oEPA United States Office of Land & Emergency Management Environmental Protection 3/1/2019 Agency Virtual na Pampublikong Pagdinig sa Proposal- Isang Holistic na Pamamaraan sa Pagsasawa Part B Tungkol sa Mungkahi Iminumungkahi ng EPA ang ilang mga pagbabago at pag-aayos sa mga regulasyon sa coal combustion residuals (CCR), ang huli sa pangkat ng apat na naplanong mga kilos para mapatupad ang Water Infrastructure Improvement for the Nation Act, tumugon sa mga petisyon, tumugon sa litigasyon at gamitin ang mga leksyon na natutunan para matiyak ang mas maayos na pagpapatupad ng mga regulasyon. Tiyak na dito, iminumungkahi ng EPA ang mga pamamaraan para mapahintulutan ang mga pasilidad na humiling ng aprubasyon na gamitin ang alternatibong liner para sa CCR surface na mga impoundment; dalawang parehong na-propose na opsyon para mapahintulutan ang paggamit ang CCR habang nakasara ang unit; karagdagang opsyon sa pagsasara para sa mga unit ng CCR na isinasara sa pamamagitan ng pag-aalis ng CCR; at mga kahilingan para sa taunang mga ulat ng pagsulong ng pagsasara. Ang EPA ay tatanggap ng komento mula sa publiko sa mga namungkahing pagbabago ng 45 araw sa sandaling nalathala ang proposal sa Federal Register sa pamamagitan ng https://www.regulations.gov (docket number EPA- HQ-OLEM-2019-0173). Dagdag pa sa pagtatanggap ng mga nakasulat na komento, ang EPA ay magsasagawa ng isang virtual o online na pampublikong pagdinig. Ang virtual na pampublikong pagdinig ay magkakaloob sa mga interesadong tao ng oportunidad na magpakita ng impormasyon, mga komento o pananaw hinggil sa mungkahi ng EPA. Mga Detalye ng Virtual na Pampublikong Pagdinig Ang EPA ay magsasagawa ng isang virtual na pampublikong pagdinig tungkol sa mungkahing ito sa Huwebes, Abril 9, 2020. Ang pagdinig ay magsisimula sa oras na 9:00 a.m. Eastern Time (ET) at magwawakas sa oras na 6:00 p.m. ET. Kung kinakailangan, ang pagdinig ay maaaring mas mahuli para mapahintulutan ang lahat na nais magsalita. Ang binigkas na testamento ay limitado lang sa limang (5) minuto kada tao. Kung inaasahan ng EPA ang maraming mga dadalo, ang itatalagang panahon kada testamento ay maaaring paiksiin nang hindi mas kakaunti sa tatlong (3) minuto para mapahintulutan ang lahat na nais magbigay ng testamento. Maaaring magtanong ang EPA ng naglilinaw na mga tanong habang isinasagawa ang mga ora na presentasyon, pero hindi pormal na sasagot habang nakikinig sa mga komento o impormasyon na ipinakita sa pagdinig. Isang transkripsyon ng bawat salita na sinabi sa pagdinig ay isasama sa docket para sa kilos na ito. Tala: Huwag magpakita o magsumite sa pagdinig ng anumang impormasyon na ikinokonsidera ninyong kompidensyal na impormasyong pang- negosyo o iba pang impormasyon na ang pagsisiwalat ay ipinagbabawal ayon sa batas. ------- Pagrerehistro Magrehistro para makadalo sa virtual na pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng GoToWebinar na pagrerehistro mula dito: https://register.gotowebinar.com/register/895742 3668868215821. Kung nais ninyong magbigay ng testamento sa pagdinig: Ang mga kahilingan para magsalita sa pampublikong pagdinig ay dapat gawin nang hindi lalampas sa 5:00 p.m. ET sa Martes, Abril 7, 2020. Ang pagpaparehistro ay nagtitiyak na may slot kayong makapagsalita. Mangyaring ipahiwatig ang inyong nais na time slot kapag sinusulatan ang registration form. Ang mga dagdag na instruksyon kug paano magsalita habang isinasagawa ang pagdinig ay ipapadala sa email kasunod ng pagpaparehistro. Kung hindi kayo magparehistro sa deadline at nais na magbigay ng oral na testamento, maaaring pahintulutan ng EPA, kung may oras, ang ilan o lahat ng di nakarehistrong tao na magbigay ng oral na testamento sa pampublikong pagdinig. Ikokonsidera ng EPA ang nasabing mga kahilingan sa first-come, first serve na batayan habang isinasagawa ang pagdinig kung may oras. Kailangan ninyong magparehistro gamit ang registration form ng GoToWebinar para makakuha ng mga instruksyon sa pag-login at tapos ay magpadala ng mensahe sa organiser ng pagdinig para hilingin na makapagsalita. Kung nais ninyong makinid sa pagdinig: Maaari kayong magparehistro kahit kailan para makinig sa virtual na pampublikong pagdinig. Mangyaring magrehistro gamit ang GoToWebinar registration form. Mga Espesyal na Akomodasyon Kung kailanganin ninyo ng mga serbisyo ng isang tagasalin-wika, hinihiling namin sa inyong hilingin ang mga serbisyong iyon gamit ang GoToWebinar registration form nang hindi lalampas sa oras na 5:00 p.m. ET sa Huwebes, Marso 26, 2020 para makapaglaan ng sapat na oras para masaayos ang nasabing mga akomodasyon. Kung kailanganin ninyo ng closed captioning o iba pang mga espesyal na akomodasyon, mangyaring hilingin ang mga nasabing serbisyo sa pamamagitan ng GoToWebinar registration form nang hindi lalampas sa 5:00 p.m. ET sa Huwebes, Abril 2, 2020. Mga Tanong Para makakuha ng impormasyon tungkol sa namungkahing tuntunin, bumisita sa aming website sa: https://www.epa.gov/coalash/coal-ash- rule#PartB. Mag-sumite ng mga tanong tungkol sa virtual pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng aming website. https://www.epa.gov/coalash/forms/virtual- public-hearing-proposal-holistic-approach-closure- part-b#questions. ------- |