EPA 2023 RED HILL CONSENT ORDER Ang publiko ay maaaring magbigay ng — n LLTf. I komento hanggang Peb 6, 2023: regulations.gov/commeriton/ EPA-R09-RCRA-2022-0970-0002 Defueling l==lj] Pagsasarff1 Layunin: Tiyakin ang tank testing, pag-aayos, at mga requirement sa containment bago ang defueling. Layunin: Magtatag ng proseso ng pag-aapruba at mga hakbang para sa ligtas na pagsasara ng bawat tangke dahil mawawala na ito sa serbisyo. Iniinom ng Tubig Mga layunin: • Siguraduhing nababantayan ang kali dad ng tubig sa Red Hill shaft at sa lahat ng Joint Base Pearl Harbor-Hickam (JBPHH) na lugar kung nasaan ang well. • Magtatag ng pangmatagalang piano sa pagbabantay • Magsagawa ng malawakang mga assessment sa imprastraktura at mga pagpapahusay sa JBPHH Water System. ------- EPA Red Hill 2023 Consent Order Mga Madalas na Katanungan Ano ang layunin ng namungkahing 2023 Consent Order? Ang namungkahing 2023 Consent Order ay lumilikha ng isang detalyadong piano para sa kailangang matapos na gawain ng Navy at ng Defense Logistics Agency (DLA) para ligtas na ma-defuel (maalis ang fuel) at isara ang Red Hill facility. Ang namungkahing kautusan ay naglalaman rin ng mga requirement na kinakailangan para sa pagpapahusay ng trabaho at para sa maintenance ng sistema ng iniinom na tubig ng JBPHH. Ang namungkahing Order ay magpapahusay rin ng kalinawanan ng impormasyon na hinihiling ng Navy at ng DLA para makapagbigay ng mga update tuwing tatlong buwan sa publiko at ilabas ang mga nawastong version ng mga dokumento, na naisumite sa EPA, sa Red Hill website ng Navy. Paano nakakatulong ang order na ito sa pamamahala at pagpapatupad ng mga pagsisikap ng Red Hill? Ang namungkahing 2023 Consent Order ay sumusuporta sa mga kautusan sa ilalim ng May 2022 Emergency Order ng Hawai'i Department of Health's (DOH). Ang namungkahing Order ay hindi makaka-apekto sa patuloy na trabaho na isinasagawa sa ilalim ng 2015 Administrative Order on Consent (2015 AOC) EPA sa pagitan ng EPA, DOH, ng Navy at ng DLA. Hinihilin ng 2015 AOC mula sa Navy at DLA para imbestigahan at matugunan ang anumang mga ipapalabas ng Red Hill facility. Dagdag pa dito, ang Navy at DLA ay dapat na sumunod sa mga regulasyon ng federal environmental para sa mga pasilidad ng fuel storage, tulad ng mga kahilingan ng Spill Prevention Control at Countermeasure para sa langis, sa ilalim ng Clean Water Act. Malapit rin nakikipagtrabaho ang EPA para suportahan ang DOH sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagpapatupad ng pederal na pinangunguhanan ng estado. Kabilang sa mga ito ang Underground Storage Tank Program, sa ilalim ng Resource Conservation and Recovery Act, at ang programa ng iniinom na tubig, sa ilalim ng Safe Drinking Water Act. Ang namungkahing 2023 Consent Order ba ay tumutugon sa Aqueous Film Forming Foam (AFFF) o PFAS spills? Hindi. Ang namungkahing 2023 Consent Order ay nakatuon sa fuel at sa Red Hill facility. Gayunman, ang EPA, kasama ng DOH, ay nagsimula na sa imbestigasyon ng ipinalabas noong Nobyembre 2022 na AFFF at maaaring hilingin mula sa Navy na magsagawa ng karagdagang pagtatrabaho para matugunan ang AFFF o PFAS. Tatasahin ba ang Navy kung kailangan ng mga multa mula sa EPA? Ang pangunahing priyoridad ng EPA ay ang ligtas at nasa oras na defueling at pagsasara ng Red Hill facility, protektahan ang iniinom na tubig, at pagtutugon sa anumang mga panganib mula sa mga nakaraang spill. Ang namungkahing 2023 Consent Order ay hindi makaka- apekto sa awtoridad ng EPA para maghanap ng iba pang mga multa na may kinalaman sa paglalabag sa pederal na batas, pero walang multa na kasama sa Order. Ang kabiguan ng Navy at/o DLA na sumunod sa anumang mga kahilingan ng Order, kasama na ang pagkukumpleto sa trabaho sa mga naaprubahang schedule, maaaring tasahin ng EPA ang mga multa laban sa Navy at DLA. Paano ako makakapagbigay ng mga komento sa namungkahing 2023 Consent Order? Bago malaman kung paano matapos ang namungkahing Order, ang EPA ay humihingi ng nakasulat na mga pampublikong komento hanggang Pebrero 6, 2023. Habang isinasagawa ang mga pampublikong meeting, hindi susulatin o isasama ng EPA ang mga binigkas na komento o tanong sa kanilang rekord. Bilang resulta, hindi isasaalang-alang sa evaluation ng namungkahing 2023 Consent Order. Isumite ang mga komento online dito: www.regulations.gov/docket/ EPA- R09-RCRA-2022-0970/. Lubos pang matutunan ang pagiging bahagi ng Red Hill ng EPA: www.epa.gov/red-hill ------- |