FACT SHEET

Ang Mungkahi ng EPA na Limitahan ang PFAS sa
Iniinom na Tubig

Marso 2023

Tayo ay umaasa sa tubig sa sandaling tayo ay nagising at nagtimpla ng kape hanggang sa gabi na tayo ay nagsisipilyo. Ang
bawat isa ay dapat may access sa malinis at ligtas na iniinom na tubig. Ito ang dahilan kung bakit ang U.S. Environmental
Protection Agency (EPA) ay nagsasagawa ng mahalagang hakbang para protektahan ang pampublikong kalusugan sa
pamamagitan ng pagmumungkahi na magtatag ng isang legal na mapapatupad na mga level para sa anim na PFAS na kilalang
magaganap sa iniinom na tubig, na nagsasakatuparan sa saligang pangako sa PFAS Strategic Roadmap ng Agency. Sa
pamamagitan ng namungkahing tuntunin na ito, ang EPA ay nakikinabang sa pinakahuling science at pagtatatag sa
kasalukuyang pagsisikap ng estado upang limitahan ang PFAS at makapagkaloob ng pambansa at nagbibigay proteksyon sa
kalusugan na standard para sa mga tiyak na PFAS na ito sa iniinom na tubig.

Ano ang mga kemikal na PFAS at bakit nakikita ito sa ating iniinom na tubig?

Ang PFAS ay isang kategorya ng manufactured na kemikal na ginamit sa industriya at mga consumer product mula pa noong
1940. Ang PFAS ay may mga katangian na nakakatulong sa iba't ibang mga produkto, kasama ang nonstick cookware,
waterproof na damit, at panlaban sa apoy na foam, at pati na rin sa ibang mga proseso sa manufacturing.

Ang mga tao ay maaaring malantad sa PFAS sa iba't ibang paraan. Kapag ang kanilang iniinom na tubig ay nakontamina ng
PFAS, maaaring ito ay isang mahalagang bahagi ng total na pagkakalantad sa PFAS na taong iyon. Ang pagkakalantad sa PFAS
sa loob ng matagal na panahon, at habang may ilang mga kritikal na pagbabago sa buhay, tulad ng pagbubuntis at sa mga
lumalaking mga sanggol, ay maaaring magresulta sa mga negatibong epekto sa kalusugan.

Ang PFAS ay maaaring mahalo sa kapaligiran sa pamamagitan ng maraming iba't ibang mga pinagmumulan, at dahil may
gawi ang mga ito na mawatak ng dahan-dahan sa kapaligiran, ang PFAS ay maaaring makaabot sa mga pinagkukuhanan ng
tubig na inaasahan ng maraming mga komunidad para sa iniinom na tubig. Ang pagbabawas sa PFAS sa iniinom na tubig ay
nakakatulong na mabawasan ang mga panganib ng PFAS sa kalusugan.

Ano ang ginagawa ng EPA para gawing ligtas ang ating iniinom na tubig?

Ang EPA ay nagsasagawa ng pangunahing hakbang para protektahan ang pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng
pagmumungkahi ng National Primary Drinking Water Regulation (NPDWR)para matatag ang legal na naipapatupad na level,
na tinatawag na Maximum Contaminant Levels (MCLs), para sa anim na PFAS na nakilalang nakikita sa iniinom na tubig. Ang
anim na PFAS ay ang PFOA, PFOS, PFNA, PFHxS, PFBS, at GenX Chemicals.

Ang MCL ay nagpoprotekta sa kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagtatakda ng maximum level ng contaminant na
pinapahintulutan sa iniinom na tubig na maaaring madala sa mga gumagamit ng pampublikong sistema ng tubig. Dagdag pa
dito, iminumungkahi ng EPA ang batay sa kalusugan, hindi mapapatupad na Maximum Contaminant Level Goals (MCLGs)
para sa anim na PFAS na ito. Ang MCLG ay ang maximum level ng contaminant sa iniinom na tubig kung saan walang kilala o
inaasahang negatibong epekto sa kalusugan ng indibiduwal, na magpapahintulot sa isang palugit para sa kaligtasan.

Ano ang mga level na iminumungkahi ng EPA at ano ang kailangang gawin ng iba pang mga sistema ng tubig?

Partikular na dito, mungkahi ng EPA:

•	Ang isang mapapatupad na MCL para sa PFOA at PFOS. Mungkahi ng EPA na bigyang regulasyon ang PFOA at
PFOS sa isang level na maaaring masukat, kung saan 4 na parte kada trillion (4.0 nanograms/Liter).

•	Ang isang mapapatupad na limitasyon sa kombinasyon ng PFNA, PFHXs, PFBS, at GenX Chemicals. Ang
namungkahing tuntunin ay magpapataw rin ng mga limitasyon sa anumang mixture na naglalaman ng isa o higit
pang PFNA, PFHxS, PFBS, at/o GenX

x>EPA

Pahina 1


-------
Chemicals. Para sa mga PFAS na ito, ang mga sistema ng tubig ay gagamit ng naitatag nang pamamaraan na
tinatawag na hazard index calculation, na ipinapaliwanag sa namungkahing tuntunin at inilalarawan sa huling bahagi
ng dokumentong ito, para matiyak kung ang pinagsamang mga level nitong PFAS ay may posibleng panganib. Ang
pamamaraan na ito ay nagpoprotekta sa mga komunidad mula sa mga karagdagang epekto ng maraming mga PFAS
kapag sama-samang nangyari.

•	Pagbabantay: Mungkahi ng EPA ang mga kahilingan para bantayan ang anim na PFAS na batayan ng matagal nang
naitatag na mga balangkas sa pagbabantay ng EPA kung saan ang kadalasan ng pagbabantay ay depende sa mga
nakaraang resulta. Ang mungkahing ito ay may kasama ring kaangkupan na nagpapahintulot sa mga sistema na
gumamit ng dati nang nakolektang data para masiyahen ang paunang mga requirement sa pagbabantay.

•	Abiso sa publiko. Ang pampublikong sistema ng tubig ay kailangan rin para abisuhan ang publiko kung
matuklasan sa pagbabantay na ang mga PFAS na ito ay nasa mga level na higit pa sa namungkahing regulatory
standard.

•	Paggagamot. Ang mga sistema ng pampublikong tubig ay kailangang kumilos para mabawasan ang mga level ng
mga PFAS na ito sa iniinom na tubig kung humigit sa namungkahing regulatory standard. Maaaring kabilang dito
ang pag-aalis ng mga kemikal na ito sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng paggagamot o paglipat sa ibang
alternatibong supply ng tubig na nakakatugon sa pamantayan.

May available ba na mga teknolohiya ba sa pagsusuri at paggagamot para maalis ang anim na PFAS na ito?

May mga available na teknolohiya para mabantayan at gamutin ang anim na PFAS na ito. Ang mga teknolohiya na
kayang bawasan ang PFAS sa iniinom na tubig ay kinabibilangan ng granular activated carbon (GAC), anion exchange
resins (AIX), reverse osmosis (RO), at nanofiltration (NF).

Ano ang kahulugan ng proposal na ito?

Kapag nakumpleto na, hihilingin sa ilalim ng namungkahing regulasyon mula s amga pampublikong water system na
bantayan ang mga kemikal na ito. Hihilingin nito mula sa mga sistema na bigyang abiso ang publiko at bawasan ang mga
level ng mga PFAS na ito kung ang mga level ay humigit sa namungkahin mga regulatory standard. Inaasahan ng EPA na
lumaon, kung ganap na mapatupad, ang tuntunin ay magbabawasa sa libo-libong PFAS-na nauugnay sa mga sakit at
kamatayan.

Ang mungkahing ito ay hindi nangangailangan ng anumang kilos sa mga sistema ng iniinom na tubig hangga't ang tuntunin ay
natapos, at ang mga sistema ng tubig ay hihilingin na tumugon sa mga MCL makalipas na may tiyak na takdang panahon sa
pagpapatupad. Inaasahan ng EPA ang pagkukumpleto sa tuntunin sa pagtatapos ng 2023.

Input ng publiko sa mungkahi

Malugod na tinatanggap ng EPA ang input ng publiko bilang parte ng regulatory development process. Ang publiko ay
inaanyayahan na balikan ang mungkahi at sa nagbibigay suporta na impormasyon. Ang mga komento ay maaaring ibigay sa
public docket na nauugnay sa pagtatakda ng tuntunin na ito sa regulations.gov, na matitiyak ayon sa Docket ID Number:
EPA-HQ-OW-2022-0114. Ang mga komento ay dapat maisumite sa public docket habang isinasagawa ang 60 araw na
takdang panahon para makapagbigay ng komento ang publiko.

Ikokonsidera ng EPA ang lahat ng pampublikong komento sa pagbibigay impormasyon sa development ng kumpletong
regulasyon. Para sa karagdagang impormasyon at mga instruksyon kung paano magsumite ng input sa public docket,
magpunta sa: www.epa.gov/dockets/commenting-epa- dockets. Ang EPA ay magsasagawa rin ng virtual na pampublikong
pagdinig sa Mayo 4, 2023 kung saan inaanyayahan ang publiko na magbigay sa EPA ng mga verbal na komento. Para sa
karagdagang impormasyon sa pampublikong pagdinig at kung paano makakapagkaloob sa EPA ng verbal at nakasulat na mga
komento, mangyaring magpunta sa: www.epa.gov/sdwa/and-polvfluoroalkvl-substances-pfas.

May pondo bang available?

Ang pagbabawas sa PFAS sa iniinom na tuig ay marahil na hihiling ng mga pamumuhunan sa imprastraktura sa tubig. Salamat sa
Presidente

Ang pamumuno ni Biden at ang bipartisan na pagkilos sa Kongreso, wala pang nangyari kahit kailan ng Bipartisan Infrastructure Law
$9 billion para mapuhunan sa mga sistema ng iniinom na tubig na naaapektuhan ng PFAS at iba pang mga lumalabas na
contaminant. Tinitiyak ng EPA na ang mga estado, mga Tribe, at mga komunidad na ang kanilang patas na bahagi nitong
puhunan para sa imprastraktura sa tubig—

Pahina 2


-------
lalo na sa mga lubos na hirap na mga komunidad. Kabilang sa mga pondong ito ang:

•	$4 billion na pumumuhunan sa pamamagitan ng Drinking Water State Revolving Funds, kasama ang isang
requirement na kung saan naglalaan ang mga estado ng 25% ng mga dulugan na ito para sa mga naghihirap na
komuniadd o sistema ng pampublikong tubig na naglilingkod sa mas kaunti sa 25,000 mga tao.

•	$5 billion sa mga komunidad bilang mga grant sa pamamagitan ng bagong Emerging Contaminants in Small or
Disadvantaged Communities (EC-SDC) Grant Program ng EPA. Ang programang ito ay magtataguyod ng access sa
ligtas at malinis na tubig sa maliliit, rural, at nadedehadang mga komunidad habang sinusuportahan rin ang mga
lokal na ekonomiya. Noong Pebrero 2023, ipinahayag ng EPA ang pagiging available ng unang $2 bilyon ng
pagpopondong ito.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpopondo sa Bipartisan Infrastructure Law, bumisita sa: www.epa.gov/infrastructure.
Paano kung ako ay nababahala sa PFA sa aking iniinom na tubig?

Kung nakukuha mo ang iyong tubig mula sa sistema ng iniinom na tubig, makipag-ugnayan sa iyong lokal na water utility
para malaman kung paano nila natutugunan ang PFAS at hilingin rin mula sa kanila na suriin ang tubig para sa PFAS o
magbahagi ng impormasyon sa iyo kung nasuri na nila ang tubig. Ang ilang mga pampublikong sistema ng iniinom na tubig ay
maaaring walang ganitong impormasyon. Kung piliin mong ikaw mismo ang sumuri sa tubig, mahalagang gamitin ang may
sertipiko mula sa estado na laboratoryo gamit ang pagsusuri na na-develop ng EPA

na mga paraan. Tiyakin sa programa sa iniinom na tubig sa iyong estado para makita kung sila ay may ipinalabas na patnubay
o mga pamantayan para sa PFAS sa iyong estado at ano ang mga kilos na inirerekumenda nila o kailangan nila kapag may
kontaminasyon ng PFAS. Kung ang iyong estado ay walang mga pamantayan o patnubay para sa PFAS basahin ang Health
Advisory levels ng EPA para sa ilang partikular na PFAS para makuha ang payo ng EPA hinggil sa mga PFAS sa iniinom na
tubig. Maaari mo rin ikonsidera ang pagkakabit ng water treatment sa bahay (hal. mga filter) na may sertipiko upang
mapababa ang mga level ng PFAS sa iyong tubig. Alamin ang tungkol sa certified na in-home water treatment filters.

Upang lubos pang matutunan ang tungkol sa PFAS at mga hakbang na maaaring magawa para mabawasan ang mga
panganib: www.epa.gov/pfas/meaningful-and- achievable-steps-vou-can-take-reduce-vour-risk

Ano ang kahulugan ng namungkahing regulasyon na ito para sa mga sambahayan ng mga pribadong balon
(well)?

Habang ang Safe Drinking Water Act ay hindi nagbibigay regulasyon sa mga pribadong well at ang namungkahing tuntunin na
ito ay hindi nagtatakda ng anumang mga requirement o pamantayan para sa mga may-ari ng pribadong balon, nauunawaan
ng EPA na ang mga taong gumagamit ng tubig na galing sa mga pribadong balon ay maaaring mag-alala sa kontaminasyon ng
kanilang iniinom na tubig laban sa PFAS o iba pang mga contaminant. Ang EPA ay mayroon rin mga mapagkukuhanan ng
impormasyon upang matulungan ang mga tao na umaasa sa mga pribadong balon sa pagkuha ng kanilang iniinom na tubig.

Una sa lahat, ang EPA ay may impormasyon sa pagpoprotekta ng mga pribadong balon upang maiwasan ang kontaminasyon,
sa pagsusuri sa mga pribadong balon at pagpoprotekta sa iyong kalusugan sa https://www.epa.gov/privatewells. (Ang
Centers for Disease Control and Prevention ay nagkakaloob rin ng mga katulad na impormasyon tungkol sa mga pribadong
sistema ng tubig sa https://www.cdc.gov/healthvwater/drinking/private/index.html)

Ikalaa, kung ang mga resulta ng pagsusuri mula sa naaprubahang laboratoryo ay nagpapakita ng mga level ng PFOA, PFOS,

Gen X o PFBS, basahin ang mga abisong pangkalusugan sa PFAS ng EPA sa Questions and Answers para matutunan ang
tungkol sa mga kilos na maaari mong ikonsidera batay sa mga resulta ng iyong pagsusuri.

Ikatlo, ang State Drinking Water State Revolving Loan Fund na mga programa ay maaaring makapagkaloob ng pagpopondo sa
mga sambahayan na pinaglilingkuran ng mga pribadong balon para makakonekta sa isang sistema ng iniinom na tubig, o para
makagawa ng bagong sistema sa iniinom na tubig na maaaring sumailalim sa mga requirement para sa Safe Drinking Water
Act. Ang mga pondo ng SRF ay magagamit ng mga estado para makapagkaloob ng pagsusuri sa kalidad ng tubig sa
sambahayan para sa mga PFAS na ito kung saan may layunin na kumonekta sa isang pampublikong sistema ng tubig, o para
makabuo ng isang bago, at para makapagkaloob ng pansamantalang household o point-of-use na mga filter hanggang
maitatag ang pampublikong sistema sa tubig. Para sa karagdagang impormasyon sa mga programa sa pagpopondo na ito,
mangyaring bumisita sa www.epa.gov/infrastructure.

Pahina 3


-------
Ang pamantayan ng aking estado sa iniinom na tubig kung may PFAS ay mas mataas kaysa sa
mungkahing ito, ligtas ba ang aking tubig?

Ang mungkahing ito ay batay sa pinakahuling science at kung makumpleto, kailangang magtatag ang mga estado ng mga
pamantayan na kasing higpit ng pederal na tuntunin. Sa interim, ang kasalukuyang EPA ay may Mga Abisong Pangkalusugan
na nakatakda na kumikilos bilang gabay sa mga estado at

mga sistema ng tubig. Ang 2022 lifetime health advisory levels ng EPA ay kumakatawan sa concentration ng indibiduwal na
mga PFAS (PFOA, PFOS, GenX Chemicals, atPFBS) sa iniinom na tubig na mas mababa sa mga salungat na epektong
pangkalusugan na hindi inaasahang mangyayari sa buong ikatatagal ng buhay. Mahalagang tandaan na maraming mga estad
at utility ang kumikilos na para mabawasan ang PFAS sa tubig, at ang mas kaunting PFAS ay mas mabuti sa buong ikabubuhay.

Kung nakukuha mo ang iyong tubig mula sa sistema ng iniinom na tubig, makipag-ugnayan sa iyong lokal na water utility
para malaman kung paano nila natutugunan ang PFAS at hilingin rin mula sa kanila na suriin ang tubig para sa PFAS o
magbahagi ng impormasyon sa iyo kung nasuri na nila ang tubig. TALA: Ang ilang mga pampublikong sistema ng iniinom na
tubig ay maaaring walang ganitong impormasyon. Kung piliin mong ikaw mismo ang sumuri sa tubig, mahalagang gamitin
ang may sertipiko mula sa estado na laboratoryo gamit ang mga paraan ng pagsusuri na na-develop ng EPA. Tiyakin sa
programa sa iniinom na tubig sa iyong estado para makita kung sila ay may ipinalabas na patnubay o mga pamantayan para
sa PFAS sa iyong estado at ano ang mga kilos na inirerekumenda nila o kailangan nila kapag may kontaminasyon ng PFAS.

Kung ang iyong estado ay walang mga pamantayan o patnubay para sa PFAS basahin ang Health Advisory levels ng EPA para
sa ilang partikular na PFAS para makuha ang payo ng EPA hinggil sa mga PFAS sa iniinom na tubig. Maaari mo rin ikonsidera
ang pagkakabit ng water treatment sa bahay (hal. mga filter) na may sertipiko upang mapababa ang mga level ng PFAS sa
iyong tubig. Alamin ang tungkol sa certified na in-home water treatment filters.

Upang lubos pang matutunan ang tungkol sa PFAS at mga hakbang na maaaring magawa para mabawasan ang mga
panganib: www.epa.gov/pfas/meaningful-and- achievable-steps-vou-can-take-reduce-vour-risk

Ito ay isang namungkahing tuntunin para mabigyang komento ng publiko. Hindi nito kailangan ng anumang mga kilos para sa
mga sistema ng iniinom na tubig hangga't ang EPA ay may pagkakataon na makonsidera ang input ng publiko at nakumpleto
na ang tuntunin. Sa sandaling ang tuntunin ay nakumpleto na, ang mga sistema ng tubig ay hindi hinihiling para makatugon
sa mga MCL hangga't makalipas ang isang natiyak na takdang panahon ng pagpapatupad. Inaasahan ng EPA ang
pagkukumpleto sa tuntunin sa pagtatapos ng 2023.

Karagdagang Background

Ano ang mga MCLG at MCL?

Ang MCLGs ay mga di mapapatupad na layunin para sa kalusugan ng publiko. Ikinokonsidera lang ng mga MCLG ang
pampublikong kalusugan, hindi ang mga limitasyon sa pagtutuklas at paggagamot ng bisa ng teknolohiya. Samakatuwid, ang
mga ito ay minsang natatakda sa mga level na kung saan ang mga sistema ng tubig ay hindi natutugunan dahil sa mga
limitasyon sa teknolohiya. Halimbawa, kung ang isang contaminant ay kilala o marahil na carcinogen, itinatakda ang EPA ng
MCLG sa 0. Ikinokonsidera rin ng mga MCLG ang mga salungat na panganib sa kalusugan sa mga sensitibong grupo, kasama
na ang mga sanggol, mga bata, mga mas nakatatanda, at mga indibiduwal na immuno-compromised. Sa sandaling naitatag na
ang MCLG, tinitiyak ng EPA ang MCL. Ang mga MCL ay mga napapatupad na pamantayan. Ang MCL ay ang maximum level ng
contaminant na pinapahintulutan sa iniinom na tubig na maaaring madala sa mga gumagamit ng pampublikong sistema ng
tubig. Para sa mungkahing tuntunin na ito, tinatasa ng EPA ang mga available na pamamaraan at mga teknolohiya sa
paggagamot, na ipinapakitang sumusukat at nag-aalis sa anim na PFAS na ito at nagtatakda ng namungkahing mga MCL na
nalalapit sa posibleng mga MCLG hangga't posible. Tinasa rin ng EPA ang mga gastusin at mga benepisyo sa pagpapasya ng
namungkahing mga MCL.

Ano ang Hazard Index?

Ang Hazard Index ay isang tool na ginamit para matasa ang mga panganib sa kalusugan ng patuloy na pagkakalantad sa mga
mixture ng mga nauugnay na kemikal. Para maiwasan ang mga panganib sa kalusugan mula sa mga mixture ng ilang mga
PFAS sa iniinom na tubig, ang EPA ay nagmumungkahi sa mga sistema ng tubig na gamitin ang Hazard Index na ito para
mapamahalaan ang PFHxS, GenX Chemicals, PFNA, at PFBS. Para matiyak ang Hazard Index para sa apat na PFAS na ito, ang
mga sistema ng tubig ay dapat na magbantay at ipagkumpara ang dami ng bawat PFAS sa iniinom na tubig sa nauugnay
ditong Health- Based Water Concentration (HBWC), na ang antas na kung saan walang mga epektong pangkalusugan ang
inaasahan para sa nasabing PFAS.

Pahina 4


-------
Ang mga sistema ng tubig ay magdadagdag rin ng mga value ng pagkukumpara sa bawat PFAS na nakita sa mixture. Kung ang
value ay mas mataas sa 1.0, ito ay higit sa namungkahing Hazard Index MCL para sa apat na PFAS na ito. Para sa bawat gamit,
nilalayon ng EPA na makapagbigay sa mga sistema ng tubig ng web based form na awtomatikong kukuwenta sa Hazard Index.
Ang karagdagang impormasyon sa Hazard Index, kasama na ang halimbawa kung paano ito makukuwenta, ay matatagpuan
sa mungkahing tuntunin sa: www.epa.gov/sdwa/and-polvfluoroalkvl-substances-pfas.

Ano ang PFAS at Ano ang Mga Epekto sa Kalusugan nito?

May libo-libong iba't ibang PFAS, at matatagpuan ang mga ito sa maraming iba't ibang consumer, commercial, at industrial na
mga produkto. Ang PFAS ay maaaring mahalo sa kapaligiran sa pamamagitan ng maraming iba't ibang mga pinagmumulan at
dahil ang mga ito ay dahan-dahan na masisira, ang mga concentration ng PFAS ay maaaring maipon sa mga tao, hayop, at sa
kapaligiran lumaon at maaaring makaabot sa mga pinagkukuhanan ng tubig na inaasahan ng maraming mga komunidad para
sa iniinom na tubig.

Alam na natin ngayon na ang ilang mga PFAS ay maaaring magdulot ng malulubhang problema sa kalusugan kung ikaw ay
malantad sa mga ito - kahit na sa mga mababang levels - sa loob ng matagal na panahon. Ang iniinom na tubig ay isa sa
maraming mga paraan kung saan maaaring malantad ang mga tao sa PFAS at ang pagbabawas ng PFAS sa iniinom na tubig ay
nakakatulng na makabawas sa mga panganib sa kalusugan na may kaugnayan sa PFAS. Ang pagkakalantad sa PFAS,
minumungkahi ng EPA na ang pamamahala ay makakapagpataas sa mga panganib ng maraming iba't ibang mga epekto sa
kalusugan, kasama na ang:

•	Mga reproductive na epekto tulad ng tumaas na presyon ng dugo sa mga buntis

•	Developmental na epekto o pagkakahuli sa mga bata, kasama ang mababang timbang sa pagkapanganak, pag-
iiba ng buto, o mga pagbabago sa pag-uugali

•	Ang tumaas na panganib ng ilang mga uri ng kanser, kasama na ang kidney at testicular cancer

•	Ang nabawasang kakayahan ng resistensya ng katawan na malabanan ang mga impeksyon, kasama ang nabawasang bisa ng
bakuna

•	Ang pagsasagabal sa likas na hormones ng katawan, kasama na ang thyroid hormones

•	Tumaas na level ng cholesterol

•	Pinsala sa atay

Ano Pa ang Ginagawa ng EPA para Mapahinto ang Polusyon ng PFAS at Para Maprotektahan ang Mga Komunidad?

Nagpalabas ang EPA ng PFAS Strategic Roadmap noong Oktubre 2021 at kumilos para mabawasan ang paghalo ng PFAS sa
ating mga iniinom na tubig, sa isda at sa paglalangoy; bigyang pananagutan ang mga polluter; at pabilisin ang pananaliksik na
makakatulong sa EPA at iba pang mga agency sa mga pagkilos sa hinaharap. Ang EPA ay nangangako na magsagawa ng mas
malalawak na kilos para makatulong na mabawasan ang pagkakalantad ng mga American sa PFAS, kasama na ang:

•	Pagbabantay sa libo-libong iniinom na sistema sa iniinom na tubig sa buong bansa para sa dose-dosenang PFAS;

•	Pagsasagawa ng panghuling kilos sa proposal para makapagtalaga ng dalawang PFAS bilang "mapanganib na mga substance"
para makatulong sa pagbibigay pananagutan

sa mga polluter;

•	Pagbibigay limitasyon sa mga discharge ng PFAS sa ating mga waterway sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Clean Water Act
standards; at

•	Pagwawakas sa chemical data at mga tuntunin sa kaligtasan na magpapalawak sa ating kaalaman tungkol sa
PFAS, mapahintulutan tayo na kumilos ng mas mabilis at ng may estratehiya, at mabigyang limitasyon ang
legacy PFAS mula sa pagkakagawa muli.

Para lubos pang matutunan ang tungkol sa
namungkahing tuntunin, mangyari lamang bumisita sa
www.epa.gov/sdwa/and-polvfluoroalkvl-substances-pfas

Pahina 5


-------