BIPARTISAN NA
BATAS PANG-
IMPRASTRUKTURA
BIPARTISAN NA BATAS PANG-IMPRASTRUKTURA:
PINAGBUBUTI SA U.S. ANG PAGRE-RECYCLE AT PANGANGASIWA NG BASURA
Ang Bipartisan na Batas Pang-imprastruktura ay isang
makasaysayang pamumuhunan sa kalusugan, pagkakapantay-pantay,
at katatagan ng mga komunidad sa Amerika. Sa
wala-pang-nakagagawang pagpopondo para suportahan ang
imprastruktura sa lokal na pamamahala sa pagtatapon ng basura at
mga programa sa pagre-recycle, mapapaganda ng EPA ang kalusugan
at kaligtasan ng mga tao at matutulungan silang maitatag at
maragdagan ang mga programa sa pagre-recycle sa buong bansa.
Ang pagmimina at pagpoproseso ng mga likas na yaman
ang bumubuo sa halos kalahati ng mga pagsingaw ng
gas sa greenhouse. Sa pagpapaibayo ng pagre-recycle,
nababawasan ang mga epekto ng mga materyal sa
klima, kalikasan, at lipunan at napapanatili ang
nagagamit na mahahalagang yaman, sa halip na ang
nasa mga landfill.
$350 Milyong Pamumuhunan sa Imprastruktura para Baguhin ang Pamamahala
sa Pagtatapon ng Solidong Basura at Pagre-recycle sa Lungsod
Babaguhin ng napakalaking pamumuhunang ito ang pagre-recycle at pamamahala sa pagtatapon ng solidong basura sa
pamamagitan ng pagtulong sa mga komunidad na gawing moderno ang mga sistema ng lokal na pamamahala sa pagtatapon
ng basura at pagpapahusay ng pagtuturo at pagtulong sa komunidad kung paano mag-recycle nang tama.
Ang pamamahala sa pagtatapon ng solidong basura sa lungsod ay matagal nang nahihirapan sa kakulangan sa puhunan.
Ang ilang komunidad na kulang sa imprastruktura sa pamamahala sa pagtatapon ng basura ay walang mga programa sa
pangongolekta ng basura sa tabing-daan, pagre-recycle, o pagko-compost. Dinaragdagan nito ang problema sa mga landfill,
pinabababa ang kapasidad ng mga ito, at dinaragdagan ang mga pagsingaw ng gas sa greenhouse.
Ang di-wastong pamamahala sa pagtatapon ng basura ay makakakumplika sa mga kundisyon sa lipunan at ekonomiya ng mga
komunidad na di-gaanong napaglilingkuran at lubhang nabibigatan sa buong kasaysayan.
Ang pamumuhunang ito ay susuporta sa pagpapatupad ng Pambansang Estratehiya sa Pagre-recycle (National Recycling
Strategy) ng EPA; magbibigay ng mga gawad (grant) para mapaghusay ang pamamahala sa mga lokal na materyal; attutulong
sa mga awtoridad sa lokal na pamamahala sa pagtatapon ng basura na mapaghusay ang kanilang mga sistema sa
pamamahala sa pagtatapon ng basura.
Gagamitin ang pondo para tulungan ang mga pamahalaan ng estado, lokal at Tribo na mapaghusay ang pagtuturo at pagtulong
sa komunidad kung paano mag-recycle nang tama, at magbigay rin ng toolkit ng modelong programa sa pagre-recycle.
Gagamitin din ang pondo para ipatupad ang Komprehensibong mga Tuntunin sa Pamimili (Comprehensive Procurement
Guidelines) ng EPA para sa mga pambansang pagbili at para tulungan ang mga paaralan sa mga kurikulum hinggil sa
pagre-recycle.
$350 Milyong Pamumuhunan sa Imprastruktura
Mga Gawad (Grant) ng Estado at Tribo
Sino ang Karapat-dapat na Tumanggap ng mga Gawad na Ito?
kabilang na ang $275 milyon
($55M/taon mula 2022 - 2026)
Imprastruktura sa Pagtatapon ng
Solidong Basura para sa mga
Gawad sa Pagre-recycle
Mga Estado, mga Tribo, mga Kasunduan sa
Pagitan ng mga Tribo1 , mga Dating Indian Reservation sa
Oklahoma2, mga Village ng mga Katutubong Alaskan3.
at $75 milyon
($15M/taon mula 2022-2026)
Mga Gawad para sa Pagtuturo at Pagtulong
Mga Estado, Pamahalaang Lokal, mgaTribong Indian, mga
Organisasyon ng mga Katutubong Hawaiian, Kagawaran ng mga
Bayang-Tinubuan sa Hawaii (Department of Hawaiian Homelands),
Tanggapan ng mga Usapin sa Hawaii (Office of Hawaiian Affairs),
mga organisasyong nonprofit, mga pagsososyong publiko at pribado
1 naaayon sa mga hinihingi sa 40 CFR 35.504(a) | 2sa pagpapasiya ng Kalihim ng Usaping Panloob (Secretary of the Interior) | 3 ayon sa tinutukoy sa Batas Pampubliko 92-203
Makilahok: Para malaman ang iba pa tungkol sa pagre-recycle, mangyaring bisitahin ang www.epa.aov/recvcle. Para malaman ang
iba pa tungkol sa Pambansang Estratehiya sa Pagre-recycle, bisitahin ang www.epa.aov/recvclinastrateav. Manatiling nakakaalam sa
www.epa.aov/rcra/infrastructure.
Numero ng Paglalathala: EPA 530-F-22-001
Petsa ng paglalathala: Pebrero 2022
-------
SEPA
BIPARTISAN NA
BATAS PANG-
IM P RASTRUKTURA
$25 Milyong Pamumuhunan para Mapaghusay ang mga Programa ng
Bansa sa Pagre-recycle ng Baterya Habang Itinataguyod ang Ligtas na
Paghawak sa Nagamit nang mga Baterya
Ang makasaysayang pamumuhunang ito ay rnakakaragdag sa pagkolekta at pagre-recycle ng baterya sa buong bansa at
makakabawas sa mga sunog na nauugnay sa mga baterya sa mga pasilidad sa pamamahala sa pagtatapon ng basura.
Ang Bipartisan na Batas Pang-imprastruktura ay naglalaan ng $10 milyon para magkaroon at magtaguyod ng ligtas at matipid
na mga kagawian sa pagkolekta ng mga baterya para maragdagan ang pagre-recycle.
Ang Bipartisan na Batas Pang-imprastruktura ay naglalaan ng $15 milyon para makabuo ang EPAng isang programa sa
boluntaryong pagle-label ng mga baterya at ng isang kampanya ng maraming media sa pagtulong sa pagre-recycle at muling
paggamit ng baterya para sa industriya at sa publiko.
Sa kasalukuyan, hindi alam ng maraming bumibili nito kung saan o paano mag-recycle ng mga baterya. Kapag itinapon sa
maling paraan, tulad ng sa basurahan sa bahay o sa lalagyan ng mga nire-recycle sa tabing-daan, nawawala ang mga kritikal
na mga materyal sa loob ng mga baterya at hindi na maaaring i-recycle para maging mga bagong baterya.
Maaari ding pagmulan ng sunog ang mga baterya sa buong sistema ng pamamahala sa pagtatapon ng basura sa lungsod mula
sa transportasyon, mga pasilidad sa pagllilipat, hanggang sa mga pasilidad para sa pagre-recycle ng mga materyal, mga scrap
yard, at mga landfill, na maaring magsanhi ng mga isyu sa polusyon sa hangin sa nabibigatang mga komunidad at iiagay sa
panganib ang mga manggagawa at unang rumeresponde.
Ang EPA ay makikipagtulungan sa mga Estado, Tribo, pamahalaang lokal, NGO at pribadong sektor para makabuo ng
pinakamagagandang kagawian at bagong programa sa pagle-label para maisulong ang ligtas na pagkolekta at pagre-recycle ng
mga baterya.
Sa pagtatakda ng isang set ng pinakamagagandang kagawian para sa iahat, mas dadali nang mag-recycle ng mga baterya
habang pinanatiling ligtas ang mga manggagawa, kalapit na mga komunidad, at mga pasilidad sa pamamahala sa pagtatapon
ng basura at pagre-recycle.
$25 Milyong
Pamumuhunan sa mga Programa at
Pamamahala sa Kapaligiran
KASAMA NA ANG $15 Milyon
para sa Pagle-label ng Ini-recycle na Baterya
at $10 Milyon
para sa Pinakamagagandang Kagawian
sa Pagre-recycle ng Baterya
Makilahok Para malaman ang iba pa tungkol sa mga bateryang lithium-ion, bisitahin ana webpaae na aamii nana batervana lithium-ion.
Para mabasa ang mga ulat na inilabas ng EPA tungkol sa pamamahala sa mga bateryang lithium-ion kapag hindi na ito gumagana at ang mga peligro
sa sunog dahil sa di-wastong pamamahala, bisitahin ang "Isang Pagsusuri sa mga Sunog na Dulot ng ""Isang Paasusuri sa maa Sunoa na Dulot na
Batervana Lithium-ion sa Pamamahala sa Pagtatapon na Basura at Paare-recvcle" ("An Analysis of Lithium-ion Battery Fires in Waste Management
and Recycling."
Numero ng Paglalathala: EPA 530-F-22-001
Petsa ng paglalathala: Pebrero 2022
------- |