United States
Environmental Protection
\r ^1 # ^Agency

Office of Land & Emergency Management

11/1/2019

Iminumungkahing Mga Pagbabago sa
Mga Tuntunin ng Coal Combustion
Residuals (CCR)

Summary

Noong Abril 2015, ipinahayag sa media ng U.S.
Environmental Protection Agency (EPA) ang isang
komprehensibong set ng mga kahilingan para sa
pamamahalang coal combustion residuals (CCR) sa
mga landfill at mga impoundment. Kabilang sa CCR
ang iba't ibang mga daluyan ng itinapon, tiyak na
dito ang ash (abo), bottom ash, boiler slag, at flue
gas desulfurization na materyal na likha mula sa
utility na gamit ang kuryenteng pinapagana ng coal;
ang mga daluyan ng waste na ito ay karaniwang
kilala bilang coal ash. Ang tuntunin na itinatag ng
kilos ng pagwawasto, pagsasara ang gawain
makalipas ang pagsasara, mga pamantayang
teknikal, at inspeksyon, mga kahilingan sa
pagbabantay, pagtatabi ng mga rekord at pag-uulat.
Sa Utility Solid Waste Activities Group (USWAG et at.
v. EPA (Aug. 21, 2018), ibinaligtad ng D.C. Circuit of
Appeals ang ilang mga kundisyon ng tuntunin para sa
taong 2015 ng EPA at ibinalik sa ahensya ang ilang
mga prebisyon.

Bakit Sinusuportahan ng EPA ang
Napapakinabangan na Paggamit ng CCR?

Ang mga labi ng coal combustion (pagdiringas ng
uling) ay isang mahalagang mapagkukuhanan at may
pananagutan sa kapaligiran na mapakikinabangan na
paggamit ng mga materyal na ito ay naghahandog ng
maraming mga benepisyo na kinabibilangan ng:
• Mga benepisyo sa kapaligiran tulad ng
napakaunting pangangailangan para sa
pagtatapon;

•	Mga benepisyo sa ekonomiya tulad nang
mga nabawasang gastusin na may kaugnayan
sa pagtatapon ng coal ash, lumaking kita
mula sa pagbebenta ng coal ash, at
makakatipid mula sa paggamit ng coal ash
bilang kapalit ng iba pang mas mamahaling
mga materyal;

•	Mga benepisyo sa produkto tulad ng mga
napahusay na lakas, tibay, at kakayahang
magamit ng mga materyal na para sa
wallboard at concrete at samakatuwid ay
napapahusay ang mga highway at
imprastraktura ng mga proyekto sa ating
bansa.

Paglilikha ng CCR Permit Programs ng
Estado

Kinikilala ng Kongreso ang mahalagang tungkuling
ginagampanan ng mga estado sa pamamahala ng
coal ash nang pinasa nila ang 2016 Water
Infrastructure Improvements for the Nation (WIIN)
Act. Ang WIIN Act, kabilang ng iba pang mga
pagbabago, ay nagbibigay sa mga estado ng
awtoridad na magsagawa ng mga coal ash
management permit program bilang kaugnayan sa
mga pederal na kahilingan, sa kondisyon na
nagpasya ang EPA na ang mga kahilingan ng estado
ay nagbibigay ng katulad na proteksyon tulad nang
pederal na itinatag na mga pamantayan. Ang EPA ay
kasalukuyang nakikipagtrabaho sa ilan pang mga
estado para makapagtatag ng sarili nilang mga
permit program. Nng isang taon, ang EPA ay nag-
apruba sa coal ash program ng Oklahoma at ngayong


-------
taon ay iminungkahi ang aprubasyon ng programa
ng Georgia.

Mga Proposal para Magkaloob ng Kalinawan
at Kakayahang Umangkop ng Mga
Regulasyon

Bilang kaugnayan sa mga pagpapasya ng korte, WIIN
Act at ng ilang mga petisyon, iminungkahi ng EPA at
nagsisikap ito na bumuo ng mga bagong tuntunin
hinggil sa CCR.

1.	Noong Agosto, iminungkahi ng EPA ang mga
pagsususog sa mga regulasyon ng CCR na
hinihikayat ang naaangkop na
mapakikinabangang paggamit at
makapagbigay ng higit pang kalinawan sa
pamamahala ng coal ash na nakatabon,
dalawang isyu na ibinalik sa ahensya para
muling ikonsidera. Ang proposal ay
magsasagawa rin ng mga pagbabago sa mga
kahilingan para sa pagpo-post sa web para
gawing mas available sa publiko ang
impormasyon tungkol sa pasilidad, na lubos
na pinapahusay ang transparency o
kalinawan ng mga impormasyon. Ang mga
sensible na pagbabago ay higit na
magdadagdag sa responsableng pananagutan
ng coal ash habang pinoprotektahan ang
kalusugan ng tao at ng kapaligiran. Ang
panahon sa pagbibigay ng komento o puna
ay nagsara noong Oktubre 2019.

2.	Ang proposal noong Nobyembre 4 ay
nagtatag na sa Agosto 2020 ang petsa kung
saan hihinto ang pagtatanggap ng mga utility
ng waste o mga tinapong labi sa mga
naapektuhang impoundment. Dagdag pa
dito, ito ay nagkakaloob ng kakayahan sa mga
pasilidad na maipakitang may
pangangailangan na makapag-develop ng
bagong teknolohiya para sa pagtatapon ng
waste o labi na nagpoprotekta sa kapaligiran
na sumasailalim sa aprubasyon ng EPA.
Gayunman, ang proposal na ito ay hindi
nagbabago sa mga mahahalagang kahilingan
ng tuntunin ng taong 2015 (hal. pagbabantay
sa groundwater, kilos ng pagwawasto)

3. Tulad nang isinautos ng Kongreso, di nalalayo
ay magbibigay ng proposal ang ahensya ng
isang federal permitting program para sa coal
ash disposal unit. Tulad nang naunang
nabanggit, ang EPA ay tumanggap at nag-
apruba na sa ilang mga state permitting
program at nakikipagtrabaho kasama ng ilang
mga estado sa pagde-develop ng kanilang
mga programa. Ipapalabas ng EPA ang mga
permit sa mga nasabing estado na piniling
hindi kumuha ng aprubasyon at para sa mga
pasilidad sa Indian Country.

Sa sandaling nakumpleto na, ang mga ito at ang iba
pang mga napag-isipan nang mabuting mga
pagbabago sa CCR management regulations ng EPA
ay magbibigay ng mas madaling magagawa at
makatuwirang balangkas para sa mga pasilidad at
estado para mapahintulutan ang mga estado na mas
madaling maka-develop ng CCR permit programs at
maisumite ang mga ito sa EPA para maaprubahan.

Ang pinakamahalaga, kahit na ang EPA ay gumagawa
ng ilang mga proposal para sa regulasyon, ang
karamihan sa mga coal ash rule ng taong 2015 ay
mananatiling ipinapataw at patuloy ang
pagpapatupad sa mga ito. Ang lahat ng mga unit na
namamahala sa coal ash ay hinihiling na magbantay
sa groundwater, i-ulat sa publiko ang data, at
kumilos para matugunan ang mga paglalampas sa
mga pamantayan para sa proteksyon ng
groundwater.

Ano ang Tiyak na Hihilingin sa Proposal sa
Nob. 4?

Ang proposal sa Nobyembre 4 ay tumutugon sa
huling takdang araw para sa paghihinto sa
pagtanggap ng waste o labi para sa unlined surface
impoundment na nangangasiwa sa coal ash.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

¦ Isang bagong petsa na Agosto 31, 2020, para
huminto ang mga pasilidad na maglagay ng mga
waste o labi sa mga unit na ito, at i-retrofit ang
mga ito o simulan ang pagsasara.

Napagpasyahan ng EPA ang petsang ito
makalipas na tasahin ang mga hakbang ng mga


-------
may-ari at operator na kailangang gawin para
mapahinto ang pagtanggap ng waste at maka-
develop ng alternatibong kapasidad sa
pagtatapon.

¦	Ang mga pagbabago sa alternatibong kondisyon
sa pagsasara na papahintulutan ang ilang mga
pasilidad ng karagdagang panahon para
makapag-develop ng alternatibong kapasilidad
para mapangasiwaan ang kanilang mga daloy ng
waste (kabilang ang anumang karagdagang
waste na humigit sa CCR na nalikha sa pasilidad)
bago nila mapapasimulan ang pagsasara ng
kanilang surface impoundments.

¦	Isang isinautos ng korte ng pagbabago sa
klasipikasyon ng compacted-soil lined o "clay-
lined" na surface impoundment mula sa "lined" o
"unlined", na nangangahulugan na ang dating
ipinaliwanag na "clay-lined" na surface
impoundments ay hindi na ikokonsidera bilang
mga lined unit at kailangang i-retrofit o isara.
Dagdag pa dito, alinsunod sa desisyon ng korte,
ang mga pagbabago ay tutukoy na lahat ng mga
unlined unit ay hinihiling na mag-retrofit o
magsara, hindi lang iyong mga natuklasan na
may kontaminadong groundwater na lumampas
sa level ng regulasyon.

Saan Ako Makakahanap ng Mas Maraming
Impormasyon sa Proposal na Ito?

Para sa impormasyon tungkol sa namungkahing
tuntunin, makipag-ugnayan kay Kirsten Hillyer sa
pamamagitan ngtelepono sa 703-347-0369 o mag-
email sa hillyer.kirsten(a>epa.gov.Ang EPA ay
tumatanggap ng komento mula sa publiko tunkol sa
iminungkahing pagbabago sa loob ng 60 araw sa
sandaling ang tuntunin ay nalathala sa Federal
Register na makikita sa Regulations.gov. Ang EPA ay
magsasagawa ng isang virtual na pampublikong
pagdinig tungkol sa iminungkahing patakaran sa
umpisa ng Enero 2020. Ang karagdagang
impormasyon ay available sa epa.gov/coalash.


-------