PAGLILINIS AT PAG-DISINFECT Plnakamabutlng Pamamalakad Habang Nagaganap ang CO VIP-19 Pandemic Mabutlng Ideya Sundin ang Mga Patnubay ng CDC, ng Estado, at Lokal na Pampublikong Kalusugan Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang COVID-19 ay pangunahing nakakalat sa hangin. Ang panganib na mahawa ng virus sa pamamagitan ng paghipo na nakontaminang surface ay sinasabing mababa lang. Linisin ang mga Surface gamit ang Sabon at Tubig Ang normal na gawi sa paglilinis gamit ang sabon at tubig ay magpapababa sa panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga germs at dumi mula sa mga surface. Sa karamihang mga situwasyon, ang paglilinis ay sapat na para makabawas sa panganib. V Gumamit ng Mga Nakarehistro sa EPA na disinfectant Ayon sa Mga Direksyon sa Etiketa Mas napapababa ng mga disinfectant ang panganib ng pagkalahat ng COVID- 19 sa pamamagitan ng paggamit ng mga kemikal para patayin ang germs. Gumamit ng mga disinfectant sa mga surface na madalas nahahawakan kapag alam mo o may hinala ka na may kasama ka na may sakit ng COVID-19. Mag-lngat Mag-ingat sa Paggamit ng Mga Disinfectant Kapag May Mga Taong May Hika na Malapit Maaari din mapasimulan ng mga disinfectant ang atake ng hika. Kung ikaw ay may hika, maaaring kailangan mong dagdagan ang pag- iingat tulad ng pag-iwas sa mga lugar kung saan naglilinis at gumagamit ng disinfectant o siguraduhin na ang lugar ay may maayos na bentilasyon. / Mag-ingat sa Fogging, Fumigating, at Malalaking area o Electrostatic Spraying Tiyakin na may kasamang mga direksyon sa etiketa ng iyong producto para sa pamamaraan ng paggamit. Sundin ang lahat ng mga direksyon, kasama na ang mga pag- iingat. Kung hindi nakasaad sa produkto ang mga pamamaraan sa paggamot, maaaring maging mapanganib o di mabisa ang paggamit mo dito. Mag-ingat Sa Mga UV Lights o Ozone Generators \ Ang UV lights o ozone generators ay maaaring mapanganib o di mabisa. Hindi mapapatotohanan ng EPA kung o kailan ito naaangkop ang mga device na ito para gamitin. Basahin ang gabay sa: go.usa.gov/xHckJ Huwag Gawln Huwag Hilingin Mula sa Mga Bata o Estudyante na Gamitin ang Mga Disinfectant Matatapang na kagamitan ang mga disinfectant sa pagkontrol sa pagkalat ng sakit, at maaaring makasama ito sa kalusugan ng bata kung gamitin o kung mali ang pagtatabi. Ang mga bata at estudyante ay hindi dapat gumamit ng ma disinfectant, at dapat itabi ang mga ito ng malayo at hindi maaabot ng mga bata. Huwag Bale Walain ang Mga Direksyon sa Etiketa 0 Kung hindi mo sundin ang mga direksyon sa etiketa, ang mga produkto ng disinfectant ay maaaring hindi mabisa o hindi ligtas. Huwag gamitin ang mga disinfectant sa balat, mga alagang hayop o pagkain. Huwag kanawin ang mga disinfectant o huwag ihalo ang mga ito sa iba pang mga kemikal maliban na ang kung nakasulat ito sa mga etiketa. Huwag isipin na kung doblehin ang dami ay mas mabisa ito. Huwag Gumamit ng Mga Di Nakarehistrong Disinfectant Kung sinasabi ng produkto na ito ay pumapatay sa SARS-CoV-2 (COVID-19), pero wala itong numero ng pagrerehistro sa EPA, maaaring hindi ito ligtas o di mabisa. Hinihiling sa ilalim ng pederal na batas na magparehistro sa EPA. r oEPA Para sa pampublikong gabay pangkalusugan ng CDC, bumisita sa: go.usa.gov/xHc8 Para sa impormasyon sa mga disinfectant, bumisita sa: epa.eov/coronavirus Abril 2021 ------- |