Pagpoprotekta sa Inyong Sarili inula
sa Radiation
T Protect Yourself from Radiationl
Ang radiation ay bahagi rig inyong buhay. Ang background radiation, na
pangunahing nagmumula sa mga natural minera, ay pumapalibot sa atin pa rati.
Sa kabutihang palad, kakaunti ang mga situwasyon kung saan ang isang
pangkaraniwang tao ay naialantad sa mga di makontrol na pinagmumulan ng
radiation na nahihigit sa background, Gayunpaman, mahusay na maghanda at
alamin kung ano ang dapat gawin kung maganap ang nasabing situwasyon.
Ang isa sa pinakamainam na paraan ay maghandang maunawaan ang mga
prinsipyo sa oras, layo at pananangga bilang proteksyon sa radiation. Habang
may isang medika! na radiation (malaking pagpapalabas ng radioactive material
sa kapaligiran), magagamit natin ang mga prinsipyong ito para makatulong na
protektahan ang ating mga sarili at ang ating mga pamilya.
Oras, Layo at Pananangga
Ang oras, layo at mga kilos ng pananangga ay nagpapakaunti sa inyong
pagkakalantad sa radiation sa parehong paraan na magagawa nito para
protektahan kayo laban sa sobrang pagkakalantad sa araw:
Mas kaunting panahon na
natantad malapit na
pinagmumulan: mas kaunting
radiation ang natanggap.
Mas malaking layo mula sa
pinagmumulan: mas
kaunting radiation ang
natanggap.
Nasa likod ng panangga mula
sa pinagmumulan: mas
kaunting radiation ang
natanggap.
Oras: Para sa mga taong naialantad sa radiation bilang pandagdag sa
likas na radiation sa background, ang paglilimita o pagpapakaunti sa oras
ng pagkakalantad ay nagbabawas ng dosis mula sa pinagmumulan ng
radiation.
Layo: Tulad ng pagbabawas ng init kapag ikaw ay lumalayo sa isang
apoy, ang dosis ng radiation ay malaki ang nababawas habang ikaw ay
lubos na napapalayo mula sa pinagmumulan nito.

-------
• Pananangga: Ang mga harang ng lead, kongkreto, o tubig ay
nagkakaloob ng proteksyon mula sa sumusuot na gamma rays at x-
rays. Ito ang dahilan kung bakit ang ibang mga radioactive na material ay
natatabi sa ilalim ng tubig o kongkreto o mga kuwarto na napapahiran ng
lead, at kung bakit naglalagay ang mga dentista ng lead na kumot sa mga
pasyente na sumasailalim sa x-ray ng kanilang ngipin. Samakatuwid, ang
paglalagay ng wastong panangga sa pagitan ninyo at ng pinagmumulan
ng radiation ay may malaking pagbabawas o matatanggal ang dosis na
natatanggap ninyo.
Mga Emergency ng Radiation
Sa isang malakihang pagpapalabas ng radiation, tulad ng aksidente sa nuclear
power plant o isang kaganapan ng terorismo, ang sumusunod na payo ay nasura
at napatunayan na nagkakaloob ng maximum na proteksyon.
Kung naganap ang isang emergency na radiation, maaari kayong magsagawa ng
mga kilos para protektahan ang inyong sarili, ang inyong mga mahal sa buhay at
inyong mga alagang hayop: Pumasok sa Looban, Manatili sa Looban at
Maghintay ng balita. Sundan ang mga payo nga emergency responders at
mga opisyal.
Pumasok sa Looban
Sa isang emergency na radiation, maaaring hilingin sa inyong
pumasok sa loob ng isang gusarli at sumilong sa isang takdang
panahon.
•	Ang kilos na ito ay tinatawag na "shelter in place
(pagsisilong sa isang lugar)."
•	Magpunta sa gitna ng gusali o basement, malayo mula sa
bintana.
•	Dalhin ang mga alagang hayop sa looban.
si
Pumasok sa
Looban
mga pinto at
Manatili sa Looban

-------
Ang mga gusali na nagkakaloob ng malaking proteksyon mula
sa radiation. Mas maraming mga pader sa pagitan ninyo at ng
labasan ay nangangahulugan na mas maraming mga harang
ang nasa pagitan ninyo at ang radioactive na material sa
labasan. Ang mabilisang pagpasok at pananatili sa loob
pagkatapos ng isang aksidenteng radiological ay maaaring
makalimita sa inyong pagkakalantad sa radiation at posibleng masasagip ang
inyong buhay.
•	Isara ang mga bintana at pinto.
•	Maligo o punasan ang mga nalantad na parte ng inyong katawan gamit
ang isang mamasa-masang tuwalya.
•	Uminim ng bottled water at kumain mula sa mga nakaselyong lalagyan.
Maghintay ng Balita
Ang mga emergency official ay sanay na tumugon sa mga
situwasyon ng sakuna at magkakaloob ng mga tiyak na kilos
para mapanatiling ligtas ang mga tao. Maaaring sa
pamamagitan ito ng social media, emergency alert systems,
television, o sa radyo.
•	Kunin ang pinakahuling impormasyon mula sa radyo, television, sa
Internet, mobile device, atbp.
•	Ang mga emergency official ay magkakaloob ng impormasyon kung saan
pupunta para masuri kung nakontamina.
Kung natiyak o naka-ugnayan ninyo ang isang pinagmumulan ng
radioactivity, hanaoin at makipaa-uanavan sa invona state radiation control
office, [lumabas sa EPA website].
Manatm sa Looban
Maghintay ng Balita

-------
Saan Kayo Dapat Magpunta Kapag Nay Emergency
ng Radiation

| US
hrrp-iVernw|}«ncyo
-------
ensayuhin ito para malaman ng inyong pamilya kung paano dapat
tumugon sa isang emergency. Para sa karagdagang impormasyon sa
paglilikha ng piano, kasama ang mga template, bumisita sa "Make a Plan
(Gumawa ng Piano)" sa Readv.gov/Dlan (na pahina sa Ingles).
•	Gumawa ng isang Emergency Supply Kit: Ang kit na ito ay
magagamit sa anumang emergency at maaaring may kasamang hindi
nasisirang pagkain, mga nagagamitan ng baterya o nasususian na radyo,
tubig, flashlight, mga baterya, first aid na supply at mga kopya ng inyong
mahahalagang impormasyon kung kailangan ninyong lumikas. Para sa
karagdagang impormasyon kung anong mga supply ang dapat isama,
magpunta sa Basic Disaster Supplies Kit sa Readv.aov/kit (na pahina sa
Ingles)
•	Magkaroon ng kaalaman sa Piano para sa Mga emergency ng
Radiation sa inyong Komunidad: Tingnan sa inyong mga lokal na
opisyal, sa paaralan ng inyong anak, kung saan kayo nagtatrabaho, at iba
pa, kung paano sila naghahanda sa pagkikilos kung may radiological na
emergency.
•	Magkaroon ng kaalaman sa Public Alert at Notification
Systems: Ang mga system na ito ay gagamitin para bigyang alerto ang
publiko kung may maganap na radiological na pangyayari. Maraming mga
komunidad ay may text o email alert system para sa mga abiso ng
emergency. Alamin kung aling mga alert ang available sa inyong area,
hanapin sa Internet ang para sa inyong bayan, lungsod, pangalan ng
county at ang salitang "alerts."
•	Tiyakin ang Mapagkakatiwalaang Pinagkukuhanan ng
Impormasyon: Tiyakin ang mga mapagkakatiwalaang pinagkukuhanan
ng impormasyon ngayon at balikan ang mga ito sa kaganapan ng isang
emergency para sa mga mensahe at instruksyon. Sa kasamaang palad,
alam namin batay sa mga nakaraang sakuna at emergency na ang maliliit
na bilang ng mga indibiduwal ay maaaring magsamantala sa pagkakalat
ng maling impormasyon.
Potassium Iodide (KI)
Huwag kailanman uminom ng potassium iodide (KI) o ibigay ito sa iba maliban
na lang kung tiyak na pinayo sa inyong gawin ito ng departamento ng
kalusugan, ng mga emergency management official o ng inyong doktor.
Ang KI ay ginagamit lang sa mga situwasyon kung saan ang radioactive iodine
ay napalabas sa kapaligiran, at pinoprotektahan lang nito ang thyroid gland. Ang

-------
KI ay gumagana sa pamamagitan ng pagpupuno sa thyroid gland ng isang tao
ng stable iodine para ang nakakasamang radioactive iodine mula sa naipalabas
na radioactivity ay hindi masipsip ng katawan, at nakakabawas sa panganib ng
kanser sa thyroid sa hinaharap.
Ang mga katanungan at sagot sa ibaba ay mula sa oahina na Potassium Iodide
(XP na website na Centers for Disease Control and Prevention fCDQ (sa wikang
Ingles).
Ano ang Potassium Iodide?
Ang KI (potassium iodide) ay hindi pumipigil sa radioactive iodine na makapasok
sa katawan at hindi mababaliktad ang mga epekto sa kalusugan na sanhi ng
radioactive iodine sa sandaling ang thyroid ay napinsala.
Ang KI (potassium iodide) ay nagpoprotekta lang sa thyroid, hindi sa iba pang
mga parte ng katawan, mula sa radioactive iodine.
Ang KI (potassium iodide) ay hindi nagpoprotekta sa katawan mula sa mga
radioactive na elemento bukod sa radioactive iodine—kung ang radioactive iodine
ay hindi matatagpuan, ang pag-inom ng KI ay hindi nakakaprotekta at hindi
nagdudulot ng pinsala.
Ang table salt at ang mga pagkain na mayaman sa iodine ay hindi sapat ang
iodine para mahadlangan ang radioactive iodine na makapunta sa inyong thyroid
gland. Huwag gumamit ng table salt o pagkain bilang pamalit sa KI.
Paano gumagana ang KI (potassium iodide)?
Hindi mapagkakaiba ng thyroid gland ang table salt mula sa radioactive iodine.
Pareho itong masisipsip.
Ang KI (potassium iodide) ay humaharang sa radioactive iodine mula sa
pagpasok sa thyroid. Kapag ang tao ay umiinom ng KI, ang stable iodine sa
gamot ay nasisipsip ng thyroid.
Dahil ang KI ay naglalaman ng maraming table iodine, ang thyroid gland ay
nagiging "puno"at hindi makakasipsip ng anumang iba pang iodine-stable man o
radioactive-sa susunod na 24 oras.

-------
Ang KI (potassium iodide) ay hindi makakapagbigay sa isang tao ng 100%
proteksyon laban sa radioactive iodine. Ang proteksyon ay titindi depende sa
tatlong factor.
•	Panahon makalipas ang kontaminasyon: Mas madaling makainom ng
KI ang isang tao, mas maraming panahon bago mapuno ang thyroid ng
stable iodine.
•	Pagkakasipsip: Ang dami ng stable iodine na napupunta sa thyroid ay
depende kung gaano kabilis nasisipsip ang KI sa dugo.
•	Dosis ng radioactive iodine: Ang pagpapakaunti ng total na dami ng
radioactive iodine na nalantad ang isang tao ay magpapababa sa dami ng
nakakasamang radioactive iodine na nasisipsip ng thyroid.
Gaano kadalas dapat inumin ang KI (potassium iodide)?
Ang pag-iinom ng mas malakas na dosis ng KI (potassium iodide), o
pagkuha ng KI nang mas madalas kaysa sa inirerekumenda, ay hindi
naghahandog ng mas maraming proteksyon at maaaring magdulot ng
malubhang sakit o kamatayan.
Ang isang dosis ng KI (potasium iodide) ay nagpoprotekta sa thyroid gland ng 24
oras. Ang isang beses na dosis sa inirerekumendang mga level ay karaniwang
kinakailangan lang para maprotektahan ang thyroid gland.
Sa ilang mga kaso, maaaring malantad ang mga tao sa radioactive iodine nang
higit sa 24 oras. Kung mangyari ito, ang pampublikong kalusugan o emergency
management officials ay maaaring magsabi sa inyong uminom ng isang dosis ng
KI (potassium iodide) tuwing 24 oras ng ilang araw.
Ano ang mga side effect ng KI (potassium iodide)?
Ang mga side effect ng KI (potassium iodide) ay maaaring makabilangan ng
pananakit ng tiyan o gastro-intestinal, mga allergic reaction, mga pamamantal,
at pamamaga ng salivary gland.
Kapag ininom ayon sa rekumendasyon, ang KI (potassium iodide) ay maaaring
magdulot ng bihirang salungat na epekto sa kalusugan na may kaugnayan sa
thyroid gland.
Ang mga bihirang salungat na epektong ito ay mas marahil na magaganap kung
ang isang tao ay:

-------
•	Uminom ng mas mataas kaysa sa inirekumendang dosis ng KI
•	Uminom ng gamot sa loob ng maraming araw
•	May pauna nang sakit sa thyroid.
Mga bagong panganak (mas bata sa 1 buwan) na nakatanggap ng higit sa isang
dosis ng KI (potassium iodide) ay nanganganib sa kondisyon na tinatawag na
hypothyroidism (thyroid hormone levels na masyado mababa). Kung hindi
magamot, ang hypothyroidism ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak.
•	Ang mga sanggol na nakatanggap ng higit sa isang dosis ng KI ay dapat
masuri ang level ng thyroid hormone at mabantayan ng doktor.
•	Iwasan ang paulit-ulit na pagdodosis ng KI sa mga bagong panganak.
£
<
G
ro
z
\ /
\
41 PRCrt^

-------