U.S. EPA Office of Research and Development (ORD) Board of Scientific Counselors (BOSC) Executive Committee (Supplemented) Virtual Meeting: Hulyo 6, 2021 Mga Pangunahing Tanong: Mga Hadlang sa Pagpapasulong sa Pagkakapantay-pantay ng Lahi at Suporta para sa Di Masyado Napaglilingkurang Mga Komunidad Noong Enero 20, 2021, si President Biden ay nagpalabas ng Executive Order 13985: Advancing Racial Equity and Support for Underserved Communities Through the Federal Government. Hangad ng Executiive Order na mapahusay ang makatarungang pamamahagi ng mga Pederal na goods at serbisyo sa nahihirapang komunidad hanggang sa ngayon, lalo na ang mga tao na ibang lahi at at mga di masyado napaglilingkuran na grupo. Kabilang sa mga ito ang mga relihiyosong komunidad, mga kasali sa LGBTQ, mga may kapansanan, mga tao sa rural na lugar, at iyong nasa matinding kahirapan. Narepaso ng mga ahensya ang mga programa at patakaran para matasa kung ang mga di masyado napaglilingkuran na komunidad at ang mga miyembro nito ay nahaharap sa mga systemic barrier para ma-access ang mga benepisyo at oportunidad na available alinsunod sa mga nasabing patakaran at programa. Ikinokonsidera ng EPA ang "Research and Community Science" para maging isang pederal na serbisyo at benepisyo para ma-evaluate sa ilalim ng Executive Order na ito. Ang iba pang mga benepisyo at serbisyo ng EPA sa ilalim ng evaluation ay kinabibilangan ng pagtatalaga ng mga tuntunin at pagbibigay pahintulot, pagkokolekta ng data, pagiging bahagi bilang stakeholder at komunidad, mga grant at financing, at mga kontrata. Ang workgroup para sa evaluation ng mga hadlang sa "Research and Community Service" ay nagpatupad at nilinaw ang mga depinisyon para sa aktibidad na ito, at isinagawa ang lahat ng mga paunang evaluation ng mga hadlang batay sa mga pananaw ng iba't ibang mga stakeholder na nauugnay sa research. Hangad naming ayusin ang paunang evaluation gamit ang iyong input. Ang pinakamahalaga, tulad ng ipinapakita sa mga sumusunod na tanong, ang kahulugan ng "research" ay may kaugnayan sa mga aktibidad na isinagawa o sponsored ng EPA, at sumasailalim sa nauugnay na mga patakaran at kalidad sa science ng EPA at mga standard ng peer review, atbp. Nangangahulugan naman ang "community science" dito bilang research at science na isinasagawa ng komunidad at/o ikatlong panig sa ngalan nila para makapagdesisyon ng tama ayon sa nalikom na impormasyon, ay hindi obligado sa mga patakaran at pamantayan ng EPA. Ang paunang evaluation ng mga hadlang sa pagkakapare-pareho ay magsisilbi bilang pauna sa hinihiling na mga piano ng Agency, sa loob ng isang taon, para matugunan ang mga natitiyak na hadlang ng hanap at patas na pagsali sa "Research and Community Science." Samakatuwid, ang paunang tanong sa BOSC ay limitado sa mga hadlang na aspekto ng Executive Order. Papasimulan ng EPA ang mga karagdagang round ng konsultasyon habang tayo ay sumusulong para matugunan ang mga nakilalang hadlang at magplano ng mga nauugnay na aktibidad sa research sa katapusan ng taon. Ang mga aktibidad para sa pagpapatupad na ito ay marahil na kinabibilangan ng inter alia, ang pagpapalawak ng equity/environmental justice na konsiderasyon sa kalahatan ng mga research portfolio ng ORD, ------- napahusay na mga pamamaraan para makasali ang komunidad, pinagsama-samang mga pamamaraan hinggil sa panganib. PangunahingTanong 1: Pagkakapatas sa Research Q.la: Hinggil sa pagkikilala, pagbibigay priyoridad, pagpopondo, at pagsasagawa ng intramural at extramural research ng EPA, ano ang mga kasalukuyang hadlang sa patas na distribusyon ng mga benepisyo at serbisyo ng research ng EPA sa mga tao na iba ang lahi at mga di napaglilingkuran na komunidad? Q.lb: Batay sa pagkakapamilyar sa mga research program at kadalubhasaan ng manggagawa ng ORD, aling structural, cultural, at/o iba pang mga hadlang ang dapat malampasan para lubos na mapahusay ang kakayahan ng organisasyon para makapagsagawa ng research na pinakamahalaga at pinakamagagamit ng mga taong may ibang lahi at komunidad na pinakanangangailangan nito? Pangunahing Tanong 2: Community Science Q.2: Ano ang mga scientific, cultural, structural, at iba pang mga hadlang na kailangang tugunan para mapadali ang paggamit ng community science para mapasulong ang mga layunin sa pakikitungo ng patas sa pagdedesisyon, kasama na ang mga hadlang sa patas na access ng mga pananaw mula sa mga komunidad at ang paggamit ng data ng komunidad (qualitative at quantitative) sa iba't ibang antas ng pamahalaan, mula sa lokal, hanggang sa estado at Pederal. Ano-ano ang mga hadlang na kailangang malampasan para mapalawak ang pagtanggap ng mga organisasyon ng gobyerno sa pagkokonsidera sa community science sa kanilang pagdedesiyon? ------- |