&EPA United States Office of Land & Emergency Management Environmental Protection 2/1/2020 Agency Additional Proposed Revisions to the Coal Combustion Residuals (CCR) Rule Kasaysayan Noong Abril 2015, ipinahayag sa media ng U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ang isang komprehensibong set ng mga kahilingan para sa pamamahalang coal combustion residuals (CCR) sa mga landfill at mga impoundment. Kabilang sa CCR ang iba't ibang mga daluyan ng itinapon, tiyak na dito ang ash (abo), bottom ash, boiler slag, at flue gas desulfurization na materyal na likha mula sa utility na gamit ang kuryenteng pinapagana ng coal; na karaniwang kilala bilang coal ash. Ang tuntunin ng taong 2015 na itinatag ng kilos ng pagwawasto, pagsasara ang gawain makalipas ang pagsasara, mga pamantayang teknikal, at inspeksyon, mga kahilingan sa pagbabantay, pagtatabi ng mga rekord at pag-uulat. Ano ang Hihilingin sa Proposal sa Pebrero 2020 ? Habang ang mga pangunahing proteksyon at kahilingan ng mga tuntunin ng 2015 ay nananatili ayon sa pagkakatakda ng mga ito, ang EPA ay nakikipagtrabaho sa ilang mga regulatory proposal na magpatupad ng mga bagong kahilingan sa ilalim ng Water Infrastructure Improvements for the Nation (WMN) Act, sumagot sa mga petisyon, tugunan ang mga litigasyon, at tiyakin ang mas maayos na pagpapatupad sa pamamagitan ng paggamit ng mga natutunan mula sa nakaraan. Iminumungkahi ng EPA ang apat na pangunahing mga pagbabago sa kilos na ito: Sa Utility Solid Waste Activities Group (USWAGetal. v. EPA (Aug. 21, 2018), ibinaligtad ng D.C. Circuit of Appeals ang ilang mga kundisyon ng tuntunin para sa taong 2015 ng EPA at ibinalik sa ahensya ang ilang mga prebisyon. Gayunman, ang mga tuntunin na naitakda mula noong 2015 para matuklasan at magsuri, at gawan ng lunas, ay nakaka-apekto sa groundwater mula sa CCR sa mga surface impoundment at landfill na ipinapatupad ayon sa mga orihinal na schedule ng mga ito at hindi binabago. ¦ Ang mga pamamaraan para pahintulutan ang isang limitadong bilang ng mga pasilidad para magpatuloy sa paggamit ng alternatibong mga liner sa kasalukuyang mga coal ash surface impoundment kung mapapatunayan nila sa EPA o sa isang kalahok na state director na ang unit ay hindi salungat na makaka-apekto sa groundwater, kalusugan ng tao, o sa kapaligiran. Ang pagbabagong ito ay magpapahintulot sa mga pasilidad na gamitin ang groundwater monitoring data mula sa kanilangsite para maipakita na ang disenyo ng isang partikular na surface impoundment ay katumbas ng composite ------- liner system na kinakailangan sa kasalukuyang mga regulasyon. ¦ Ang mga kondisyon kung saan ang coal ash ay magagamit sa pagsasara ng mga landfill at mga surface impoundment. ¦ Ang karagdagang mga pagsasara na tadhana para sa mga unit kung saan inaalis ang mga coal ash na hindi makakapagpakumpleto sa pangwastong kilos sa groundwater sa oras na ang lahat ng iba pang mga pagsasara sa pamamagitan ng mga aktibidad sa pag- aalis ay nakumpleto na. Sa ilalim ng bagong tadhanang ito, ang pagbibigay lunas sa groundwater ay dapat pa rin magpatuloy hanggang ang mga pamantayan para sa proteksyon ng groundwater ay natamo sa panahon makalipas ang pagsasara. ¦ Isang pagsusog sa abiso ng nilalayon para isara ang kahilingan na isama ang petsa nang nagsimula ang pagsasara ng pasilidad at taunang ulat sa progreso ng pagsasara. Ang tadhanang ito ay nilalayon na isara ang time gap sa naulat na impormasyon at mapalawak ang kalinawan. Ang EPA ay tatanggap ng mga komento mula sa publiko sa namungkahing mga pagbabago ng 45 araw sa sandaling ang tuntunin ay nalathala sa Federal Register saRegulations.gov. Ang EPA ay magsasagawa ng isang pampublikong pagdinig tungkol sa iminungkahing patakaran. Karagdagang Impormasyon sa Background Bilang resulta ng pagpapatupad ng mga pamantayan ng tuntunin sa taog 2015, ang karamihan sa mga kasalukuyang impoundment ay nasa daan patungo sa paghihinto ng pagtatanggap ng coal ash at pagsasara. Ang pangunahing mga proteksyon na ipinagkakaloob sa tuntunin ng 2015 ay naitakda na at mananatiling hindi nababago para matiyak ang pagpapakaunti ng panganib sa pagpapalabas ng mga contaminant sa groundwater, pagbubuga ng mga contaminant sa hangin bilang alikabok, at nagdudulot sakunang kabiguan na magsagawa ng mga coal ash surface impoundment. Ang mga kahilingan ng taong 2015 para sa inspeksyon ng pasilidad, pagbabantay, pagtatabi ng mga rekord at pag-uulat ay mananatili rin na di nababago. Ang mga pasilidad na namamahala sa coal ash ay hinihiling na magbantay sa groundwater, i- ulat sa publiko ang data, at magsagawa ng mga pangwastong kilos para matugunan ang mga paglalampas sa mga pamantayan para sa proteksyon ng groundwater, kabilang ang iba pang mga kahilingan. Walang mga extension para sa alinman sa mga obligasyong ito o sa pagpapatupad ng mga ito. Saan Ako Makakahanap ng Mas Maraming Impormasyon sa Proposal na Ito? ¦ Ang impormasyon tungkol sa namungkahing tuntunin ay available sa: www.epa.gov/coalash/coal-ash-rule ¦ Ang impormasyon sa coal ash ay available sa: www.epa.gov/coalash ¦ Ang EPA ay magsasagawa ng isang virtual na pampublikong pagdinig tungkol sa iminungkahing patakaran. Ang mga karagdagang detalye sa pampublikong pagdinig ay ipapahayag sa website ng CCR ng EPA: www.epa.gov/coalash ------- ¦ Para sa impormasyon kung paano mag- sumite ng mga komento, makipag- ugnayan kay Jesse Miller sa: miller.jesse@epa.gov o sa pamamagitan ngtelepono sa (703) 308-1180. ¦ Para sa mga Press Inquiry, mangyaring makipag-ugnayan sa: press@epa.gov. ------- |