sa proseso para sa mga pinagmumulang
industriya ay maaaring magresulta sa malalaking kabawasan
sa pagbuga ng maraming pollutant sa isang pagkakataon.
16

-------
Ang EPA ay naglathala ng mga regulasyong sumasakop
sa maraming kategorya ng mga industriya, kabilang
na ang mga chemical plant, incinerator, dry cleaner,
at manufacturer ng mga muwebles na yari sa kahoy.
Ang nakakasamang mga lason sa hangin mula sa
pinagmumulang malalaking industriya, tulad ng mga
planta ng kemikal, refinery ng petrolyo, at paper mill,
ay nabawasan na ng halos 70 porsiyento. Karamihan
sa mga regulasyong ito ay naaangkop sa malalaki at
tinatawag na "pangunahing" mga pinagmumulan at
gayundin sa ilang mas maliliit na pinagmumulan na
tinatawag na "area" sources. Sa halos lahat ng sitwasyon,
hindi nagrerekomenda ang EPA ng partikular na
control technology, pero nagtatakda ito ng isang lebel
ng pagsasagawa batay sa isang teknolohiya o iba pang
mga gawi na ginamit na ng mga pinagmumulan na
mas kontrolado at mas mababa ang emisyon sa isang
industriya. Nagsisikap ang EPAna magbuo ng mga
regulasyong nagbibigay sa mga kumpanya ng malaking
kakayahang umangkop hangga't maaari sa pagdedesisyon
kung paano nila binabawasan ang kanilang mga emisyon
ng lason sa hangin—basta't tinutugunan ng mga
kumpanya ang mga lebel na hinihiling sa mga regulasyon.
Ang 1990 Clean Air Act ay inuutusan ang EPAna
magtakda muna ng mga regulasyon gamit ang isang
pamamaraang batay sa teknolohiya o pagsasagawa para
mabawasan ang mga emisyon ng lason mula sa mga
pinagmumulang industriya. Matapos itakda ng EPA
ang mga regulasyon batay sa teknolohiya, inutusan ng
Act ang EPA na suriin ang anumang ("natitirang") mga
panganib, at nagdesisyon kung kailangan pang patuloy
na kontrolin ang pinagmumulan. Ang assessment
ng natitirang panganib ay pinasimulan noong taong
2000 para sa ilan sa mga industriyang sakop ng mga
pamantayang batay sa tekolohiya.
Mga Chemical Emergency
Ang kalamidad sa kemikal noong 1984 na nagresulta sa
libu-libong taong namatay sa Bhopal, India, at nagbigay-
inspirasyon sa mga bahagi ng 1990 Clean Air Act na
nag-uutos sa mga pabrika at iba pang mga negosyo na
magbuo ng mga piano na pigilan ang mga aksidenteng
pagbuga ng mga kemikal na lubhang nakakalason.
Itinatag din ng 1990 Act ang Chemical Safety Board,
isang hiwalay na ahensya na nagsisiyasat at nagrereport
tungkol sa mga aksidenteng pagbuga ng mga kemikal na
nakakalason mula sa mga pasilidad ng mga industriya.
Ang Board ay gumaganang katulad ng National
Transportation Safety Board, ang ahensya na nagsisiyasat
sa bumagsak na mga eroplano at bumanggang mga
tren. Ang Chemical Safety Board ay nagtitipon ng
impormasyong kailangan para malaman kung paano at
bakit nangyari ang isang aksidenteng kinasasangkutan
ng mga kemikal na nakakalason. Ang mithiin ay unawain
ang mga aksidente para mapigilan ang iba pang mga
aksidenteng kinasasangkutan ng mga kemikal na
nakakalason.
Mga Lason at Panganib sa Hangin
Inuutos ng Clean Air Act na magkaroon ng ilang pag-
aaral para matulungan ang EPAna mas matukoy ang mga
panganib ng mga lason sa hangin sa kalusugan ng tao at
sa kapaligiran. Ang mga pag-aaral na iyon ay nagbibigay
ng impormasyon sa paggawa ng mga panuntunan at
masuportahan ang mga pagsisikap ng bansa at lokal na
malunasan ang mga panganib sa pamamagitan ng pagpigil
sa polusyon at iba pang boluntaryong mga programa.
Kasama sa mga inisyatibo sa pagbabawas ng panganib:
¦	Ang Integrated Urban Air Toxics Strategy
kinabibilangan ng mga inisyatibo batay sa lokalidad at
komunidad sa pagbabawas ng mga emisyon ng lason sa
hangin sa lugar. Ang pangunahing mithiin ng estratehiya
ay bawasan ang mga panganib sa kalusugan ng publiko
mula sa mga pinagmumulan ng nakakalason na mga air
pollutant kapwa sa loob at labas ng bahay. Matatagpuan
ang iba pang impormasyon sa www.epa.gov/ttn/atw.
¦	Ang Great Waters Program na nagsasama ng mga
aktibidad para siyasatin at bawasan ang pag-aalis ng
nakakalason na mga air pollutant sa "Great Waters," na
kinabibilangan ng Chesapeake Bay, Lake Champlain,
Great Lakes, National Estuary Program areas, at
National Estuarine Research Reserves. Para malaman
ang iba pa, bumisita sa www.epa.gov/glnpo.
¦	Ang mga inisyatibong nakatutok sa pagbabawas ng
mga emisyon ng di-mapigil na mga bioaccumulative
toxic (PBTs) gaya ng mercury, DDT (isang pesticide na
ipinagbawal sa United States), at mga dioxin.
Pagprotekta sa
Stratospheric Ozone Layer
Ang ozone ay maaaring makabuti o makasama depende
sa kung saan ito naroon. Kapag malapit sa ibabaw ng
Lupa, ang ground-level ozone ay isang nakakasamang air
pollutant. Ang ozone sa stratosphere, na napakataas mula
sa Lupa, ay pinoprotektahan ang kalusugan ng tao at ang
kapaligiran mula sa nakakasamang ultraviolet radiation ng
araw. Ang natural na kalasag na ito ay unti-unting naubos
ng mga kemikal na gawa ng tao. Kaya noong 1990,
nagdadag ang Kongreso ng mga probisyon sa Clean Air
Act para protektahan ang stratospheric ozone layer.
Ang ozone sa stratosphere, isang layer ng atmospera
na nasa 10 hanggang 30 milya sa ibabaw ng Lupa, ay
nagsisilbing kalasag, na nagpoprotekta sa mga tao at sa
kapaligiran mula sa nakakasamang ultraviolet radiation
ng araw. Sinasala ng stratospheric ozone layer ang
nakakasamang mga sinag ng araw, kabilang na ang isang
uri ng sikat ng araw na tinatawag na ultraviolet B. Ang
pagkalantad sa ultraviolet B (UVB) ay naiugnay sa mga
katarata (pagkasira ng mata) at kanser sa balat. Naiugnay
rin ng mga siyentipiko ang dagdag na pagkalantad sa
UVB sa pinsala sa pananim at pagkasira ng mga buhay na
lamang-dagat.
17

-------
Noong kalagitnaan ng 1970s, nag-alala ang mga siyentipiko
na maaaring masira ng mga chlorofluorocarbon (CFCs) ang
stratospheric ozone. Noong panahong iyon, malawakang
ginagamit ang mga CFC bilang mga aerosol propellant
sa mga produktong ginagamit ng mamimili tulad ng mga
hairspray at deodorant, at bilang mga coolant sa mga
refrigerator at air conditioner. Noong 1978, ipinagbawal ng
pamahalaan ng U.S. ang mga CFC bilang mga propellant sa
karamihan ng paggamit ng aerosol.
Matagal nang sinusubaybayan ng mga siyentipiko ang
stratospheric ozone layer mula pa noong 1970s. Noong
1980s, nagsimulang magtipon ng katibayan ang mga
siyentipiko na nauubos ang ozone layer. Ang butas ng ozone
sa rehiyon ng South Pole, na lumilitaw taun-taon sa panahon
ng taglamig sa Antarctica (tag-araw sa atin), kadalasan ay
mas malaki kaysa sa kontinental na United States. Sa pagitan
ng 1978 at 1997, nasukat ngmga siyentipiko na 5 porsiyento
ang nabawas sa stratospheric ozone—na isang malaking
bagay.
Mahigit 190 bansa, kabilang na ang malalaking bansang
industriyalisado na tulad ng United States, ang lumagda sa
1987 Montreal Protocol, na nananawagan sa pag-aalis ng
mga kemikal na nakakasira sa stratospheric ozone. Ang mga
bansang lumagda sa Protocol ay nangakong hniitahan ang
produksyon at paggamit ng mga kemikal na iyon.
Inutusan ng 1990 Clean Air Act ang EPA na magtakda ng
isang programa para itigil ang produksyon at paggamit ng
mga kemikal na nakakasira sa ozone. Noong 1996, nagwakas
ang produksyon sa U.S. ng marami sa mga kemikal na
kayang magdulot ng pinakamalubhang pinsala na tulad ng
mga CFC, halon, at methyl chloroform.
Larawan - Steve Delaney
Ang mga service station ay kailangang magkaroon ng espesyal na gamit
na pumipigil sa pagbuga ng mga refrigerant chemical sa hangin kapag
nag re-recharge si la ng mga air conditioning system ng kotse.
Kapag nasira ang protective ozone layer, madaragdagan ang
nakakasamang mga sinag ng araw na umaabot sa Lupa. Ang mga
sinag na ito ay makakasama kapwa sa kalusugan at sa kapaligiran.
Sa kasamaang-palad, mga 60 taon pa bago maghilom
ang stratospheric ozone layer. Dahil nasa stratosphere na
ang mga kemikal na nakakasira sa ozone at yaong mga
darating pa sa loob ng susunod na ilang taon, malamang na
magpatuloy ang pagkasira ng stratospheric ozone sa buong
dekada. Noong Setyembre 24, 2006, ang pinakamalaking
butas sa ozone na naitala sa laking 29 na milyong square
kilometers (11.4 milyong square miles). Nakita rin sa taong
2006 ang pangalawang pinakamalaking butas sa ozone.
Kasama sa Clean Air Act ang iba pang mga hakbang para
maprotektahan ang ozone layer. Ang Act ay naghihikayat
na gumawa ng mga kemikal na "hindi nakakasira sa ozone"
na maipapaht sa mga kemikal na nakakasira sa ozone.
Maraming produkto at proseso nang napalitan ang pormula
para maging mas "'hindi nakakasira sa ozone." Halimbawa,
ang mga refrigerator ay hindi na gumagamit ng mga CFC.
Kung minsan hindi madaling ipatigil ang paggawa ng isang
kemikal na nakakasira sa ozone. Flalimbawa, wala pang
natatagpuang mga maipapalit sa mga CFC na ginagamit
sa ilang aplikasyon sa medisina. Pinalawig ang hmitasyon
sa produksyon ng methyl bromide, isang pesticide, dahil
wala pang epektibong alternatibo ang mga magsasaka.
Sa kabila ng di-maiiwasang mga pagkaantala dahil sa
mga problemang teknikal at sa ekonomiya, pinatitigil
ang mga kemikal na nakakasira sa ozone, at, sa patuloy
na pagsisikap, sa paglipas ng panahon ay mababalik ang
protective ozone layer.
18
OZONE HOLE (manipis
na lugar sa protective
ozone layer)

-------
Paano Nagkakaroon ng
mga Butas ang Ozone
Ang mga kemikal na nakakasira
sa ozone ay sumasama sa hangin
at umaabot sa stratosphere.
Sa paglipas ng panahon
nababawasan ng mga ito ang
layer ng stratospheric ozone na
nagpoprotekta sa atin.
Mga Permit
Ang isa sa mga pangunahing inisyatibong idinagdag ng
Kongreso sa Clean Air Act noong 1990 ay ang isang
operating permit program para sa mas malalaking
industriya at komersyal na pinagmumulan na nagbubuga
ng mga pollutant sa hangin. Kasama sa mga operating
permit ang impormasyon kung saan ibinubuga ang mga
pollutant, gaano karami ang maaaring ibuga, at anong
klaseng mga hakbang ang kailangang gawin ng may-
ari o operator ng pinagmumulan para mabawasan ang
polusyon. Kailangang isama sa mga permit ang mga
planong sukatin at ireport ang ibinugang air pollution.
Ang mga estado at tribo ang nag-iisyu ng mga operating
permit. Kung hindi kasiya-siya ang ginagawa ng mga
pamahalaang iyon sa pagsasagawa ng mga kinakailangan
sa Clean Air Act para mabigyan ng permit, maaaring
pumalit ang EPA sa pag-iisyu ng mga permit.
Ang mga operating permit ay makakatulong lalo na sa
mga negosyong saklaw ng mahigit sa isang bahagi ng
Clean Air Act at mga karagdagang ipinagagawa sa estado
o lokalidad, dahil nasa isang lugar ang impormasyon
tungkol sa lahat ng pinagmumulan ng air pollution.
Pinasisimple at pinalilinaw ng permit program ang mga
obligasyon ng mga negosyo sa paglilinis ng air pollution
at pagbabawas sa paperwork. Halimbawa, ang isang
electric power plant ay maaaring masaklaw ng mga bahagi
ng Clean Air Act tungkol sa acid rain, nakakalason na air
pollutant, at smog (ground-level ozone). Ang detalyadong
impormasyong kinakailangan ng dalawang magkahiwalay
na bahaging iyon ay pinagsama sa isang lugar sa operating
permit.
Libu-libong operating permit na naisyu sa buong
United States ang makukuha ng publiko. Kontakin ang
air pollution control agency ng inyong estado o rehiyon
o ang EPA para sa impormasyon tungkol sa pag-access
sa mga dokumentong iyon.
Kailangang bayaran ng mga negosyong humihingi ng
mga permit ang mga sinisingil sa permit, katulad ng
mga may-ari ng kotse na nagbabayad para sa rehistro
ng kotse. Ang mga sinisingil na ito ang ipinambabayad
sa mga aktibidad ng air pollution control na nauugnay
sa mga operating permit.
Pagpapatupad
Binibigyan ng Clean Air Act ang EPAng mahahalagang
kapangyarihan sa pagpapatupad. Noong araw, mahirap
parusahan ng EPA ang isang kumpanya sa paglabag sa
Clean Air Act-kinailangang dumalo ng Ahensya sa mga
pagdinig sa hukuman kahit para sa maliliit na paglabag.
Pinalakas ng 1990 Amendments ang kapangyarihan
ng EPA na ipatupad ang Act, na nagdaragdag sa lawak
ng mga parusang sibil at kriminal. Sa pangkalahatan,
kapag nakita ng EPA na may paglabag na nangyari,
maaaring mag-isyu ng order ang ahensya na nag-uutos
sa lumabag na sumunod, mag-isyu ng order na parusang
administratibo (gamitin ang administratibong awtoridad
ng EPA para puwersahang singilin ang bayad sa parusa),
o maghain ng kasong sibil (ihabla ang lumabag sa
hukuman).
19

-------
Partisipasyon ng Publiko
Ang partisipasyon ng publiko ay isang napakahalagang
bahagi ng 1990 Clean Air Act. Sa buong Act, binibigyan
ng iba't ibang probisyon ang publiko ng mga
pagkakataong makibahagi sa pagpapasiya kung paano
ipapatupad ang batas.
Kadalasan, kapag tinatrabaho ng EPA ang isang
mahalagang panuntunan, magsasagawa ang Ahensya
ng mga pagdinig sa iba't ibang lungsod sa buong bansa,
kung saan maaaring magkomento ang publiko. Maaari
ka ring magsumite ng nakasulat na mga komento nang
direkta sa EPA para maisama sa pampublikong talaan na
nauugnay sa panuntunang iyon. O, halimbawa, maaari
kang makilahok sa pagbubuo ng piano sa pagpapatupad ng
isang estado o tribo. Maaaring maging kapaki-pakinabang
ang pagkomento sa piano ng isang estado o tribo dahil ang
mga pamamaraan sa paglilinis ng polusyon ay maaaring
may direktang mga epekto sa paraan ng pamumuhay mo at
ng iyong pamilya.
Ang 1990 Clean Air Act ay binibigyan kayo ng mga
pagkakataong makakilos nang direkta para malinis ang
polusyon sa inyong komunidad. Maaari kang makilahok
sa pagrerepaso ng mga air pollution permit para sa mga
pinagmumulang industriya sa inyong lugar. Maaari mo
ring hilingin sa EPA, sa inyong estado o tribo na kumilos
laban sa isang polluter, at, sa ilang sitwasyon, maaari kang
maghabla laban sa may-ari o operator ng pinagmumulan
ng polusyon.
Ang mga report na hinihiling ng 1990 Clean Air Act ay
kadalasang available sa publiko. Kasama sa mga report
na iyon ang maraming impormasyon kung gaanong
polusyon ang maaaring ibuga ng mga pinagmumulang
industriya at komersyo. Makukuha rin ng publiko ang
monitoring data na nakolekta ng EPA, mga estado at tribo
na sumusukat sa lebel ng piling mga pollutant sa hangin
ng isang komunidad. Ang impormasyon tungkol sa mga
emisyon sa hangin at monitoring data ay matatagpuan sa:
www. epa. go v/airtrends.
20
Alamin ang Iba pa Tungkol
sa mga Clean Air
Act Program
Para malaman ang iba pa tungkol sa kalidad ng
hangin, bumisita sa www.epa.gov/air. Ang site
na ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol
sa kalidad ng hangin sa inyong komunidad at
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
paksang tulad ng: karaniwang matatagpuang
mga air pollutant, mga programa sa polusyong
dulot ng transportasyon, mga lason sa hangin,
acid rain, at pagkaubos ng stratospheric ozone.

-------
Paano Cumagana ang
Clean Air
Act
ay ilang paraan para masabi 1110 kung
gumagana nang maayos ang Clean Air
Act. Sa paglipas ng panahon patuloy na
babawasan ng Clean Air Act ang air
pollution, pero matatagalan bago magkaroon ang mga
probisyon ng Act ng buong epekto ng mga ito.
Sa pangkalahatan, kapag inutusan ng EPA 0 ng mga
pamahalaan ng estado, lokalidacl at tribo ang mga
pinagmumulan ng polusvon na gumamit ng mga
hakbang sa pagkontrol ng polusvon. makikita 1110
kaagad ang mga resulta. Halimbawa, kapag inutusan
ang mga pasilidad ng industriya na magkabit ng
pollution control equipment, dapat bumaba ang pagbuga
ng mga pollutant kapag naikabit na ang equipment.
Sa kabilang dako, sa sitwasvon ng mga kotse at trak,
aabutin pa siguro ng ilang taon bago tuluyang maalis
ang mga lumang sasakyan sa kalye bago makita ang
lubos na mga epekto ng paglilinis ng mga kotse at trak.
Maaari mo ring tingnan kung paano tinutugunan ng
mga indibiduwal na pasilidad ang ipinagagawa sa
kanilang paglilinis. Ang mga pagbuga ng air pollutant sa
bawata isa sa mga pasilidad tulad ng mga power plant
ay nakasaad sa permit ng pasilidad. na maaari mong
repasuliin. Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga ahensya ng air pollution
control sa estado, lokalidad, 0 tribo na makapagbibigay
sa iyo ng mas maraming impormasyon kung paano
maka-access sa mga permit. (Tingnan sa paliina 23.)
Ang pagsubaybay sa kalidad ng hangin ang
pinakamainam na paraan para masabi kung mas lumilinis
ang hangin. daliil tumpak ang report ng mga monitor
kung gaano karaming pollutant ang nasa hangin. Maaari
mong hilingin sa EPA, estado. lokalidad. 0 tribo ang mga
monitoring report na nagpapakita ng mga pagbabago sa
paglipas ng panahon. Ina-update ito nang madalas, kaya
makukuha 1110 ang pinakahuling impormasyon tungkol sa
nangyayari sa hangin sa inyong komunidad. Bumisita sa
www.epa.gov/airtrends para sa iba pang impormasyon.
Ang "Air Quality Index" (AQI) ay isang paraan para
"magamit ng publiko" ang aktuwal na monitoring data
para matulungan kaming suriin kung gaano kalinis ang
ating hangin. Pamilyar ang mga Amerikano sa maraming
weather forecaster sa radyo, TV. and paliayagan na
biunabanggit tungkol sa AQI—na nagsasabi sa iyo
na masyadong polluted ang hangin kaya nakataas ang
"Code Orange" 0 "Code Red" na kundisvon ng kalidad
ng hangin. Sinusubaybayan ng AQI ang polusyon para
sa inyong lugar. Ang mga color code, na inula green
hanggang purple, ay may katumbas na mga particular
na mga lebel ng polusyon. Habang lpinatutupad ang
mga programa sa paglilinis para sa mga air pollutant na
sinusubaybayan ng AQI, inaasahan naming makita na
nababawasan ang mga araw na Code Orange at Code Red
ang kalidad ng hangin. Ang impormasyon tungkol sa AQI
ay matatagpuan sa: www.airnow.gov.
Ang National Air Toxics Assessment ay isang patuloy
at komprehensibong pagsusuri sa mga lason sa hangin
sa United States. Bumisita sa www.epa.gov/ttn/atw para
sa impormasyon tungkol sa mga emisyon, panganib. at
pagkalantad sa inyong lugar.

-------
Mga Paraan ng Pagbabawas
Air Pollution
umagawa tayo ng mga pagpapasiya araw-
araw na makakatulong na mabawasan ang
air pollution. Nasa ibaba ang ilang ideya
na magagawa mo para makatulong na
linisin ang ating hangin.
Sa Bahay
¦	Magtipid ng enerhiya - patayin ang mga appliance at
ilaw kapag lumalabas kayo ng kuwarto.
¦	I-recycle ang papel, plastik, mga bote, karton, at mga
latang aluminum. (Nakakatipid ito sa enerhiya at
nakakabawas sa paglikha ng mga emisyon.)
¦	Panatilihing malinis ang mga kalan na de-kahoy at
tsiminea. Dapat mong isaalang-alang na palitan ang
mga lumang kalan na de-kahoy ng mga modelo na
EPA-certified. Bumisita sa www.epa.gov/woodstoves.
¦	Magtanim ng mga punong nalalaglag ang mga dahon
sa mga lokasyon sa paligid ng iyong tahanan para
maglaan ng lilim sa tag-araw, pero magbigay ng
liwanag sa taglamig.
¦	Bumili ng green electricity-na nililikha ng mga
pasilidad na mababa o wala man lang polusyon.
¦	Ikonekta ang iyong mga ilaw sa labas ng bahay sa
isang timer o gumamit ng solar lighting.
¦	Labhan ang mga damit gamit ang maligamgam o
malamig na tubig sa halip na mainit.
¦	Ibaba sa 120°F ang thermostat ng inyong water heater.
¦	Gumamit ng water-based na mga pintura, tina, finish,
at pantanggal ng pintura.
¦	Suriin ang inyong bahay kung may radon-isang
mapanganib na radioactive gas na walang amoy at
lasa.
Kung lumabas sa pagsusuri ang mataas na mga lebel
ng radon, maaaring ayusin ang problema sa murang
halaga. Bumisita sa www.epa.gov/radon.
¦	Piliing huwag manigarilyo sa inyong bahay, lalo na
kapag may mga bata sa inyo. Kung kayo o ang inyong
mga bisita ay kailangang manigarilyo, manigarilyo sa
labas ng bahay. Bumisita sa www.epa.gov/ smokefree.
Maging Matalino sa Pagbili
¦	Bumili ng mga produkto ng ENERGY STAR, kabilang
na ang ilaw na matipid sa enerhiya at mga appliance.
Makakabuti sa kapaligiran ang mga produktong ito.
Para sa iba pang impormasyon, bumisita sa www.
energystar.gov o tumawag sa 1-888-STAR-YES.
¦	Pumili ng mga modelo ng mga sasakyan na matipid at di-
gaanong nagbubuga ng polusyon. Bumisita sa
www.epa.gov/greenvehicle s.
¦	Pumili ng mga produktong kakaunti ang packaging at
magagamit ulit.
¦	Mamili nang may dalang canvas bag sa halip na gumamit ng
supot na papel at plastik.
¦	Bumili ng mga rechargeable battery para sa mga device na
madalas gamitin.
Maging Matalino sa Pagmamaneho
Planuhin ang iyong mga pagbibiyahe. Tipirin ang gasolina at
bawasan ang air pollution.
¦	Panatilihing may wastong hangin at balanse ang mga gulong.
¦	Sa panahon ng tag-araw, punuin ang tangke ng gasolina sa
mas malamig na mga oras ng gabi para hindi ito gaanong
sumingaw. Iwasang lumigwak ang gasoina at huwag "punuin
nang husto" ang tangke. Ibalik nang mahigpit ang takip ng
tangke ng gasolina.
¦	Iwasang maghintay sa mahabang linya ng drive-thru,
halimbawa, sa mga fast-food restaurant o bangko. Iparada ang
iyong kotse at pumasok.
¦	Kapag maaari, sumakay sa pampublikong sasakyan, maglakad,
o magbisikleta.
¦	Regular na ipa-tune up ang makina at patingnan ang makina
ng kotse (lalo na ang mga spark plug).
¦	Gamitan ng langis ang makina na energy-conserving (EC)
grade.
¦	Hilingin sa iyong employer na isaalang-alang ang mga flexible
na iskedyul sa trabaho o telecommuting.
¦	Ireport ang umuusok na mga sasakyan sa inyong lokal na air
agency.
¦	Sumali sa isang carpool o vanpool sa pagpasok sa trabaho.
Para sa Iyong Kalusugan
¦	Tingnan araw-araw ang mga forecast tungkol sa kalidad ng
hangin, na nagsasabi kung gaano kalinis o karumi ang inyong
hangin, at ang mga problema sa kalusugan na kaakibat nito.
Bumisita sa www.airnow.gov.
¦	Alisin ang mga nagti-trigger ng hika sa loob ng bahay mula sa
inyong tahanan at iwasan ang mga nagti-trigger nito sa labas
ng bahay para epektibong makontrol ang iyong hika. Bumisita
sa www.epa.gov/asthma para malaman ang iba pa tungkol sa
mga nagti-trigger ng hika at ang mga paraan para maiwasan
ang mga ito.
¦	Bawasan ang iyong pagkalantad sa araw. Magpahid ng sun
block at magsuot ng salamin sa mata na may UV protection.
Para malaman ang tungkol sa kasalukuyang mga forecast ng
UV kung saan ka nakatira, magpunta sa
www.epa.gov/ sunwise/uvindex .html.
22

-------
Estado at Tribo
Contact Information
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga air
pollution control agency ng estado at teritoryo,
bumisita sa www.4cleanair.org.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga air
pollution control agency ng tribo, bumisita sa
www.epa.gov/oar/tribal o www.ntaatribalair.org.
Mga EPA Regional Office
Rehiyon 1
(Connecticut, Maine, Massachusetts, New Hampshire,
Rhode Island, Vermont)
1 Congress Street, Suite 1100
Boston, MA 02114-2023
Telepono: 888-372-7341 (Sa loob ng Rehiyon I)
Telepono: 617-918-1111 (Sa labas ng Rehiyon II)
Web Site: www.epa.gov/regionl
Rehiyon 2
(New Jersey, New York, Puerto Rico, Virgin Islands)
290 Broadway, 26th Floor
New York, NY 10007-1866
Telepono: 212-637-3000
Web Site: www.epa.gov/region2
Rehiyon 3
(Delaware, Maryland, Pennsylvania, Virginia,
West Virginia, Distrito ng Columbia)
1650 Arch Street
Philadelphia, PA 19103-2029
Telepono: 800-438-2474 (Sa loob ng Rehiyon 3)
Telepono: 215-814-2100 (Sa labas ng Rehiyon 3)
Web Site: www.epa.gov/region3
Rehiyon 4
(Alabama, Florida, Georgia, Kentucky, Mississippi,
North Carolina, South Carolina, Tennessee)
Atlanta Federal Center
61 Forsyth Street, SW
Atlanta, GA 30303-3104
Telepono: 404-562-9900
Telepono: 1-800-241-1754 (Toll-free)
Web Site: www.epa.gov/region4
Rehiyon 65
(Illinois, Indiana, Michigan, Minnesota, Ohio,
Wisconsin)
77 W. Jackson Boulevard
Chicago, IL 60604
Telepono: 800-621-8431 (Sa loob ng Rehiyon 5)
Telepono: 312-353-2000 (Sa loob ng Rehiyon 5)
Web Site: www.epa.gov/region5
Rehiyon 6
(Arkansas, Louisiana, New Mexico, Oklahoma,
Texas)
1445 Ross Avenue, 7th Floor, Suite 1200
Dallas, TX 75202-2733
Telepono: 214-665-6444
Web Site: www.epa.gov/region6
Rehiyon 7
(Iowa, Kansas, Missouri, Nebraska)
901 N 5th Street
Kansas City, KS 66101
Telepono: 800-223-0425 (Toll free)
Telepono: 913-551-7003
Web Site: www.epa.gov/region7
Rehiyon 8
(Colorado, Montana, North Dakota, South Dakota,
Utah, Wyoming)
999 18th Street, Suite 300
Denver, CO 80202-2466
Telepono: 800-227-8917 (Sa loob ng Rehiyon 8)
Telepono: 303-312-6312 (Sa labas ng Rehiyon 8)
Web Site: www.epa.gov/region8
Rehiyon 9
(Arizona, California, Hawaii, Nevada,
at Pacific Islands, mga Bansang Tribo na sumasailalim
sa batas ngU.S.)
75 Hawthorne Street
San Francisco, CA 94105
Telepono: 415-744-1500
Web Site: www.epa.gov/region9
Rehiyon 10
(Alaska, Idaho, Oregon, Washington)
1200 6th Avenue
Seattle, WA 98101
Telepono: 206-553-1200
Web Site: www.epa.gov/regionlO
23

-------
oEPA
Office of Air Quality Planning and Standards	Publication No. EPA-456/K-07-001
Research Triangle Park, NC	Abril 2007

-------