E.O.13985

EQUITY ACTION PLAN (PLANONG HAKBANG
PARA SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY):

U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY

Abril 2022


-------
E.O. 13985 EQUITY ACTION PLAN (PLANONG
HAKBANG PARA SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY):
U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY

APRIL 2022

BUOD NC NILALAMAN

Sa ilalim ng pamumuno ni Administrator Michael S. Regan, nangako ang U.S. Environmental
Protection Agency (EPA) na gawing mahalagang bahagi ng misyon ng ahensya ang equity o
pagkakapantay-pantay, environmental justice o katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang
sibil1. Kabilang sa strategic plan ng EPA para sa FY2022-2026—na tinapos noong Pebrero 2022—
ang "Take Decisive Action to Advance Environmental Justice and Civil Rights [Gumawa ng
Determinadong Hakbang para Isulong ang Katarungang Pangkapaligiran at mga Karapatang Sibil]"
bilang Strategic Goal 2 at binabalangkas ang sumusunod na mga pangunahing layunin:

•	Layunin 2.1: Itaguyod ang Katarungang Pangkapaligiran at mga Karapatang Sibil
sa Pamahalaang Federal, Tribal, Estado, at Lokal na mga Antas

•	Layunin 2.2: Ipasok ang Katarungang Pangkapaligiran at mga Karapatang Sibil sa
mga Programa, Patakaran, at Aktibidad ng EPA

•	Layunin 2.3: Patatagin ang Pagpapatupad ng mga Karapatang Sibil sa mga
Komunidad na May mga Problema sa Katarungang Pangkapaligiran

Tinalakay ng EPA ang Strategic Goal 2 at ang pinagbabatayang mga layunin nito sa National
Environmental Justice Advisory Council (NEJAC) sa mga pampublikong pulong noong Nobyembre
10, 2021, at Enero 5, 2022, kung saan pinayuhan ng mga miyembro ng NEJAC at ng iba pang mga
miyembro ng publiko ang EPA kung paano makakamit ang mga layuning ito at pananagutin ang
ahensya. Nabalitaan ng mga opisyal ng EPA na kailangang kumilos kaagad at nang determinado
ang ahensya tungkol sa mga pangunahing prayoridad at maglaan ng malilinaw na linya ng
pananagutan. Para isulong ang pangmaikling-panahong hakbang sa pagtatapos ng FY2023, itinatag
din ng EPA ang sumusunod na Agency Priority Goal sa strategic plan nito:

Magpadala ng mga tool at panukat para sa EPA at sa mga partner nito sa
pamahalaang Tribal, estado, lokal, at komunidad para isulong ang
katarungang pangkapaligiran at pagsunod sa panlabas na mga karapatang
sibil. Pagsapit ng Setyembre 30, 2023, ang EPA ay bubuo at magsasakatuparan ng
isang balangkas ng pinagsama-samang mga epekto nito, maglalabas ng patnubay sa
pagsunod sa panlabas na mga karapatang sibil, magtatatag ng isang set ng mga
indicator para masundan ang pagganap ng EPA sa pag-aalis ng pagkakaiba-iba sa
mga kundisyon ng kalusugan ng kapaligiran at publiko, at magsasanay ng mga
tauhan at partner kung paano gamitin ang resources na ito.

Ang mga karapatang sibil sa kontekstong ito ay tumutukoy sa responsibilidad ng EPA na magpatupad ng ilang batas sa mga karapatang sibil na
nagbabawal sa diskriminasyon batay sa lahi, kulay, o bansang pinagmulan (pati na ang batay sa limitadong kahusayan sa Ingles); kasarian;
kapansanan; edad; at ganti ng mga aplikante sa at tumatanggap ng tulong pinansyal ng pamahalaang federal inula sa EPA. Tingnan sa Title VI ng
Civil Rights Act ng 1964, Title IX ng Education Amendments ng 1972, Section 504 ng Rehabilitation Act ng 1973, at Age Discrimination Act ng
1975. Responsibilidad din ng EPA na ipatupad ang Section 13 ng Federal Water Pollution Control Act Amendments ng 1972, na nagbabawal sa
diskriminasyon batay sa kasarian sa ilalim ng mga programa o aktibidad na tumatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Clean Water Act.

E.O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Inuutusan ng Executive Order (EO) 13985 ang EPA at iba pang mga ahensya ng pamahalaang
federal na tasahin kung nahaharap ang di-gaanong napaglilingkurang mga komunidad at ang mga
miyembro nila sa mga hadlang sa sistema sa pag-access ng mga benepisyo at mga pagkakataong
naririyan alinsunod sa mga patakaran at programa ng EPA. Ang E.O. 13985 kung gayon ay
inuutusan ang mga ahensya na magbuo ng mga equity action plan para malagpasan ang mga
hadlang na ito. Ang Equity Action Plan ng EPA ay naaayon sa FY2022-2026 Strategic Plan nito at
susuportahan ang responsable at malinaw na pagsasakatuparan ng Strategic Goal 2, ang Agency
Priority Goal, at ang mga paningit na estratehiyang may kaugnayan sa pagtiyak sa katarungan at
paggawa ng desisyon na nakabatay sa siyensya sa lugar na pinagtatrabahuhan. Natukoy ng EPA
ang anim na priority action bilang buod ng E.O. nito. 13985 Equity Action Plan:

Priority Action #1: Magbuo ng isang komprehensibong balangkas sa pagsasaalang-
alang sa pinagsama-samang mga epekto sa nauugnay na mga desisyon ng EPA at
paganahin ang balangkas na iyon sa mga programa at aktibidad ng EPA.

Priority Action #2: Bigyan ng kakayahan ang mga komunidad na di-gaanong
napaglilingkuran na ilaan ang kanilang karanasan sa EPA at magsakatuparan ng mga
proyektong pinamumunuan ng komunidad.

Priority Action #3: Paunlarin ang kakayahan ng mga tauhan ng EPA na iugnay ang
mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran at magsakatuparan ng malinaw at
responsableng mga proseso para kumilos batay sa impormasyong ibinibigay ng mga
komunidad.

Priority Action #4: Patatagin ang programa sa pagsunod sa panlabas na mga
karapatang sibil ng EPA at tiyakin na ang pagsunod sa mga karapatang sibil ay isang
responsibilidad ng buong ahensya.

Priority Action #5: Isama ang pagsasaliksik ng komunidad sa pagsasaliksik at
pagsasakatuparan ng programa ng EPA.

Priority Action #6: Gawing mas pantay-pantay ang pagbili ng gamit at
pangongontrata ng EPA.

Hindi kasali sa Equity Action Plan ng EPA ang lahat ng hakbang na nilalayong gawin ng ahensya
para sa pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang sibil sa darating
na mga taon. Sa halip, ang anim na priority action ay bumubuo ng isang kritikal na pundasyon
kung saan makapagsisimula ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na di-
gaanong napaglilingkuran; magkakamit ng mas patas at makatarungang mga resulta, kabilang na
ang mga pagbabawas ng polusyon sa mga komunidad na may mga problema sa katarungang
pangkapaligiran; at makapaghahatid ng iba pang totoong mga benepisyo sa mga komunidad na di-
gaanong napaglilingkuran, na naaayon sa angkop na legal na mga awtoridad.

ANIM NA PRIORITY ACTION NC EPA

Ang E.O. 13985 ay inutusan ang lahat ng ahensya ng pamahalaang federal na ipasok ang
pagkakapantay-pantay sa kanilang mga programa at aktibidad para matiyak ang "magkakapareho
at sistematikong patas, makatarungan, at walang-pinapanigang pagtrato sa lahat ng
indibiduwal." Dahil sa misyon ng EPA na protektahan ang kalusugan ng tao at ang kapaligiran, ang
hangarin ng ahensya na magkaroon ng katarungan ay kailangang samahan ng katarungang
pangkapaligiran o environmental justice (EJ). Inilarawan na ng EPA ang katarungang
pangkapaligiran bilang "patas na pagtrato at makabuluhang pagsasali sa lahat ng tao anuman ang

E.O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
lahi, kulay, bansang pinagmulan, o kinikita pagdating sa pagbubuo, pagsasakatuparan at
pagpapatupad ng mga batas pangkapaligiran, regulasyon at patakaran."2 Ang totoo, ang ibig
sabihin nito ay tinatamasa ng lahat ang magkakaparehong tindi ng proteksyon mula sa mga
panganib sa kapaligiran at kalusugan at pantay na access sa mga pakinabang ng resources sa
kapaligiran at sa proseso ng paggawa ng desisyon. Para makamit ang "magkakaparehong tindi ng
proteksyon" at "pantay na access," kailangan ding isaalang-alang ng EPA ang mga indibiduwal na
nakatira sa mga komunidad kung saan sobra ang polusyon na maaaring mas madaling tablan o
nababalewala, tulad ng mga taong may kapansanan o limitado ang kahusayan sa Ingles o limited
English proficiency (LEP). Patuloy at lalong nagpapamalas ang pagsasaliksik ng siyensya na ang di-
timbang na mga antas ng polusyong nararanasan ng mga komunidad na may mga problema sa
katarungang pangkapaligiran ay nagreresulta sa mga pagkakaiba ng masamang kalusugan na
tuwirang nauugnay sa mga pagkalantad na ito.3

Natukoy ng EPA ang anim na paningit na mga priority action na mahalaga sa pagsasakatuparan ng
FY2022-2026 Strategic Plan ng ahensya at pagkakamit ng pagkakapantay-pantay at katarungang
pangkapaligiran sa lahat ng programa, proseso, at patakaran ng ahensya. Ang anim na priority
action na ito ay hindi kumakatawan sa lahat ng planadong gawain ng EPA tungkol sa
pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang sibil. Tulad ng makikita
sa Appendix 1, nailabas na ng EPA ang ilang karagdagang piano at estratehiya para isulong ang
pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang sibil bilang bahagi ng
buod na gawain sa programa.

Kapansin-pansin na ang matagumpay na pagsasakatuparan ng lahat ng anim na priority action na
ito ay nakasalalay sa makabuluhang pakikipag-ugnayan. Tinukoy na ng mga miyembro ng White
House Environmental Justice Advisory Council (WHEJAC) ang "makabuluhang paglahok" bilang
isang proseso kung saan "ang posibleng maapektuhang mga populasyon ay may pagkakataong
lumahok sa mga desisyong makakaapekto sa kanilang kalusugan o kapaligiran, na ang mga
kontribusyon ng populasyon ay makakaimpluwensya sa mga desisyon ng ahensya, na ang mga
pananaw ng lahat ng sangkot na kalahok ay isasaalang-alang sa proseso ng paggawa ng desisyon,
at na hahangarin at padadaliin ng ahensya ang pakikisangkot ng populasyon na posibleng
maapektuhan, kabilang na ang konsultasyon sa mga komunidad na Tribal at katutubo at sa
paglalaan ng impormasyon na angkop sa kultura, access para sa mga taong may kapansanan, at
access sa wika para sa mga taong may Limitadong Kahusayan sa Ingles o Limited English
Proficiency (LEP), pagsasaalang-alang sa isyu tungkol sa access na sanhi ng lokasyon,
transportasyon, at iba pang bagay na nakakaapekto sa paglahok, at sa pagiging available ng
tulong teknikal para magkaroon ng kakayahan batay sa komunidad para sa paglahok."4 Sisikapin
ng EPA na makamtan ang mithiing ito para sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga
komunidad at tuparin ang kakaibang mga pangakong konsultasyong Tribal na inilatag sa
Memorandum on Tribal Consultation and Strengthening Nation-to-Nation Relationships ni
Pangulong Biden.5

Tingnan sa https://www.epa.gov/enviroiimentaliustice.

Tingnan, hal., sa Morello-Frosch et.al., "Understanding the cumulative impacts of inequalities in environmental health: implications for policy,"
Health Affairs, May 2011, 30(5): 879-87; Steve Lerner, Sacrifice Zones: The Front Lines of Toxic Chemical Exposure in the United States,
Cambridge, MA: MIT Press, 2010.

WHEJAC, Final Recommendations: Justice40 Climate and Economic Justice Screening Tool & Executive Order 12898 Revisions, May 2021, at
https://www.epa. gov/sites/default/files/2021-05/docunients/whiteh2.pdf.

The White House, Memorandum on Tribal Consultation and Strengthening Nation-to-Nation Relationships, January 26, 2021,

https://www.whitehouse.gov/briefing-room/presidential-actions/2021/01/26/memorandum-on-tribal-consultation-and-strengtliening-nation-to-

nation-relationships/.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Priority Action #1

Magbuo ng isang komprehensibong balangkas sa pagsasaalang-alang
sa pinagsama-samang mga epekto sa nauugnay na mga desisyon ng EPA
at paganahin ang balangkas na iyon sa mga programa at aktibidad ng EPA.

Mga Hadlang sa Pantay-pantay na mga Resulta

Sa loob ng maraming dekada, nakagawa ng mga desisyon ang EPA, mga regulator sa kapaligiran
ng estado, at mga lokal opisyal sa zoning na nakapag-ambag sa di-timbang na pasanin sa mga
taong hindi puti at mga komunidad na digaanong napaglilingkuran sa buong bansa, tulad ng mga
desisyon na tingnan at bigyan ng permit ang mga bagong pasilidad ng industriya sa mga paraan na
nakatipon ang mga ito sa loob ng mga komunidad ng ito.6 Ang mga komunidad na sobra ang
polusyon ay kadalasang nagpaparating ng mga problema tungkol sa pinagsama-samang mga
epekto ng indibiduwal na mga desisyong ito sa pamamahala sa kapaligiran sa kalusugan ng
publiko at kalidad ng buhay. Kinikilala ng EPA na ang resulta ng pinagsama-samang mga epekto
ay higit na mauunawaan at malulutas sa indibiduwal na mga sitwasyon para angkop na malunasan
ang peligro sa kalusugan ng publiko. Bumubuo na ngayon ang EPA ng magkakapareho at
komprehensibong balangkas sa pagsusuri at pagsasaalang-alang sa pinagsama-samang mga epekto
sa mga populasyon at komunidad sa paggawa nito ng desisyon. Kailangan sa gayong balangkas na
isama ang mga kahinaan at pagiging madaling kapitan na nauugnay sa akumulasyon ng maraming
stressor sa kapaligiran at lipunan, tulad ng patuloy na kahirapan at polusyon sa ingay, na
humahantong sa mga resulta ng masamang kalusugan at kalidad ng buhay.

Kung wala ang balangkas na ito, maaaring magpatuloy ang mga programa ng EPA at ang
maraming partner ng ahensya sa pamahalaang federal, Tribal, estado, teritoryo, at lokal na mga
antas na gumagawa ng mga desisyong nakakaapekto sa kalusugan ng komunidad nang hindi
isinasaalang-alang ang buong konteksto ng pinagsama-samang mga epekto, kabilang na ang mga
pagkalantad sa maraming paraan at mula sa maraming sources. Ang pagkakaroon ng malinaw at
magkakaparehong kakayahang iangkop ang pinagsama-samang mga epekto sa buong
pagsusumikap na pamahalaan ang kalusugang pangkapaligiran at pampubliko ay isang
kinakailangang kundisyon para lubos na makamtan ang misyon ng EPA na protektahan ang
kalusugan ng tao at ang kapaligiran, kabilang na ang lahat ng komunidad at indibiduwal sa lahat
ng yugto ng buhay.7

Ang impormasyon mula sa maraming sources na nagmumungkahi na ang paglutas sa pinagsama-
samang mga epekto ang pundasyon sa pagkakamit ng misyon ng EPA at pagtanto sa katarungang
pangkapaligiran, kabilang na ang:

• Naipakita sa maraming pag-aaral ang mas mabigat na pasanin ng mga pagkalantad sa
kapaligiran, sakit na nakuha sa kapaligiran, at masasamang epekto sa kalusugan at
kagalingang naranasan ng mga tao na iba ang kulay at mga komunidad na digaanong
napaglilingkuran.8

Tingnan, halimbawa, sa Billiard, Mohai, Saha, and Wright, 2008. "Mga basurang nakakalason at lahi sa nakaraang dalawampung taon: Bakit
mahalaga pa rin ang lalii pagkaraan ng mga taon na ito." Environ Law 38: 371-411.

Ang Executive Order tungkol sa Kalusugan ng mga Bata (EO 13045) ay inuutusan ang mga ahensya ng pamahalaang federal na "bigyan ng
mataas na prayoridad ang pagtukoy at pagsusuri sa mga peligro sa kalusugan ng kapaligiran at mga peligro sa kaligtasan na maaaring di-timbang
na makaapekto sa mga bata" at "tiyakin na ang mga patakaran, programa, aktibidad, at pamantayan nito ay lumulutas sa di-timbang na mga
peligro sa mga bata dahil sa mga peligro sa kalusugan ng kapaligiran o mga peligro sa kaligtasan."

Tingnan sa supra note 3.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	Dahil sa pagkatipon ng mga pasilidad na nagdudulot ng polusyon sa mga komunidad na may
mga problema sa katarungang pangkapaligiran, at sa mga paraan na makadaragdag ang di-
kemikal na mga stressor sa mga epekto ng polusyon, natukoy ng mga komunidad, mga lider
ng EJ, ng NEJAC, at ng mga siyentipiko na ang pinagsama-samang mga epekto ang
pangunahing problema at isyu na kailangang lutasin ng EPA.9

•	Naghanda ang EPA ng sunud-sunod na sesyon sa pakikinig at mga workshop sa pagpaplano
ng pagsasaliksik noong taglagas ng 2021, kung kailan ibinahagi ng mga ahensya ng
pamahalaang Tribal, estado, at lokal, mga dalubhasa sa akademiko, at mga lider ng
komunidad sa EPA ang kanilang mga pananaw tungkol sa mga pangangailangan sa
pagsasaliksik at patakaran na nauugnay sa pinagsama-samang mga epekto.

•	Ang mga mapping tool ng komunidad ng EJ, kabilang na ang EJSCREEN ng EPA at iba't
ibang tool ng estado tulad ng CalEnviroScreen ng California at Environmental Health
Disparities Map ng Estado ng Washington, ay naidokumento kung saan nakatipon ang
maraming stressor sa lipunan at kapaligiran at nag-aalok ng mga modelo para sa
pagsasaalang-alang sa iba't ibang epekto ng kemikal at di-kemikal na mga stressor sa
pagdedesisyon para maragdagan ang proteksyon sa kalusugan ng tao.10

•	Mahalagang isaalang-alang ang mga pagkalantad at epekto sa lahat ng yugto ng buhay, na
maaaring mamalas pagkaraan ng mahabang panahon at sa lahat ng henerasyon, para sa
pagsusuri at pagpapabuti ng pinagsama-samang mga epekto.11

Planned Actions to Overcome the Barriers

Ang EPA ay magbubuo ng isang komprehensibong balangkas para sa pagsasaalang-alang sa
pinagsama-samang mga epekto sa nauugnay na mga desisyon ng EPA at paganahin ang balangkas
na iyon sa mga patakaran, programa, at aktibidad ng EPA, kabilang na ang mga kundisyon sa
pagbibigay, pagpapagaan, at potensyal na pagtangging magbigay ng permit. Ang balangkas na ito
ay gagamit ng marami at mahusay na pagsusuri ng marami, pinagsama-sama, at di-timbang na
mga epekto. Hihigit pa ito sa pagtukoy sa mga problema para matukoy ang mga solusyon.
Tutukuyin nito ang mga paraan para mailarawan ang kahinaan at pagiging madaling kapitan sa
maraming konteksto ng regulasyon. Panghuli, bubuo at gagamit ito ng mga tool sa pagdedesisyon
na akma sa layunin nito. Ang EPA ay:

•	Tutukuyin at itataguyod ang mga gamit ng pagsusuri sa pinagsama-samang mga epekto
para sa maraming konteksto ng desisyon, tulad ng pagbibigay ng permit, pagsunod sa
pagsubaybay at pagpapatupad, paglilinis, at paggawa ng mga tuntunin.

•	Ibubuod ang kasalukuyang mga estratehiya, available na datos, at maasahang mga gawi
para mailarawan ang pinagsama-samang mga epekto sa mga konteksto ng pagsusuri at
pagdedesisyon tulad ng pagbibigay ng permit, pagsunod sa pagsubaybay at pagpapatupad,
paglilinis, at paggawa ng mga tuntunin, kabilang na ang umiiral na mga diskarte sa estado,
Tribal, at lokal na mga antas. Ang gayong buod ay maglalaan ng isang komprehensibong
pag-unawa sa progreso hanggang sa ngayon sa mga practitioner na mapagbabatayan.

9 Tingnan, hal., sa mga rekomendasyon ng NEJAC sa EPA tungkol sa pinagsama-samang mga epekto,

https://www.epa.gov/sites/default/files/2015-02/documents/neiac-cum-risk-rpt-1221Q4.pdf (2004); mga rekomendasyon ng NEJAC tungkol sa
pagbibigay ng permit, https://www.epa.gov/sites/default/files/2015-02/documents/ei-in-pennitting-report-2011.pdf (2011) at
https://www.epa.gov/sites/default/files/2015-02/documents/2Q13-ei-in-pennitting.pdf (2013); mga rekomendasyon ng WHEJAC na nakatuon sa
pinagsama-samang mga epekto, https://www.epa.gov/sites/default/files/202l-05/documents/whiteh2.pdf (2021)

111 Tingnan, hal., sa EJSCREEN, https://www.epa.gov/ejscreen; Konisky, et.al., Mapping for Environmental Justice: An Analysis of State Level

Tools, https://eri.iu.edu/documents/ei-mapping-tools-report.pdf (2021)

11 Tingnan sa supra note 3.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	Magdaraos ng kritikal na rebyu ng umiiral na mga pamamaraan at datos para sa pananagot
sa mga kahinaan at pagiging madaling kapitan na nauugnay sa pinagsama-samang
(kabuuang) pasanin mula sa maraming stressor. Ang rebyung ito ay tutukoy sa mga
pagkakataon sa loob ng iba't ibang konteksto ng desisyon para lutasin ang pinagsama-
samang mga epekto at angkop na impormasyon para suportahan ang mga desisyong iyon.

•	Magbubuo ng mga rekomendasyon sa mga estratehiya para mailarawan at malutas ang mga
kahinaan at pagiging madaling kapitan mula sa pagkalantad sa maraming stressor sa loob
ng pagdedesisyon ng EPA, kabilang na ang mga konteskto ng pagbibigay ng permit,
pagsunod sa pagsubaybay at pagpapatupad, paglilinis, at paggawa ng mga tuntunin. Ang
mga rekomendasyong ito ang bubuo ng batayan sa patnubay sa mga patakaran.

•	Gagawa ng isa o mahigit pang mga dokumento sa patnubay sa mga patakaran tungkol sa
aplikasyon ng balangkas, kaugnay na mga tool, at datos. Ang mga dokumentong ito sa
patnubay sa mga patakaran ay magiging kritikal sa pagpapagana sa balangkas ng
pinagsama-samang mga epekto at pagsasama nito sa loob ng pagdedesisyon tungkol sa
kapaligiran.

•	Pagagandahin ang EJSCREEN para magtalaga ng (mga) index score ng pinagsama-samang
mga epekto sa mga lugar na nahaharap sa di-timbang na mga pasanin sa kapaligiran.

•	Ang Office of Research and Development (ORD) ay makikipagtulungan sa mga tanggapan ng
program at rehiyon para palawakin ang portfolio nito ng pagsasaliksik tungkol sa
pinagsama-samang mga epekto at magtuon sa pagsuporta sa mga pangangailangan sa
agaran at panandaliang desisyon bukod pa sa pangmatagalang mga pangangailangan.
Itinutuloy ng ORD ang "pagsasaliksik na nakatuon sa mga solusyon na hindi natatakot na
gumawa ng mga hakbang."

•	Tinitiyak ang makabuluhang pagsasali sa komunidad/stakeholder sa buong proseso at
iparating kung paano ginagamit ng ahensya ang mga bagong tool para ipaalam ang
pagdedesisyon.

Inuna ng EPA ang hakbang na ito dahil natukoy ng mga komunidad, mga lider ng EJ, at mga
tauhan ng EPA na kritikal ang paglutas sa pinagsama-samang mga epekto sa pagkakamit ng patas
at makatarungang mga resulta sa lahat ng programa ng EPA sa pagbibigay ng permit, pagsubaybay
at pagpapatupad sa pagsunod, paglilinis, paggawa ng tuntunin, at iba pang mga konteksto. Ang
pagbilang sa gayong mga epekto at pagpapagana sa mga ito sa pagdedesisyon ay isang prayoridad
na pinaghatian kapwa ng kilusan ng EJ at ng EPA. Nangangako rin ang EPA na patuloy na
paunlarin ang siyensya sa di-timbang na mga epekto. Pinatutunayan ng siyensya ang kahalagahan
ng isyung ito at patuloy nitong palalakasin ang pagdedesisyon sa buong pagsusumikap na
pamahalaan ang kapaligiran para protektahan ang kalusugan ng publiko para sa lahat ng
komunidad

Pagsubaybay sa Ating Progreso

Sa loob ng maikli at katamtamang panahon (2-4 na taon), ang panimulang tuon ng EPA ay tungkol
sa pagbubuo ng isang balangkas, paghuhubog ng maaasahang mga gawi, at paggawa ng patnubay
na magpapagana sa balangkas na ito. Ang gawaing pagbabatayan ay magbibigay-kakayahan sa iba
pang partikular na mga resulta at mga Long-Term Performance Goal (mga LTPG) sa FY2022-2026
Strategic Plan ng EPA. Ang EPA ay:

•	Magbubuo ng isang pangkat ng mga tauhan ng EPA na may angkop na legal at teknikal na
kahusayan at karanasan sa pagsasagawa ng pagsusuri ng pinagsama-samang mga epekto at
patakaran sa paglutas ng pinagsama-samang mga epekto (3 buwan).

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	Gagawa ng isang draft ng balangkas para lubos na maunawaan ang mga konteksto ng
desisyon para isaalang-alang ang pinagsama-sama at di-timbang na mga epekto, legal at
teknikal na mga konsiderasyon, at angkop na impormasyon para suportahan ang mga
desisyon na may kaugnayan sa mga patakaran (1 taon).

•	Magpapasimula ng mga case study tungkol sa pagsasaalang-alang sa pinagsama-samang
mga epekto at idodokumento ang maaasahang mga gawi (minimum na isang pagpapasimula
kada taon).

•	Gagawa at magsisimulang gumamit ng patnubay sa mga pagsusuri sa pinagsama-samang
mga epekto ng mga programa ng EPA na nagpapagana sa balangkas (2 taon).

Sa FY2022-2026 Strategic Plan nito, nagtatatag ang EPA ng isang Agency Priority Goal na
nangangakong magbuo at magpatupad ng isang balangkas ng pinagsama-samang mga epekto sa
pagtatapos ng FY2023.

Sa katagalan (mula 5-8 taon), sisikapin ng EPA na makamit ang mga sumusunod:

•	Magpapasok ng mga pagsusuri sa pinagsama-samang mga epekto sa mas maraming desisyon
sa pamahalaang federal, estado, at lokal na mga antas, kabilang na ang mga desisyon sa
pagbibigay ng permit na ginagawa ng mga itinalagang awtoridad.

•	Patuloy na kikinisin ang mga taktika sa pagsusuri, batay sa pinakamagandang available na
siyensya, para sa pagtatasa sa pinagsama-samang (kabuuang) pasanin mula sa maraming
stressor at ang pagiging sensitibo ng mga ito sa mga interbensyon.

•	Daragdagan ang nilalaman ng datos at kaalaman tungkol sa kung paano naiimpluwensyahan
ng mga kahinaan at pagiging madaling kapitan mula sa pagkalantad sa maraming stressor
sa paglipas ng panahon ang mga relasyon sa pagitan ng pagkalantad, kalusugan, at
kagalingan. Kabilang dito kapwa ang mga negatibong katangiang kinakailangang iwasan o
bawasan gayundin ang mga positibong katangiang nagtataguyod ng kalusugan, katatagan,
at pagpapanatili.

•	Maglalaan ng mas napapanahong patnubay batay sa mga aral na natutuhan sa pagsasama
ng pagsusuri sa pinagsama-samang mga epekto para sa pagdedesisyon sa malalaking
programa ng EPA.

•	Magbubuo ng mga sistema para masubaybayan at mabilang ang kabawasan sa polusyon at
iba pang mga pakinabang sa mga komunidad mula sa pagsasama ng pinagsama-samang mga
epekto sa pagdedesisyon ng agency.

•	Sa katagalan, gagamitin ng EPA ang mga panukat na batay sa mga resulta para ipamalas
ang pag-unlad, kabilang na ang mabibilang na mga pakianbang ng kabawasan sa polusyon
sa mga komunidad na nagmumula sa mga desisyon na mahalaga sa pinagsama-samang mga
epekto.

Pagtiyak sa Pananagutan

Tutukoy ng isang senior leader ang EPA na magpapasimula sa pagsisikap na ito sa Office of
Environmental Justice at/o sa Office of the Administrator. Tuturuan nang bahagya ng senior
leader na ito ang iba pang senior EPA leadership tungkol sa pag-unlad kada ikatlong buwan.
Magiging tapat din ang ahensya sa mga pangako nito at mag-uulat sa Kongreso at publiko tungkol
sa mga mithiin at layuning nakasaad sa FY2022-2026 Strategic Plan. Dagdag pa riyan, iuulat ng
EPA ang progreso nito sa NEJAC, Science Advisory Board, National Tribal Caucus, Children's
Health Protection Advisory Committee, at iba pang regular na mga pampublikong engagement
forum.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Priority Action #2:

Bigyan ng kakayahan ang mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran
na ilaan ang kanilang karanasan sa EPA at magsakatuparan ng mga
proyektong pinamumunuan ng komunidad.

Mga Hadlang sa Pantay-pantay na mga Resulta

Ang mga komunidad na may mga alalahanin sa katarungang pangkapaligiran ay ang iba pang mga
komunidad na di-gaanong napaglilingkuran ay madalas na nangunguna sa mga resulta ng paggawa
ng mga patakaran tungkol sa kapaligiran. Subalit ang mga komunidad na ito na di-gaanong
napaglilingkuran—dahil pinagkakaitan ng sistema ng buong pagkakataong lumahok sa mga aspeto
ng buhay sa tungkol ekonomiya, lipunan, at sibiko12 —ay maaaring maharap sa maraming hamon
sa resources at kakayahan na sumali sa EPA o i-access ang mga programa nito. Ang mga
komunidad na ito ay kadalasang nakaranas na ng mga dekada ng paulit-ulit na kulang na
pamumuhunan sa imprastraktura. Kulang sila sa kakayahang nauugnay sa pamumuhunan ng
teknolohiya, pinansyal, at/o tao para makasali sa mga proseso ng pagdedesisyon, maghanda ng
mga agresibong panukala, o mamahala sa mga award ng pamahalaang federal. Ang EPA at iba
pang mga partner sa pamahalaang federal ay maaaring mabigong pagtugmain ang kanilang mga
programa sa pagpopondo at pagtulong, sa gayo'y nalilipat ang pasaning itugma ang mga
komplementaryong programa sa komunidad. Ang mga hadlang na ito ang nakakaapekto nang
husto sa mga komunidad na mas maliit; dehado sa ekonomiya o sa iba pang paraan; limitado ang
kahusayan sa Ingles o may mga kapansanang humahadlang na lubos na ma-access ang mga pulong
at impormasyon; at/o walang access sa imprastrakturang digital.

Ang mga miyembro ng komunidad ay malinaw at patuloy na ipinararating ang mga problemang ito
sa maraming engagement forum ng EPA, kabilang na ang regular na mga engagement call ng EJ sa
mga komunidad sa buong bansa, patotoo sa publiko sa oras ng mga pulong ng NEJAC, at mga
pormal na rekomendasyon ng NEJAC sa ahensya.13

Tinukoy na rin nila ang kawalan ng kinatawan ng mga apektadong komunidad sa paggawa ng mga
tuntunin at pagpayag na makapagkomento ang publiko at nag-ulat ng limitadong tagumpay sa
pakikipagpaligsahan para sa tulong pinansyal. Kailangang magbigay ng malaking suporta ang EPA
para matulungan ang mga komunidad na malagpasan ang mga hamong ito at matiyak ang
kakayahan nila na makabuluhang sumali sa EPA at sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan,
lumahok sa mga proseso ng pagdedesisyon, at makinabang mula sa mga pagkakataong pondohan
at puhunanan ng pamahalaang federal.

Planadong mga Hakbang para Malagpasan ang mga Hadlang

Inuna na ng EPA ang sumusunod na mga hakbang bilang mga magdudulot ng pinakamalaking
posibleng pakinabang sa malapit o katamtamang panahon para dagdagan ang kakayahan ng mga
komunidad na sumali sa EPA at mamahala sa mga proyektong pinamumunuan ng komunidad para
mabawasan ang polusyon at mapaganda ang mga resulta sa lahat ng tao.

Ang E.O. 13985 ay inilalarawan ang "komumindad na di-gaanong napaglilingkuran" gamit ang wikang ito.

Tingnan, hal., sa huwarang mga patnubay ng NEJAC para sa paglahok ng publiko, na tumatalakay sa mga hadlang sa epektibong pagsali ng
komunidad. Available sa https://www.epa. gov/sites/default/files/2015-02/documents/recommendations-model-guide-pp-2013 .pdf.

E.O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Dagdagan ang kakayahan ng mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran na
nauugnay sa pamumuhunan ng teknolohiya, pinansyal, at/o tao.

Naaayon sa Piano sa Estratehiya ng ahensya para sa FY2022-2026 at depende sa mga laang-
gugulin ng kongreso, ang EPA ay:

•	Magbibigay ng mas maraming gawad at tulong teknikal sa mas maraming komunidad para
magkakaroon sila ng kakayahan.

•	Mag-aalok ng mas maraming grant training para matulungan ang mga komunidad na di-
gaanong napaglilingkuran at walang-gaanong resources na mag-aplay sa partikular na
competitive na mga grant opportunity.

•	Makikipagtulungan sa Office of Grants and Debarment ng EPA para magkaroon ng mga
flexibility sa pagsusumite upang matulungan ang mga aplikante mula sa mga komunidad na
di-gaanong napaglilingkuran na mag-aplay para sa competitive na mga grant opportunity.
Ang mga flexibility na ito ay maaaring kabilangan ng pagtutulot na magsumite ng
aplikasyon ang mga aplikante sa pamamagitan ng koreo (sa halip na online) at iba pang
mga opsyon sa pagsusumite.

•	Magtatatag ng mga sentro sa pagkakakaroon ng kakayahan sa buong bansa para
makapaghatid ng suporta at resources upang mabuo ang base ng mga komunidad na di-
gaanong napaglilingkuran. Ang suportang ito, na ganap na nakabatay sa mga laang-gugulin
ng kongreso, ay magtutuon sa mga organisasyong nakabase sa komunindad; sa mga
institusyong nagsisilbi sa minority, kabilang na ang HBCUs; at sa mga pamahalaang lokal,
Tribal, o teritoryal sa mga kanayunan.

Pagagandahin ang pakikipag-ugnayan ng EPA sa mga komunidad na dehado at di-
gaanong napaglilingkuran na nakatutok sa pagdaragdag sa kanilang kakayahan.

•	Gagawa ng isang gabay ng EPA sa pagsasali sa publiko na gumagamit ng magkakaparehong
set ng mga kahulugan para sa "komunidad," "organisasyong nakabase sa komunidad,"
"komunidad na di-gaanong napaglilingkuran," "dehadong komunidad," at iba pang mga
katagang mahalaga sa pagdiskarte at pagsubaybay sa gawain ng ahensya sa pare-parehong
paraan.

•	Titiyakin na lahat ng pampublikong pulong, pulong ng mga stakeholder, at materyal na
ipinamamahagi ng EPA sa iba ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa isang paraang
di-teknikal at magagawa at maa-access ng mga komunidad na may mga kpansanan at LEP.

•	Gagawa ng mga bayad na fellowship, internship, at clerkship sa EPA para alukin ang mga
indibiduwal—kabilang na ang mga kinatawan mula sa mga dehadong komunidad at mga
relasyon na posibleng nakikinabang sa mga institusyong nagsisilbi sa mga at mga HBCU— ang
pagkakataong magtrabaho sa loob ng EPA at magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa
kung paano pinatatakbo ang ahensya.

•	Magsasakatuparan ng isang diskarteng nakasentro sa komunidad sa pagprotekta sa
kalusugan at sa kapaligiran na nakatuon sa pakikipag-ugma at pakikipagtulungan kapwa sa
pagsasakarupatan ng mga programa ng EPA at ng pagpapalawak ng mga relasyon ng EPA sa
iba pang mga ahensya ng pamahalaang federal at ng mga partner ng pamahalaang estado,
Tribal, at lokal.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Titiyakin na nakikinabang sa mga pamumuhunan ng EPA sa imprastraktura at
pagreremedyo sa polusyon ang mga komunidad na dehado at di-gaanong
napaglilingkuran.

•	Isasakatuparan ang inisyatibo ng Administrasyon ni Biden na Justice40 para tiyakin na
matanggap ng mga komunidad na dehado ang kahit 40% lamang ng mga benepisyo ng mga
pamumuhunan ng EPA sa malinis na enerhiya, paglilinis ng polusyon, at mga programa sa
imprastraktura. Ang paunang proyekto ng Justice40 ay kinabibilangan ng anim na programa
ng EPA. Ang tatlong paunang programa sa patubig ay kumakatawan sa mahigit 30% ng
budget ng ahensya: Ang Clean Water SRF, ang Drinking Water SRF, at ang Pagbabawas ng
Tingga sa Iniinom na Tubig ay naggagawad ng programa sa ilalim ng WIIN Act.

•	Titiyakin na ang pondong nakalaan sa EPA sa pamamagitan ng Infrastructure Investment
and Jobs Act, na nilagdaan bilang batas noong Nobyembre 15, 2021, ay nalagpasan ang
mga mithiin ng inisyatibong Justice40.

•	Titiyakin ang maaga, patuloy, at makabuluhang pagsasali sa komunidad at partner sa
pagsasakatuparan ng Justice40. Palalawakin ng EPA ang isang sentralisadong platform sa
buong ahensya para sa pagsasali sa partner at stakeholder, na inorganisa ng Office of
Environmental Justice, at ang isang mas tinututukang diskarte sa pagtulong para sa
paunang Justice40 at sakop na mga programa na nakaakma sa kanilang kakaibang mga
konsiderasyong legal, sa regulasyon, at sa programa.

Pagsubaybay sa Ating Progreso

Sa malapit o katamtamang panahon, susubaybayan ng EPA ang progreso nito kahit kada tatlong
buwan lang hanggang 2026, na kapareho ng mga LTPG sa Piano sa Estratehiya para sa FY2022-
2026 at sa iba pang mga panukat na batay sa resulta, tulad ng:

•	Ang mga programa ng EPA ay kadalasang humihiling ng feedback at komento mula sa
publiko, tulad ng panahon ng pagkomento ng publiko sa paggawa ng tuntunin. Ang EPA ay
nagtakda ng isang LTPG para palakihin ang porsiyento ng mga programang nagbibigay ng
resources sa pagkakaroon ng kakayahan sa mga komunidad na may mga problema sa EJ
para tiyakin na makabuluhan silang makasali at makapagbigay ng kapaki-pakinabang na
feedback sa ahensya.

•	Ang EPA ay umaasa sa input, kaalaman, at mga pagsisikap ng mga lider ng komunidad at ng
mga organisasyong nakabase sa komunidad na lumikha ng ating mga aktibidad sa pagsali at
tumanggap ng makabuluhang feedback na isasaalang-alang sa mga pagpoproseso ng
patakaran, tulad ng paggawa ng mga tuntunin. Ang EPA ay nagtakda ng isang LTPG para
tiyakin na lahat ng programa ng EPA na gumagamit ng gayong suporta ay nagbibigay ng
sapat na pinansyal na kabayaran sa mga lider at organisasyong iyon.

•	Ang EPA ay susukatin ang porsiyento ng mga programa ng EPA na gumagana sa at kasama
ang mga komunidad na may mga alalahanin sa katarungang pangkapaligiran sa mga paraan
na boluntaryong ginagawa, nakaugma, pinagtulungan, at sumusuporta sa patas at matatag
na pagpapaunlad sa komunidad.

•	Ang EPA ay nagkakaloob ng mga EJ grant para dagdagan ang kakayahan ng mga
organisasyong nakabase sa komunidad na epektibong isulong ang pagtugon ng mga
pamahalaan sa mga paraang lumulutas sa mga problema ng komunidad. Ang EPA ay
nagtakda ng isang LTPG para dagdagan ang porsiyento ng gayong mga grant sa komunidad
na nagreresulta sa pagtugon ng pamahalaan na nauugnay sa mga layunin ng mga grant.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
• Ang EPA ay susukatin ang porsiyento ng mga pamumuhunan ng EPA sa imprastraktura na
nakakatulong sa mga dehadong komunidad, na kapareho ng sa Justice40, at ang bilang ng
mga bagong grantee na tumatanggap ng pondo.

Sa katagalan, inaasahan ng ahensya na makakita na nagkakaroon ng mas matibay na kakayahan
ang komunidad sa lumalawak na mundo ng mga komunidad sa pamamagitan ng mas sama-sama at
may kaalamang mga pagsisikap ng ahensya, Ang lumalawak na kakayahan sa mga komunidad ay
dapat magresulta sa lumalaking bilang ng mga komunidad na tagumpay na nakakapag-aplay para
sa mga grant sa tulong teknikal at partikular na mga proyekto, kabilang na ngunit hindi lamang
para sa mga EJ grant ng EPA.

Pagtiyak sa Pananagutan

Ang panukalang hakbang na ito ay naaayon sa FY2022-2026 Strategic Plan Goal 2, Objective 2.1
ng EPA. Ang ahensya ay mananagot sa mga nangyayari at mag-uulat sa Kongreso at publiko
tungkol sa mga mithiin at layuning nakapaloob sa strategic plan. Mag-uulat din ang EPA tungkol sa
progreso sa NEJAC, National Tribal Caucus, at iba pang regular na pampublikong forum sa
pakikipag-ugnayan.

E O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Priority Action #3

Paunlarin ang kakayahan ng mga tauhan ng EPA na iugnay ang mga
komunidad na di-gaanong napaglilingkuran at magsakatuparan ng
malinaw at responsableng mga proseso para kumilos batay sa
impormasyong ibinibigay ng mga komunidad.

Mga Hadlang sa Pantay-pantay na mga Resulta

Ang budget, mga proseso sa loob, at kultura ng EPA ay maaaring magpabagal o makahadlang sa
makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran. Ang totoo,
kulang ang mga tauhan ng EPA para suportahan ang malawak na pagkakaiba-iba at dami ng mga
hinihingi sa pakikipag-ugnayan ng mga stakeholder sa labas, kabilang na ang mahalagang gawaing
ipalaganap ang feedback ng stakeholder sa tamang tauhan ng ahensya para makagawa ng mga
hakbang sa pagtugon. Maaaring wala ring kamalayan o pagpapahalaga ang ilang tauhan ng EPA sa
di-tradisyonal na mga komunidad ng mga stakeholder (hal., impormal na EJ o mga grupo sa
komunidad, mga grupo ng mga relihiyon, mga organisasyon sa mga karapatang sibil) at ang
ekstrang oras at pangangalagang kailangan para tunay na makipag-ugnayan. Ipinarating ng NEJAC
ang ilan sa mga hadlang na ito—di-sapat na dami ng mga tauhan, pagkakaiba-iba sa wika at
kultura, kawalan ng kakayahan sa kultura sa mga nagsisikap na magkaroon ng mga relasyon, at
kawalan ng tiwala sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad, mga ahensya ng pamahalaan, at
industriya—sa isang ulat sa EPA noong 2013 tungkol sa huwaran sa pakikipag-ugnayan sa
komunidad.14

Dagdag pa rito, ang mga deadline na legal at ayon sa patakaran ang kadalasang nagtutulak sa
bill's ng hakbang sa EPA. Dahil sa mahihigpit na budget at mas mahihigpit pang mga timeline,
maaaring mapilitan ang mga tauhan ng EPA na unahin ang siyentipikong pagsasaliksik, legal na
rebyu, at pagsusuri sa ekonomiya kaysa sa malalim na outreach at pakikipag-ugnayan. Hindi
kinakailangang sundin ng mga proseso ng ahensya ang timeline na kinakailangan para sa matatag
na pakikipag-ugnayan at maaaring hindi makapangako na tiyaking maganap iyon at na malinaw na
tumutugon ang resultang mga desisyon sa natanggap na feedback. Ang makitid na pagbabasa ng
batas na nagpapahintulot na ginagamit ng EPA para limitahan ang saklaw ng mga paksa,
pagsusuri, at pakikipag-ugnayan ay maaari ding makahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan
ng stakeholder.

Planadong mga Hakbang para Malagpasan ang mga Hadlang

Para maalis ang mga hadlang na ito, kailangang dagdagan ng EPA ang kakayahan ng mga tauhan
nito—na sinusukat bilang mga FTE, training, resources, at pagkadalubhasa—na makipag-ugnayan
sa mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran sa isang paraan na makabuluhan at maa-access
at gumagana para malagpasan ang mga hadlang sa paglahok ng mga komunidad. Ngunit hindi
maaaring tumigil ang EPA sa pakikipag-ugnayan. Kailangang dagdagan ng EPA ang mga proseso at
imprastraktura sa loob para magawan ng mga hakbang ang mga natutuhan mula sa pakikipag-
ugnayan sa komunidad para malutas ang mga problema ng mga stakeholder.

Tingnan, halimbawa, sa mga huwarang patnubay sa paglahok ng publiko, na tumatalakay sa mga hadlang sa epektibong pakikipag-ugnayan sa
komunidad. Available sa https://www.epa. gov/sites/default/files/2015-02/documents/recommendations-model-guide-pp-2013 .pdf.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Ang pagbabago sa paraan ng pangangasiwa ng EPA sa pangunahing gawain nito para mas
makatugon sa input ng komunidad ay mangangailangan ng maraming taon ng pagsisikap at
patuloy na katapatan mula sa pamunuan ng EPA. Maaaring panandaliang gumawa ng ilang
hakbang ang EPA para buuin ang kinakailangang building blocks—mga bagong FTE, mga bagong
proseso sa loob, mga bagong mekanismo sa pananagutan—para sa matibay na tagumpay.

Patatagin ang kapasidad at kakayahan ng EPA na makipag-ugnayan nang makabuluhan
sa mga stakeholder sa mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran.

Ang mga pagsisikap ng EPA na pagbutihin ang kakayahan nitong makipag-ugnayan sa mga
komunidad na di-gaanong napaglilingkuran ay kailangang magsimula kaagad ngunit magpapatuloy
sa loob ng maikli at mahabang panahon. Ang EPA ay:

•	Daragdagan ang bilang ng outreach staff sa mga tanggapang pangrehiyon ng EPA, na
ipinapalagay na may sapat na mga laang-gugulin mula sa kongreso, na nakatuon sa
pagsuporta sa mga solusyong kailangan ng komunidad.

•	Patatatagin ng EPA ang pagtulong sa wika at iba pang mga serbisyo para mapaganda ang
pag-access ng mga taong may LEP o mga kapansanan sa pamamagitan ng pagbubuo at
pagsasakatuparan ng mga access plan para sa bawat programa at rehiyon, na naglalaan ng
training sa buong EPA tungkol sa pag-access, at inilulugar ang isang kontrata sa pag-access
ng may kapansanan para tiyakin na maa-access nila ito sa pampublikong pakikipag-
ugnayan.

•	Magsakatuparan ng isang komprehensibong training program na nakalapat sa programa
tungkol sa pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang sibil
para sa lahat ng tauhan ng EPA, ayon sa tagubilin sa Agency Priority Goal para sa unang
dalawang taon sa FY2022-2026 Strategic Plan ng EPA.

•	Paghusayin ang mga proseso ng EPA sa loob para maipasok ang pagkakapantay-pantay,
katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang sibil sa pang-araw-araw na gawain ng
ahensya at maglaan ng maraming linya ng pananagutan.

•	Maglunsad ng isang bagong National Program Office, ang Office of Environmental Justice at
External Civil Rights Compliance, batay sa resulta ng mga desisyon sa mga laang-guguling
para sa FY2022.

•	Utusan ang mga programa ng EPA at mga rehiyon na magbuo ng mga piano sa
pagsasakatuparan, na kapareho ng patnubay sa programang pambansa, para makamit ang
layunin ng Goal 2 sa FY2022-2026 Strategic Plan ng EPA.

•	Kapag nauugnay, tiyakin na ang mga paggawa ng tuntunin ng EPA ay mag-ulat at tumugon
sa mga problema sa katarungang pangkapaligiran at isaalang-alang ang di-timbang na mga
epekto ng polusyon sa mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran.

•	Isama ang mga pamantayan ng pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at
mga karapatang sibil sa taunang mga piano at rebyu sa pagganap para sa nauugnay na
tauhan ng EPA, matapos ang masusi at malinaw na mga pakikipagtalakayan sa senior
career leadership at mga unyon ng mga empleyado ng EPA, kung nauugnay.

•	Isama ang mga pangakong lutasin ang mga di-timbang na mga epekto ng polusyon sa lahat
ng nakasulat na kasunduan (hal., mga grant work plan) sa pagitan ng EPA at ng mga estado
at ng Tribes na nagsasakatuparan ng kanilang itinalagang mga awtoridad.

•	Magtatag ng isang set ng mga indicator para subaybayan ang pagganap ng EPA sa pag-aalis
ng pagkakaiba-iba sa mga kundisyon ng kalusugan ng kapaligiran at publiko, ayon sa

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
tagubilin sa Agency Priority Goal para sa unang dalawang taon sa FY2022-2026 Strategic
Plan ng EPA.

•	Imbestigahan ang mga pagkakataon at isiping magtatag ng mga partnership sa mga
organisasyon tulad ng Government Alliance on Race and Equity (GARE) para maisama ang
regular na paggamit ng mga tool, tulad ng mga pagtatasa sa pagkakapantay-pantay,
tasahin ang epekto ng mga programa, patakaran, at aktibidad ng EPA sa di-gaanong
napaglilingkuran at dehadong mga komunidad.

Pagsubaybay sa Ating Progreso

Sa loob ng maikli at katamtamang panahon, magtutuon ang EPA sa mga hakbang na nauugnay sa
output para markahan ang mahahalagang kaganapan, tulad ng paglikha ng bagong National
Program Office of Environmental Justice and External Civil Rights Compliance; pag-deploy ng mas
maraming tauhang mamahala sa outreach at pakikipag-ugnayan sa mga rehiyon ng EPA, na
naaayon sa mga laang-gugulin; paghahatid ng mga training sa mga tauhan ng EPA; at pagsasama
ng mga panukat na nasasaisip ang pagkakapantay-pantay sa mga piano sa pagganap ng mga
tauhan at ang patnubay sa pambansang programa. Ang ipinanukalang mga hakbang na ito ay
tumutugon sa Goal 2, Objectives 2.1 at 2.2 sa FY2022-2026 Strategic Plan ng EPA at nakaayon sa
sumusunod na mga LTPG para matapos pagsapit ng Setyembre 30, 2026:

•	Pagdaragdag sa porsiyento ng lahat ng makabuluhang hakbang ng EPA sa mga implikasyon
ng EJ na malinaw na nagpapamalas kung paano tumutugon ang hakbang sa mga problema
ng EJ at nilulutas ang di-timbang na mga epekto. Ang mga hakbang na ito ay kabibilangan
ng makabuluhang mga paggawa ng tuntunin ng EPA.

•	Tinitiyak na ang mga programa ng EPA na may tuwirang awtoridad na magsakatuparan ay
nangangailangan ng di-kukulangin sa 100 makabuluhang hakbang na magreresulta sa
masusukat na pagpapahusay sa bansa ng mga Indian.

•	Tinitiyak na lahat ng programa at rehiyon ng EPA ay tumutukoy at nagsasakatuparan ng
mga pagkakataong magsama ng mga pagsunod sa karapatang sibil sa kanilang pagpaplano,
patnubay, mga direktiba ng patakaran, pagsubaybay, at pagrerebyu ng mga aktibidad.

•	Tinitiyak na lahat ng programa at tanggapang pangrehiyon ng EPA ay naglulugar at
nagsasakatuparan ng mga piano sa programa at partikular na tulong sa wika sa mga rehiyon
para tiyakin na bawat outreach at aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng EPA sa komunidad ay
iniisip ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng komunidad na may LEP at na
sinisiguro nila ang kinakailangang mga serbisyo sa wika para mabigyan ang mga indibiduwal
na may LEP ng makabuluhang access sa mga programa at aktibidad ng EPA.

•	Tinitiyak na lahat ng programa at tanggapang pangrehiyon ng EPA ay naglulugar at
nagsasakatuparan ng mga piano sa pag-access na partikular sa mga may kapansanan para
tiyakin na bawat outreach at aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng EPA sa komunidad ay
iniisip ang mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan at binibigyan ang mga
taong may kapansanan ng makatwirang mga akomodasyon at angkop na tulong at serbisyo
kung kailangan para epektibo silang makalahok sa mga programa at aktibidad ng EPA.

Tulad ng nakasulat sa itaas, itinatatag sa FY2022-2026 Strategic Plan ng EPA ang isang Agency
Priority Goal na magtatag ng isang set ng mga indicator para subaybayan ang pagganap ng EPA sa
pag-aalis ng mga pagkakaiba-iba sa mga kundisyon sa kalusugan ng kapaligiran at publiko. Ang
mga indicator na ito—tulad ng antas ng tingga sa dugo at paglaganap ng hika sa mga komunidad
na maliit ang kita—ay makakatulong na sukatin ang pangmatalagang tagumpay ng EPA sa
pagtupad sa mga pangako nitong isama ang pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran,
at mga karapatang sibil sa gawain nito.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Pagtiyak sa Pananagutan

An§ ipinanukalang hakbang na ito ay naaayon sa FY2022-2026 Strategic Plan Goal 1, Objectives
2.1 at 2.2 ng EPA. Ang ahensya ay mananagot sa mga nangyayari at mag-uulat sa Kongreso at
publiko tungkol sa mga mithiin at layuning nakapaloob sa strategic plan. Mag-uulat din ang EPA
tungkol sa progreso sa NEJAC, National Tribal Caucus, at iba pang regular na pampublikong forum
sa pakikipag-ugnayan. Maaaring panagutin ang indibiduwal na mga empleyado ng EPA sa mga
panukat na nauugnay sa pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang
sibil sa kanilang taunang piano sa pagganap.

E O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Priority Action #4:

Patatagin ang programa sa pagsunod sa panlabas na mga karapatang sibil ng
EPA at tiyakin na ang pagsunod sa mga karapatang sibil ay isang
responsibilidad ng buong ahensya.

Mga Hadlang sa Pantay-pantay na mga Resulta

Hindi pa lubos na nagagamit ng EPA ang awtoridad nitong magsakatuparan at magpatupad ng mga
karapatang sibil para masiglang maipatupad ang mga batas ng pamahalaang federal sa mga
karapatang sibil. Ang batas ng pamahalaang federal ay nagbibigay ng awtoridad sa EPA at sa mga
ahensya ng pamahalaang federal na magsabatas ng mga tuntunin, regulasyon, o utos para
makamit ang mga layunin ng mga batas. Partikular na, ang walang-diskriminasyong regulasyon ng
EPA ay nagbabawal sa mga tumatanggap ng tulong pinansyal sa EPA na gumawa ng mga hakbang
sa kanilang mga programa o aktibidad na sadyang may diskriminasyon at/o may epektong
diskriminasyon. Malawakang pagpapatupad ng batas sa mga karapatang sibil ay nagbibigay ng
pinakamalakas na tool para lutasin ang mga pagkakaiba-iba batay sa lahi, kulay, bansang
pinagmulan (kabilang na ang LEP), at kapansanan.

Ang External Civil Rights Compliance Office (ECRCO) ng EPA ay patuloy nang kulang sa pondo sa
lahat ng administrasyon. Dahil dito, umasa na ang ECRCO una sa lahat sa pagtugon sa halip na sa
pagkilos sa pagpapatupad ng mga karapatang sibil. Hindi rin ganap at makabuluhang nakikisali
ang ECRCO sa internal (lahat ng programa ng EPA at mga tanggapang pangrehiyon) at external
(mga estado, mga komunidad na sobra ang pasanin, at mga tagapagtanggol) mga stakeholder.
Bukod pa riyan, hindi pa naisama ng EPA ang pagsunod sa mga karapatang sibil sa buong
programa at mga aktibidad nito at hindi pa ito naitaas bilang isang strategic goal. Sa paglipas ng
panahon, paulit-ulit nang naiparating ng U.S. Commission on Civil Rights15 at ng NEJAC16 ang mga
problema tungkol sa programa sa panlabas na mga karapatang sibil at gumawa ng ilang
rekomendasyon kung paano mapapaganda ang mga resulta nito.

Ang mga klasipikasyong pinoprotektahan ng mga batas sa mga karapatang sibil ng pamahalaang
federal ay sumasaklaw sa marami sa mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran at sobra ang
pasanin na nalantad na sa di-timbang na antas ng mga epekto ng mga pinagmumulan ng polusyon
na nakakasama sa kapaligiran, kalidad ng buhay, at kalusugan. Ang isang epektibong programa sa
pagsunod sa mga karapatang sibil ay lumilikha ng pananagutan para matiyak na naisusulong ng
mga hakbang, patakaran, at gawi ng mga tumatanggap ng pondo mula sa pamahalaan ang
pagkakapantay-pantay sa halip na palalain ang mga pagkakaiba-ibang ito.

15	U.S. Commission on Civil Rights, Not in My Backyard: Executive Order 12,898 and Title VI as Tools for Achieving Environmental Justice U.S.
Commission on Civil Rights (October 2003); Environmental Justice: Examining the Environmental Protection Agency's Compliance and
Enforcement of Title VI and Executive Order 12898 (September 20\6), Are Rights a Reality? Evaluating Federal Civil Rights Enforcement
(November 2019).

16	Tingnan, hal., sa liham ng NEJAC kay EPA Administrator Scott Pruitt (Hulyo 31, 2017), hinggil sa Title VI ng Civil Rights Act. Available sa
https://www.epa.gov/sites/default/files/2018-01/documents/neiac-title-vi-letter-8-l-17-final.pdf. Maraming dekada nang nagpaparating ng mga
problema ang NEJAC tungkol sa pagpapatupad ng Title VI.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Planadong mga Hakbang para Malagpasan ang mga Hadlang

Para mapatatag ang pagsunod at pagpapatupad sa mga karapatang sibil, ang programa ng EPA sa
panlabas na mga karapatang sibil ay lilipat mula sa pagtugon, na tumutugon lamang sa mga
reklamo, tungo sa pagkilos na pasimulan ang mga aktibidad sa pagsunod. Muling pinagtibay ng
mga kinatawan ng komunidad ang mga prayoridad na ito sa pinakaunang sesyon ng EPA sa
pakikinig sa publiko tungkol sa pagsunod sa panlabas na mga karapatang sibil noong Oktubre 27,
2021. Sa mga pananaw na iyon ng komunidad bilang gabay, at sa sapat na mga laang-gugulin, ang
EPA ay:

•	Magpapasimula ng pre-award at post-award na mga aktibidad sa pagsunod sa mga karapatang
sibil, kabilang na ang magagandang rebyu sa pagsunod para lutasin ang mga epekto ng mga
aktibidad na posibleng may diskriminasyon sa mga komunidad na lubhang nahihirapan.

•	Magbubuo at magsasakatuparan ng malinaw at matatag na patnubay sa mga karapatang sibil
at nakaayon na training at tulong teknikal para dagdagan ang pagsunod ng mga tumatanggap
sa mga batas sa mga karapatang sibil, kabilang na ang konteksto ng pagbibigay ng permit.

•	Magdaraos ng napapanahon at epektibong mga imbestigasyon at resolusyon sa mga reklamo
patungkol sa mga karapatang sibil, kabilang na ang mga imbestigasyon at impormal na mga
napagkasunduang resolusyon na epektibong lumulutas sa masasama at magkakaibang epekto.
Pagagandahin ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na lubhang
nahihirapan upang makabuluhang maipaalam ang gawain ng EPA tungkol sa mga karapatang
sibil at bigyan ng kapangyarihan at dagdagan ang kanilang paglahok sa kritikal na
pagdedesisyon.

•	Dagdagan ang kalinawan sa pamamagitan ng maayos na pagbibigay ng impormasyon sa
publiko.

•	Patatatagin ang pagtutulungan at koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaang federal
tungkol sa mga reklamo, mga rebyu sa pagsunod, at patnubay sa patakaran para ipatupad ang
mga batas sa mga karapatang sibil ng pamahalaang federal.

Bukod pa riyan, dahil responsibilidad ng buong EPA ang pagbabantay sa mga karapatang sibil,
isasagawa ng EPA ang sumusunod na mga hakbang ng buong ahensya:

•	Sasali sa lahat ng programa at mga tanggapang pangrehiyon ng EPA sa pagsunod sa mga
karapatang sibil para matukoy kung ang mga programa at aktibidad para sa mga tumatanggap
ay naaayon sa mga batas sa mga karapatang sibil.

•	Ipaparating ang mga kinakailangan at inaasahan sa mga tauhan ng EPA sa pamamagitan ng
edukasyon, training, outreach, at tulong teknikal para maragdagan ang kamalayan tungkol sa
pagpapatupad ng mga karapatang sibil at mapatatag ang pagtutulungan sa pagitan ng mga
ahensya.

•	Magsasama ng angkop na mga kinakailangan sa mga karapatang sibil sa patnubay ng EPA sa
mga karapatang hindi sibil, programa sa strategic planning, mga direktiba sa patakarang
pangkapaligiran, paggawa ng mga tuntunin, pagpapatupad, at mga desisyon sa pagtingin at
pagbibigay ng permit sa mga tumatanggap ng EPA.

Pagsubaybay sa Ating Progreso

Ang EPA ay magtutuon sa Simula sa mga panukat na nakatuon sa output sa maikli at katamtamang
panahon, tulad ng:

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	Pagtatapos, pamamahagi, at pagsasakatuparan ng malinaw na patnubay tungkol sa pagsunod
sa Title VI at iba pang mga kinakailangan sa mga karapatang sibil.

•	Bilang ng mga post-award sa mga rebyu sa maayos na pagsunod na pinasisimulan taun-taon.

•	Bilang ng mga audit tungkol sa mga karapatang sibil na pinasisimulan taun-taon para tiyakin
ang pagsunod sa mga kinakailangan ng proseso.

•	Porsiyento ng mga tumatanggap ng tulong pinansyal ng EPA sa estado na may nakaplanong
mga programa tungkol sa pundasyong mga karapatang sibil.

•	Bilang ng mga sesyon sa pagbabahagi ng impormasyon at outreach at mga kaganapan tungkol
sa tulong teknikal sa mga komunidad na lubhang nahihirapan at di-gaanong napaglilingkuran,
mga grupo sa komunidad, at iba pang mga partner tungkol sa mga isyu sa mga karapatang sibil
at katarungang pangkapaligiran.

•	Bilang ng mga pagkakataong natukoy at naisakatuparan ng programa at mga tanggapang
pangrehiyon para makamtan ang pagsunod sa mga karapatang sibil sa kanilang mga aktibidad
sa pagpaplano, patnubay, mga direktiba sa patakaran, pagsubaybay, at pagrerebyu.

Sa katagalan, hahangarin ng EPA na gumawa ng mga panukat na batay sa resulta, kabilang na ang
mga sistema para masubaybayan at mabilang ang mga pakinabang ng pagbawas sa polusyon sa
mga komunidad na nagmumula sa pagsasama ng mga karapatang sibil at katarungang
pangkapaligiran sa pagdedesisyon ng ahensya.

Pagtiyak sa Pananagutan

Pananagutan ng EPA ang hakbang na ito sa pamamagitan ng direktang pag-ayon sa matagalan at
taunang mga mithiin at layunin sa pagganap sa buong ahensya sa Goal 2 ng FY2022-2026 Strategic
Plan ng EPA. Ang ahensya ang mananagot sa mga nangyayari at mag-uulat sa Kongreso at publiko
tungkol sa mga mithiin at layuning nakapaloob sa strategic plan. Dagdag pa rito, gumawa ng ilang
pangako ang EPA sa Office of the Inspector General bilang tugon sa audit nito na may pamagat na
Improved EPA Oversight of Funding Recipients' Title VI Programs Could Prevent Discrimination17
Mag-uulat din ang EPA tungkol sa progreso sa NEJAC at magdaraos ng mga sesyon sa pakikinig sa
mga stakeholder.

Priority Action #5:

Isama ang community science sa pagsasaliksik at pagsasakatuparan ng

programa ng EPA.

Mga Hadlang sa Pantay-pantay na mga Resulta

Ang kahulugan ng "community science" ay pagsasaliksik at siyensyang isinasagawa ng komunidad
at/o ng isa pang tao o grupo para sa sarili nito para ipaalam sa paggawa ng desisyon. Salungat sa
tradisyonal na mga inisyatibo na pinamunuan ng mga ahensya ng pamahalaan o mga siyentipiko sa
pagsasaliksik, ang mga proyektong pinamumunuan ng komunidad ay kadalasang nailalarawan sa
paggamit ng lokal at tradisyonal na kaalaman tungkol sa ekolohiya o traditional ecological
knowledge (TEK) at/o datos na nagmula at napatunayan sa lugar. Kinakalap ng mga komunidad

See https://www.epa.gov/svstem/files/documents/2Q21-10/ epaoig 20-e-0333 agency response2.pdf.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
ang impormasyong ito para lutasin ang mga isyu sa katarungang pangkapaligiran, kalusugan ng
publiko, lipunan, at ekonomiya na mahalaga sa sariling determinasyong mabuhay sa kapaligirang
iyon. Ang community science ay maaaring makalikha ng datos na aakma sa layunin para ipaalam
ang iba't ibang desisyon na may kaugnayan sa pinagbuting pamamahala sa kapaligiran, kabilang
na ang alokasyon ng resource, screening at fence-line monitoring, pagpapalawak ng network,
pagsasama ng mga lokal na kundisyon sa mga mapping tool sa kapaligiran at iba pang mga
pagsusuri, at mga alerto at proteksyon ng mga regulasyon.

Ang mga komunidad ay maaaring maharap sa maraming hadlang kapag nagtangka silang
magsagawa ng community science. Maaaring kulang ang kanilang financial at human resources, at
limitado at mas maliit ang pondong ibinibigay ng pamahalaan para sa mga proyekto sa community
science. Maaaring ang mga komunidad ay wala ring kadalubhasaan o access sa pagkadalubhasa sa
nauugnay na kaalaman sa siyensya at mga konteksto ng patakaran; magkakaiba ang mga
inaasahan hinggil sa kung ano ang bumubuo sa sapat na kalidad ng impormasyon para sa paggawa
ng desisyon; walang tiwala sa mga siyentipiko at sa mga ahensya ng pamahalaan; at
nangangailangan ng mas maraming makabuluhang impormasyon kung paano maiimpluwensyahan
ng datos ang mga desisyon ng pamahalaan at kung paano at sa anong form dapat ipadala ang
datos. Ang mga tribong nakikisali sa mga aktibidad sa community science ay maaaring may
kakaibang mga problema tungkol sa pagbabahagi ng sagradong kultural at TEK sa mga ahensya ng
pamahalaan na maaaring mapilitang ibunyag ito sa publiko.18

Kasabay nito, ang EPA at iba pang mga ahensya sa lahat ng antas ng pamahalaan ay nahirapan sa
kasaysayan na gamitin ang datos na nakalap ng mga siyentipiko sa komunidad. Ang mga ahensya
ng pamahalaan ay maaaring hindi pamilyar o laban sa paggamit ng siyensyang pinamumunuan ng
komunidad at TEK sa halip na tradisyonal na siyensyang nirebyu ng grupo ng mga dalubhasa; di-
gaanong malinaw kung anong mga uri at kalidad ng datos ang maaaring gamitin sa iba't ibang
sitwasyon (hal., datos na nasa sinusuri pa lang laban sa impormasyong kailangang ibigay ng isang
kumpanya sa ahensya); di-sapat na mga proseso at pamamaraan sa pamamahala at pagsasama ng
datos sa paggawa ng desisyon; at di-sapat na resources at training ng mga tauhan.

Ang mga hadlang at pagkakataong ito ay nailarawan sa mga ulat ng National Advisory Council for
Environmental Policy and Technology,19 ang WHEJAC,20 ang NEJAC,21 at ang November 2021
Memorandum on Indigenous Traditional Ecological Knowledge and Federal Decision Making ng
Administrasyon ni Biden22 Dagdag pa rito, ang Board of Scientific Counselors Executive
Committee ng EPA ay nagpulong noong Hulyo 6, 2021, para kumonsulta sa mga stakeholders
tungkol sa pagsasama ng pagkakapantay-pantay at katarungang pangkapaligiran sa pagsasaliksik
at community science. Muling pinagtibay sa talakayan sa pulong na iyon ang mga hadlang na
ito.23

Tingnan, hal., sa Kari Hedin, Cynthia Nalia and Demi Gary, Tribal Citizen Science: Investigating Current Activities and Future Aspirations,
February 26, 2021, https://itec.cherokee.org/media/tknc4211/tribal-citizen-science white-paper februarv-26-2021.pdf.

19 National Advisory Council for Environmental Policy and Technology, Environmental Protection Belongs to the Public: A Vision for Citizen
Science at EPA (2016), available sa https://www.epa.gov/sites/default/files/2020-04/documents/nacept cs report final 508.pdf; Information to
Action—Strengthening EPA Citizen Science Partnerships for Environmental Protection (2018), available sa
https://www.epa.gov/sites/default/files/2020-Q4/documents/nacept 2018 citizen science publication eng final v3 508.pdf.

211 WHEJAC, Final Recommendations: Justice40 Climate and Economic Justice Screening Tool & Executive Order 12898 Revisions, May 2021, at
https://www.epa. gov/sites/default/files/2021-05/documents/whiteh2.pdf.

21	NEJAC, Recommendations for Integrating Environmental Justice into the EPA's Research Enterprise (2014),
https://www.epa.gOv/sites/production/files/2015-02/documents/neiac-research-recommendations-2014.pdf: Ensuring risk reduction in
communities with multiple stressors: environmental justice and cumulative risks/impacts (2004), https://www.epa.gov/sites/default/files/2015-
02/documents/neiac-cum-risk-rpt-122104 .pdf.

22	Executive Office of the President, Memorandum on Indigenous Traditional Ecological Knowledge and Federal Decision Making, November 15,
2021. https://www.whitehouse.gov/wp-content/uploads/2021/ll/111521-OSTP-CEQ-ITEK-Memo.pdf. Ang memorandum na ito ay kinikilala ang
TEK bilang "isa sa maraming mahalagang grupo ng kaalaman na nag-aambag sa pag-unlad ng siyensya, teknolohiya, lipunan, at ekonomiya ng
Estados Unidos at sa pagkaunawa nating lahat sa likas na mundo."

23	BOSC July 2021 Executive Committee Meeting, https://www.epa.gov/bosc/bosc-iulv-2021-executive-committee-meeting.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Planadong mga Hakbang para Malagpasan ang mga Hadlang

Ang pananaw ng EPA ay na ang community science ay pantay na sinusuportahan, tinitingnan, at
ginagamit bilang isang asset sa dami ng mga desisyong may kaugnayan sa pamamahala sa
kapaligiran sa mga programa ng pamahalaang lokal, estado, at federal.24 Para makamtan ito,
magsusulong ng mga hakbang ang EPA para mapaglabanan ang mga hadlang sa malawakang
pakikipag-ugnayan sa community science, pati na sa mga patakaran at pamamaraang
makakatulong sa ahensya na mapaglabanan ang mga hadlang sa paggamit ng datos na ito sa mga
desisyon.

Dagdagan ang kakayahan para sa community science at access sa datos ng komunidad

Ang EPA ay gagawa ng ilang hakbang para lutasin ang resource at teknikal na mga hadlang sa
community science:

•	Pondohan ang mga community science grant: Popondohan ng EPA ang mga inisyatibo sa
community science sa pamamagitan ng mga grant program para suportahan ang katarungang
pangkapaligiran at mga prayoridad sa pagkakapantay-pantay, kabilang na ang sa pamamagitan
ng mga laang-gugulin mula sa American Rescue Plan. Magbibigay ng pondo ang EPA para
suportahan ang mga pagsisikap ng komunidad at lokal na subaybayan ang kalidad ng
kapaligiran at magtaguyod ng mga partnership sa pagitan ng mga komunidad at ng mga
ahensya ng pamahalaan.

•	Palawakin ang pagiging available ng datos at mga tool: Patuloy na palalawakin ng EPA ang
pagiging available ng datos at kakayahan sa pagsubaybay sa kapaligiran ng komunidad.
Kabibilangan ito ng libreng mga tool na maa-access ng publiko25 para mabigyan ang mga
siyentipiko sa komunidad ng datos tungkol sa kapaligiran at sa mga tao, mga mapping tool,
mga tutorial, at impormasyon para ilarawan, imapa, at buuin ang mga piano sa paglutas sa
mga kundisyon ng kapaligiran sa kanilang mga komunidad.

•	Dagdagan ang suporta at training sa mga tauhan para sa community science: Ang EPA ay
magtatalaga ng mga tauhan na magsisilbing mga community science liaison na susuporta sa
mga aktibidad ng community science, kabilang na ang gawain sa mga komunidad ng mga
Tribo, at magbibigay ng outreach at mga materyal sa on-line training.

•	Magdaraos ng pagsasaliksik para lumikha ng bagong mga community science tool at mga
proyekto sa pagpapamalas: Paghuhusayin ng EPA, sa pakikipagtulungan sa mga komunidad,
estado, at Tribo, ang mga pamamaraan para sa community science para lutasin ang mga
problema sa kapaligiran ng mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran at susuporta sa
mga proyekto sa pagsasaliksik na nagpapamalas sa pagsubaybay sa polusyon sa hangin, tubig,
at lupa at iba pang datos ng mga henerasyon gamit ang community science para ipaalam sa
mga namamahala sa kapaligiran

Maglabas ng mga dokumento ng patakaran at patnubay para suportahan ang paggamit
ng community science

Ang EPA ay maglalabas ng ilang dokumento ng patakaran at patnubay sa ikatlong kwarter ng 2022
para lutasin ang institusyonal na mga hadlang sa paggamit ng community science, kabilang na
ang:

24	Tingnan sa "Citizen Science at EPA: Engaging the Public in Environmental Protection," at https://arcg.is/C8mKe.

25	Tingnan, halimbawa, sa E.TSCREEN, EnviroAtlas, UST (Underground Storage Tank) Finder, Cleanups in my Community, Toxics Release
Inventory, How's My Waterway, Bloomwatch, EPA Sanitary Survey App for Fresh and Marine Waters, etc.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	EPA Vision and Strategy for Community/Citizen Science, na magbabalangkas sa mga prinsipyo
ng EPA sa pagsuporta sa community science at pagtukoy sa mga pagkakataon na isasama sa
mga hakbang ng EPA.

•	Multi-Stakeholder Plan for Improved Data Flow to Decision Makers, na magsusulong sa
imprakstratura at daloy ng datos ng community science mula sa mga gumagawa ng datos
papunta sa mga gumagamit ng datos, batay sa mga resulta ng workshop ng EPA/estado/Tribal
tungkol sa pamamahala sa datos noong Nobyembre 2021.

•	EPA Policy Guidelines for Conducting Community/Citizen Science, na kabibilangan ng
patnubay tungkol sa pagbubuo ng proyekto at quality assurance at isang internal checklist
para matulungan ang mga tauhan ng EPA na sumunod sa mga kinakailangang legal at
administratibo kapag sumusuporta sa mga proyekto ng community science, tulad ng mga isyu
sa moralidad na lumalabas sa mga proyekto, pagmamay-ari ng datos, at privacy.

•	Pagsasama ng pamamahala sa datos ng community science sa E-Enterprise Leadership Council
Digital Strategy, kung saan patuloy na isusulong ng E-Enterprise Leadership Council (EELC) ang
mga estratehiya gamit ang data quality handbook, mga pamantayan sa pamamahala ng datos,
at mga community science network para palawakin ang paggamit ng community science sa
mga desisyong pangkapaligiran ng pamahalaang lokal, estado, Tribal, at federal. Kabilang sa
EELC ang senior EPA, estado, at mga lider ng Tribo.

•	Ang EPA ay lalahok sa Interagency Working Group on Traditional Ecological Knowledge para
magbuo ng patnubay sa TEK.

Pagsubaybay sa Ating Progreso

Sa loob ng maikling panahon, susukatin ng EPA ang tagumpay nito batay sa sumusunod na mga
output:

•	Paglabas sa publiko ng EPA Strategy and Vision, Data Management Plan, at EPA Internal Policy
Guidelines sa ikatlong kwarter ng taong 2022.

•	Ang porsiyento at/o bilang mga pondo ng EPA community grant na sumusuporta sa siyensya
para lutasin ang mga problema sa katarungang pangkapaligiran at pagkakapantay-pantay,
kabilang na ang mga proyekto ng Tribal community science.

Ang pangmatagalang layunin ay na ang suporta ng EPA para sa mga patakaran, pamamaraan, at
datos ng community science ay palalawakin ang kakayahan ng mga komunidad at mga
pamahalaang lokal, estado, Tribal, at federal na makibahagi sa pagtanggap sa community science
bilang isang pinahahalagahan at routine asset sa pamamahala sa kapaligiran.

Pagtiyak sa Pananagutan

Ang mga ipinanukalang hakbang na ito ay nakaayon sa FY2022-2026 Strategic Plan Goal 2,
Objective 2.1 ng EPA at sa Cross-Agency Strategy 1 ("Ensure Scientific Integrity and Science-
Based Decision Making"). Ang EPA ay mananagot sa mga nangyayari at mag-uulat sa Kongreso at
sa publiko tungkol sa mga mithiin at layuning nakapaloob sa strategic plan ng ahensya at sa loob
ng Office of Research and Development's Strategic Research Action Plans. Mag-uulat din ang EPA
tungkol sa progreso sa pamamagitan ng mga advisory committee nito, kabilang na ang Board of
Scientific Counselors, ang NEJAC, at ang National Tribal Caucus, at sa pamamagitan ng iba pang
mga forum sa pakikipag-ugnayan sa publiko.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
23

Priority Action #6:

Gawing mas pantay-pantay ang pagpili ng magseserbisyo at

pangongontrata ng EPA

Mga Hadlang sa Pantay-pantay na mga Resulta

Ang EPA ay may kasaysayan sa pakikipag-ugnayan sa maliliit na negosyo na di-gaanong kanais-nais
ang sitwasyon sa lipunan at ekonomiya at sa Minority-Serving Institutions (MSI), kabilang na ang
Historically Black Colleges and Universities (mga HBCU). Dahil sa pakikipag-ugnayang ito, alam na
alam ng ahensya ang ilang hadlang na karaniwan sa pagkakapantay-pantay ng pagpili ng
magseserbisyo. Kabilang dito ang:

•	Ang mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran/walang gaanong kinatawan ay maaaring
walang access sa mga gumagawa ng desisyon sa programa ng EPA, na naglilimita sa kanilang
pagkakataong ipamalas ang kanilang mga kakayahan sa negosyo.

•	Ang potensyal na mga contractor mula sa mga komunidad na di-gaanong
napaglilingkuran/walang gaanong kinatawan ay maaaring nahaharap sa di-makatwiran o di-
kailangang mga hinihingi sa nakaraang pagganap ng vendor. Ang pangangailangan sa malawak
na nakaraang pagganap at/o halos di-iniisip ang kwalipikadong nakaraang pagganap ay
maaaring maglimita sa kakayahan ng maliliit na negosyo na di-gaanong kanais-nais ang
sitwasyon sa lipunan at ekonomiya at sa MSIs para makipagkumpitensya laban sa malalaking
negosyo na mas malawak ang karanasan sa pangongontrata sa pamahalaang federal. Habang
ang mga negosyong ito at ang MSIs ay maaaring may mga makabagong diskarte, karanasan
bilang subcontractor, at karanasan sa pangongontrata sa estado, lokal, at mga pribadong
arena, ang proseso ng pagsusuri ay kadalasang naglalagay ng mas malaking "pagpapahalaga"
sa karanasan sa pangunahing pangongontrata sa pamahalaang federal.

•	Maaaring mas gusto ng mga tanggapan sa programa ng EPA ang kasalukuyang mga vendor dahil
pamilyar na sila sa mga ito at dahil sa hangarin nilang magtuluy-tuloy ang negosyo.

•	Mabigat ang mga regulasyon at proseso ng pamahalaang federal. Ang maliliit na negosyo na di-
gaanong kanais-nais ang sitwasyon sa lipunan at ekonomiya at walang gaanong kinatawan ay
maaaring walang resources para matagumpay na i-navigate ang proseso. Ang mga
kinakailangan sa kontrata ay maaaring malabo at madalas na batay sa trabaho sa halip na sa
pagganap, na nakakainis sa kompetisyon at pagbabago. Ang saklaw at sukat ng mga binibili ay
maaaring nakakatakot din sa paglahok ng maliit na negosyo na di-gaanong kanais-nais ang
sitwasyon sa lipunan at ekonomiya. Maaaring ipalagay ng mga opisyal na nangongontrata na
walang kakayahan ang mga negosyong ito na magpakita ng mga resulta sa kaparehong antas
na nagagawa ng mas malalaking negosyo. Ang totoo, marami ang may kakayahang gawin ang
trabaho ngunit maaaring nangangailangan sila ng suporta para makipagkumpitensya sa
trabaho sa federal arena.

Ang ilang patakarang umiiral ay maaaring ipagpatuloy ang mga hadlang na ito. Halimbawa, sinabi
ng mga miyembro ng mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan sa
EPA na ang Federal Acquisition Regulation (FAR) ay mabigat, hindi malinaw, at mahirap at
magastos na i-navigate. Gayundin, hindi palaging isinasakatuparan ang ilan sa mga tuntunin sa
FAR na nilayong pantayin ang larangan para sa mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at
walang gaanong kinatawan, at hindi kasama sa alinman sa mga tuntunin ang maliliit na negosyong

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
pag-aari ng mga MSI o LGBTQ+. Ang patnubay sa pagbili sa loob ng EPA ay isinasakatuparan ang
FAR sa ahensya at samakatuwid ay nakikitaan ng gayon ding mga problema. Dagdag pa rito, ang
mga patakaran sa category management ng pamahalaang federal na nangangailangan at pabor sa
paglikha at paggamit ng malalaki at maramihang gawad na kontrata (na kadalasa'y mga
konsolidasyon ng maliliit na pangangailangan) ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa
mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan na maaaring walang
kakayahang makipagkumpitensya para sa mas malalaking kontrata.

Kabilang sa mga populasyong higit na apektado ng mga hadlang na ito ang maliliit na negosyo,
kabilang na ang maliliit na negosyong di-gaanong kanais-nais ang sitwasyon sa lipunan at
ekonomiya; at mga negosyong pag-aari ng mga MSI at HBCU; at LGBTQ+. Noong summer ng 2021,
nagdaos ang EPA ng dalawang sesyon sa pakikinig sa mga stakeholder mula sa mga negosyong di-
gaanong napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan para tumanggap ng feedback tungkol sa
mga hadlang na naranasan nila sa pag-access sa mga pagkakataong mabili ng pamahalaang
federal at sa kanilang mga ideya para maalis ang mga hadlang na iyon. Ang mga sesyong ito sa
pakikinig ay nagpatibay sa mga hadlang na binanggit sa itaas.

Planadong mga Hakbang para Malagpasan ang mga Hadlang

Natukoy ng EPA ang ilang hakbang para malagpasan ang mga karaniwang hadlang na ito. Ang EPA
ay:

•	Hahamunin ang mga tanggapan at rehiyon ng EPA para sa programa (kabilang na ang senior
leadership) na magdaos at lumahok sa mga kaganapang outreach ng ahensya para mabigyan
ng access ang mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan sa
mga gumagawa ng desisyon sa EPA.

•	Magbubuo at magsasakatuparan ng mga patakaran at pamamaraan para maitaguyod ang
paggamit ng mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan at
papantayin ang larangan sa pagitan ng kasalukuyang mga contractor at mga bagong
kumpanya, tulad ng paggamit ng "anonymous [di-nagpakilala]" na mga pagsusuring teknikal;
pagpapalawak ng paggamit ng mga oral presentation; pagpapalawak sa saklaw ng pagiging
kwalipikado ayon sa nakaraang pagganap; at pag-aayos ng mga patakaran sa category
management.

•	Padadaliin ang programa sa pag-forecast ng pagbili, pagpaplano ng pagbili, at pagbubuo ng
mga kinakailangan para maalis ang kalabuan at maragdagan ang mga pagkakataon para sa
mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan.

•	Maglalaan ng tulong teknikal para padaliin ang makabuluhang pag-navigate ng proseso ng
pangongontrata ng pamahalaang federal sa loob at sa labas.

Inuna na ng EPA ang mga hakbang na ito dahil madaling isakatuparan, sukatin, at may
tuwirang epekto ang mga ito sa pagbabawas sa mga hadlang.

Pagsubaybay sa Ating Progreso

Susubaybayan ng EPA ang progreso sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga hakbang para sa
sumusunod na mga factor/area:

•	Higit na pagganap laban sa mga mithiin ng maliliit na negosyong di-gaanong kanais-nais ang
sitwasyon sa lipunan at ekonomiya. Sa FY2022-2026 Strategic Plan, nagtatag ang EPA ng
isang LTPG (hanggang 2026) ng paggawad ng 4% ng ginagastos ng EPA sa pangongontrata sa
maliliit na negosyo sa Historically Underutilized Business Zones (HUBZones) kumpara sa
karaniwang taunang baseline noong FY2018-FY2020 na 2.2%.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	Higit na pag-iiba-iba ng vendor base ng EPA sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga
kontrata nito sa "mga bagong entrant" (mga vendor na hindi pa nagkaroon kailanman ng
malaking kontrata sa EPA), maliliit na negosyong di-gaanong kanais-nais ang sitwasyon sa
lipunan at ekonomiya, at mga MSI. Sa FY2022, gagawa ng isang mekanismo ang EPA para
makuha ang datos na nauugnay sa hakbang na ito at magtatatag ng isang baseline. Sa FY2023,
magsasakatuparan ng taunang mga target ang para maiba-iba ang vendor base nito para sa
FY2023-2027. Susukatin nito ang progreso ng ahensya sa paglutas sa mga hadlang sa nakaraang
pagganap at kasalukuyang mga vendor na tinukoy sa itaas.

•	Higit na pakikipag-ugnayan (kabilang na ang tulong teknikal) sa maliliit na negosyong di-
gaanong kanais-nais ang sitwasyon sa lipunan at ekonomiya at mga MSI ng mga tanggapan
sa programa ng EPA at mga tanggapan ng mga kontratista. Sa FY2022, maglalagay ng
baseline ang EPA sa mga aktibidad nito sa pakikipag-ugnayan sa mga populasyong
pinakaapektado ng hadlang na ito. Sa FY2023, tutukuyin at isasakatuparan ng EPA ang mga
taunang target para sa mga aktibidad sa pakikipag-ugnayan at tulong teknikal para sa mga
tanggapan sa programa, rehiyon, at tanggapan ng mga kontratista, kabilang na ang paglahok
ng mga gumagawa ng desisyon sa EPA para sa FY2023-2027.

Susukatin ng EPA ang pangmatagalang tagumpay bilang tagapagtatag ng mga factor at aktibidad
na ito na nauugnay sa pagkakamit ng mga ito sa kultura ng negosyo sa ahensya.

Pagtiyak sa Pananagutan

Ang ipinanukalang mga hakbang na ito ay nakaayon sa Cross-Agency Strategy 3, "Advance EPA's
Organizational Excellence and Workforce Equity," sa FY2022-2026 Strategic Plan ng EPA. Ang
cross-agency strategy na ito ay naghahangad na pagyamanin ang isang workforce na iba-iba,
pantay-pantay, at kasali ang lahat sa loob ng isang epektibong workplace na nahihikayat ng
misyon. Ang EPA ay mananagot sa mga nangyayari at mag-uulat sa Kongreso at publiko tungkol sa
mga mithiin at layuning nakapaloob sa strategic plan.

Para lalo pang mapatibay ang pananagutan ng mga senior manager sa mga antas ng SES at GS,
layon ng EPA na magsama ng mga pamantayan sa kanilang mga piano sa pagganap para sa
pagpapasimula o paglahok sa mga pagkakataong makipag-ugnayan sa mga negosyong di-gaanong
napaglilingkuran at walang gaanong kinatawan. Pasisimulan din ng EPA ang "Procurement Equity
Forums" para magbigay ng mga pagkakataong makipag-ugnayan, makinig, at magbahagi ng
kakayahan sa negosyo at bigyan ang mga negosyong di-gaanong napaglilingkuran at walang
gaanong kinatawan ng mga update tungkol sa progreso ng pagkakapantay-pantay sa pagpili ng
magseserbisyo ng EPA. Panghuli, gagawa ang EPA ng isang "Procurement Equity Dashboard" para
subaybayan ang aiming progreso kada tatlong buwan laban sa tatlong hakbang na binanggit sa
itaas.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
BUOD NC NAUNANC MCA TACUMPAY

(HANGGANG ENERO 20, 2022)

Bagama't natukoy ng EPA ang anim na priority action bilang mga layuning may kinabukasan,
sinisikap na ng ahensya sa Simula pa lang ng panunungkulan ni Administrator Regan na isulong ang
pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at pagsunod sa panlabas na mga karapatang
sibil. itinatampok namin sa ibaba ang kaunting progresong nagawa sa ilalim ng bawat priority
action hanggang sa ngayon. Dagdag pa riyan, binalangkas ni Administrator Regan ang trabaho ng
EPA sa katarungang pangkapaligiran bilang tugon sa partikular na mga tanong mula sa NEJAC. Ang
liham ng Administrator sa NEJAC, na may petsang Oktubre 29, 2021, ay available sa website ng
EPA.26 ~

Noong Nobyembre 2021, sinimulan ni Administrator Regan ang "Journey to Justice" tour,
naglakbay sa Mississippi, Louisiana, at Texas para itanghal ang matatagal nang problema sa
katarungang pangkapaligiran sa mga komunidad na di-gaanong pinapansin sa kasaysayan at
makarinig mismo mula sa mga residenteng nakakaranas sa mga epekto ng polusyon. Sa buong
paglilibot, itinampok ng Administrator ang mga pakinabang ng Bipartisan Infrastructure Law ni
Pangulong Biden at ang agenda ng Build Back Better, na nakatuon sa mga makasaysayang
pamumuhunan sa imprastraktura ng tubig, Superfund, Brownfields, and in air quality
improvements that will lead to lasting public health protections in communities that need them
most.

Priority Action #1: Magbuo ng isang komprehensibong balangkas sa
pagsasaalang-alang sa pinagsama-samang mga epekto sa nauugnay na
mga desisyon ng EPA at paganahin ang balangkas na iyon sa mga
programa at aktibidad ng EPA.

•	Kikilalanin sa balangkas na ang mga diskarte sa pagsasama ng mga pinagsama-samang epekto
sa paggawa ng desisyon ay magiging akma sa layunin. Para magawa ito, nangako ang External
Civil Rights Compliance Office na maglabas ng patnubay sa pagsusuri sa pagkakaiba-iba ng
epekto sa FY2022, na kabibilangan ng pagsasama ng pagsusuri sa pagkakaiba-iba ng epekto sa
ilalim ng batas sa mga karapatang sibil.

•	Noong 2021, nagdaos ang Office of Research and Development (ORD) ng EPA ng mga sesyon sa
pakikinig sa estado at Tribo tungkol sa pagtatasa sa pinagsama-samang mga epekto. Ang mga
sesyong ito sa pakikinig ay nagsilbing patibay sa kahalagahan ng pagtatasa sa pinagsama-
samang mga epekto sa mga estado, Tribo, at komunidad para malutas ang katarungang
pangkapaligiran at matukoy ang natitirang mga hamon sa pagsasama ng mga kahinaan dahil sa
pinagsama-samang mga epekto sa paggawa ng desisyon tungkol sa kapaligiran. Inulit sa mga
sesyon sa pakikinig ang mga rekomendasyon mula sa NEJAC, WHEJAC, at Board of Scientific
Counselors ng ORD na nasimulan nang isakatuparan ng EPA.

•	Nagtatag ang EPA ng isang Community of Practice sa sa pagsasama ng katarungang
pangkapaligiran at mga karapatang sibil sa pagbibigay ng permit.

26 See https://www.epa.gov/svstem/files/dociiments/2021-ll/neiac-10Q-dav-letter-fmal-signed.pdf.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Priority Action #2: Bigyan ng kakayahan ang mga komunidad na di-
gaanong napaglilingkuran na ilaan ang kanilang karanasan sa EPA at
magsakatuparan ng mga proyektong pinamumunuan ng komunidad.

•	Sa buong taon ng 2021, ginawaran ng EPA ng mas malaking pondo sa grant ang mga
organisasyon sa komunidad, Tribo at mga organisasyon ng mga katutubo, at iba pang mga
partner kaysa kabuuan ng iginawad nito sa nakaraang dekada.

•	Inuna na ng EPA ang malalaking bahagi ng pondo ng American Rescue Plan Act para magbigay
ng tulong teknikal at kakayahang gumawa ng mga pagkakataon nang direkta sa mga
komunidad at sa kanilang mga lokal na partner, tulad ng karagdagang Brownfields resources,
pondo para sa mga komunidad ng enerhiya sa Appalachia, at iba pang mas partikular na mga
programa sa pagtulong na nakatuon sa pagsuporta sa katatagan ng komunidad na tumugon sa
mga isyu sa pagbabago ng klima tulad ng mga wildfire at matitinding init.

•	Napasimulan nang buuin ng EPA ang mga nagtatrabahong grupo sa regional NEJAC para sa
lahat ng sampung tanggapan upang matiyak ang mas mahabang relasyon sa pagbubuo at
feedback tungkol sa mga pagsisikap sa prayoridad habang isinasakatuparan ng EPA ang mga
aktibidad sa pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga karapatang sibil.

•	Napasimulan na ng EPA ang mga panawagang makipag-ugnayan ng EJ sa buong bansa para
maghandog ng regular na lugar para regular na makatanggap ang mga komunidad at mga
partner nito ng impormasyon at mga update tungkol sa mga priority action, partikular na ang
mga pagsisikap na isakatuparan ang Justice40, at magbigay ng feedback nang direkta sa
pamunuan at mga tauhan ng EPA. Mula Agosto 31-Disyembre 7, 2021, nagpasimula ang EPA ng
walong gayong panawagan sa mahigit 2,700 kalahok.

•	Nagsasakatuparan ang EPA ng tatlong mahalagang programa sa imprastraktura ng tubig bilang
mga pilot para sa maagang hakbang sa ilalim ng Inisyatibong Justice40 sa ilalim ni Pangulong
Biden. Ang mga programang ito ay kumakatawan sa mahigit 30% ng budget ng ahensya: Ang
Clean Water SRF, ang Drinking Water SRF, at ang Pagbabawas ng Tingga sa Iniinom na Tubig
ay naggagawad ng programa sa ilalim ng WIIN Act.

•	Noong Disyembre 17, 2021, ipinahayag ng EPA ang $1 bilyong pamumuhunan mula sa
Bipartisan Infrastructure Law para pasimulan ang paglilinis at paghahawan ng backlog ng 49
naunang di-pinondohang mga lugar ng Superfund at pinabilis ang paglilinis sa maraming iba
pang lugar sa buong bansa.

Priority Action #3: Paunlarin ang kakayahan ng mga tauhan ng EPA na iugnay
ang mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran at magsakatuparan
ng malinaw at responsableng mga proseso para kumilos batay sa
impormasyong ibinibigay ng mga komunidad.

•	Sa unang pagkakataon, isasama ng EPA ang pagsunod sa pagkakapantay-pantay, katarungang
pangkapaligiran, at mga karapatang sibil bilang isang malinaw at buod na mithiin ng multiyear
strategic plan ng EPA. Hindi na iiwanan ang trabaho ng ahensya na isulong ang katarungan at
mamuhay ayon sa mga responsibilidad ng karapatang sibil nito sa labas ng pundasyon ng mga
dokumento sa pagpaplano ng EPA.

•	Noong 2021, naglabas ang Office of Enforcement and Compliance Assurance ng EPA ng apat na
memorandum na nag-uutos ng panibagong tuon sa katarungang pangkapaligiran sa lahat ng
aktibidad sa pagpapatupad ng EPA na may kaparehong direksyon para sa mga tauhang
nagpapatupad na regular na makipag-ugnayan sa mga komunidad na may mga problema sa

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
katarungang pangkapaligiran bilang regular na bahagi ng pagsasakatuparan ng programa.
(Tingnan ang Appendix para sa iba pang detalye)

•	Noong Disyembre 2021, inutusan ni Deputy Administrator McCabe ang National Program
Managers ng EPA na isama ang pagkakapantay-pantay, katarungang pangkapaligiran, at mga
karapatang sibil sa kanilang mga dokumento ng patnubay sa pambansang programa para sa
2022, alinsunod sa Goal 2 ng FY2022-2026 Strategic Plan.

•	Noong Enero 2022, inilabas ng Office of Land and Emergency Management ng EPA ang isang
draft Environmental Justice Action Plan para sa komento ng publiko na bumabanggit kung
paano lulutasin ng tanggapan ang mga isyu sa paglilinis sa mga komunidad na sobra ang
pasanin sa ilang programa.

Priority Action #4: Patatagin ang programa sa pagsunod sa panlabas na mga
karapatang sibil ng EPA at tiyakin na ang pagsunod sa mga karapatang sibil
ay isang responsibilidad ng buong ahensya.

•	Noong Marso at Hunyo 2021, naglabas ang EPA ng dalawang Preliminary Findings of Non-
Compliance sa mga ahensyang tumatanggap na walang nakaplanong kinakailangang mga
programa na walang diskriminasyon, tulad ng mga pag-iingat sa pamamaraan at mga programa
at patakaran para matiyak ang makabuluhang pag-access para sa mga taong may LEP at mga
taong may mga kapansanan.

•	Noong Oktubre 27, 2021, idinaos ng EPA ang pinakauna nitong sesyon sa pakikinig sa publiko
tungkol sa pagpapatupad ng mga karapatang sibil at narinig ang input mula sa mahigit 200
stakeholder.

•	Noong Setyembre 20, 2021, nagpadala ang EPA ng isang detalyadong tugon sa Office of
Inspector General ng EPA, na nagpalabas ng mga problema tungkol sa pagsasakatuparan ng
EPA sa Title VI sa isang ulat noong 2020. Sa tugong iyon, nangako ang EPA sa ilang partikular
na hakbang na patatagin ang programang ito sa EPA. Ang tugon ng EPA ay available nang
buung-buo sa website nito.27

Priority Action #5: Isama ang community science sa pagsasaliksik at
pagsasakatuparan ng programa ng EPA.

•	Noong Oktubre 2, 2021, ipinahayag ng EPA ang 47 miyembro sa Science Advisory Board ng
ahensya, kabilang na ang mga miyembro ng kauna-unahang Environmental Justice Science
Committee.

•	Noong Hulyo 6, 2021, kumonsulta ang Office of Research and Development (ORD) ng EPA sa
Board of Scientific Counselors (BOSC) at sa mga stakeholder sa komunidad para talakayin ang
mga posibleng paraan para higit na maisama ang community science sa 2023-2026 Strategic
Research Action Plan ng EPA at tulungan ang ORD na maitakda ang agenda nito sa
pagsasaliksik at pag-unlad. Dagdag pa riyan, nagdaos ng ORD ng isang serye ng mga workshop
sa ibang mga tanggapan sa loob ng ahensya at iba pang mahahalagang stakeholder para
talakayin ang mga ideya kung paano paunlarin ang mga proyekto sa community science sa
iba't ibang programa ng pagsasaliksik sa buong bansa. Pinaninibago at inaayos ng EPA ang
BOSC, kabilang na ang paglikha ng isang Social and Community Science Subcommittee para
magbigay ng payo tungkol sa mga prayoridad na ito sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng
pagsasaliksik.

Tingnan sa https://www.epa.gov/svstem/files/documents/2021-10/ epaoig 20-e-0333 agency response2.pdf

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
•	Noong Disyembre 2021, inilunsad ng Office of Air and Radiation ng EPA ang $20 milyong
kumpetisyon sa grant na nangangailangan ng mga panukala sa pangangasiwa ng pagsubaybay
sa mga nagsasanhi ng mga pinakamalalang polusyon sa mga komunidad na may mga
pagkakaiba-iba ng resulta sa kalusugan. Ang layunin ng EPA sa paglalabas ng mga gawad na ito
ay para bigyang-kakayahan ang mga komunidad na subaybayan ang sarili nilang kalidad ng
hangin at itaguyod ang pagsubaybay sa mga partnership sa pagitan ng mga komunidad at mga
pamahalaang Tribo, estado, at lokal.

Priority Action #6: Gawing mas pantay-pantay ang pagbiii ng gamit at
pangongontrata ng EPA.

Batay sa probisyonal na datos sa pagpili ng pamahalaang federal para sa FY2021 na tatapusin sa

loob ng susunod na ilang buwan:

•	Iginawad ng EPA ang mahigit 44% o $679 milyon sa kontrata sa maliliit na negosyo, na lagpas-
lagpas pa sa pinagkasunduang mithiin ng ahensya na 37% at sa mithiin ng buong pamahalaan
na 23%. Ang tagumpay na ito sa mithiin ay kumakatawan sa $86 milyong dagdag mula noong
nakaraang fiscal year.

•	Gayundin, sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ahensya, nalagpasan ng EPA ang lahat ng
lima sa nakatalagang mga mithiin sa ekonomiya at lipunan ayon sa batas, kabilang na ang
hindi pa nagkakatotoong mithiing 3% para sa maliliit na negosyo na nasa Historically
Underutilized Business Zones (HUBZones).

•	Iginawad ng EPA ang pinakamataas na porsiyento ng dolyar sa 4 sa 5 kategorya ng maliliit na
negosyo sa loob ng mahigit isang dekada.

E O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
30

Appendix 1:

Karagdagang mga Piano at Estratehiya ng EPA na Unahin ang
Pagsunod sa Pagkakapantay-pantay, Katarungang Pangkapaligiran,
at mga Karapatang Sibil na Panlabas sa mga Programa, Patakaran, at

Proseso Nito

Dagdag pa sa anim na priority action na nakadetalye sa equity action plan na ito, naglabas na ang
EPA ng ilang karagdagang piano at estratehiya para magkaroon ng pagkakapantay-pantay at
katarungang pangkapaligiran sa mga programa, patakaran, at proseso nito. Ito ang kasalukuyan
hanggang Enero 20, 2022.

Pagpapatupad at Pagsunod sa mga Direktiba tungkol sa Kapaligiran

Nakaayon sa mandato sa Executive Order 14008, inutusan ni Administrator Regan ang Office of
Enforcement and Compliance Assurance (OECA) na "patatagin ang pagpapatupad sa mga paglabag
sa kapaligiran na may di-timbang na epekto sa mga komunidad na di-gaanong napaglilingkuran."
Bilang tugon, naglabas ang OECA ng apat na direktiba:

•	Strengthening Enforcement in Communities with Environmental Justice Concerns (Abril 30,
2021).28 Hinggil sa pagpapatupad ng regulasyong sibil, ang memo na ito ay nag-uutos na
dagdagan ang dami ng mga inspeksyon sa pasilidad sa mga komunidad na sobra ang pasanin,
mga pagpapabuti sa mga remedyo, at pagdaragdag sa pakikipag-ugnayan sa komunidad.

•	Strengthening Environmental Justice through Criminal Enforcement (June 21, 2021).29 Inuutos
sa memo na ito na higit na tuklasin ang mga krimen sa kapaligiran sa mga komunidad na
lubhang nahihirapan sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga imbestigasyon at kaso,
pinagbuting pagtulong sa mga biktima ng krimen, at pinahusay na mga remedyong hangad sa
mga kaso ng krimen sa kapaligiran.

•	Strengthening Environmental Justice through Cleanup Enforcement Actions (Hulyo 1, 2021).30
Inuutos sa memo na ito utusan ng mga tauhan ng EPA sa pagpapatupad ang mga taong
responsable na maglinis nang maaga at kaagad, humingi ng mas malalaking instrumento sa
pagpapatupad, at dagdagan ang pangangasiwa sa paglilinis.

•	Using All Appropriate Injunctive Relief Tools in Civil Enforcement Settlements (Abril 26,
2021).31 Hinihikayat ng memo na ito ang paggamit ng lahat ng patakaran at legal na mga tool
para matiyak ang mga pakinabang sa mga apektadong indibiduwal at komunidad, kabilang na
ang mas maayos na pagsubaybay, mga audit, elektronikong pag-uulat, at pag-post ng datos sa
pagsunod.

28	Available sa https://www.epa.gov/sites/default/liles/2021-04/docimients/strengtheniiigenforcementiiicommunitieswitlieiconcems.pdf.

29	Available sa https://www.epa.gov/svsteni/files/docunients/2021-07/strengtheningeitliroughcriniinal062121.pdf.

30	Available sa https://www.epa.gov/svsteni/files/docunients/2021-07/strengtheningenviriustice-cleanupenfaction070121.pdf.

31	Available sa https://www.epa. gov/sites/default/files/2021 -
04/docunients/usingallappropriateiniunctiverelieftoolsincivilenforcenientsettlenient0426.pdf.

E.0. 13985 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
Mag-draft ng Estratehiya sa Pagbabawas ng mga Pagkalantad sa Tingga at
Pagkakaiba-iba sa mga Komunidad sa U.S.

Noong Oktubre 28, 2021, inilabas ng EPA ang draft ng Estratehiya sa Pagbabawas ng mga
Pagkalantad sa Tingga at Pagkakaiba-iba sa mga Komunidad sa U.S. para balangkasin ang lahat ng
piano ng EPAna patatagin ang mga proteksyon sa kalusugan ng publiko at lutasin ang pamanang
kontaminasyon sa tingga para sa mga komunidad na may pinakamatinding mga pagkalantad.32 Ang
EPA ay naghahanap ng mga komento ng publiko sa draft na ito ng estratehiya sa pamamagitan ng
isang public docket, pagpapasimula ng mga sesyon sa pakikinig, at pagtarget sa outreach sa mga
komunidad na mas napinsala sa mga pagkalantad sa tingga gayundin ang iba pang mahahalagang
grupo ng mga stakeholder, kabilang na ang mga Tribo, estado, teritoryo, pamahalaang lokal,
organisasyong hindi pag-aari ng pamahalaan, at industriya. Para mabigyan ng access ang mga
taong may LEP, isinalin ng EPA ang draft ng estratehiya sa 10 iba't ibang wika at ipinost ang mga
iyon sa website ng EPA.

PFAS Strategic Roadmap: Mga Pangako ng EPA na Kumilos 2021 -2024

Noong Oktubre 18, 2021, inilabas ni EPA Administrator Regan ang PFAS Strategic Roadmap ng
ahensya, na nagbabalangkas sa diskarte ng buong ahensya sa paglutas sa PFAS.33 Ang roadmap ay
nagtatakda ng mga timeline kung saan ipinaplano ng EPA na gumawa ng partikular na mga
hakbang at nangangako ng mas matapang na mga bagong patakaran para ingatan ang kalusugan
ng publiko, protektahan ang kapaligiran, at panagutin ang mga nagsasanhi ng polusyon. Sisikapin
ng EPA na maunawaan ang mga hamong kinakaharap ng mga indibiduwal at komunidad na
nahihirapan sa kontaminasyon ng PFAS para maunawaan ang kanilang mga naranasan at matukoy
ang pinakaepektibong mga interbensyon. Tulad ng inirekomenda ng NEJAC, kakausapin ng EPA
ang mga apektadong komunidad sa bawat EPA Region para marinig kung paano nakakaapekto ang
kontaminasyon ng PFAS sa kanilang buhay at kabuhayan. Gagamitin ng EPA ang kaalamang
natamo sa mga pakikipag-ugnayang ito para ipaalam ang pagsasakatuparan ng mga hakbang na
nakalarawan sa roadmap. Ang PFAS Strategic Roadmap ay available na sa Espanyol at isinasalin sa
iba pang mga wika para mabigyan ng access ang mga taong may LEP.

Piano ng EPA para sa Pagsasakatuparan ng mga Patakaran at Direktiba ng
E.O. 13175: Konsultasyon at Koordinasyon sa mga Pamahalaan ng mga Tribo
ng mga Indian

Ang EPA ay nangangakong igalang ang kapangyarihan ng Tribo kabilang na ang mga tinig ng mga
Tribo sa mga deliberasyon sa patakaran, tulad na sinasabi sa memorandun ni Pangulong Biden
noong Enero 26, 2021, tungkol sa mga relasyong Bansa-sa-Bansa sa American Indian at Alaska
Native Tribal Nations. Ang EPA ay may mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan at
konsultasyon sa mga pamahalaang Tribo. Noong 2011, kasama ito sa unang mga ahensyan ng
pamahalaang federal na naglabas ng isang patakaran sa konsultasyon sa Tribo, at sa loob ng 10
taon mula nang ilabas ang patakaran nakapagdaos na ang EPA ng mahigit 680 konsultasyon sa
Tribo. Ang patuloy na pagsasakatuparan ng Consultation Policy ng EPA ay nananatiling
nangungunang prayoridad para sa ahensya habang sinisikap ng EPA na matuto mula sa mga
nakaraang konsultasyon at patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa Indian Tribes na kinikilala ng
pamahalaang federal. Ang planong ito, na nakabatay sa umiiral na mga patakaran at gawi ng EPA,

32	U.S. EPA, Estratehiya sa Pagbabawas ng mga Pagkalantad sa Tingga at mga Pagkakaiba-iba sa mga Komunidad sa U.S., Oktubre 28,2021,
https://www.epa.gov/lead/draft-strategy-reduce-lead-exposures-and-disparities-us-commimities.

33	U.S. EPA, PFAS Strategic Roadmap: Mga Pangako ngEPA na Kumilos 2021-2024, Oktubre 2021, https://www.epa.gov/pfas/pfas-strategic-
roadmap-epas-commitments-action-2021-2024.

E.O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------
32

ay tumutukoy sa mga hakbang ng ahensya na ginagawa sa kasalukuyan at gagawin sa hinaharap
para matugunan ang mga direktiba ng Executive Order 13175 at mapaunlad at mapalakas ang
mga patakaran at gawi nito sa konsultasyon.34

Office of Water Action Plan: Pagpapatatag sa Relasyong Bansa-sa-Bansa sa
mga Tribo para Masiguro ang Tuluy-Tuloy na Tubig sa Hinaharap

Noong Oktubre 14, 2021, inilabas ng EPA ang isang action plan para patatagin ang partnership ng
ahensya sa mga Tribo at Alaska Native Villages tungkol sa mga isyu sa tubig. Ang action plan ay
nakatuong sa pagtataguyod ng malaking koordinasyon at makabuluhang konsultasyon sa mga
bansang Tribo; pagpapatatag at pagpapalawak ng pamamahala sa tubig sa bansang Indian;
pagdaragdag ng pondo sa imprastraktura at pagpapaunlad ng kakayahan; at paggalang sa
responsibilidad na pagtitiwala ng pamahalaang federal at pagprotekta sa mga karapatang
nakalaan sa Tribo na nauugnay sa resources ng tubig.35

Office of Land and Emergency Management Environmental Justice
Action Plan

Noong Enero 5, 2022, naglabas ang Office of Land and Emergency Management (OLEM) ng EPA ng
isang draft Environmental Justice Action Plan para sa komento ng publiko.36 Ang draft plan na ito
ay sumasaklaw sa mga proyekto at aktibidad na nilayong lutasin ang mga isyu sa paglilinis sa
lupain sa mga komunidad na lubhang nahihirapan sa ilang programa, kabilang na ang Superfund,
Brownfields, Emergency Response, Solid Waste Management and Corrective Action, at
Underground Storage Tanks. Ibinabalangkas sa draft plan ang mga estratehiya para pagandahin
ang halos dalawang dosenang proyekto habang nilulutas ang pangangailangan sa mas matinding
pagsunod, dagdag na mga konsiderasyon sa katarungang pangkapaligiran sa mga regulasyon ng
EPA, at pinaghuay na pakikipag-ugnayan sa komunidad.

U.S. EPA, Piano ng EPA sa Pagsasakatuparan ng mga Patakaran at Direktiba ng E.O. 13175: Consultation & Coordination with Indian Tribal
Governments, https://www.epa.gov/tribal/epa-plaii-implementiiig-policies-aiid-directives-eo-13175-consultation-coordination-iiidian.

Office of Water, Pagpapatatag sa Relasyong Bansa-sa-Bansa sa mga Tribo para Masiguro ang Tuluy-tuloy na Tubig sa Hinaharap, Oktubre
2021, littps://www.epa.gov/svstem/files/documents/2021-10/2021-ow-tribal-action-plan 508 O.pdf.

Office of Land and Emergency Management, Draft EJ Action Plan: Building Up Environmental Justice in EPA's Land Protection and Cleanup
Programs, Enero 5, 2020, https://www.epa.gov/aboutepa/draft-environniental-iustice-action-plan-epas-land-protection-and-cleanup-progranis.

E.O. 1398 5 EQUITY ACTION PLAN: U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY


-------

-------