c/EPA Office of Resource Conservation and Recovery Office of Resource Conservation and Recovery EPA-530-F-23-001 Hunyo 2023 Fact Sheet: Ang Legacy Coal Combustion Residuals Surface Impoundments at CCR Management Units na Namungkahing Tuntunin Ang United States Environmental Protection Agency ay nagpalabas ng isang namungkahing tuntunin na hihilingin ang ligtas na pamamahala ng coal ash na tinambak sa mga area nakasalukuyang di regulated sa pederal na antas. Kabilang dito ang di aktibong mga power plant na may mga surface impoundment na hindi na ginagamit at makasaysayang coal ash disposal area sa mga power plant na may regulated na coal ash unit. Ang mungkahi na ito ay ginagamit sa mga makasaysayang kontaminasyon at mga di aktibong unit na hindi na sumusuporta sa kasalukuyang mga operasyon sa power plant. Ano ang Ginagawa ng Proposal ng Mayo 2023? Noong Mayo 18, 2023, nagmungkahi ang EPA na baguhin ang mga tuntunin na namamahala sa pagtatapon ng CCR sa mga landfill at mga surface impoundment. Nagmungkahi ang EPA ng mga regulatory requirement para sa di aktibong surface impoundments sa mga di aktibong pasilidad (tinutukoy bilang "legacy CCR surface impoundments"). Ang proposal na ito ay tumutugon sa pagpapasya noong 2018 ng U.S. Court of Appeals for the District of Columbia Circuit na inalis ang pagkakapuwera para sa legacy CCR surface impoundments mula sa mga regulasyonng CCR. Bakit Mahalaga ang Legacy CCR Surface Impoundment Proposal? Ang coal ash ay isang byproduct ng pagsusunod ng coal (uling) sa mga power plant na, kung walang wastong pamamahala, ay maaaring magdulot ng polusyon sa mga daluyan ng tubig, groundwater, iniinom na tubig, at hangin. Ang abo ng uling ay may mga contaminant tulad ng mercury, cadmium chromium, at arsenic na nauugnay sa kanser at iba't ibang mga malulubhang epekto sa kalusugan. Maraming mga pasilidad ay nag-iimbak ng abo ng uling sa mga surface impoundment, na may posibilidad na sumingaw o masira, na mapapadala ang abo ng uling at ang mga contaminant nito patungo sa pinagmumulan ng tubig, kasama na ang surface water at groundwater. Noong Abril 17, 2015, ipinahayag ng EPA ang pambansang minimum criterya para sa kasalukuyan at bagong CCR landfills at kasalukuyan at bagong CCR surface impoundments. Ang panghuling tuntunin na ito ay hindi nagtakda ng anumang mga requirement sa mga di aktibong pasilidad. Noong Agosto 21, 2018, inalis ng U.S. Court of Appeals for the District of Columbia Circuit ang exemption para sa di aktibong mga surface impoundment at di aktibong pasilidad at inutos na ibalik sa EPA upang makakilos na umaalinsunod sa opinyon ng "Utility Solid Waste Activities Group, et al. v. EPA." Ang Legacy CCR surface impoundments ay marahil na di umaalinsunod at di nababantayan, na ginagawang mas madaling sumingaw at mga problema sa istruktura kaysa sa mga unit sa mga pasilidad na kasalukuyang gumagana. Ang mga unit na ito ay kasalukuyang walang regulasyon sa pederal na antas at maaaring salungat na makapagdulot ng epekto sa groundwater. Para matugunan ang mga ikinababahalang ito, nagmungkahi ang EPA ng mga pamantayan para sa legacy CCR surface impoundments na lubos na nagpapakita sa mga di aktibong impoundment sa mga aktibong pasilidad, kasama na ang paghiling ng wastong pagsasara ng ------- mga impoundment at pag-aayos sa mga nakontaminang groundwater ng CCR. CCR Management Units Proposal Dagdag pa dito, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 2015 CCR na tuntunin, natuklasan ng EPA na ang mga power plant na may regulated na impoundment ay nagtapon rin ng mga abo ng uling sa mga area sa labas ng mga regulated unit, at natiyak ng maraming mga utility ang area na ito bilang pinagmumulan ng natuklasang kontaminasyon ng groundwater. Ang mga area na ito, na tinutukoy bilang "CCR management unit," ay kinabibilangan ng abo ng uling sa mga surface impoundment at mga landfill na nagsara bago ang petsa ng bisa ng 2015 CCR Rule, ang di aktibong CCR landfills, at iba pang mga area na kung saan ang abo ng uling ay inilalagay ng direkta sa lupa. Namungkahi rin ng EPA na magtatag ng pagbabantay sa groundwater, pangwastong kilos, pagsasara, at mga requirement makalipas na isara para sa mga area na ito. Pagsasadokumento ng Paggamit Namungkahi ng EPA na para sa parehong legacy CCR surface impoundments at CCR management units, kinakailangan munang magsulat ang mga pasilidad ng mga ulat na may impormasyon upang matukoy ang mga unit, ipahayag ang mga limitasyon sa mga unit, isama ang mga bilang sa mga pasilidad at kung saan natatagpuan ang mga unit, at mga laki ng unit. Tapos ay ilalagay ng mga pasilidad ang mga ulat na ito sa kanilang mga website para ma-access ng pubilko. Naitakdang Huling Araw sa Pagsunod Ang tuntuning ito ay magkakabisa ng anim na buwan makalipas na malathala ang panghuling tuntunin sa Federal Register. Walang pasilidad ang hihilingan na tumguon sa alinman sa mga bagong requirement bago ang nasabing anim na buwan. Ang namungkahing takdang araw sa pagsunod ay magpapahintulot ng karagdagang panahon makalipas ang petsa ng pagkakaroon ng bisa para makasunod ang mga pasilidad sa ilang mga technical criteria batay sa tagal ng panahon na kakailanganing matapos ang mga proyekto ng EPA (hal. pagkakabit ng groundwater monitoring system, pagde-develop ng groundwater sampling at analysis program). Power Sector Engagement at Pakikipag- ugnay Hindi na ginagamit ng mga power plant ang mga area na sumasailalim sa proposal na ito para masuportahan ang kasalukuyang mga operasyon (hal. kung hindi na nila kailangan ng dagdag na coal ash sa mga unit na ito). Gayunman, patuloy pa rin ang pakikipagtrabaho ng EPA sa mga power facility at grid operator para matugunan ang mga pagkakabahala sa pagkamaaasahan. Komento mula sa Publiko Kokolekta ang EPA ng mga koment mula sa publiko sa proposal na ito hanggang Hulyo 17, 2023. Ang EPA ay mamumuno ng in-person na pagdinig sa Chicago, Illinois sa Hunyo 28, 2023. At, mamumuno ang EPA ng isang online na pagdinig ng publiko sa Hulyo 12, 2023. Saan Ako Makakahanap ng Karagdagang Impormasyon? 1. Basahin ang tungkol sa namungkahing tuntunin at mga pampublikong pagdinig sa aming proposal webpage: https://www.epa.gov/coalash/proposed- changes-legacv-coal-combustion-residuals- surface-impoundments-and-ccr- management. 2. Lubos pang alamin ang tungkol sa abo ng uling (coal ash): www.epa.gov/coalash. 3. Para sa karagdagang impormasyon sa pagsusumite ng mga komento ng publiko, makipag-ugnayan kay Michelle Lloyd sa pamamagitan ng email sa llovd.michelleffiepa.gov o pagtawag sa telepono sa numero (202) 566-0560. 4. Para sa mga tanong mula sa press, makipag- ugnayan sa: press@epa.gov. ------- |