United States Environmental Protection \r ^1 Agency Office of Land & Emergency Management 12/1/2019 Virtual na Pampublikong Pagdinig sa Mungkahi: Isang Kumpletong Pamamaraan sa Pagsasara ng Part A Tungkol sa Mungkahi Ang EPA ay nagmumungkahi ng mga pagbabago sa mga kundisyon sa pagsasara sa panghuling pagpapasya sa taong 2015 para sa pagtatapon ng mga labi ng coal combustion mula sa mga electric utility at mga independiyenteng power producer. Ang kilos na ito ay nagmumungkahi ng mga pagbabago sa kasalukuyang deadline kung kailan dapat huminto ang mga coal ash surface impoundment sa pagtatanggap ng mga labi, at tinutugunan rin ang ilang mga isyu mula sa desisyon ng korte noong Agosto 2018. Ang EPA ay tatanggap ng mga komento mula sa publiko sa mungkahing mga pagbabago sa https://www.regulations.gov (sa wikang Ingles) (docket number EPA-HQ-OLEM-2019-0172) na dapat matanggap sa o bago ang Enero 31, 2020. Dagdag pa sa pagtatanggap ng mga nakasulat na komento, ang EPA ay magsasagawa ng isang virtual o online na pampublikong pagdinig. Ang virtual na pampublikong pagdinig ay magkakaloob sa mga interesadong tao ng oportunidad na magpakita ng impormasyon, mga komento o pananaw hinggil sa mungkahi ng EPA. Mga Detalye ng Virtual na Pampublikong Pagdinig Ang EPA ay magsasagawa ng isang virtual na pampublikong pagdinig tungkol sa mungkahing ito sa Enero 7, 2020. Ang pagdinig ay magsisimula sa oras na 9:00 a.m. Eastern Time (ET) at magwawakas sa oras na 6:00 p.m. ET. Kung kinakailangan, ang pagdinig ay maaaring mas mahuli para mapahintulutan ang lahat na nais magsalita. Ang binigkas na testamento ay limitado lang sa limang (5) minuto kada tao. Kung inaasahan ng EPA ang maraming mga dadalo, ang itatalagang panahon kada testamento ay maaaring paiksiin nang hindi mas kakaunti sa tatlong (3) minuto para mapahintulutan ang lahat na nais magbigay ng testamento. Maaaring magtanong ang EPA ng naglilinaw na mga tanong habang isinasagawa ang mga ora na presentasyon, pero hindi pormal na sasagot habang nakikinig sa mga komento o impormasyon na ipinakita sa pagdinig. Isang transkripsyon ng bawat salita na sinabi sa pagdinig ay isasama sa docket para sa kilos na ito. Tala: Huwag magpakita o magsumite sa pagdinig ng anumang impormasyon na ikinokonsidera ninyong kompidensyal na impormasyong pang- negosyo o iba pang impormasyon na ang pagsisiwalat ay ipinagbabawal ayon sa batas. Pagrerehistro Magrehistro para makadalo sa virtual na pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng GoToWebinar na pagrerehistro mula dito: https://attendee.gotowebinar.com/register/78079 10648118710796. (Sa Wikang Ingles) Kung nais ninyong magbigay ng testamento sa pagdinig: Ang mga kahilingan para magsalita sa ------- pampublikong pagdinig ay dapat gawin nang hindi lalampas sa 5:00 p.m. ET sa Enero 3, 2019. Ang pagpaparehistro ay nagtitiyak na may slot kayong makapagsalita. Mangyaring ipahiwatig ang inyong nais na time slot kapag sinusulatan ang registration form. Ang mga dagdag na instruksyon kug paano magsalita habang isinasagawa ang pagdinig ay ipapadala sa email kasunod ng pagpaparehistro. Kung hindi kayo magparehistro sa deadline at nais na magbigay ng oral na testamento, maaaring pahintulutan ng EPA, kung may oras, ang ilan o lahat ng di nakarehistrong tao na magbigay ng oral na testamento sa pampublikong pagdinig. Ikokonsidera ng EPA ang nasabing mga kahilingan sa first-come, first serve na batayan habang isinasagawa ang pagdinig kung may oras. Kailangan ninyong magparehistro gamit ang registration form ng GoToWebinar para makakuha ng mga instruksyon sa pag-login at tapos ay magpadala ng mensahe sa organiser ng pagdinig para hilingin na makapagsalita. Kung nais ninyong makinid sa pagdinig: Maaari kayong magparehistro kahit kailan para makinig sa virtual na pampublikong pagdinig. Mangyaring magrehistro gamit ang GoToWebinar registration form. Mga Espesyal na Akomodasyon Kung kailanganin ninyo ng mga serbisyo ng isang tagasalin-wika, hinihiling namin sa inyong hilingin ang mga serbisyong iyon gamit ang GoToWebinar registration form nang hindi lalampas sa oras na 5:00 p.m. ET sa Disyembre 23, 2019 para makapaglaan ng sapat na oras para masaayos ang nasabing mga akomodasyon. Kung kailanganin ninyo ng closed captioning o iba pang mga espesyal na akomodasyon, mangyaring hilingin ang mga nasabing serbisyo sa pamamagitan ng GoToWebinar registration form nang hindi lalampas sa 5:00 p.m. ET sa Disyembre 30, 2019. Mga Tanong Para makakuha ng impormasyon tungkol sa namungkahing tuntunin, bumisita sa aming website sa: https://www.epa.gov/coalash/coal-ash- rule#PartA. (Sa wikang Ingles) Mag-sumite ng mga tanong tungkol sa virtual pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng aming website. https://www.epa.gov/coalash/forms/virtual- public-hearing-proposal-holistic-approach-closure- part#questions (sa wikang Ingles) ------- |