oEPA

United States	Office of Land & Emergency Management

Environmental Protection	2/2020

Agency

Virtual na Pampublikong Pagdinig sa
Proposal - Federal CCR Permit Program

Tungkol sa Mungkahi

Iminumungkahi ng EPA ang isang maayos, mabisa,
pinapahintulutan ng pederal na programa para sa
pagtatapon ng coal combustion residuals (CCR) sa
mga surface impoundment at landfill, na
kinabibilangan rin ng electronic na
pagpapahintulot. Kumikilos ang EPA batay sa mga
natutunan sa mga taong nakalipas sa pagkilos para
sa mga gawaing may kinalaman sa mapeligrong
basura at pagpapahintulot sa ibang mga programa
na magdisenyo ng mabisa at pederal na proseso na
pinapahintulutan ng CCR. Ang proposal na ito ay
kinabibilangan ng mga kahilingan para sa
application para sa pederal na CCR permit,
pahintulot at pagbabago, at pati na rin mga
kahilingan sa pagsasagawa ng proseso. Nais na
ipatupad ng EPA ang programa para sa permit na
ito nang direkta sa Indian Country, tulad nang
ginagawa nito sa iba pang mga programa ng
Resource Conservation and Recovery Act (RCRA), at
sa mga unit ng CCR na matatagpuan sa mga estado
na hindi nag-sumite ng sarili nilang CCR permit na
programa para maaprubahan.

Ang EPA ay tatanggap ng komento mula sa publiko
sa mga namungkahing pagbabago hanggang sa
hating gabi ng Abril 20, 2020 hanggang
https://www.regulations.gov (docket number EPA-
HQ-OLEM-2019-0361). Dagdag pa sa pagtatanggap
ng mga nakasulat na komento, ang EPA ay
magsasagawa ng isang virtual o online na
pampublikong pagdinig. Ang virtual na
pampublikong pagdinig ay magkakaloob sa mga
interesadong tao ng oportunidad na magpakita ng
impormasyon, mga komento o pananaw hinggil sa
mungkahi ng EPA.

Mga Detalye ng Virtual na Pampublikong
Pagdinig

Ang EPA ay magsasagawa ng isang virtual na
pampublikong pagdinig tungkol sa mungkahing ito
sa Miyerkules, Abril 15, 2020. Ang pagdinig ay
magsisimula sa oras na 9:00 a.m. Eastern Time (ET)
at magwawakas sa oras na 6:00 p.m. ET. Kung
kinakailangan, ang pagdinig ay maaaring mas
mahuli para mapahintulutan ang lahat na nais
magsalita.

Ang binigkas na testamento ay limitado lang sa
limang (5) minuto kada tao. Kung inaasahan ng EPA
ang maraming mga dadalo, ang itatalagang
panahon kada testamento ay maaaring paiksiin
nang hindi mas kakaunti sa tatlong (3) minuto para
mapahintulutan ang lahat na nais magbigay ng
testamento. Maaaring magtanong ang EPA ng
naglilinaw na mga tanong habang isinasagawa ang
mga ora na presentasyon, pero hindi pormal na
sasagot habang nakikinig sa mga komento o
impormasyon na ipinakita sa pagdinig. Isang
transkripsyon ng bawat salita na sinabi sa pagdinig
ay isasama sa docket para sa kilos na ito.

Tala: Huwag magpakita o magsumite sa pagdinig
ng anumang impormasyon na ikinokonsidera
ninyong kompidensyal na impormasyong pang-
negosyo o iba pang impormasyon na ang
pagsisiwalat ay ipinagbabawal ayon sa batas.

Pagrerehistro

Magrehistro para makadalo sa virtual na
pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng


-------
GoToWebinar na pagrerehistro mula dito:

https://attendee.gotowebinar.com/register/32808

95823135118604.

Kung nais ninyong magbigay ng testamento sa
pagdinig: Ang mga kahilingan para magsalita sa
pampublikong pagdinig ay dapat gawin nang hindi
lalampas sa 5:00 p.m. ET sa Lunes, Abril 13, 2020.
Ang pagpaparehistro ay nagtitiyak na may slot
kayong makapagsalita. Mangyaring ipahiwatig ang
inyong nais na time slot kapag sinusulatan ang
registration form. Ang mga dagdag na instruksyon
kug paano magsalita habang isinasagawa ang
pagdinig ay ipapadala sa email kasunod ng
pagpaparehistro.

Kung hindi kayo magparehistro sa deadline at nais
na magbigay ng oral na testamento, maaaring
pahintulutan ng EPA, kung may oras, ang ilan o
lahat ng di nakarehistrong tao na magbigay ng oral
na testamento sa pampublikong pagdinig.
Ikokonsidera ng EPA ang nasabing mga kahilingan
sa first-come, first serve na batayan habang
isinasagawa ang pagdinig kung may oras. Kailangan
ninyong magparehistro gamit ang registration form
ng GoToWebinar para makakuha ng mga
instruksyon sa pag-login at tapos ay magpadala ng
mensahe sa organiser ng pagdinig para hilingin na
makapagsalita.

Kung nais ninyong makinid sa pagdinig: Maaari
kayong magparehistro kahit kailan para makinig sa
virtual na pampublikong pagdinig. Mangyaring
magrehistro gamit ang GoToWebinar registration
form.

Mga Espesyal na Akomodasyon

Kung kailanganin ninyo ng mga serbisyo ng isang
tagasalin-wika, hinihiling namin sa inyong hilingin
ang mga serbisyong iyon gamit ang GoToWebinar
registration form nang hindi lalampas sa oras na
5:00 p.m. ET sa Miyerkules, Abril 1, 2020 para
makapaglaan ng sapat na oras para masaayos ang
nasabing mga akomodasyon.

hilingin ang mga nasabing serbisyo sa
pamamagitan ng GoToWebinar registration form
nang hindi lalampas sa 5:00 p.m. ET sa Miyerkules,
Abril 8, 2020.

Mga Tanong

Para makakuha ng impormasyon tungkol sa
namungkahing tuntunin, bumisita sa aming website
sa: https://www.epa.gov/coalash/proposed-rule-
disposal-coal-combustion-residuals-electric-
utilities-federal-ccr-permit

Mag-sumite ng mga tanong tungkol sa virtual
pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng aming
website.

https://www.epa.gov/coalash/forms/virtual-

public-hearing-proposal-federal-ccr-permit-

program#questions

Kung kailanganin ninyo ng closed captioning o iba
pang mga espesyal na akomodasyon, mangyaring


-------