oEPA

Challenge para sa Malinis na Hangin sa Mga Cusali

U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY	MARSO 2022

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng mga pangunahing panuntunan at mga pangkalahatang kilos na inirerekumenda
para mapahusay ang indoor air qualit (IAQ) sa mga gusali at mabawasan ang panganib ng airborne na pagkalat ng mga
virus at iba pang mga contaminant. Ang mga kilos na ito, pati na rin ang technical na tulong at tools na ipinagkakaloob sa
pamamagitan ng mga link, ay nilalayon na suportahan ang mga may-ari at mga operator ng gusali, at pati na rin ang mga
leader ng organisasyon at ng mga taong nagdedeisyon, para mapatupad ang ventilation at iba pang mga pagpapahusay sa
IAQ.

Ang mga nakakahawang sakit tulad ng CO VID-19 ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng paglanghap ng mga airborne na
particle at aerosol. Dagdag pa sa ibang mga estratehiya ng pag-iwas, ang pagkilos para mapahusay ang IAQ ay maaaring
magpabawas sa panganib ng pagkakalantad sa mga particle, mga aerosol, at iba pang mga contaminant, at mapahusay ang
kalusugan ng mga namamalagi sa gusali. Wala sa mga kilos na ito ang ganap na magtatanggal sa panganib, at ang mga may-
ari ng gusali at ang mga operator ay maaaring di kailangan o di kayang gawin ang lahat ng mga gawain na nakalista sa ibaba.
Ang pinakamabuting kombinasyon ng mga kilos para sa gusali ay nag-iiba iba ayon sa espasyo at lokasyon. Kapag
nagpapasya kung aling mga kilos ang dapat gawin para makatulong na maprotektahan ang mga namamalagi dito, dapat
ikonsdera ng mga may-ari ng gusali at operator, halimbawa, ang gabay para sa pampublikong kalusugan, sino at gaano
karaming mga tao ang nasa gusali, ang mga aktibidad sa loob ng gusali, at kalidad ng hangin sa labas, klima, mga kalagayan
ng panahon, at ang nakakabit na heating, ventilation, at air conditioning (HVAC) equipment. Ang ilang mga kilos ay
maaaring magpalakas sa konsumo ng enerhiya at maaaring mas angkop bilang mga pansamantalang hakbang kapag mas
mataas ang posibilidad na mahawa sa sakit. Dapat kumuha ang mga may-ari at operator ng mga eksperto, mga manager para
sa pasilidad, at iba pang mga dalubhasa, sanay at/o certified sa trabaho ng HVAC para makapag-develop at magpatupad ng
mga piano na mapahusay ang IAQ at mapamahalaan ang daloy ng hangin. Ang mga kilos ng bawat isa at nakabalangkas na
mga estratehiya sa pag-iiwas ay nananatiling mga mahahalagang hakbang para mabawas ang pagkalat ng mga virus,

Ang American Rescue Plan at Bipartisan Infrastructure Law na mga pondo ay magagamit bilang pandagdag sa mga
pamumuhunan sa ventilation at pagpapahusay sa IAQ sa mga pampublikong setting.

1. CUMAWA NG ACTION PLAN (PLANO NG PAGKILOS) PARA SA MALINIS NA HANGIN SA
LOOBAN NG IYONG (MGA) GUSALI na tinatasa ang IAQ, mga piano para sa pag-upgrade at
pagpapahusay, at kasama ang mga inspeksyon at maintenance ng HVAC.

•	Alamin kung paano napapapasok ang malinis na hangin sa labas papasok sa gusali at nadadala sa lahat ng mga ginagamit na
espasyo. Unawain at isadokumento kung paano gumagana ang mga HVAC system para sa iyong gusali.

•	Makipagtrabaho kasama ng isang eksperto sa HVAC para matasa at mainspeksyunan ang mga system para sa ventilation,
filtration, at paglilinis ng hangin. Beripikahin sa pamamagitan ng pagtatalaga, pagsusuri, at pagbabalanse na ang mga system
sa gusali ay gumagana tulad nang pagkakalikha dito.

•	Gamitin ang iba pang mga pamamaraan para sa IAQ assessment tulad ng carbon dioxide (C02) monitors kung kinakailangan.

•	Alamin kung gaano karaming malinis na hangin (panlabas na hangin + filtered na umiikot na HVAC na hangin) ang
kinakailangan at beripikahin o sukatin ang pagpasok ng hangin sa bawat kuwarto o espasyo.

•	Tasahin kung kailangan mong pamahalaan ang direksyon ng mga daloy ng hangin sa mas nanganganib na area ng iyong
gusali (hal. sa opisina ng nars ng paaralan).

•	Gumawa ng isang IAQ action plan na may kasamang regular na mga inspeksyon at maintenance, kasama na ang
pagpapalit sa filter, at system upgrade sa HVAC o mga pagpapahusay, kung kinakailangan.

•	Suportahan ang mga tao na gumagamit o tumutulong sa gusali at sa mga air distribution system sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng patulov na edukasvon at pagsasanav (training').

&




-------
__

ao



a

ao

0

a

ao
XL

0

a

0

2. PAHUSAYIN ANC VENTILATION PARA SA SARIWANC HANCIN sa pamamagitan ng pagpapapasok at
pagpapaikot ng malinis na hangin gating sa labas para makapasok sa looban.

•	Tiyakin na ang panlabas na hanginav katanggap-tanggap ang linis o sapat ang pagkaka-filter habang pinapapasok ito sa loob ng gusali.

•	Gamitin ng maayos ang economizers, na mga aparato na nagpapadagdag sa mechanical na pagpapalamig gamit ang sariwang
hangin, para mabisa at di masyado magastos na mapalawa ang ventilation ng sariwang hangin.

•	Paganahin ang mga HVAC system sa mga oras na may mga namamalagi para matiyak na ang malinis na hangin ay nakakapasok sa
looban at napapamahagi sa kabuuan ng gusali.

•	Tiyakin na ang mga exhause fan sa mga banyo ay gumagana, at paganahin ang mga fan sa mga oras na may tao.

•	Paramihin ang malinis at galing sa labas na hangin sa mga oras na mas nanganganib (hal. sa mga oras na mas mataas ang posibilidad ng
pagkalat ng COVID-19):

•	Avusin ang HVAC settings habang ikinokonsidera ang thermal comfort, humidity, kalidad ng hangin sa labas, at paggamit ng
enerhiya.

•	Ikonsidera ang paggamit ng HVAC system para mabag ang hangin sa looban bago dumating at/o alisin
ang mga natitirang particle sa pagwawakas ng araw (hal. 1-2 oras bago/makalipas na may namalagi sa
gusali), kung kinakailangan.

•	Tiyakin sa isang eksperto sa HVAC para maunawaan ang maximum na panlabas na hangin na masusuportahan sa iyong system.

•	Buksan ang mga gumaganang bintana, dahil ang lagay ng panahon, kalidad ng hangin sa labas, kaligtasan ng taong namamalagi, at
HVAC systems permit. Hanggang sa posibleng masasaklawan, paganahin ang cross ventilation sa pamamagitan ng pagbubukas ng
mga bintana at pinto sa magkabilang parte ng kuwarto o gusali. (Tala: Ang pagbubuas ng mga bintana habang gumagana ang HVAC

3.	PAHUSAYIN ANC FILTRATION NG HANCIN AT PACLILINIS gamit ang central HVAC system at in-
room na mga air cleaning device.

systems ay maaaring magpataas sa mga gastusin sa enerhiya o mapasimulan ang iba pang mga contaminant ng hangin.)

•	Magkabit ng tamang sukat na MERV-13 air filters o ang pinakamataas na may rate na MERV filter na maaaring gamitin sa HVAC system.

•	Isara ang anumang mga puwang sa palibot ng mga air filter para mapakaunti ang hangin na umiikot sa palibot nito sa halip na dumaan sa
loob nito.

•	Gumamit ng portable air cleaners para maparami ang dami ng naglilinis ng hangin sa mga lugar kung saan maaaring di sapat ang daloy
ng hangin at central filtration:

•	Pumili ng mga device na angkop ang laki para sa espasvo na paggagamitan ang mga ito. Ikonsidera ang mga produkto
na certified ng ENERGY STAR. Kung isinasaalang-alang rin ang ingay ng produkto, maghanap ng isang produkto na
may pinakamababang mga inaasahan na level ng tunog.

•	Bilang isang pansamantalang hakbang, may mga magagawa rin na mag-isa na air cleaner na gawa sa mga HVAC filter at box fan.

•	Pabutihin ang ventilation at/o filtration sa mga area na may mas mataas na emission ng mga nasa hangin na particle at
aerosol (hal. mga gym, cafeteria, o choir/music room sa mga paaralan). Maaari kang gumawa ng mga pag-aayos sa mga
area na ito sa pamamagitan ng:

•	Ang pagpaparami sa volume ng malinis at nadadalang hangin na galing sa looban para pumasok sa looban.

•	Paggamit ng mga portable air cleaner.

•	Pagtatakda ng mga extra na exhaust ventilation para malipat ang hangin ng direkta palabas.

•	Ikonsidera ang upper-room Ultraviolet Germicidal Irradiation fUVGI) system para linisin ang hangin. (Ang UVGI systems ay
nangangailangan ng professional na disenyo at pagkakabit, kaya't kumonsulta sa mga eksperto.)

4.	CAWING BAHACI ANC IYONG KOMNIDAD SA IYONG ACTION PLAN sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa mga namamalagi sa gusali, pananagutan at paglalahok sa pagpapahusay sa
kalidad ng hangin sa looban at mga kahihinatnan ng kalusugan.

•	Sabihin sa mga naaapektuhang tao (hal. mga namamalagi sa gusali, mga manggagawa, mga estudyante, mga guro, at magulang)
tungkol sa mga hakbang sa pagkilos faction steps) na gagawin mo para mapahusay ang kalidad ng hangin at mabawasan ang
paghahawa ng sakit sa iyong gusali.

•	Ipakita ang mga nagawa mo sa pamamagitan ng pamumuno ng isang paglalakad sa kabuuan ng gusali, pagpapaskil ng mga
naglalarawang karatula, o paglalagay sa social media. Ipakita ang kahalagahan ng bawat isang ginawa para matiyak na ang
operasyon ng pasilidad ay pinakamahusay (hal. pinananatiling malinis mula sa dumi ang mga ventilation system).

•	Magbigay ng mga pamamaraan para magbigay ng feedback tulad ng mga maintenance request para makilala ang mga tiyak na isyu


-------
sa pag-aayos at mga survey para makapaglikom ng mga pananaw mula sa iyong komunidad.

• Tandaan na ang mga mga indibiduwal na kilos at naayos na mga estratehiya sa pag-iiwas ay nananatiling mahahalagang
pamamaraan laban sa pagkalat ng mga virus tulad ng COVID-19.


-------
MGA KARAGDAGANG MAKUKUNAN NG IMPORMASYON ATTULONG

Mga Mapagkukuhanan ng
Impormasyon atTulong para sa
Malinis na Hangin sa Looban

Kalidad ng Hangin sa looban

https://www.epa.gov/indoor-air-quality-iaq

Indoor Air and Coronavirus (COVID-19)

https://www.epa.gov/coronavirus/indoor-air-and-corona-
virus-covid-19

Ventilation and Coronavirus (COVID-19)

https://www.epa.gov/coronavirus/ventilation-and-corona-
virus-covid-19

Mga Air Cleaner, HVAC Filter, at Coronavirus
(COVID-19)

https://www.epa.gov/coronavirus/air-cleaners-hvac-fil- ters-
and-coronavirus-covid-19

Interactive Ventilation Tool

https: //www.cdc. gov/cor onavirus/2019-
ncov/prevent-get- ting-sick/interactive-ventilation-
tool.html

Mapagkukuhanan ng Impormasyon para sa Mga
Siyentipikong Natuklasan hinggil sa Kalidad ng
Panloob na Hangin

https://iaqscience.lbl. gov/

Ventilation sa Mga Gusali

Ventilation sa Mga Gusali I CDC

Ventilation sa Lugar ng Trabaho

https: //www.osha. gov/ventilation

Pagpapahusay ng Ventilation sa Looban habang
Malamig ang Panahon

https://www.osha.gov/sites/default/files/publications
/ OSHA4172.pdf

Patnubay sa COVID-19 Guidance sa Ventilation sa
Lugar ng Trabaho

https: //www, osha. gov/sites/def ault/files/publications
/ OSHA41Q3.pdf

ASHRAE Epidemic Task Force, Core
Recommendations

https://www.ashrae.org/file%201ibrary/technical%20
airborne-infectious-aerosol-
exposure.pdfresources/covid-19/core-
recommendations-for-reduc-ing-

Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon atTulong sa
Mga Paaralan

Paglilikha ng Mabuti sa Kalusugan na Kalidad ng Panloob na
Hangin sa Mga Paaralan

https://www.epa. gov/iaq-schools

Efficient and Healthy Schools Campaign

https: //ef ficienthealthv schools .lbl. gov/

Efficient and Healthy Schools Website

https://www.energy.gov/eere/buildings/efficien
t-and- healthy-schools

ASHRAE Epidemic Task Force Guidance for
Schools and Universities

https: //www. ashr ae. or g/f ile%201ibr arv/technical%20
re- sources/covid-19/ashrae-reopening-schools-and-
universi- ties-cl9-guidance.pdf

Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at
Tulong para sa Mga Professional sa Gusali

Indoor Air Quality Master Class Professional Training
Webinar Series

https://www.epa.gov/iaq-schools/indoor-air-
qualitv-mas- ter-class-professional-training-
webinar-series

Kalidad ng Hangin sa Looban ng Mga
Opisina at Iba pang Malalaking Mga Gusali

https://www.epa. gov/indoor-air-quality-
iaq/in- door-air-quality-offices-and-other-
large-buildings

Better Buildings Resource Center: Operation ng Mga
Gusali sa panahon ng COVID-19

https://betterbuildingssolutioncenter.energy.gov/covidl9

Gabay sa Kalidad ng Panloob na Hangin ng ASHRAE

https: //ashr ae. or g/iaq

ASHRAE Epidemic Task Force Guidance for
Commercial Buildings

https: //www. ashr ae. or g/f ile%201ibr arv/technical
%20re- sources/covid-19/ashrae-commercial-cl9-
guidance.pdf


-------