Impormal na Input sa Pederal na Isinagawa ng EPA na LEP Program

Hangad ng EPA ang impormal na input mula sa publiko tungkol sa kasalukuyan nitong programa
para matiyak ang makabuluhang access sa mga taong nasa publiko na may limitadong English
proficiency (LEP) sa mga programa, mga serbisyo, at mga aktibidad ng EPA.

Noong Nobyembre 21, 2022, ipinalabas ni Attorney General Merrick B. Garland ang
"Memorandum to Improve Access to Services for People with Limited Proficiency in English."
Hinihiling sa ilalim ng memorandum na balikan ng mga pederal na agency ang kanilang mga
pamamalakad sa pag-access sa wika at mga patakaran para mapatibay ang pagiging bahagi ng
pederal na gobyerno sa mga indibiduwal na may LEP. Bilang isang resulta ng inisyatibong ito,
nirerepaso at ina-update ng EPA ang mga patakaran at pamamalakad nito.

Nais namin ang inyong input tungkol sa kasalukuyang proseso ng EPA sa pagkakaloob ng
makabuluhang access para sa mga taong nasa publiko na may limitadong English proficiency
(LEP) sa mga ginagawang programa, mga serbisyo, at mga aktibidad ng EPA. Mangyaring
magbigay ng anumang uri ng feedback

sa LanguageInterpretationTranslationRequest@epa.gov bago sumapit ang 14, 2023. Mangyaring
bumisita sa aming webpage para sa anumang katanungan: https://www.epa.gov/external-civil-
rights/assisting-people-limited-english-proficiencv

1.	Ang EPA ay kasalukuyang nagkakaloob ng makabuluhang access sa mga programa,
serbisyo, aktibidad ng EPA para sa mga komunidad na may LEP sa iyong area? Kung
hindi, paano mapapahusay ang EPA? Mangyaring sabihin sa amin ang iyong estado,
lungsod, county, area code, at pangalan ng iyong komunidad.

2.	Ano ang pinakamagagandang paraan para makipag-ugnayan sa isang komunidad sa LEP
sa iyong area? Mangyaring sabihin sa amin ang iyong estado, lungsod, county, area code,
at pangalan ng iyong komunidad.

3.	Ang EPA ay nagkaloob ba ng mga nasalin-wika na mga materyal, mga dokumeto, at
impormasyon na kailangan ng mga komunidad na may LEP upang makabuluhang
makasali sa mga aktibidad ng EPA at mga serbisyo nito? Kung hindi, mangyaring
magbigay ng mga halimbawa. Anong mga uri ng materyal ang mairerekumenda mo na
isalin-wika ng EPA para makapagkaloob ng makabuluhang access sa mga komunidad na
may LEP?

4.	Ang EPA ba ay nagbigay ng kinakailangang mga serbisyo ng interpretation ng wika para
ang taong may LEP ay maaaring makabuluhang makalahok sa mga event na sponsored
ng EPA? Kung hindi, bakit at maaari ka bang magbigay ng mga halimbawa?

5.	May iba ka pa bang mga komento kung paano mapapahusay ng EPA ang makabuluhang
access para sa mga taong may LEP sa mga programa, serbisyo at aktibidad ng EPA?


-------